Tuesday, November 25, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 82

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Sa meeting place nina Isadora at Marko
Isadora : Nasaan si Miguel?
Marko : Nasaan si Catherine?

Sa abandonadong eskwelahan na kinaroroonan nina Vernon at Sofia... inihahanda ni Vernon ang baril nya, si Sofia naman ay natutulog.

Isadora : Bago ko ibigay sa iyo si Catherine, akin na muna ang anak ko!
Marko : Kilala kita mula ulo hanggang paa. This time hindi mo ako kayang ululin. Saka na lang tayo magkita. Bye!
-Tumalikod na si Marko
Isadora : Sandali!
Itinutok ni Isadora ang baril kay Marko. Itinutok din ni Marko ang baril nya kay Isadora.

Iinom sana si Vernon ng tubig ng maramdaman nyang tila may tao, sumilip sya sa bintana.

Nakatutok ang baril nina Isadora at Marko sa isa't isa.

Ginising ni Vernon si Sofia at nagkubli sila. Dumating ang mga tauhan ni Cong. Torralba, may kasamang mga pulis.

Inilabas ni Isadora si Catherine, may nakatakip sa mukha.
Marko : Kung hindi ba naman sira yang tuktok mo e. Paano ako makakasiguro na si Catherine yan e tinakluban mo ang ulo.
Isadora : Wala na akong gamit sa babaeng ito kaya hindi ko itataya ang buhay ng anak ko. Huwag ka ng magduda si Catherine ito.

Pumasok na sa eskwelahan ang mga naghahanap kay Vernon.

Senenyasan ni Marko ang tauhan na ilabas si Miguel.
Isadora : Miguel
Miguel : (labis na nag-alala nang makita ang kalagayan ng bihag ng ina) Catherine!
Isadora : Okay ka lang ba?
Marko : Okay lang yan. Di ba nangako ako sa iyo na hindi ko sya sasaktan, ha? Hindi ko naman masyadong sinaktan, konti lang.
Isadora : Miguel, halika na!
Marko : Teka! Teka muna! SANDALI LANG! Sabay nating gagawin ito.
-Itinulak ni Marko si Miguel patungo kay Isadora. Itinulak ni Isadora si Catherine patungo kay Marko, pero dahil may nakatakip sa mukha ay nadapa si Catherine. Tinulungan ni Miguel ang nadapang si Catherine.
Miguel : Catherine. Catherine
Isadora : Miguel ano ka ba? 'lika na!
Miguel : Ma hindi ko puedeng iwan si Catherine
-Nakatutok pa rin ang baril nina Isadora at Marko sa isa't isa.
Isadora : Tatanga-tanga ka. Halika na baka magkamatayan pa tayo dito. Halika na!
-Senenyasan ni Marko ang tauhan na kunin si Catherine. Nang hawak na ng tauhan ni Marko si Catherine ay hinatak na ni Isadora si Miguel. Nag-aktong tatalikod na si Marko, sabay baril kay Isadora.
Miguel : MAAA!
-Nabuwal si Isadora
Miguel : MAAAA!
Marko : Pasensya ka na Miguel. Kailangan ko ang nanay mo, mas malaki ang patong sa ulo nyan e.
Miguel : TRAIDOR KAAA!
-Biglang bumalikwas si Isadora at binaril si Marko, mabilis na naiharang ni Marko si Catherine... tinamaan si Catherine sa likod. Lumabas ang mga tauhan ni Marko at nakipagbarilan kay Isadora. Natamaan ni Isadora ang mga tauhan ni Marko pero nakatakbo si Marko. Hinabol ni Isadora si Marko. Mabilis namang pinuntahan ni Miguel ang may tamang si Catherine, at kinalas ang nakatakip sa mukha.

Sa eskwelahan ay nagkakaputukan din, may ilang tauhan ni Raphael na natamaan si Vernon. Nasukol ng mga pulis at ng assistant ni Raphael sina Vernon at Sofia.
Neil : Ibigay mo sa akin si Sofia.

Nakalag na ni Miguel ang nakatakip sa mukha ni Catherine, niyakap nito ang babae. Wala namang nagawa si Isadora kundi iwan si Miguel. Yakap yakap ni Miguel ang duguang katawan ni Catherine. Labis labis ang pagluha ni Miguel sa nangyari kay Catherine
Miguel : TULUNGAN NYO KAMI HUHUHU! (swerte naman ng double na ito ni Claudine, grabe ang pagkakayakap sa kanya ni Diether )

Sa hospital. Tumatakbo ang magkasamang dumating na sina Raphael at Sofia. Nakita nila ang umiiyak na si Miguel
Raphael : Miguel
Sofia : Kuya
Raphael : Si Catherine?
Miguel : Nasa operating room pa rin sya e. Raphael malala ang tama ni Catherine.
-Nanlumo si Raphael. Umiyak si Sofia.

Habang inooperahan si Catherine, matiyagang naghihintay si Sofia sa labas ng operating room. Dumating si Toby at niyakap ang umiiyak na kasintahan. Dumating din si Louela. Makaraan ang mahaba at nakaka-kabang paghihintay ay lumabas rin ang doctor na nag-opera kay Catherine.
Doc : Sino ang mga kamag-anak ni Catherine dela Rhea?
Sofia : Ako ho. Kamusta na ho sya?
Doc : Tinamaan ng bala ang puso ng kapatid mo. Medyo delikado ang operasyon pero tinanggal na namin ang bala. Sa ngayon nakakabit sya sa isang respirator pero hindi 'yon sapat. She needs a new heart.
Sofia : Heart transplant?
Doc : Nilagay ko na sya sa organ donor list pero kailangan nyong malaman na maraming naghihintay ng heart donor. Sana makakuha sya kaagad ng ka-match nya, before it's too late.
Sofia : Doc, please do everything for her. Pang-ilan ho ba sya sa listahan?
Doc : Pang walo sya.
Louela : Pang walo pa? Doc, may magagawa po bang paraan para mauna sya sa listahan?
Doc : Naku, hindi puede yun e. Meron tayong mga sinusunod na protocol. I'm sorry.
-Nang umalis ang doktor ay umiiyak na nagyakapan sina Sofia, Louela at Toby.

Ipinakita ang malubha ang kalagayan na si Catherine.

Napakinggan ni Isadora ang news sa car radio.
"Ito ang nagbabagang balita sa mga oras na ito. Isang sagupaan ang naganap kaninang bandang mga alas siete ng gabi sa pagitang ng mga pulisya at isang known smuggler. Ayon sa mga awtoridad, arestado ang isang nagngangalang Vernon Sandoval at habang nailigtas naman ang kanyang hostage na si Sofia Castillejos. Sa kasalukuyan hinahanap pa din ng mga pulisya ang kasamahan ni Sandoval na si Isadora Castillejos."

Nasa hospital si Sofia nang makatanggap ito ng tawag mula sa ina.
Sofia : Hello
Isadora : Hello Sofia!
Sofia : Mommy? Kinwento ni kuya kung ano ang nangyari sa iyo. Nasaktan ka ba ni Marko?
Isadora : Hindi. Okay naman ako, pero Sofia kailangan ko ng tulong mo. Nakuha ng mga pulis ang lahat ng mga pera namin ni Vernon, walang wala na ako ni-singko. Bigyan mo naman ako. Desperadang desperada na ako
Sofia : (pabulong) Ma, sumuko ka na lang kasi
Isadora : HINDI PUEDE! Hindi ako puedeng makulong. Sofia, mamamatay ako doon, hindi ako puedeng makulong.
Sofia : Baka mas dangerous yang ginagawa mo. Hinahanap ka ng mga pulis at sabi ni kuya, pati ni Marko. Baka lalo ka lang masaktan 'ma.
Isadora : Ano ka ba? Alam mo ba yang sinasabi mo ha? Hindi ako ganun kadaling pabagsakin. Ngayon, sabihin mo na lang kung ayaw mo akong tulungan. HINDI ITONG SINISERMONAN MO PA AKO.

Nag-uusap sa kotse ang magkapatid na Miguel at Sofia.
Sofia : Kinontak ako ni Mommy.
Miguel : Nasaan daw sya?
Sofia : Ayaw nyang sabihin eh. Sinubukan ko nga syang kumbinsihin na sumuko ng maayos pero ayaw nya. Kuya natatakot na ako eh. She sounds desperate baka kung ano pang gawin nya. We have to rescue her even from herself.
Miguel : Papaano naman natin gagawin 'yon? Hindi nga natin alam kung saan sya hahanapin.
Sofia : Ang itay mo, baka alam nya.

Palabas ng bahay sina Scarlet at Maggie. Nasa hindi kalayuan si Isadora, nagmamatyag. Papasok sa school si Maggie. Hinalikan ni Scarlet ang anak, at pinagbilinan ni Scarlet ang yaya na bantayan mabuti si Maggie.

Pinuntahan nina Miguel at Sofia si Vernon sa kulungan.
Miguel : Itay, kailangan mo talagang sabihin sa akin kung nasaan si Mommy. Delikado ang lagay nya ngayon, kailangan ko syang makita.
Vernon : Bakit ko naman gagawin 'yon? E kung sa mga pulis nga hindi ako kumanta e, sa inyo pa kaya. Saka kung ikaw lang sana... papagkatiwalaan kita Miguel, pero kasama mo yang suwail na batang yan. (inis na inis si Sofia) Mahirap na baka traidurin nya yung Mommy nya.
Sofia : Hindi ko gagawin yun. Tsaka kaya lang naman namin hinahanap si Mommy dahil gusto namin syang protektahan.
Miguel : Itay delikado ang lagay ni Mommy ngayon, lalo na nang mangyari ang lahat... galit na galit sa kanya si Marko, gusto talaga syang patayin. Kailangan ko syang makita, kailangan ko syang protektahan. Sabihin mo na 'tay.
Vernon : (nag-isip) Hindi ako sigurado, pero lilipat kami ng ibang hideout, doon kami magtatago. Doon sa isang liblib na baranggay sa Rizal. Malamang doon sya pupunta. Bigyan mo ako ng papel
-Binigyan ni Sofia ng papel at ballpen si Vernon, at doon ay isinulat ni Vernon ang posibleng pinagtataguan ni Isadora.
Miguel : Salamat 'tay
Sofia : Sasama ako kuya.
Miguel : Huwag na. Huwag kang sasama delikado. Ako na ang bahalang magkumbinsi kay Mommmy na sumuko ng maayos. Bumalik ka na lang sa ospital.
-Ibinigay ni Vernon kay Miguel ang papel na pinagsulatan ng address.

Nagawang makapasok ni Isadora sa bahay ni Scarlet.

Pinuntahan ni Scarlet si Marko.
Marko : Yes Ms. Scarlet. Payday ko ba ngayon? Nakita mo na yan ha, naibalik ko ng buhay si Catherine.
Scarlet : Pero di ba ang kabilin-bilinan ko sa iyo, walang dapat masasaktan. Bakit mo ginawang pain si Miguel, HA?
Marko : Bakit sinaktan ko ba si Miguel? Hindi naman di ba? Hindi ko kagustuhan ang nangyari kay Catherine. Huwag ako ang sisihin mo doon... si Isadora!

-Inaamoy amoy pa ng maid ni Scarlet na si Edith ang ulam nyang corned beef, nang makita nito ang dating amo na si Isadora... nagnanakaw
Edith : Ano ang ginagawa mo dito ha? Ano yan, ninanakawan mo si ma'am ano?
Isadora : Hindi ah
-Tatawag sana ng gwardya si Edith pero sinabunutan siya ni Isadora. Nag-away ang dalawa... binato ng corned beef ni Edith si Isadora, napabagsak ni Isadora ang dating maid. Patakbong lumabas ng bahay si Isadora. Habang sumisigaw ng "magnanakaw" ay hinahabol at binabato ng corned beef ni Edith si Isadora.

Ibinigay ni Scarlet ang tseke kay Marko.
Scarlet : O ayan sampung milyon mo, bayad ko yan para sa ginawa mo kay Catherine. Yung kay Isadora sa susunod na kapag nagawa mo na yung dapat mong gawin.
Marko : Hindi mo na kailangang magbayad pa para kay Isadora. Ibibigay ko iyon sa iyo ng libre. Malaki atraso sa akin ng demonyitang yan. Kailangan ko nang singilin.
-Galit na galit si Marko kay Isadora.

Siguro kaya hindi nagsasalita si Catherine, ay ito yung mga panahon na nawalan ng boses si Claudine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP