Tuesday, November 25, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 77

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Sa bahay ng mga Torralba. Kinausap ni Toby ang malungkot na si Sofia.
Toby : Sofia, okay ka lang ba?
Sofia : (naiiyak) Wala na ang tatay ko. Wala na si Mommy. Si ate naman ibabalik na sa kulungan. Si kuya babalik na daw sa Amerika. Wala na akong kasama sa mundo Toby. Paano na ako?
Toby : Masakit mawalan ng pamilya Sofia, alam ko iyon. Pero Sofia, matapang ka at matatag ang kalooban mo. Alam kong makakayanan mo yan.
Sofia : Kahit na iniwan na ako ng lahat ng nagmamahal sa akin Toby?
Toby : Sofia kahit na. At maliban doon, Sofia nandito pa ako. Hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.
-Niyakap ni Toby ang nalulungkot na kasintahan.

Napawalang sala si Catherine.
After carefully studying the new evidence presented in court. The sworn statement of Scarlet dela Rhea regarding Isadora Castillejos admission of guilt on the shooting of Estelle Torralba, and the testimony of Mrs. Estelle Torralba herself... the court hereby declares Catherine dela Rhea NOT GUILTY.
-Nagkaroon ng selebrasyon sa bahay nina Catherine. Mahigpit na nagyakap sina Raphael at Catherine, nandun din sina Miguel, Sofia, Louela at Toby. Nagdasal ng pasasalamat si Catherine bago sila masayang nagkainan.

Kinagabihan ay hindi dalawin ng antok si Sofia... umiiyak at naaalala niya ang kanyang ina.

Pumunta si Winnie sa bahay ni Scarlet (malaki na ang tiyan)
Winnie : So nareinstate na pala si Catherine bilang president and chairman of the board ng Dela Rhea Foods? Huwag mong sabihing makikipag-agawan ka pa rin sa kanya Scarlet ha. Eh mabuti na nga yang ganyan. Ikaw pa rin ang may-ari ng kumpanya, hayaan mo na syang magpalago nyan.
Scarlet : (malungkot) Hindi naman sa akin ang lahat ng yan eh.
Winnie : Bakit dahil sa kanya yung majority ng stocks? Marami syang investors.
Scarlet : Hindi yun ang ibig kong sabihin Tita. Ipinamana ni Papa kay Catherine ang kumpanya pero hindi ko iyon ibinigay sa kanya. Dinaya ko si Catherine.
Winnie : Pero may video si Martin na sinasabing binabawi nya ang lahat mula kay Catherine, di ba?
-Naalala ni Scarlet ang video ng ama bago ito binawian ng buhay at ang pagpapalayas nya kay Catherine sa mansion.
Winnie : Hindi mo sya dinaya Scarlet. Sinunod mo lang yung bilin ng Papa mo.
Scarlet : Hindi 'yon ang huling bilin ni Papa.
Winnie : Anong ibig mong sabihin?
-Hindi umimik si Scarlet.

Sa kanyang silid, inilabas ni Scarlet ang isang box... nasa loob nito ang note na ginawa ni Martin sa hospital. Umiiyak na binasa ni Scarlet ang sulat ng ama.
Flashback : Kausap ni Scarlet ang nurse na pumunta sa bahay nya para ibigay ang note na ginawa ni Martin.
Scarlet : Kayo ba ang naka-duty nung araw na naaksidente si Papa? Sya ba talaga ang gumawa nito?
Nurse : Opo. Tandang-tanda ko po, (ipinakita noong nasa hospital si Martin) sabi nung nurse na nakaduty noon... pinapahiga daw sya sa kama pero hingi sya ng hingi ng papel, kahit na hirap na hirap pilit nyang sinusulat ang nilalaman ng papel na yan.

Masayang ibinalita ni Catherine sa mga kasambahay na sina Sofia at Louela ang nalalapit nilang pagpapakasal ni Raphael. Masaya sina Sofia at Louela sa nalaman.
Sofia : Talaga?! Tuloy ang kasal ninyo ni kuya Raphael?
Catherine : Oo nagkabalikan kami kagabi nang dahil kay Scarlet
Louela : Tingnan mo na. Sabi ko naman sa iyo eh, mas maganda talaga pag wala kang kalaban. Si Scarlet pa mismo ang tumulong para mabalik yung dyowa mo. Iyan naman ang matagal ko nang sinasabi sa iyo eh, wala talagang magandang idudulot yang paghihiganti mo.
Catherine : Alam mo totoo yan. Sana noon pa nakinig na ako kay Lola. Lagi nyang sinasabi yan eh. Sayang ano? Sana naabutan pa rin ni Lola ito... nakakamiss na sya eh.
Sofia : Nakakamiss nga sya eh, lalo na yung mga pangaral nya.
Louela : Hamo hindi nyo na sya masyadong mamimiss dahil hangga't andito ako, ako ang magsesermon sa inyo at mangangaral tulad ng ginagawa ni Lola Aura. Ako ang inyong konsensya!
-Nagkatawan ang tatlong babae.

Gabi. Naglalakad lakad sina Toby at Sofia sa garden.
Toby : Nagyayaya kanina si Jester na manuod ng sine, sabi ko next time na lang. Hindi ko na kasi nakakasama yung girlfriend ko, namimiss ko na e.
Sofia : (natawa) Paano mo naman ako mamimiss? Eh halos araw-araw tayong magkasama.
Toby : Araw-araw pero hindi e... pag umuuwi na tayo sa mga sarili nating bahay, doon na kita namimiss ng sobra-sobra.
- Sa hindi kalayuan ay may nagmamasid sa kanila, nakakubli sa dilim.
Sofia : (kinilig)Corny mo ha.
Toby : Bakit cute naman a?
-Napatingin si Sofia sa direksyon na kung saan nagtatago ang taong nagmamasid sa kanila
Toby : Bakit?
Sofia : Parang biglang tumaas yung balahibo ko. Toby, parang may tao.
-Walang nakita sina Toby at Sofia kasi umalis na ang taong nagmamasid sa kanila.
Toby : Wala naman a
Sofia : Baka nga wala lang 'to. November na kasi kaya malamig na ang hangin
Toby : Kaya dapat palagi tayong magkasama... malamig yung hangin.
Sofia : Hihihi! Eh ano ngayon?
Toby : Syempre pag may nanggugulo sa iyo, poproteksyonan kita!
Sofia : At paano mo naman ako mabibigyan ng proteksyon? Idadaan mo sa smile para masilaw sila sa ngipin mo
-Masayang nagyakap ang magkasintahan.

Magka-usap sina Raphael at Miguel
Raphael : Talaga bang itutuloy mo yung pagreresign mo?
Miguel : Oo. Hindi naman ako karapat dapat sa pwesto na ito e. Salamat nga pala dahil hindi mo ako kinasuhan.
Raphael : E wala namang mabuting pupuntahan yun e. And besides dinonate mo na sa Amadesto ang lahat ng iminana mo kay Marko. Alam kong nakipag-ayos ka na at sapat na sa akin iyon. (ngumiti si Miguel) Syanga pala Miguel... tuloy na naman yung kasal namin ni Catherine.
Miguel : (malungkot) Congratulations
Raphael : Ahm I'm sorry
Miguel : Okay lang. The better man won, but I'm still the best.
-Nagkatawanan ang magkaibigan
Raphael : Oo nga pala Miguel, gusto sana kitang
Miguel : Raphael... magkaibigan tayo... tanggap ko na na ikaw talaga ang mahal ni Catherine. Pero sana naman huwag mo na akong imbitahan sa kasal mo, baka hindi ko na kayanin
Raphael : So magkaibigan na naman tayo?
Miguel : Magkaibigan pa rin tayo!
-Masayang masaya si Raphael sa pagkaka-ayos nilang magkaibigan.

Paalis si Sofia, may nakita siyang malaking kahon na may ribbon sa labas ng bahay nila. Tumingin sa paligid si Sofia pero wala syang nakitang tao. Kinuha nya ang regalo at pumasok sa loob ng bahay. Lumabas si Vernon sa pinagtataguan.
Sofia : Ate, may regalo ka o!
Catherine : Ano yan? Kanino galing?
Sofia : Heto Ate yung card o
Louela : Dali! Anong sabi?
Catherine : (binasa ang nakasulat sa card) To my dear Catherine, this reminds me of you.
-Kinikilig sina Sofia at Louela
Catherine : (nag-isip) Kanino kaya galing 'to?
Louela : Naku secret admirer yan, hihihi! I'm sure. Exciting! Naku, ano kaya ang laman nyan? Siguro cute na doll kasi cute ka. Hindi, hindi, ano a mamahalin na bag kasi shala ka, di ba? Sosyal, sosyal! Bubuksan ko na ha. Naku mas excited pa ako sa iyo eh.
-Pagbukas ni Louela ng regalo ay gimbal silang lahat sa nakita ... patay na pusa
Catherine : Ano... kanino galing yan?!

Sa bahay ng mga Torralba. Kinakausap ni Raphael ang ina hinggil sa pagpapakasal nila ni Catherine
Raphael : Mom, nag-uusap na ho kami ni Catherine, at itutuloy na ho namin ang kasal. Wala ba kayong sasabihin tungkol doon?
Estelle : Congratulations! I'm happy for you
-Tuwang tuwa si Raphael sa sinabi ng ina
Raphael : Talaga?! Okay ba kayon doon?
Estelle : Pag muntik ka nang mamatay at matagal kang nakahiga sa kama, wala kang gagawin kundi mag-isip.. tungkol sa buhay, sa pamilya. Naalala ko, bata ka pa noon... minahal mo na si Catherine. Through all these years, after all that happened, after all that you've been through... mahal mo pa rin sya. Kaya sino ba ako para hadlangan ka?
-Niyakap ni Raphael ang ina.

Pumunta si Miguel sa bahay ng mag-ina nya. Nasa garahe sina Scarlet at Maggie, nakikipaglaro ng bola ang bata sa yaya nito. Nakipaglaro si Miguel sa anak, napalakas ang sipa ni Miguel kaya inutusan nito ang yaya para kunin ang bola.
Miguel : (hinawakan ang tiyan ni Scarlet) O kumusta na?
Scarlet : Okay naman
-May nakita si Maggie at tuwang-tuwa itong tumakbo. Napansin ni Scarlet na wala si Maggie
Scarlet : Si Maggie?
-Nag-aalalang hinanap nina Miguel at Scarlet ang kanilang anak. Natagpuan nila ang bata na nakaupo sa bangketa, may hawak na chocolate (M&M's)
Miguel : Anong ginagawa mo dyan, ha? Ito saan mo nakuha yan? Kanino galing yan?
Maggie : Kay Lola
Scarlet : (kinabahan) Anak, wala na ang lola.
Maggie : Kanina po, pumunta sya. Love ako ni Lola.
-Bakas ang pangamba at pagkabigla sa mukha nina Miguel at Scarlet.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP