Monday, September 22, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 51

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Nagpasalamat si Estelle sa mga dumalo sa birthday party nya.
Estelle : Thank you! Thank you! Unang-una gusto kong pasalamatan ang mga anak ko, si Raphael at si Toby, sa pag-aabala nila sa birthday kong ito. And kahit hindi na natin kasama rito si Enrique, alam kong buhay sya sa inyong ala-ala. Maraming salamat sa inyong pagdalo, this means a lot to me, especially sa katulad kong isang byuda. And my friend Isadora at ang kanyang anak na si Sofia. Thank you all very much! Maraming salamat!
Nagpalakpakan ang mga bisita. Tumayo si Raphael
Raphael : By the way, mga kaibigan gusto ko rin pong ipakilala si
Biglang lumapit at nagsalita si Isadora.
Isadora : Ay oo nga pala mare, nakalimutan mong banggitin si Catherine. I'm sure natatandaan nyo namang lahat sya di ba? And familiar sya sa inyo, lalo pa ngayon laman sya ng mga headline hindi ba? If you remember, Catherine is the ex-wife OF THE LATE MARTIN DELA RHEA. (nagtitimpi ang mag-inang Estelle at Raphael sa gumagawa ng eksena na si Isadora) Which incidentally, hindi ba ibinintang sa iyo ang pagkamatay nya?
Raphael : I don't think that comment was necessary.
Isadora : Bakit Raphael? I'm sure hindi naman mamasamain ng mga bisita ng mama mo kung ipaalala ko sa kanila kung sino si Catherine. I mean this is an intimate affair, so maganda magkakilala tayong lahat, hindi ba?
Raphael : I think you should stop it
Isadora : I'm just stating a fact, Raphael
Raphael : Marami na kayong nasabi, please just stop it now, okay?
-Inawat na ni Estelle sa pagsasalita si Isadora
Isadora : I'm sorry mare, na-carried away ako.
Raphael : (naka-akbay kay Catherine) Ladies and gentlemen, I'd like to introduce to you si Catherine dela Rhea. Malapit na po kaming ikasal, and I hope makapunta ho kayong lahat, pagka in-announce po namin. We will be very honored to have everybody. Mom, this was supposed to be I hope, it would have been a very pleasant announcement during your birthday.

Nilapitan ni Toby ang nakatingin na si Sofia sa nakatalikod na si Catherine
Toby : Sofia, kinuha na ni kuya yung cake. Kapag na-blow na ni Mommy ang candle, saka natin ipapaalam sa kanya ang tungkol sa ating dalawa ha.
Sofia : Are you sure?
Toby : Oo.
-Pagka-alis nina Toby at Sofia, nilapitan ni Isadora si Catherine. May hawak na baso ng alak si Isadora.
Isadora : Mukmok lang?
Catherine : Iniisip ko lang... kung papaano kita papatayin na talagang mahihirapan ka ng subra sobra. Ano, doon tayo sa labas Isadora! Gusto mo, tapusin na natin 'to?
Isadora : Hahahaha! Ayoko pa, nag-e-enjoy pa akong awayin ka eh. Pero puede rin. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari ha, Catherine? Ang magsampalan tayo at magsabunutan sa harapan ng hilaw mong byenan? At sa buong alta-sosyedad? Hahahaha! Ang yabang mo ba ngayon ha, porke't bang apelyido mo noon ay Mrs. Catherine dela Rhea, at future Mrs. Raphael Torralba. Hahaha! Alam mo, bibinyagan na lang kita ng bagong pangalan... Mrs. Catherine Maperang-mapera y Huthutera byuda de Impostura, o di ba mas maganda, sosyalen? Hahaha!
Catherine : Ano ba yang iniinom mo Isadora? Scotch ba 'yan?
Isadora : Oo, bakit gusto mo para talaga makalimot ka? (ibinibigay ang baso kay Catherine) Go ahead!
Catherine : (kinuha ang baso) Gusto ko lang ITAPON sa mukha mo!
Isadora : HOW DARE YOU?!
-Patakbong lumapit sina Raphael at Estelle
Isadora : Estelle, tingnan mo ang ginawa sa akin ng babaeng yan
Estelle : Tingnan mo ginawa mo, hindi ka na nahiya sa mga bisita. Talagang wala kang modong babae!
Raphael : (hawak si Catherine) Halika na!
Isadora : Estelle... (tumingin sa mga bisita) It's okay, it's okay... I'm fine, it's okay

Kinabukasan, habang kumakain ang mag-iinang Torralba
Estelle : Teka nga muna Raphael, parang ako pa ang sinisisi mo sa nangyari kahapon
Raphael : Ma, alam nyo namang magka-away si Isadora at si Catherine, kinumbida pa ninyo.
Estelle : Sa pagkakaalala ko, birthday ko iyon kaya puede kong imbitahin ang mga kaibigan ko
Raphael : Nakakasiguro ba kayong kaibigan nyo si Isadora? Baka naman ginagamit lang kayo
Estelle : Nakakasiguro ka bang maganda ang hangarin ni Catherine sa iyo? O baka naman pineperahan ka lang nya.

Naghahain si Isadora ng pagkain nila ni Sofia
Isadora : Natapunan man ako ng scotch, okay lang dahil sya pa rin ang talunan. Naku, galit na galit sa kanya si Estelle... wala raw syang modo. Naku, buti ng sa kanya! (nakatingin lang si Sofia sa ina) O hwag mo na ako bigyan ng words of wisdom ha, dahil pagdating talaga kay Catherine, naku wala talagang lumalabas lang ang galit ko.
Sofia : Hanggang kailan ganito, ma?
Isadora : Hanggang kaya ko. At kahit mauna akong mamatay kay Catherine... hihilahin ko pa rin ang paa nya, hindi ko pa rin sya patatahimikin.
Sofia : Ma, sa tingin mo ba kaya mong pumatay sa sobrang galit mo?
Isadora : Ano sa tingin mo?
Sofia : (naluluha, in denial) No! Hanggang ganito lang ang kaya nyo, hindi nyo kayang pumatay. I'm sure of that.

Pinuntahan ni Winnie sa kwarto si Scarlet
Winnie : Scarlet, may board meeting kanina, hindi ka na naman dumating. Nakakahiya na ito, this is the third time this week na pinaghintay mo sila.
Scarlet : Bakit kayo naghihintay?
Winnie : Dahil sinabi mong darating ka. Tinatawagan kita kanina ayaw mong makipag-usap. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kung pauuwiin ko ba yung board members o ano. Kung ayaw mo na sabihin mo sa akin. You know what, I think you need help
Scarlet : I need help? Tita, excuse me! Ako si Scarlet dela Rhea tapos sasabihin mo kailangan ko ng tulong. Ang dami-dami kong pera, ang yaman yaman ko, hello!
Winnie : Mayaman ka nga, ang dami mo namang napapabayaan - negosyo mo, anak mo, sarili mo. Why is this all hapenning? Alam mo kung nandito ngayon ang Daddy mo, magagalit yun sa 'yo. You have such a good life... everything is going for you, tapos masisira dahil lang sa isang lalaki (patuloy lang sa pagkain ng junk foods si Scarlet, may iniabot na brown envelope si Winnie) O dumating ito kanina, I think you should read it... importante yan.
Scarlet : Ano ba yan? (binasa ang laman ng envelope)
Winnie : May nakuhang bagong annulment lawyer si Miguel, I think they're doing everything to speed up the process.
Scarlet : Gonzaes law office? Di ba dito nagtatrabaho si Catherine?
Winnie : From what I've heard, yes dyan nga
Scarlet : Napaka-hayup talaga nilang dalawa! Parehas sila! Si Catherine mamamatay na yan... MAMAMATAY NA YANG SI CATHERINE!

Magka-usap naman ang mag-amang Vernon at Miguel
Miguel : Naka-usap ko yung annulment lawyer namin e. Malamang tumagal daw ng ilang taon yung annulment case namin pag hindi nakipag-cooperate si Scarlet.
Vernon : Hwag mo kasi ipakita sa asawa mo na hindi ka mapakali, lalo ka lang pagigigilin nun. Hayaan mo sya, magbabago rin ang isip nun. Kumusta nga pala yung trabaho mo?
Miguel : Ayos naman. Civil naman kaming dalawa ni Raphael e.
Vernon : Kumusta ang mga projects ng office of the congressman? Balita ko, open for bidding yang South Expressway going to Amadesto?
Miguel : Oo nga, kaya lang merong naging problema dyan dati e. Nagkaroon ng konting gulo doon sa kausap dati ni Tito Enrique. Bakit ninyo naitanong?
Vernon : May kakilala kasi akong contractor... nagpapalapit kay Torralba. Maayos silang kausap, marami na ring malalaking project na nagawa.
Miguel : Sino ang mga iyon?
Vernon : Grupo ni Marcus Silvestre
Miguel : Marcus Silvestre? Sige, di kausapin nyo, pakiisabi na lang na magpadala ng proposal for bidding. Titingnan ko, pag-aaralan ko baka meron akong magawa.
Vernon : Salamat!

Nasa bahay ni Scarlet si Miguel, nagliligpit ng mga naka-kalat na laruan ni Maggie. Pagbaba ni Scarlet ay nakita nito si Miguel
Scarlet : Nasaan si Maggie?
Miguel : Pinatulog ko na. Napagod kalalaro kanina e.
Scarlet : (umupong sa baytang ng hagdanan) Kamusta ka naman?
Miguel : Ok naman. Ikaw? You look sick.
Scarlet : Sick and tired of this life? Yes!
Miguel : Mag-aaway na naman ba tayo?
Scarlet : Ikaw ang bahala, gusto mo ba? Ako, ready lang ako.
Miguel : (umupo sa sofa) Scarlet, hindi ka ba napapagod sa ganito?
Scarlet : (tumayo) No Miguel. In fact, alam mo... hinahanap-hanap ko sya. Ikaw ha, I must admit, sa isang naghihirap na taong kagaya mo, you look…fit and terrific! Iba na talaga kapag meron kang INSPIRASYON
Miguel : (lumapit sa asawa) What are you talking about?
Scarlet : Gonzalez Law Office. Paralegal Catherine Ramirez? Does that ring a bell, ha?

Pasimpleng nagtatanong si Sofia sa ina
Sofia : Ma, noong nasa Amadesto kayo noon... bukod sa mga Torralba, sino po ba ang malapit sa pamilya natin?
Isadora : Bakit mo naman naitanong?
Sofia : Wala po. Kasi bata pa ako nang lumipat tayo ng Maynila. Wala akong maalala.
Isadora : Eh bakit mo naman kailangan alalahanin?
Sofia : Ah kasi yung ano po... ahm meron... meron akong assignment sa school. Tracing one's roots
Isadora : Uhhhhmmm tracing one's roots or tracing one's father?

Scarlet : Sabihin na lang natin na, hindi pa nga kayo nagkakabalikan ni Catherine, pero habang mag-asawa tayo, SYA lang ang laman nyang isipan mo. So in principle, talagang nagkasala ka nga.
Miguel : Unfair ka! Hindi ka talaga patas lumaro
Scarlet : Talagang hindi. Hindi mo ba napapansin, kaya nga parati akong nananalo eh. Who cares about the rules? Bakit kasi hindi ka pa umamin, Miguel? Talaga namang napakadumi nyang pag-iisip mo, di ba?

Isadora : Puede ba ha, tigilan mo na yang kaka-pursue na alamin kung sino ang tunay mong ama? Wala yan! Kalokohan lang yan. (naiiyak) Hindi mo man lang naiisip, puede na nga akong magmadre eh. Over these years, meron ka bang... meron ka bang lalaking nakita na kasama ko, simula ng papa mo, wala naman di ba?
Sofia : You don't have to go into details. You're just making me uncomfortable
Isadora : HINDI! Kailangan kong idikdik dyan sa utak mo... baka sakaling paniwalaan mo 'ko. Huhuhu! Pinagdududahan mo 'ko talaga huhuhu! (gustong amuin ni Sofia ang ina) Huwag na! HUHUHU! Sige na, umalis ka na huhuhu!
-Pagka-alis ni Sofia
Isadora : Hahahaha! Best actress! Hahahaha!

Miguel : Sana sa lahat ng mga pinaggagagawa mo, ang makita ng judge ay ang kasiraan nang ulo mo. (naiiyak si Scarlet) You’re not even stable... emotionally and psychologically, kawawa ang bata sa 'yo.
Scarlet : Mas kawawa ang bata sa iyo dahil isasama mo lang sya doon sa kerida m
Miguel: OO! Sana lang talaga magkatotoo ang lahat ng mga sinasabi mo, dahil si Catherine... di hamak na mas magiging mabuti syang ina at asawa KESA SA 'YO!
-Umalis si Miguel. Umiyak na naman si Scarlet.

Sa campus.
Toby : Pinayagan na ako ni mama. Ang sinabi ko, group study din. Hindi kasi ako papayagan nun pag sa Amadesto ang sinabi ko e.
Sofia : Okay lang ba talaga, Toby? Baka mamaya pati ikaw naaabala dahil sa mga problema ko.
Toby : Okay lang 'yon, huwag mo ng isipin yun.
Sofia : Sa tingin mo, I'm overreacting sa issue na ito? Baka mamaya ako lang ang gumagawa ng sarili kong problema.
Toby : Hindi naman e. Normal yan. Pagkatao mo ang pinag-uusapan.
Sofia : But what If I'm wasting my time? Baka pagsisihan ko na pinag-aaksyahan ko pa ng panahon at oras ko, pati emotion ko.
Toby : Mas pagsisisihan mo kapag hindi mo itinuloy yan. Ikaw ang hindi matatahimik. Kung ako ang nasa katayuan mo, ganyan din ang gagawin ko.

Sa Amadesto. Pinuntahan ni Toby sa resthouse si Lola Aura. Natuwa ang matanda ng makita si Toby
Toby : Magandang araw ho Lola Aura!
Lola Aura : Magandang araw naman! Kasama mo si Raphael?
-Nadismaya si Lola Aura nang hindi si Raphael ang nakita kundi si Sofia

Pinapunta ni Scarlet sa bahay ang abugado nyang si Atty. Tamayo
Atty. Tamayo : Good morning Mrs. Castillejos! (nagkamay ang dalawa) Nagpatawag po kayo
Scarlet : Yes Attorney. Gusto ko kasing pabuksan ulit ang arson case.
Atty. Tamayo : Pero nadismiss na po yung kaso na 'yon. Under what grounds po, Mrs. Castillejos? Siguradong tatanungin tayo sa appeal
-Pumapasok si Winnie
Scarlet : Attorney, sinasabi ko naman kasi sa inyong lahat, di ba? Nagpasabog si Catherine doon sa ospital na iyon. Imposible ang sinasabi nilang faulty wirings na yan.
Winnie : But if does happens, Scarlet. I mean sana man lang meron kang eye witness na magsasabing nakita nila mismo si Catherine na nagpasabog at nagsunog ng ospital
Scarlet : Basta Attorney, gumawa kayo ng paraan. I don't care, kahit ano. Ikaw na ang bahala, basta ang importante mabuksan ulit natin itong kaso ni Catherine. And please, pati si Raphael paki-imbestigahan. Baka mamaya may kung anong anomalyang ginawa yan para gapangin ang kaso.
Winnie : Ay naku hindi kayang gawin ni Raphael yan, matino at ma-prinsipyong tao yan.
Scarlet : I'm not questioning his principles. Ang sa akin lang, BAKA lang naman, di ba Tita? Dahil lahat ng nahuhumaling dyan kay Catherine... nasisiraan ng ulo. Pwes puede kong gamitin yun, panlaban sa kanya.

Lola Aura : Sofia, ilang ulit mo na akong tinanong kung sino ang tunay mong ama. Ang alam ko lang baog ang kapatid ko.
Sofia : Wala ho ba kayong kilalang maaring naging karelasyon ni Mommy noon. Matagal ho kayong tumira sa Amadesto. Umaasa lang ho ako na, na baka ho matulungan nyo ako.
Lola Aura : Napakaraming kaguluhan ang nangyayari sa buhay natin.
Sofia : Lola Aura, sinabi sa akin ni Mang Rolando na hindi ako Castillejos. At sinabi nyo na rin hong baog si Papa Victor ko. Paano ho ako matatahimik? (nababagbag ang damdamin ni Lola Aura para kay Sofia) Lola Aura, isa lang naman po ang hihingin ko eh. Kung hindi ko man po mahanap ang tunay kong ama, gusto kong patunayan na totoo akong Castillejos. Magagawa ko lang po 'yon kung papayag kayong mag-DNA test tayo. Kung magkadugo tayo, siguradong anak ako ni Papa Victor.

Pagkagaling kay Lola Aura
Toby : Buti na lang, binigyan tayo ng hair sample ni Lola Aura.
Sofia : Sana ma-prove na nito kung totoong Castillejos man ako o hindi. Kaya lang, naiisip ko kasi Toby... baka naman hindi 100% effective ito eh
Toby : Dahil half sister lang ni Don Victor si Lola Aura? Iisa ang ama nila. Castillejos ang dugo ni Lola Aura.
Sofia : Sabagay. Beside Im willing to take that chance. Willing naman akong i-explore lahat ng means and possibilities eh. (napabuntung-hininga si Toby) Bakit nag-aalala ka Toby? Akala ko ba, suportado mo ako dito?
Toby : Sofia, sana isipin mo muna ang lahat. Kapag napatunayan na hindi ka tunay na anak ni Don Victor, mas lalong titibay ang kaso ni Lola Aura laban sa Mommy mo. Baka mawala pa ang natitira nyong shares sa Amadesto. Sofia, alam kong importante sa iyo ito e, pero sana isipin mo din. Naghihirap na kayo ngayon. Lahat ginagawa ng Mommy mo para hindi mawala ang Amadesto... pero sa gagawin mo, maaaring malagay sa alanganin ang laban nyo sa husgado.
Sofia : (lumuluha) Tama ka Toby. Maybe I shouldn't be doing this. Naguguluhan na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko eh.
-Niyakap ni Toby ang umiiyak na si Sofia

Sa parking lot. Nakatayo sa tabi ng magarang sasakyan si Gil, inaabangan ang pagdating ni Raphael.
Gil : (itinuro ang sasakyan) Sir, may nag-iwan ho. Ito ang susi, para sa inyo daw.
Raphael : Susi? (inihagis pabalik kay Gil ang box na may susi) Hanapin nyo ang address ni Mr. Lintoco. Sabihin ninyo, hindi ko tinatanggap itong kotse nya. Ibalik ninyo!

Pumasok sa office ni Cong. Raphael Torralba si Mr. Lintoco
Mr. Lintoco : Hi Congressman! Good evening! Good Evening! May naging problema daw, at sinoli ninyo ang ang mumunting regalo ko sa iyo. What? Hindi mo nagustuhan ang kulay, ang modelo?
Raphael : I don't want to deal with you, in any way. Di ba sinabi ko sa iyo, hindi ganyan ang ginagawa namin dito sa opisina ko.
Mr. Lintoco : Congressman, congressman! Haaah! Anong gusto mong gawin ko? Name it... I'll do it! Alam na ng mga tauhan ko na sa amin ang SLEX to Amadesto Expressway project. Come on Congressman, please, ibigay mo na sa amin itong project. Anyway wala namang mawawala sa iyo e.
Raphael : Walang mawawala sa akin? Dahil lahat kayo kikita ng mataas? Ang mawawala sa akin, ang aking integridad! Wala tayong pag-uusapan. Mabuti pa umalis na kayo
Mr. Lintoco : (nakita ang picture ni Catherine) Sya ba ang mapapangasawa mo? Maganda... sana lang, ina-alagaan mo syang mabuti. Baka kasi kung ano ang mangyari
Raphael : Is that a threat?
Mr. Lintoco : Well, wala akong sinasabi. Ang akin lang magulo ang mundo... maraming loko. Dapat nag-iingat tayong palagi, di ba Congressman?
-Umalis na si Mr. Lintoco. Naiwan naman ang napapa-isip at nag-aalala na si Raphael.

Nasa kalye si Catherine, kausap sa cellphone si Raphael
Catherine : Hello Raphael! Raphael, low batt na kasi ako eh. Pauwin na ako, hwag mo na akong sunduin.
Raphael : Catherine, Hello! Hello!
-Pumasok si Miguel sa opisina ni Raphael, may pinapipirmahang papeles
Miguel : Excuse me! Raphael, nandito na ang recommendation ko para sa Amadesto Expressway project, yung Marcu Silvestre firm... sila yung pinakamagandang deal
Raphael : (Natataranta na sa pag-aalala si Raphael para sa kasintahan) Sige
Miguel : Pirma mo na lang ang kailangan
Raphael : Sige i-hold mo na muna yan ha
Miguel : Pero sabi mo di ba, okey na ito
Raphael : (hawak ang noo, labis na nag-aalala) Alam ko trabaho yan, pero hwag mo akong pipersonalin, okey lang. Nandito ako sa opisina ko, okey? Hwag mo akong kwe-kwestyonin
- Sinusubukan pa rin ni Raphael na kontakin ang cellphone ng kasintahan

May lumapit na lalaki kay Catherine
Lalaki : Hwag ka nang papalag, kung ayaw mong masaktan
Catherine : Bakit ho? Anong kailangan ninyo? Kunin nyo na lang ho ang bag ko
-May humintong Van, may dalawang lalaking bumaba at pilit na isinakay si Catherine. Nagpupumiglas si Catherine pero wala syang nagawa.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP