Thursday, July 30, 2009

We're ready to go!

All our bags are packed, we're ready to go. Go where? PHILIPPINES

Bukas pa ang flight namin, kaya ngayon ay linis dito, linis doon, linis sa kung saan-saang sulok muna... para pagbalik malinis pa rin ang bahay, naks! Sabi ko nga sa husband ko dapat palagi kaming magbabakasyon para araw-araw malinis ang bahay hihihi!

Konti lang ang bags namin kasi nauna na ang pasalubong. Nasa bahay na raw sabi ni Mama ang pinadala naming 2 balikbayan boxes. Bubuksan namin ng sabay sabay sa Sunday.

Masayang masaya rin ako kasi bukod kay mama... makikita kong muli ang other members ng 4n1. Kaming magkakapatid ay four girls and one boy, kaya ang tawag sa amin ni Mama ay 4n1. May asawa't mga anak na kaming lahat kaya pag nagkita-kita ay talaga namang ang dami! Ang litratong ito ay kuha noong January 2007, at around 6 a.m. (Mga hindi pa nagsusuklay at nagmumumog hihihi!)
Ready na akong kumain este lumamon ng kinasasabikan kong mga pagkaing Pinoy... suman, bibingka, budin, espasol, kutsinta, pansit Lukban na may vinegar, dinuguan, sinigang na bangus, isdang tulingan, pinakbet, sitsaron bulaklak, taho sa umaga, sago't gulaman... hihihi! Promise, kakainin ko lahat yan... ako pa, yakang yaka! LOL

(si Mama nang-i-inggit ng inihaw na isda)

4 comments:

marveling July 30, 2009 at 5:14 AM  

wow ate excited na rin ako para sayo.. ingat!

Manang Kim July 30, 2009 at 4:57 PM  

Hello Beth, happy trip naku I know the feeling talaga ang saya. Have a safe trip ahead God bless!

M July 30, 2009 at 7:43 PM  

hi beth, have a safe and happy trip. please say hi to your mom from me and wen. oh and paki kain nalang ng atis for me. thanks! sige, take care always.

lolit July 31, 2009 at 1:36 AM  

sis ingat kayo sa byahe, yes,keep in touch thru your blog,WELCOME HOME!

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP