Sunday, March 8, 2009

Eat Breakfast

Ang pag-aalmusal ay malimit na ipinagwawalang bahala ng marami sa atin, ang iba ay hindi kumakain ng almusal sa takot na tumaba o madagdagan ang timbang. Umaga ang pinaka-importanteng bahagi ng isang araw sa ating buhay, dito nagsisimula ang lahat. Hindi mahirap ang humarap sa hapag kainan para kumain ng almusal na gigising sa ating sistema para magkaroon ng isang makabuluhang araw. Habang tayo ay natutulog, ang ating metabolismo ay bumababa, kaya sa ating paggising kailangan ng ating katawan ang pagkain upang muling gumana ang ating metabolismo.

Ang palagi kong sinasabi sa anak ko, ay kailangan niyang kumain ng almusal upang siya ay maging handa sa pagharap sa bagong araw. Sumasang-ayon naman dito ang anak ko kasi nakikita raw niya ang ilan niyang classmates na hindi masyadong makapag-concentrate sa kanilang mga leksyon kasi kumakalam ang sikmura. Hindi naman makakain ang mga bata habang nagtuturo si teacher, kaya sa halip na sa mga aralin nakatuon ang atensyon ng mga mag-aaral, ay mas pinagtutuunan nila ng pansin ang paghihintay para sa kanilang break upang makain nila ang mga inihandang pagkain ni nanay.

Wastong pagkain para sa almusal:
Fruits - para sa dagliang pagkuha ng enerhiya at bitamina
Cereals - para sa mas matagal na lakas
Dairy products - para sa protina at mineral substances

1 comments:

Wengss March 9, 2009 at 12:41 PM  

hello Beth,
I have a tag for you, grab it if you have time

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP