Brrr! Ang lamig-lamig!

Grabe kasi talaga ang lamig ngayon at walang humpay ang pag-i-snow. Kung
noong nasa Pilipinas pa ako, ang pinapakinggan ko sa radio tuwing umaga ay kung may pasok o wala sa school dahil may bagyo o di kaya'y may baha (flood) pa rin dulot ng magdamagang pag-ulan... dito naman ay nakikinig ako sa radio para malaman kung may announcement na walang pasok dahil sa snow.
Kung noon ay nagwawalis ako sa harap ng bahay namin dahil sa mga dahon o basura na nagkalat... ngayon ay snow naman ang winawalis ko, mas madalas hindi kaya ng walis kaya pala (shovel) na ang gamit.
Magandang pagmasdan ang snow, napakaganda! Pero kung nadudulas na ako sa paglalakad at namamaluktot sa ilalim ng makapal na kumot, ay gusto ko namang maging summer na. Pag nainitan naman sa summer ay gugustuhin namang winter na... haaay buhay!
Ang mga sumusunod na naggagandahang larawan ay kuha sa Amerika noong December 2009, ng kaibigan kong si Maria. Thanks friend! ... para na rin akong nakarating sa Amerika.



3 comments:
Hello Beth kumusta na dyan! Anong temp nga pala dyan sa Germany. I just saw on tv Norway is below -40!! Wow that freezes my lungs! Here in Michigan thankfully we are just 20F at least di naman kami dumating sa below zero though dito sa state where I live we used and expect to this kind of weather. Buti nga this winter the snow came December na last year October pa nag snow na kami hayy. Anyway keep warm and take care! Regards!
Hi Manang Kim! Okay naman kami dito sa Germany, medyo nilalamig lang. Ngayon mismong nagrereply ako, ang temp ay -7°C. Last week, nangangatog talaga ako sa lamig... sa ibang parts ng Germany last week ay umabot sa -34°C. Nag-freeze nga daw ang Europe dahil kay Daisy (winter storm).
Oh my goodness talagang super lamig dyan ano ate, siguro maninigas ako kung ako ang maglalakad dyan. It's been a while since I last visited, pasensya na ate beth, masyadong busy ang nanay dito sa WV hehehe.
Post a Comment