Friday, September 19, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 47

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Lola Aura : Hep, hep! Hahahaha! Akin ang lupang ito! Ikaw ang idedemanda ko ng trespassing! Dahil kami na lang ni Catherine ang tanging Castillejos, at amin ang buong hacienda Amadesto.
Isadora : Talaga bang naniniwala ka sa mga sinasabi mo Aura? Ako lang ang nag-iisang DONYA ng lupang ito. AKO LANG!!!
Lalaki : Nakasampa na ang kaso sa husgado. At handa na ang lahat ng ebidensya laban sa iyo. Ang marriage certificate ninyo ni Virginio (?) Sandoval, pati na rin ang medical records ni Don Victor. At ito ang desisyon ng korte (iniabot kay Isadora ang papeles). Si Aura Castillejos na ang bagong may-ari ng hacienda Amadesto.
Isadora : Alam ninyong hindi totoo ito. Papaano si Sofia? Siya ang nag-iisang anak ni Don Victor Castillejos, ang huling Castillejos.
Babae : Ayon din po sa medical records ni Don Victor, hindi po sya kailanman magkakaroon ng anak.
Sofia : Anong sinasabi nyo?
Lola Aura : Baog ang kapatid ko. Tama ang hinala mo... hindi sya ang ama mo.
Sofia : Ma?!
Isadora : (galit na galit) PUEDE BA HUWAG KA NGANG MAKIKINIG SA KANILA. Hoy kayo ha lumayas na kayo sa lupa ko. Dalhin ninyo iyan (inihagis sa lalaki ang papeles)
Lola Aura : IKAW ANG LUMAYAS! AMIN ITONG LUPA NA ITO. WALA KANG KARAPATAN DITO.
Isadora : Ah talaga? SO PALABAN KA NA NGAYON AURA? HA, AYAW NYONG TUMIGIL HA? (kinuha ang palakol, umawat si Sofia at ang dalawang abugado na kasama ni Lola Aura) PADADANAKIN KO MUNA ANG DUGO MO DITO BAGO MO AKO MAPAALIS SA LUPANG ITO
Lola Aura : IHANDA MO ANG LAHAT NANG BARAHA MO DAHIL MAGKIKITA TAYO SA KORTE
Isadora : MAGHIHINTAY AKO AURA. MAGHIHINTAY AKOOOO!

Pinuntahan ni Miguel si Scarlet para kausapin hinggil sa pagdedemanda nito kay Catherine
Miguel : DINEMANDA MO SI CATHERINE? Ano ba Scarlet, hindi ka pa ba tapos dito?
Scarlet : Hindi pa Miguel. Bakit tapos na ba syang magbayad ng mga kasalanan nya sa akin? Di ba Miguel, hindi pa? Paano mo nalaman ang tungkol dito ha? Hindi ko pa nilalabas ang balita, si Catherine pa lang ang may alam. Ibang klase! Napakabilis din namang magsumbong nyang KERIDA mo.
Miguel : Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo
Scarlet : NA WALA KAMING RELASYON NI CATHERINE, ha Miguel? Ano sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? Hoy Miguel hindi ako ganun katanga. At kahit pa ulit ulitin mong sabihin yan, hindi ako maniniwala sa iyo.
Miguel : Ano ba ang mapapala mo dito ha?
Scarlet : Ano pa? E di makukulong si Catherine. And that will make me the happiest person in the whole wide world. Hahahaha! Hahahaha!

Umiiyak na kinumpronta ni Sofia ang ina tungkol sa nalamang baog si Don Victor.
Sofia : TOTOO BA YUNG SINASABI NILA 'ma? Hindi ako Castillejos?
Isadora : HINDI KA KASI DAPAT NAGPAPANIWALA SA SINASABI NG MGA TAONG YON.
Sofia : They have proof 'ma, BAOG si Papa.
Isadora : Nagpunta kami ng Europa... doon nagpagamot ang Papa mo. At ikaw ang naging anak namin Sofia.
Sofia : You have proof 'ma? May records ba kayo
Isadora : WALA AKONG DAPAT PATUNAYAN. Si Victor ang ama mo, yun lang yun.
Sofia : You have no proof 'ma. Ma tell me the truth, please! Sino ang ama ko?
Isadora : Kahit ano pang sabihin nila... kahit ano pang ebidensyang ipakita nila. Si VICTOR ang ama mo.

Pinuntahan ni Scarlet si Catherine sa opisina, hindi nagustuhan ni Catherine ang pagdating ni Scarlet. Nakabuntot kay Scarlet ang alalay niyang si Edith.
Scarlet : Hi Catherine! Catherine balita ko, binabawi nyo daw kina Isadora ang hacienda Amadesto? Uy! Exciting yan ha... kasi yayaman ka na ulit. Matagal na kasi akong bored dyan sa… dyan sa Divisoria look mo.
Catherine : Alam mo Scarlet, matagal ka nang bored. Kaya nga hindi kataka-taka na dalawin mo pa ako dito, at dayuhin dito sa opisina ko para lang awayin. Balitang balita na mismanaged daw ang Dela Rhea Foods? Tsk, tsk no wonder nalulugi... paano yung presidente busing-busy.
Scarlet : Ipalulugi ko ang gusto kong ipalugi dahil akin iyon. Ang iwasan mo ay yung mangalantari ng asawa ng may asawa. Talagang nakapagsumbong ka din naman kaagad kay Miguel ano? Ano sa tingin mo, iaatras ko ang kaso? Nagkakamali ka Catherine. Kung talagang gusto nyong magsama, doon kayong dalawa sa kulungan. Pagsiksikan nyo ang sarili nyo sa iisang bartolina, naiintindihan mo?
Catherine : Alam mo, hindi na talaga hobby sa iyo ang magselos ano? Para ngang finull time career mo na. Kung sakaling maipakulong mo kami ni Miguel... makukuntento ka na ba Scarlet? O kulang pa rin?
Scarlet : Sa tingin ko…kulang! Dapat siguro, makita kitang nangingisay na sa silya elektrika. DUN SIGURO, pwede na akong mag-retire sa career ko.
Catherine : Ikaw Scarlet… ikaw ang malapit nang mangisay. Malapit na malapit ka ng mangisay.
- Nang makaalis si Scarlet ay mababakas ang takot sa mukha ni Catherine.

Pumunta sa bahay nila sa Maynila ang mag-inang Isadora at Sofia, nandun din si Miguel.
Isadora : Hindi puede. Walanghiyang Aura yun... ang kapal ng mukha.
Miguel : Naka schedule na daw next week ang hearing nyo. Well, sabi nila matagal ang proseso na ito, dahil lalo na lupa ang pinag-aawayan.
Isadora : E di gawan natin ng paraan Miguel. Idelay natin yung kaso. Pahabain natin yung proceedings. Kailangan hindi na lang abutan ni Aura kung anuman ang resulta ng kaso.
Miguel : Ma, malaking pera ang kakailanganin natin dito.
Isadora : Gawan mo ng paraan Miguel. Humingi ka ng tulong kay Vernon. Hindi puedeng mawala sa akin ang Amadesto... yun na lang ang natitira sa akin, naiintindihan nyo ba?
Miguel : Anuman ang kahantungan nito, huwag na tayong magsisihan. Hindi naman tayo ang magdedesisyon e, ang husgado.
Isadora : HINDI AKO PAPAYAG. KUNG ANG UTOS NGA NG DYOS BINABALE KO, DESISYON PA NG HUSGADO... TAO LANG YAN.
Sofia : Ma, don't show that attitude in court. If you're held in contempt lalong hihina yung laban mo.
Isadora : Basta! Gawan natin ng paraan. AKO ANG MANANALO. KAHIT NA ANO ANG MANGYARI, DAPAT AKO ANG MANALO.

Dininig ang kaso nina Isadora at Lola Aura. Kasama ni Isadora si Sofia, naka-alalay naman kay Lola Aura si Louela. Ang panig ni Lola Aura ang unang dininig, tapos ang panig ni Isadora.

Naghanda ng maraming pagkain si Lola Aura sa rest house na tinutuluyan nina Isadora at Sofia, mga taong asyenda ang inimbitahan ni Lola Aura.
Lola Aura : Kain ng kain ha, para sa inyo talaga yan. Mamaya meron pang lechong baka at baboy.
-Dumating sina Isadora at Sofia
Isadora : Ano ang ginagawa ninyo sa pag-aari ko ha? Sinong nagsabi sa inyong pupuede kayong pumasok ng walang pahintulot sa akin? Nagkakainan pa kayo! SINONG NAGSABI SA INYONG PUMASOK KAYO DITO?
Lola Aura : (nakapameywang) Ako? Inimbitahan ko sila para naman makapag-paalam ka sa mga kababayan natin.
-Lumapit ang dalawang abugado na kasama noon ni Lola Aura
Isadora : Lupa ko ito. Kahit kailan hindi mo ako mapapaalis dito.
Lalaking abugado : Ma'am, umalis na lang po kayo para walang gulo.
Isadora : GULO? Bakit gusto nyo ng gulo? Ano lalaban na kayo ha? Ha?
- Nagtayuan ang mga bisita ni Lola Aura. Natakot si Sofia, hinawakan ang ina at niyaya na paalis, pero kumalas si Isadora sa pagkakahawak ng anak... ayaw umalis ni Isadora.
Lola Aura : Ano hindi ka pa aalis?
Isadora : Hindi pa ako tapos sa iyo. Babalikan kita!
Lola Aura : Hihintayin kita!
-Walang nagawa si Isadora kundi ang umalis
Isadora : TABI!
Lola Aura : Hep! Hep! May nakalimutan ka.
- Inilabas ng dalawang lalaki ang mga maleta nina Isadora at Sofia
Lola Aura : O ano pa ang hinihintay mo? Walang bibitbit nyan para sa iyo. BITBITIN MONG MAG-ISA!
-Kinuha ng mag-ina ang mga gamit nila at umalis
Isadora : O ANO ANG TINITINGIN-TINGIN NYO?
- Nagpatuloy ang kainan pagka-alis nina Isadora at Sofia.

Pinuntahan ni Catherine si Raphael sa opisina.
Catherine : Maraming salamat doon sa tulong mo kina Lola ha. Sa lahat ng suporta mo. Alam mo ba si Louela, damang dama nya yung tagumpay.
Raphael : E malinaw naman talaga na ninakaw ni Isadora ang lupa ninyo e. Pero kahit saan tayo magpunta, sigurado panalo tayo. (napansin na naiiyak ang kasintahan) Catherine, may problema ba?
Catherine : Nahihiya ako lumapit sa iyo eh. Pero kailangan ko ang tulong mo Raphael.
Raphael : Bakit ano ang nangyari?
Catherine : Makukulong ako Raphael.
-Yumakap si Catherine kay Raphael. Umiiyak at natatakot si Catherine.

Nang dumating ang mag-inang Isadora at Sofia sa bahay nila ay walang kuryente... naputulan. Inutusan ni Isadora na kumuha ng kandila ang anak. Nang may kumatok ay dali daling nagtago ang mag-ina, pero si Vernon pala ang kumakatok... pinapasok ni Isadora si Vernon
Vernon : O iba yata ang ambiance ng bahay mo ngayon... romantiko ha.
Isadora : Mang-aasar ka ba?
Vernon : Hindi. Ikaw naman hindi ka mabiro o.
Isadora : O bakit ka ba napasugod dito?
Vernon : May naisip na akong idea, para bigyan ka ng palugit ng boss ko.
Isadora : Teka nga muna, anong palugit? Nakikita mo ba kung ano ang sitwasyon namin? Anong palugit ang pinagsasabi mo?

Nakalublob sa pool ang mga paa ni Toby. Nakangiti ang binata habang inaalala ang mga masasaya nilang sandali ni Sofia.

Nasa chapel ng eskwelahan si Sofia, pinuntahan sya ni Toby.
Toby : Kinuha ko sa mga professors mo yung mga na-miss mong lessons at school works. Sabi ko sa kanila may family emergency ka sa hacienda Amadesto, kaya pumayag sila na mag-make up class ka.
Sofia : Salamat Toby ha. Ang bait bait mo talaga. I really don't deserve this.
Toby : Bakit mo ba palaging dinadown ang sarili mo?
Sofia : Dahil masama akong tao. May ginawa ako na hindi dapat.
Toby : Ano ba yun?
Sofia : If I tell you, you're going to hate me.
Toby : Hindi mangyayari iyon Sofia
Sofia : Hindi mo alam yun Toby
Toby : (hinawakan ang kamay ni Sofia) Alam ko... dahil mahal kita
Sofia : Toby huwag. Hindi puedeng maging tayo
Toby : Bakit naman? Sofia kung anuman yang gumugulo sa isip mo, labas na tayong dalawa doon,
Sofia : Paano kung may mangyari sa pamilya natin? Kung magkaroon sila ng away o kaya magkasakitan sila?
Toby : Sofia, wala na tayong dalawa doon. At saka isa pa hindi mangyayari yun. Magkaibigan ang pamilya natin. Hindi naman siguro sila magpapatayan.
-Hindi makapagsalita si Sofia, naiiyak.
Toby : Sofia, hindi mo ba ako mahal?
Sofia : Mahal kita Toby... pero iyon ang problema
-Natuwa si Toby sa sinabi ni Sofia na mahal din sya nito. Niyakap ni Toby ang babae na naiiyak.

Ikinuha ni Raphael ng abugado si Catherine.
Lady Lawyer : Mrs. Dela Rhea, mas maige ng hindi ko alam kung pinasunog nyo talaga ang ospital, para ma-defend ko kayo ng maige sa court.
Raphael : Matibay ba ang kaso ni Scarlet?
Lady Lawyer : Kung mapapatunayan nila na si Catherine nga ang nagpasunog nang ospital, oo.
Catherine : Pero ako ang may-ari ng ospital at saka hindi naman ako nag… nag claim ng... insurance eh.
Lady Lawyer : Kahit pa. Mrs. Dela Rhea, alam ninyo napakaraming bahay, napakaraming opisina na malapit sa ospital. The fire put their safety at risk.
-Kinakabahan si Catherine
Raphael : Ano ang pwede nating gawin?
Lady Lawyer : Pwede nating ipalabas na may faulty wiring kaya nagkasunog ang ospital.
Catherine : Magagawa ba iyon?
Lady Lawyer : Tatapatin ko na kayo, para mangyari iyon... kailangan nating suhulan ang inspector.
Raphael: Suhulan? That means we have to bribe them? I don’t think so. Maghanap ka nang ibang paraan.
Lawyer: Susubukan ko.
-Hinawakani Raphael ang kamay ng naiiyak na si Catherine
Raphael: Huwag kang mag-alala Catherine, walang masamang mangyayari sa iyo.

Pumunta sina Vernon at Isadora sa "boss" ng una.
Isadora : Finally, weÄ've met bosing
Boss : Papaano? Meron na ba kayong ibabayad sa akin?
Isadora : (tumingin kay Vernon) Ahm eh sabi ni Vernon bosing, papayag ka daw ng hulugan.
Boss : Bakit naman ako papayag?
Vernon : Dahil si Miguel ang isa sa right hand man ni Cong. Torralba
Boss : Si Miguel?
Isadora : Oo. O di ba meron ka pa ring tao sa kongreso?
Boss : Matutulungan ba ako ng anak ninyo sa negosyo ko?
Vernon : Sigurado yun Sir
Boss : Papaano kung pumalag ang anak ninyo?
Isadora : Bosing, akong bahala kay Miguel. O paano, quits na?
Boss : Negosyante ako Isadora. Hindi ganun kadaling burahin ang utang nyo. Pero dahil sa proposal nyo, okey magpapakabumbay ako... papayag ako sa offer ninyong hulugan
Isadora : Hindi mo na kami guguluhin?
Boss : Depende. E kung tutulungan ba ako ng anak ninyo sa negosyo ko
Isadora : So, it's a deal?
-Iniabot ni Isadora ang kamay, hinalikan naman ni Boss ang kamay ni Isadora. Masaya ang mga magulang ni Miguel sa ginawang pakikipag-deal sa boss.

Kinakabahan si Catherine sa nalalapit na paglilitis ng kaso nya. Nag-uusap sa opisina ang magkasintahan
Catherine : Raphael, bukas na ang hearing ko, may laban kaya ang kaso ko?
Raphael : Hindi ko alam Catherine.
Catherine : Eh kung sundin na lang natin yung advice ni Attorney.
Raphael : Ang suhulan ang inspector? Catherine, hindi mo alam ang hinihingi mo sa akin.
Catherine : I'm sorry. Raphael patawarin mo ako, natatakot lang ako eh. Ayokong makulong.
-Nagyakap sina Raphael at Catherine

-Muling kinausap ni Raphael ang abugado ni Catherine. Umiinom ng alak si Scarlet sa bahay, masaya.

Sa hearing. Hinanap ni Catherine sa abugado si Raphael... pdating na daw, may inaasikaso lang. Lumapit si Scarlet kay Catherine, nang-aasar.
Scarlet : Catherine, it’s a beautiful day. Bakit hindi mo subukang lumabas, tapos langhapin mo yung sariwang hangin. Kasi alam mo, kahit naman polluted doon... feeling ko mas okay 'yon kesa sa hangin sa loob nang kulungan, hindi ba?
-Bumalik na si Scarlet sa upuan nya. Pumasok na ang judge.
Judge : I’ve granted the request of the defendant to keep this matter in private, until we’ve reached the verdict.
Scarlet : Catherine, huwag kang mag-alala, paglabas mo naman ng naka-posas... pagkakaguluhan ka pa rin naman ng mga reporters eh.
- Hindi nagugustuhan ni Winnie at Atty. Tamayo ang mga pinapakita ni Scarlet
Judge : Ni-review ko ang mga ebidensyang binigay nang parehong partido. Merong binigay si Mrs. Castillejos na findings galing sa building inspector, dated Jan. 17 2007. At ayon dito, pumasa ang Castillejos Hospital sa lahat nang building codes.
-Dumating si Raphael at may folder na ibinigay sa lawyer ni Catherine. Tahimik na tahimik si Raphael.
Judge : Are you going to contest that?
Lady Lawyer : Yes your honor. I have a new document here from the fire inspector, dated April 25, 2008.
-Napapikit si Raphael, tila may bigat na dinadala sa dibdib
Atty. Tamayo : Attention your honor, this is irregular.
Judge : Please, both counsel approach the bench.
Lady Lawyer : Your honor, ipinapakita dito na may nahanap sila na maraming paglabag sa mga building codes, at kasama dito ang faulty electrical wiring. Nandito din ang affidavit nang fire inspector, stating that the cause of fire is faulty wiring.
Judge : Will you request for your copy?
Atty. Tamayo : Yes we will.
-Lingon ng lingon si Catherine sa walang kibo na si Raphael. Galit at hindi makapaniwala si Scarlet
Scarlet : Attorney, ano ang nangyayari? Papaano mangyayari yun?
-Pinipigilan ni Winnie sa pag-iingay si Scarlet

Pagkatapos ng hearing
Lady Lawyer : Congratulations! That was a close call. Hindi ko akalain na ibabasura ng judge ang kaso
Catherine : Attorney, maraming maraming salamat po!
Lady Lawyer : You're very welcome.
-Tahimik pa rin si Raphael na nakatayo lang sa tabi ng staff niyang si Gil. Galit na galit na pinuntahan ni Scarlet si Catherine
Scarlet : Hindi pa tayo tapos.

Sina Catherine at Raphael na lamang ang nasa court room
Catherine : Raphael, may problema ba? Hindi ka ba masaya na ibinasura ng judge 'yon. Ang swerte nga natin kasi kahit last minute nahanap mo yung... yung inspector eh. Ang galing galing mo talaga.
Raphael : (umiling) Hindi ako magaling Catherine.
Catherine : Anong ibig mong sabihin?
Raphael : Sinuhulan ko ang inspector.
Catherine : Ha?!
Raphael : Sinuhulan ko para maiba ang findings. I broke the law Catherine, I broke it for you.
-Lumong-lumo si Raphael sa nagawa nya. Nagawa nyang sirain ang prinsipyo na palagi niyang ipinaglalaban... nagawa niya para sa babaeng iniibig.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP