Friday, September 23, 2011

Ng dahil sa facebook

Pasensya ka na blog ko ha kung saglit man kitang nakaligtaan. Hindi naman dahil sa ayaw ko na sa iyo or nagsawa ako... uy hwag ka nang magtampo blog ko :) Mahigit isang taon akong nawala dahil ako ay labis na nalibang sa facebook.
(photo : with my sister, Agnay Romblon 1980)

Tinulungan ako ng facebook na muling matagpuan ang mga taong naging bahagi ng buhay ko. Hindi ko inaasahan na sa "aklat ng mga mukha" ay makikita ko ang mga naging friends and classmates ko mula noong ako ay grade 1 hanggang sa ako'y magkolehiyo... karamihan ay gaya ko rin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa... bagaman at karamihan sa amin ay naging 40 years old ngayong 2011 ay napatunayan kong ang generation namin ay nabiyayaan ng mga "batang mukha", kasi mga mukhang bata pa rin kami hehehe, kaya nga lang karamihan sa amin ay naging "bigatin" ang mga pangangatawan.


After 30 years ay naka-kwentuhan ko ng konti ang friend kong si Linlee, classmates kami from grade 1 - 3 sa Agnay at Sawang. Nahanap ko rin sa wakas ang friend ko noong De Ocampo days ko na si Sherebim... nurse na sya, ako nanatiling dream na lang na maging nurse :(

Sobrang happy talaga ako kasi after 2 decades (ngek! grabe decades na ang usapan hahaha) nakausap ko ulit ang tatlo kong matatalik na kaibigan noong high school na sina Bernadeth, Regina at Lorna... I miss you friends! Kita kits sa 2013 for our high school silver reunion. (photo : Lucban Academy batch '88 - Amethyst)

At syempre nagkausap-usap na rin ang "Magic 4"... ako, Joel, Geraldine at Marlon. Sana nga matuloy yung pinag-uusapan naming Christmas party ng SPCC batch 94. Si Lhon hindi naman talaga kami nawalan ng contact. Si Geraldine nakausap ko na rin sa phone. Si bff Joel ko naman ay ayun nakaka-video chat ko minsan at makulit pa rin, super alaskador man ay always namang nandyan para magbigay ng kanyang mga words of wisdom. Thanks bff sa Betty Boop T-shirt na pinadala mo from Korea. (photo : wala si bff sa pics, kasi may topak sya noon... ako, Dy, Geraldine at Lhon)

More...

Monday, January 11, 2010

Brrr! Ang lamig-lamig!

"Ang hirap naman maglakad sa freezer", binubulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kalsadang nilalakaran ko pauwi ng bahay galing sa Supermarket. Naalala ko pa ang palagi kong sinasabi noon kapag tumatagaktak na ang pawis ko dahil sa sobrang init at alinsangan ng panahon... "Parang ang sarap maglakad sa loob ng ref", bata pa ako at nasa province noon kaya hindi ko pa alam na meron palang tinatawag na aircon hihihi! Pero sa refrigerator ko lang gustong maglakad hindi sa freezer.

Grabe kasi talaga ang lamig ngayon at walang humpay ang pag-i-snow. Kung
noong nasa Pilipinas pa ako, ang pinapakinggan ko sa radio tuwing umaga ay kung may pasok o wala sa school dahil may bagyo o di kaya'y may baha (flood) pa rin dulot ng magdamagang pag-ulan... dito naman ay nakikinig ako sa radio para malaman kung may announcement na walang pasok dahil sa snow.

Uso na naman ang mga puting bubong.


Kung noon ay nagwawalis ako sa harap ng bahay namin dahil sa mga dahon o basura na nagkalat... ngayon ay snow naman ang winawalis ko, mas madalas hindi kaya ng walis kaya pala (shovel) na ang gamit.

Magandang pagmasdan ang snow, napakaganda! Pero kung nadudulas na ako sa paglalakad at namamaluktot sa ilalim ng makapal na kumot, ay gusto ko namang maging summer na. Pag nainitan naman sa summer ay gugustuhin namang winter na... haaay buhay!
Ang mga sumusunod na naggagandahang larawan ay kuha sa Amerika noong December 2009, ng kaibigan kong si Maria. Thanks friend! ... para na rin akong nakarating sa Amerika.



More...

Tuesday, November 10, 2009

21st time to turn 18

That's right, today I turned 38 years old... with open arms

Beautiful flowers from my husband.

Angel figurine from my daughter.

Chocolates from my friends.




I want to thank all of you that wished me a Happy Birthday, you all are the best.
More...
All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP