Wednesday, September 16, 2009

Pinas Vacation 2009 Photos 1 : PASALUBONG/Balikbayan boxes

Ano o gaanong saya nga ba ang dala ng tinatawag na balikbayan box?

Ordinary na sa mga Filipinong naninirahan sa ibang bansa ang magpadala ng balikbayan box sa mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas... isa na ako doon. Sinisikap ko talagang makapagpadala ng balikbayan box every Christmas, kaya pag pumupunta ako sa Supermarket at Malls ay palagi akong tumitingin at bumibili paunti-unti para mapuno ko ang malaking kahon na pinupuno ko ng hindi lang materyal na bagay, kundi kalakip din ang pagmamahal ko sa aking pamilya... sa bawat bagay na ilagay ko sa kahon ay nakakapag-pangiti sa akin, kasi iniisip ko na lang na at least kahit nasa malayo ako ay nagagawa ko pa rin silang ipag-shopping. Enjoy naman kasi pati byenan ko ay nakikisali rin sa pagbili ng chocolates.

One month pa bago kami umuwi ng Pilipinas ay natanggap na ni Mama ang mga ipinadala kong dalawang kahon. Sinabi ko kay Mama na huwag nilang bubuksan kasi gusto kong masaksihan ang mga naririnig ko sa telepono na ingay na dulot ng kanilang halakhakan at pagkakasayahan habang nagbubukas sila ng kahon... (habang nagbubukas kasi sila ng ipinapadala ko ay nasa telepono ako at nakikinig (at nakiki-ingay na rin)). Pag nagpapadala ako ng box ay nilalagyan ko ng "tag" kung para kanino, but this time hindi ko nilagyan ng names kasi para talagang masaya at agawan. Yung mga bilin ng mga kapatid ko na perfumes, Ferrari jacket at kung anu-ano pang pahabol na bilin ay personal kong binitbit (mabait at generous din ako minsan hihihi!)

Ang pamangkin kong si Zack habang naghihintay na mabuksan ang kahon.


Ate Gie in action.


Game na!... Kanya kanya na 'toooh







"Tita, huwag nyo akong picturan... baka pag nakita ni Tito hindi na ako pasalubungan."(hinihintay rin kasi namin ang pagdating ng aming bunso ^_^)

"Yoyoy, ikaw ang tagatakbo sa kwarto nung akin ha?
"Opo Tita, basta hati tayo sa chocolates na makukuha natin ha?
(Naku po! Partner pa ang mag-tita hihihi!)


"Lugi yata ako... parang konti ang akin..."
(Haller! ikaw kaya ang may pinaka-marami kasi ang bibilis ng mga anak mong umagaw hehehe!

1 comments:

niko September 16, 2009 at 5:51 PM  

hi!

are u maribeth mendez-fey? ;)

i got ur donation po, thank you very much! God bless you more and more..

maraming maraming salamat po tlga :)

daniel's operation is scheduled on nov 24 at taiwan, pera na lng ang kulang but GOD is making a way.. heaven sent po kayo..

ingat po lagi!

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP