Monday, September 29, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 56

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Tuwang tuwang nagse-celebrate ang magkaibigang Estelle at Isadora, umiinom sila ng alak.
Isadora : Tingnan mo nga naman ano, inunderstimate ko yung manugang ko, sa ending sya pala ang magpapatibog sa Catherine -Raphael loveteam Hahahaha!
Estelle : Hahaha! I always thought she had it in her, pero alam mo hindi ko akalaing aabot sa ganito, ha? Bravo Scarlet! Pailalim ka kung umatake
Isadora : Eh kanino pa ba magmamana yan ng kalandian at kapilyahan?
Estelle : Kay Catherine?
Isadora : HINDI ha, sa AKIN! Hahahaha!
Estelle : So inaamin mo ring malandi ka?
Isadora : Ha?! Hindi ha, hindi ako malandi hik!
Estelle : O e di ba kasasabi mo lang, na may pinagmanahan sya sa kapilyahan at kalandian?
Isadora : Sinabi ko ba yon?
Estelle : Hahaha! Kumadre, marami ka na ngang naiinom. Para kang sabik na sabik dyan sa Bordeaux wine
Isadora : Ha?! Hindi ah. Sanay na sanay akong uminom nitong Bordeaux wine, kasi ang dami-dami ko nga nyan nung pasko kaso pinamigay ko lang
Estelle : Uhm
Isadora : Mare, inom pa tayo

Nasa apartment nina Catherine si Raphael
Lola Aura : Hayaan mo munang humupa ang galit sa iyo ni Catherine. Saka kayo mag-usap, baka sakaling maniwala sya sa mga paliwanag mo.
Raphael : Hindi ko ho talaga alam kung ano ang nangyari Lola Aura. Wala akong maipapaliwanag. Talagang hindi ko ho maalala kung ano ang nangyari. Lola Aura, wala ho akong intensyon para saktan si Catherine. Hindi ko ho pinangarap na saktan ang apo ninyo
Lola Aura : (galit) Pero sinaktan mo sya. Sinaktan mo si Catherine. Raphael, nagtiwala ako sa iyo, buong buo ang tiwala ko sa iyo na mamahalin mo at hindi mo sasaktan si Catherine, iyon pala wala kang pinagkaiba kay Miguel. pareho ninyo syang niloko.

Namumugto na ang mga mata ni Catherine sa kaiiyak sa kanyang silid. Naalala nya ang tagpo ng unang beses nyang naabutan na magkayakap sina Raphael at Scarlet, nang nag-offer ng 2 million pesos si Scarlet sa auction para maka-date si Raphael at nang pumunta sya sa bahay ni Scarlet at nakita ang katipan (na hindi pa masyadong nakabutones ang suot na pang-itaaas) na bumababa ng hagdanan kasunod si Scarlet na naka-robe lamang. Pinuntahan ni Louela ang kaibigan
Louela : Catherine, ayaw pa ring umuwi ni Raphael eh. Andun sa baba kausap si Lola, sinabi ko na ngang ayaw mong harapin pero nagpupumilit pa rin eh.
Catherine : Ayokong makarinig ng kahit na anong paliwanag galing sa kanya. Wala rin akong gustong isumbat... galit ako Louela... galit na galit ako sa sarili ko, alam mo ba kung bakit?
Louela : Dahil iniisip mong iba sya kay Miguel? Sa ibang mga lalaki
Catherine : Dahil nagpakatanga ulit ako. Dahil kinalimutan ko na naman ang sarili ko. Hinayaan kong hamak-hamakin ako ni ma'am Estelle... ni Scarlet... ni Isadora. Siguro nagtataka kayo ni Lola kung bakit hindi ako lumalaban... kung bakit hindi ako umiimik kahit nasa lugar ako. Nasaan na nga ba yung Kate na palaban? Bakit ko nga ba binago ang sarili ko? Dahil 'yon sa pag-ibig ni Raphael. Kahit alam kong imposible... ginusto kong maging karapat dapat sa isang kagaya nya - sa isang kasing linis nya. Mas pinili kong managinip kaysa sa magpakatotoo, ngayon nagising ako sa isang napakalaking bangungot.
-Naaawang niyakap ni Louela ang kaibigang iyak ng iyak.

Magkausap sina Toby at Sofia
Toby : Hindi ako naniniwala! Hindi magagawa ng kapatid ko iyon. Ngayon pa malapit na silang ikasal?
Sofia : Wala tayo dun Toby. Minsan may nagagawa ang isang tao na hindi nila akalaing magagawa nila.
Toby : Walang logic e. Ang dami-dami babaeng nagkakandarapa sa kapatid ko noon, pero kahit isa hindi sya nagpatukso. Naghintay sya... nagtyaga... ipinaglaban nya sa buong mundo si ate Catherine, tapos ganun-ganon na lang?
Sofia : (naiiyak) Hindi na tayo mga bata Toby. Totoong buhay na 'to. Minsan kahit ang pinaka-pinagkakatiwalaan natin o pinakamamahal natin kaya tayong biguin, kaya nila tayong traidurin... kahit ikaw, kahit ako... kahit sino.
Toby : Parehas ba tayo ng pinag-uusapan dito? Sofia, may problema ka ba sa bahay nyo na hindi mo sinasabi sa akin? (nagpahid ng luha si Sofia) Sofia, kung may pinagdadaanan ka... idamay mo ako, dahil boyfriend mo ako. Para saan pa ang pagmamahalan natin kung magkakanya-kanya tayo? Ako ba ang problema mo? Ayaw mo na ba sa akin?
-Naiiyak na umalis si Sofia. Naiwan ang malungkot at nagtatakang si Toby.

Masayang masaya si Scarlet, nasa isang bar sila ni Winnie para mag-celebrate
Winnie : Ayan ha, nakaganti ka na kay Catherine. Baka puede ka ng bumalik sa office, mag back to business mode na tayo.
Scarlet : Tita, ayoko pa! Ang kj-kj mo, di ba nag-e-enjoy pa ako, ang saya saya nating lahat. Let me bask in my sweet sweet victory. From a gold digger in red, si Catherine isa na ngayong girl in green - green with envy. Hahahaha!
Winnie : Hahaha! Okey, okey sige fine, mag-celebrate tayo today. Today lang ha. Tapos puede ba bumalik ka na sa office? Asikasuhin mo na yung Dela Rhea Foods. Nagpapanik na ang mga investors natin.
Scarlet : Hindi babagsak ang stocks ng Dela Rhea Foods, naiintindihan mo Tita? At sabihin mo nga dyan sa mga investors natin, mag-relax lang sila. Bakit kasi hindi nila subukang uminom na lang ng wine kesa kape ang parati nilang iniinom para naman mabawasan yung nerbyos nila. This is a day of celebration and no one can ruin my _____, because I Scarlet Dela Rhea, I am on top of the World! Hahaha!

Pakanta-kanta pa ang lasing na si Isadora ng umuwi ng bahay. Kaagad siyang sinita ng naghihintay sa kanya na si Sofia.
Sofia : Ma, are you drunk?
Isadora : Hindi... nakainom lang.
Sofia : At nagawa mo pa talagang uminom.
Isadora : (masaya) Syempre naman! To celebrate good times, come on! Hahahaha! Alam mo ba, ha, alam mo ba... nahuli ni Catherine si Raphael at saka si Scarlet na magkasiping! Naku, yang babaeng 'yan talaga ano? Hindi na nalayo-layo sa eskandalo.
Sofia : Bakit ba ganyan ka 'ma? Bakit ba masaya ka pag may nasasaktan?
Isadora : Ano ka ba? Hindi naman ako masaya kapag may nasasaktan, o sa lahat ng nasasaktan. Hindi ako sadista ano! Masaya lang ako kapag meron akong bad news na naririnig kay Catherine. Kay Catherine lang, dun lang!
Sofia : Bakit ba galit na galit kayo kay Catherine? Ano ba ang ginawa nya sa inyo 'ma? Tungkol ba sa tatay nya? Tungkol ba 'to kay Mang Rolando?
Isadora : (napikon) Bakit mo ba ako pilit na nili-link kay Rolando?
Sofia : You tell me, 'ma... bakit ba kayo sumama sa akin na dumalaw kay Mang Rolando? Bakit ganun na lang yung concern nyo? Magkakilala ba kayo? May nakaraan ba kayo? Sa Amadesto ba 'ma? ANO BANG SEKRETONG TINATAGO NYO?
Isadora : (galit) HOY! HOY! TANTANAN MO NGA AKO SOFIA, HA! Ano ba ako... ini-imbestiga mo?
Sofia : Ma, bakit ba defensive ka?
Isadora : Hindi ako defensive, offensive ka lang!
Sofia : Eh bakit ayaw mong sagutin yung mga tanong ko?
Isadora : Hoy, hoy, hoy, Miss! Baka nakakalimutan mo ha, NANAY mo pa rin ako, ANAK lang kita! Now go to your room, GO!
-Walang nagawa si Sofia kundi sundin ang ina.

Nagmemeeting sina Raphael at mga tauhan nya.
Gil : I'm happy to announce that we gathered over three million pesos para sa ating fund raising. And we owe our good congressman here, 2 million of that amount dahil nag-bid sa kanya si Mrs. Castillejos.
-Tahimik lang si Miguel. Nakaramdam naman ng pagkailang si Raphael
Raphael : Okay, is that all for today's agenda?
Gil : Yes Sir!
Raphael : Alright, thank you very much ladies and gentlemen
-Palabas na ang mga staff, tinawag ni Raphael si Miguel
Raphael : Ah Miguel, tungkol doon sa nangyari sa amin ni Scarlet kagabi
Miguel : Hindi na kailangang ipaliwanag
Raphael : Sa tono ng boses mo, parang gusto mo pang nangyari yun.
Miguel : Wala akong pakialam kay Scarlet o anuman ang ginagawa nya. Matagal ko na syang gustong hiwalayan. Wala akong pakialam kung sino ang gusto niyang ikama. Masaya lang ako dahil lumabas na ang tunay na kulay ni Scarlet... lumabas na rin ang tunay na kulay mo.
-Lumabas na ng office ni Raphael si Miguel

Nasa labas ng bahay ni Isadora si Toby. Paulit-ulit na nagdo-door bell ang binata pero hindi siya nilalabas ni Sofia
Toby : Sofia! Sofia, kausapin mo naman ako o! SOFIA! SOFIA, ANO BANG GINAWA KO? BAKIT AYAW MO AKONG KAUSAPIN? SOFIAAA!!!
-Umupo si Toby sa tabi ng gate. Sumilip sa bintana si Sofia at nakita niya ang hindi pa rin umaalis na si Toby.

Niyaya ni Lola Aura ang apo na magbakasyon sa Amadesto
Lola Aura : Gusto mo magbakasyon muna tayo sa Amadesto? Magpahinga ka muna roon. Catherine, ipahinga mo muna yang puso mo.
Catherine : Hindi na po Lola. Ayoko nang magtago. Hindi ang isang Scarlet ang makaka-pagpabagsak sa akin. Tapos na akong umiyak... tuloy na ang buhay.
Lola Aura : Alam ko naman, matatag ka. Apo yata kita, mana ka sa akin!
Louela : Tama! Mabuhay ang Gabriela!
-Habang nagkakatwanan ang tatlong babae ay may narinig silang kumakatok - si Miguel
Lola Aura : Ah Migue, tuloy! (hinawakan si Louela) Doon na muna kami sa kusina ni Louela
Catherine : Nagpunta ka dito... para ano? Para makiramay sa akin? Puede ba Miguel, huwag kang magkunwari. Alam kong masaya ka, masaya ka sa lahat ng nangyayari sa akin. MAHAL KO SI RAPHAEL... pero ano ang ginawa nya? Trinaidor nila ako, trinaidor nila ako ng malandi mong asawa!

Dumating si Vernon sa bahay ni Isadora at nakita nito ang naghihintay sa labas na si Toby.
Vernon : Toby Torralba, halika pasok ka sa loob! (nakita ni Sofia na pinapasok ni Vernon si Toby) Bakit ka nandyan sa labas?
Toby : Ayaw ho akong harapin ni Sofia e.
Vernon : Girlfriend mo na ba sya? Nag-away ba kayo?
Toby : Hindi ko po alam e. Wala naman ho akong natatandaan na nag-away kami. Wala rin ho akong maisip na may nagawa ako sa kanyang masama. (lumabas si Sofia) Hindi ko ho talaga alam e
Vernon : (natawa) Mag-ina nga sila ni Isadora, parehong luka-luka.
Sofia : ANO KA BA TOBY? UMALIS KA NA NGA! HINDI MO BA MAKUHANG AYAW NA KITANG MAKITA? ARE YOU ___ OR JUST PLAYING STUPID? GO AWAY! AYAW NA KITANG MAKITA,TOBY.
-Nasaktan sa pagtataboy sa kanya ni Sofia kaya umalis si Toby. Pumasok sa loob ng bahay si Sofia, nakasunod sa kanya si Vernon
Vernon : Kawawa naman yung binata, matapos syang matagal maghintay... hihiyain mo ng ganun ganon lang. Alam mo sa panahon ngayon, mahirap na yung humanap ng ganung klaseng lalaki.
Sofia : ANO BANG PAKIALAM MO? YOU'RE NOT MY FATHER, IN FACT HINDI NGA KITA KAANU-ANO EH, (dumating si Isadora) AND I THANK GOD FOR THAT
Isadora : Sofia? Bakit ganyan kung kausapin mo na lang si Tito Vernon mo? Parang wala kang pinag-aralan ah
Sofia : Tito?!
-Nagdadabog na iniwan ni Sofia ang nagtatakang ina at si Vernon.
Isadora : Pasensya ka na ha, ganyan yan lately eh. Palaging inis... palaging galit.
Vernon : Kanino galit, sa akin?
Isadora : Hindi lang sa iyo, pati sa akin, kay Toby, sa lahat.

Kumakain sa isang restaurant sina Isadora at Estelle
Estelle : Mare, gustohin ko mang pautangin ka, e talagang hindi puede eh.
Isadora : Mare, bakit naman? E di ba close naman tayo at saka marami ka namang pera eh
Estelle : Iyon na nga eh. Kasi I have this rule about friends and money. They just don't mix, mag-aaway lang tayo. And I'd rather keep our friendship, di ba?
Isadora : Oo naman. Eh mare, papaano kung isanla ko na lang sa iyo ang Amadesto?
Estelle : Papaano kung bilhin ko na lang sa iyo ang Amadesto? Take it or leave it
Isadora : O sige. I'll take it. Siguro okey na rin yun, di ba? Kasi pag okey na ako, di puede ko nang bilhin sa 'yo ang Amadesto ulit
-Ngumiti lang ng makahulugan si Estelle. Para namang kinakabahan si Isadora.

Sa Gonzales Law Office. May ibinigay na isang pumpon ng mga bulaklak kay Catherine ang isang office mate nya.
Officemate : Catherine, pina-deliver para sa iyo.
Catherine : Salamat. Pakilagay na lang.
-Inilagay ng lalaki ang mga bulaklak sa table. Hindi tiningnan ni Catherine kung kanino galing ang mga bulaklak. Dumating sina Scarlet at Winnie
Scarlet : Galing kay Raphael? Siguro humihingi sya ng sorry sa 'yo. Bakit kaya? Kasi ako naman, I’m not sorry at all.
Catherine : Umalis ka na Scarlet! Kung ayaw mong ipakain ko sa iyo yang flowers na yan, ALL 5,000 PESOS OF IT!
Scarlet : Huwag mo namang sabihin sa akin na magpapadala ka dyan sa flower arrangement na 'yan? Eh kung kay Papa nga milyones ang nahuthot mo bago ka bumigay, tapos ikaw... limang libong halaga ng bulaklak, magpapadala ka? Ang cheap mo. At isa pa, kung galing yan kay Raphael... tatanggapin ko. Wala akong tatanggihan. Hahaha! Masakit ba Catherine? Ha? At least ngayon, alam mo na ang pakiramdam nang inaagawan ng asawa. Mata sa mata... ngipin sa ngipin... laman sa laman.
Catherine : Walanghiya ka talaga Scarlet! Malandi ka! MALANDI!!!
-Dumating si Atty. Tamayo
Scarlet : Attorney! Mabuti nandito ka para naman makita mo kung paano ako atakehin ng babaeng ito. Sige Catherine, ngayon subukan mo akong saktan. Para sasampahan kita ng kaso na physical injury. Gusto mo 'yon? Makukulong ka nga lang. Kawawa ka naman.
-Dumating na rin si Miguel at ang abugada nito na si Atty. Gonzales
Atty. Gonzales : O, kumpleto na pala tayo eh. Ah, let’s start the meeting?
Scarlet : Ayokong magsimula hangga’t nandito yang babaeng yan. Paalisin nyo yan dahil hindi kami magka-level
Catherine : TALAGANG HINDI TAYO MAGKA-LEVEL! Dahil mas MAKAPAL yang mukha mo sa mukha ko! Sobra ngang kapal yang pagmumukha mo eh... SA LAHAT NG GINAWA MO SA AKIN?
Scarlet : Dahil lang ‘yun sa ginawa mo sa AKIN!
Catherine : So ano, magsisisihan nalang tayo? Magbubuntunan nang sisi? GROW UP SCARLET!!
Scarlet : Ay, napipikon ka na!!! (hindi naman nagugustuhan nina Winnie at Atty. Tamayo ang mga ikinikilos ni Scarlet, maging si Miguel ay parang napapahiya) Di ba naglalaro lang naman tayo dito? Bahay-bahayan, yaman-yamanan. Agawan nang yaman... AGAWAN PATI NG ASAWA!
Atty. Tamayo : Ladies, ladies, please! This meeting is about the annulment case filed by Mr. Miguel Castillejos. This is not a boxing match.
Scarlet : Kung tungkol ito sa kaso namin ni Miguel, paalisin nyo yang babaeng yan dito! Sigurado akong maraming iba dyan na pwedeng magtake-down ng notes. PAALISIN NYO YAN!!!
Atty. Gonzales : Mrs. Castillejos, Ms. Dela Rhea is not here as a paralegal. She’s here as a WITNESS!
Scarlet : Anong witness?
Catherine : (napatawa) Oo Scarlet. Hindi mo ba alam ang bagong development sa annulment case nyo ni Miguel? Well, Miguel is seeking annulment for the grounds of ADULTERY. YOUR ADULTERY SCARLET. (Labis na nabigla ang nahintakutang si Scarlet sa narinig, lumapit si Catherine kay Scarlet) Ano Scarlet... panalo na ba ako? O gusto mo pang makipaglaro?
-Naiiyak na tumingin si Scarlet sa tahimik lang na si Miguel. Natutuwa naman ang abugada at si Catherine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP