Wednesday, March 18, 2009

ANG MISIS AT SI BABAE

Mahigit apat na taon na ang nakakaraan, may dinalang babae ang asawa ko sa bahay namin. At bilang mabuting maybahay naman, ang babae ay inasikaso kong mabuti - ibinibigay ko sa kanya lahat ng kanyang pangangailangan, nililinis ko ang inuokopahan nyang espasyo sa pamamahay ko, sinisigurado kong may pagkain at inumin siya sa pang araw -araw, pati nga PEDICURE nya ako pa ang gumagawa eh. Kung nagkakasakit sya, matiyaga ko siyang ina-alagaan... hindi ako nandidiring linisin ang kanyang mga sugat. Hindi ako nagsasawang pagsilbihan siya sa abot ng aking makakaya.

Sa paglipas ng panahon, bukod sa pagtingin ng asawa ko ay nakagiliwan rin siya ng nag-iisa kong anak, siguro dahil sa malambing siya.

Subalit may isang pangyayari na naganap sa pagitan namin ni Babae habang wala ang aking mag-ama, kaming dalawa lamang ang naiwan sa bahay. Habang ginugupitan ko siya ng kuku... ako ay kanyang sinaktan. Ang sakit sakit, pakiramdam ko ng mga oras na iyon, nakipasan ako sa daigdig na pasan pasan ng idol kong si Sharon Cuneta sa pelikulang Pasan Ko Ang Daigdig.

Hindi na ako nakapagpigil at ako'y nagsalita na talaga kay Babae. At sa pagitan ng pagluha ay sinabi ko sa kanya:
Ano ka ba naman ibinigay ko na sa iyo ang lahat-lahaaat, kahit na sa katotohanan ay ako ang amo sa ating dalawa, pinagsilbihan pa rin kita huhuhu!. Tapos ngayong ginugupitan huhuhu! lang kita ng KUKU ay nagawa mo pa akong saktan. Huwag mo akong daanin sa pananahimik mo, ........ SUMAGOT KAAA!!!!


At si Babae ay sumagot naman ng TWEEET! TWEEET! TWEEET!

Huh!? Iyon lang ang nakuha kong sagot mula sa alaga naming ibon pagkatapos nyang tuka-tukain ang kamay ko, huhuhu!... ang sakit, sakit!

Huhuhu! Wala na si Bae (Babae). Iniwan na nya kami last Saturday (March 21, 2009). Kumain pa sya, tapos bigla na lang namatay. Mainit-init pa sya ng hawakan ko, gusto pa sanang dalhin ng husband ko sa doctor... but wala na talaga si Bae. We miss you Bae!

Ginawa ko ang kwento na ito noong 2008 pa. Kaya more than 5 years din naming nakasama si Bae. Noong dumating ako dito sa Germany ay may kaparehas na alagang ibon din, 15 years naman na nakasama ng family ng husband ko si "Muki".

6 comments:

Manang Kim March 20, 2009 at 2:31 AM  

Hi beth, salamat sa pag dalaw mo sa aking blog yung topic ko na Being Tan, I do appreciate it. Ganyan din pala sa Germany feel din nila yong tan color natin hehe nakakaloka sa Pinas puro whitening lotion and cream makikita natin sa mga tindahan dito puro tanning lotion naman.
At napatawa mo ako sa entry mo dito akala ko tao ang friend mo yun pala si munting ibon lol. Have a nice day!!

Weng Forsgren March 22, 2009 at 1:35 PM  

hello beth,

kw talaga hehe, kala ko sinong babaeng to.. si miss ibon pala hehe. napatawa ako :):)

Beth March 23, 2009 at 4:04 AM  

Hi Manang Kim!

Maraming salamat din sa pagdalaw. Hindi nga yata naku-kuntento ang tao :) Ang maputi, gustong maging kayumanggi... ang kayumanggi, gusto maging maputi, kaloka!

Mabuti naman pala at napatawa kita. Love namin si Bae kaya lang iniwan na nya kami :(

Beth March 23, 2009 at 4:10 AM  

Hi Weng!

Ang lungkot nga dito sa bahay kasi parang may kulang. Hindi ko nga magawang linisin ang hawla ni Bae kasi naaalala ko ang mga "moments" namin.

lolit April 2, 2009 at 5:22 PM  

hay naku beth,kala ko sinong babae na ito, gusto ko ng maiyak habang binabasa ko ito,ha ha ha, mga ibon lang pala.sumaya ako sa totoo lang.salamat po sa pagdalaw mo sa site ko at maging kaibigan na rin.napatunayan kong basta mga pinoy solid, kahit saang lupalop pa ng daigdig!salamat po uli.

Beth April 2, 2009 at 10:02 PM  

Hi lolit!

Thanks for visiting my blog :)

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP