Wednesday, September 10, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 42

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Nagsindi ng kandila si Isadora.
Isadora : Sa dami ng namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko ng kandila Rolando. Walanghiya ka ang lakas mo sa akin. Hindi ako humihingi ng tawad sa nagawa ko, para ano pa? Hindi na maibabalik ang buhay mo. Flashback ng muling pagkikita nina Rolando at Isadora sa harapan ng apartment ni Sofia, nang halos mapatay ni Rolando sa sobrang galit si Isadora nang matuklasan ng lalaki na si Isadora ang nagsabi kay Martin dela Rhea na may lalaki si Catherine at nang tinurukan ng lason ni Isadora si Rolando na sya nitong ikinamatay. Dala iyon ng matinding pangangailangan. Ganun talaga ang buhay eh, una-unahan lang 'yon. Hindi ako magpapakaplastic Rolando. Oo minahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. iyon lang iyon. Sya baka malusaw ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.
- Labis labis ang pagluha ni Isadora.

Ginabi ng uwi si Toby kasi inihatid pa niya si Sofia.
Estelle : Kumusta na si Catherine? Si Aura?
Toby : Malungkot ho. Hindi naman ho maaalis yun e. Masakit ho ang mamatayan.
Estelle : Alam ko ang pinagdadaanan mo. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Lahat tayo umasa kay Rolando na katarungan para sa Papa mo, pero huli na ang lahat, nangyari na wala na tayong magagawa.
Toby : Alam ko 'ma pero hindi pa rin ho ako matatahimik hangga't hindi nasusolve ang kaso ni Papa.
Estelle : Alam kong hindi madaling pakinggan ang mga sasabihin ko. Kahit ako man nawawalan na ng lakas ng loob na maniwala na makahanap pa tayo ng kasagutan. Pero alam ko sa tamang panahon... malalaman at malalaman din natin ang katotohanan. Magtiwala ka lang Toby. Lahat tayo'y dapat kumilos para sa Papa mo.

Si Sofia ay umiiyak sa silid niya, naiisip ang sinabi sa kanya ni Mang Rolando bago ito bawian ng buhay.
Sofia : Gawa gawa lang ba iyon ni Mang Rolando? Hindi kaya naguluhan lang sya, matagal syang na coma. At sino yung Vernon na tinutukoy nya? Magagawa ba talaga ni Mommy iyon? Pero bakit? Para saan, para ano? Kung totoo man ang mga sinasabi ni Mang Rolando, paano ko pagtatakpan ang mga kasalanan ni Mommy? Kaya ko bang ipakulong ang sarili kong ina?

Magkausap sina Toby at Sofia sa campus. Sinabi ni Toby na wala pa ring nangyayari sa imbestigasyon, pinagplanuhan daw maigi ang ambush kaya malinis ang pagkatrabaho. Idinagdag pa ni Toby na sagad sa buto ang kawalang hiyaan ng mga nagplano ng ambush. Tinanong ni Sofia si Toby kung puede nyang mapanuod ang video ng ambush. Nagtaka si Toby kung bakit biglang nagka-interes si Sofia sa video. Sinabi ni Sofia na kaibigan niya si Mang Rolando at gusto niyang may magawa para rito. Nakita ni Sofia sa video si Vernon.

Lumipat sa apartment sina Catherine, Lola Aura at Louela. Kasama ni Raphael ang mga bodyguard nya sa pagtulong sa pagbubuhat ng mga gamit nina Catherine. Nahihiya naman si Lola Aura kay Raphael kasi nagbubuhat ito kahit congressman na. Nagandahan si Raphael sa apartment na nahanap ni Louela.
Louela : Alam mo mura pa nga ito e. Kaya na namin ni Catherine paghatian ang renta dito. Saka mabuti na nakalipat para hindi na nagkakasakit si Lola (masaya ang matanda), O tingnan mo... magaling na, malakas na, fresh.
-Nagkatawan sina Raphael, Lola Aura at Louela. Nang napag-isa ay napansin ni Raphael ang pananahimik ng katipan.
Raphael : Catherine
Catherine : Pasensya ka na Raphael ha. Alam ko namang dapat ko lang talagang labanan ang bigat at sama ng loob ko. Pero hindi ko kaya eh, hindi ganun kadali iyon.
Raphael : Okey lang. Nararamdaman ko naman yang dinadaanan mo e. Pero hindi mo naman puedeng isantabi lang iyon. Ganito ang isipin mo... isipin mo na lang na kahit papaano nabigyan mo ng konting panahon ang iyong Papa. Nakasama mo sya, nakausap mo sya at alam mong nabigyan mo sya ng pagmamahal mo. Hindi naman katulad namin, si Papa sa isang iglap biglang kinuha na lang sya sa amin. Catherine, I want to remind you that your Tatay died for a noble cause. Iniharang nya ang katawan nya para sa amin, winarningan nya kami ni Papa. At iyon naman kahit habangbuhay hindi namin makakalimutan. Tatanawin kong malaking utang na loob.
Catherine : Sa mga nangyaring ginawa nya para sa inyo, lalo akong nagsisisi ngayon dahil hindi ko pinatawad ang isang mabuting tao.
Raphael : Nakaraan na ay nakaraan na, tapos na iyon. At ang importante ngayon ay mahalin mo na lang ang sarili mo at mag-enjoy ka na lang. Iyon lang ang paraan para mapakita natin kay Rolando kung gaano natin sya kamahal. At pinahalagahan mo ang buhay mo na binigay nya sa iyo. Kaya natin ito Catherine, andidito na ako. We can help each other out, we are going to help each other heal, okay?
-Nagyakap sina Raphael at Catherine.

Sa almusal ay tinitingnan ni Sofia ang ina.
Isadora : Wala akong masyadong tulog kagabi kaya alam kong aligaga ang itsura ko. Pero anak huwag mo naman sana masyadong ipangalandakan sa akin 'no
Sofia : It's not that 'ma.
Isadora : Eh bakit? Bakit tingin ka ng tingin sa akin?
-Nagring ang telepono. Tatayo sana si Sofia para sagutin ang phone pero pinigilan siya ni Isadora.
Isadora : Inday! Sagutin mo ang telepono
Elvie : Ma'am, Elvie po ang pangalan ko.
Isadora : Ah Elvie... Inday sagutin mo yang telepono, pag para sa akin wala ako
Elvie : Eh nasaan po kayo?
Isadora : Patay na
-Sinagot ni Elvie ang telepono at gaya ng bilin ni Isadora , ay sinabi ng maid na wala ang amo nya. Sinabi ni Elvie sa kausap sa telepono na magbilin na lang ng message. Natakot si Elvie ng marinig ang message para kay Isadora.
Isadora : Sino naman iyon Manang at medyo OA yata ang reaction mo?
Elvie : Ma'am ang sabi po nya, huwag nyo daw po syang pagtataguan kung ayaw nyo daw pong makitang lumulutang sa ilog Pasig.
Sofia : Ma sino iyon? Bakit nya kayo tinatakot? Ireport natin ito sa pulis.
Isadora : Wala iyon. Sige na kumain ka na.

Pumunta si Miguel sa bagong tirahan ni Scarlet para sunduin si Maggie.
Scarlet : Pababa na si Maggie. Mabuti naman daw dinalaw mo yung anak mo.
Miguel : Lumipat na pala kayo ng bahay. Hindi man lang ako inabisuhan
Scarlet : Bakit Miguel? Kapag ba sinabi ko sa iyo na ayaw ko nang tumira doon sa mansion, bibilhan mo ako ng bagong bahay? Hindi mo naman kaya iyon eh. Bakit ba kasi nasa amin na naman ang atensyon mo? Napagod ka na sa kabubuntot doon sa Catherine mo ano?
Miguel : Puede ba tigilan mo si Catherine? Namatayan na yung tao. Maawa ka naman, dinadamay mo na naman e.
Scarlet : Grabe Miguel, nakaka-touched naman kung paano la magmalasakit sa mga namamatayan. Bakit noong namatay si Papa hindi ka naman nagmalasakit sa akin ng ganyan? Hindi ko naramdaman yang ganyang klaseng pakikidalamhati mo. Anyway, (naiiyak) tapos na iyon at pakisabi dyan sa Catherine mo na tama lang ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanya. Iyan ang napapala ng mga taong maaarte. It's so typical noong nabubuhay pa yung tatay nya... pinagtutulakan nya, ngayon namatay na naglulungkot-lungkotan sya (pinahid ang luha). I can not falling into her drama.

Nasa silid nya si Isadora, kausap sa cellphone si Vernon.
Isadora : Vernon gawan mo naman ng paraan. Tinatakot na ako ng mga partners mo eh.
Vernon : Bad shot din ako sa kanila Isadora. Kailan lang muntik na nila akong tuluyan.
Isadora : So ano ang ibig mong sabihin? Sinasabi mo sa akin na wala kang magagawa. Bwesit na buhay ito o, eh puro problema na ako eh. Vernon sige na, payagan mo na akong kausapin ang mga partners mo. Ako na ang didiskarte ha?
Vernon : Ano ang sasabihin mo, magmamakaawa ka? Halang ang kaluluwa ng mga taong iyon. Tanga ka na lang kapag umasa ka pa.
-Hindi namamalayan ni Isadora na nasa pintuan si Sofia at nakikinig sa pakikipag-usap nya sa phone.
Isadora : Eh kaysa naman na hindi ko kausapin at wala akong gawin na paraan. Alangan namang hintayin ko pa na lumutang ang katawan ko sa ilog Pasig. Please lang ha Vernon, wala akong pangarap na mamatay ng ganung para...
-Nakita ni Isadora si Sofia. Nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Isadora, bumagsak ang cellphone sa sahig. Humingi ng tulong sa mga kasambahay si Sofia.

Patuloy pa rin sa pagtatalo sina Miguel at Scarlet
Scarlet : Ang sabi ko, tapos na ako sa pagiging loser ko sa iyo. That doesn't mean na magiging boba na ako. Hindi lang kita hahabulin dahil hindi na kita kailangan sa buhay ko.
-Hinawakan ni Miguel ang asawa at pilit pinapipirma sa annulment papers. Sumigaw ang umiiyak na si Scarlet na nasasaktan siya. Humingi ng sorry si Miguel sa nangyari, pero ang hirap daw kasing pakiusapan ni Scarlet.
Scarlet : Oo talaga. At dahil dyan mas lalo pa kitang pahihirapan. Kahit putulin mo pa ang dalawang kamay ko hinding hindi ko pipirmahan yan Miguel. Can't you see misery loves company? You're misery number one, and I'm misery number two.
Miguel : Hindi ko sukat akalaing ganyan ka kasama
Scarlet : Hindi ko rin akalain na ganyan ka kasama. Bakit hindi na lang tayo gumawa ng listahan? Ilista mo ang lahat ng masasamang ugali ko, ililista ko rin lahat ng masasamang ugali mo. (lumuluha) Tingnan natin kung sino ang mananalo sa ating dalawa Miguel.
Miguel : (tumaliko) Sinasayang ko lang ang oras ko dito.
Scarlet : Hindi Miguel, sandali lang huwag kang aalis. Bakit kaya hindi mo na lang tanggapin ang challenge ko sa iyo? Maglistahan tayong dalawa. Ililista ko lahat ng kasalanan mo. Sigurado naman tayo doon na ikaw ang mananalo, di ba? Aya mo nun, sa unang unang pagkakataon Miguel... ikaw ang panalo. Yeheey! Congratulations Miguel! (pumapalakpak na nakangiti) Ikaw ang panalo ngayon. Yes!
-Nakatanggap ng tawag si Miguel mula kay Sofia... tungkol sa kanilang ina.

Umuwi kaagad si Miguel at tinanong si Sofia kung ano ang nangyari at bakit hindi dinala sa hospital ang kanilang ina. Sinabi ni Sofia na galing na doon ang doctor... mataas lang daw ang BP ni Isadora pero walang problema. Ipinilit ni Isadora na hindi siya okey at tanga daw iyong doktor na tumingin sa kanya. Idinagdag pa ni Isadora na pakiramdam nya ay mamamatay na sya. Sinabi ni Sofia kay Miguel na marami daw kasi ang tumatawag, nananakot, death threats at ang bangko naniningil ng utang. Pinalabas ni Isadora sa silid nya ang mga anak kasi gusto daw nyang magpahinga.

Ipinakita ni Catherine kay Lola Aura ang balita sa dyaryo. Natuwa naman sina Lola Aura at Louela kasi ang ganda raw ni Catherine sa dyaryo, at poging pogi si Raphael. Malungkot si Catherine kasi naunahan pa sila ng dyaryo, mabilis daw talaga kumalat ang tsismis. Nag-aalala si Catherine kasi nauna pa ang dyaryo kaysa sa Mama ni Raphael na malaman ang balak nilang pagpapakasal. Sinabi ni Lola Aura na natural lang daw na naisusulat ang lahat tungkol kay Raphaell kasi congressman ito. At sikat ayon kay Louela.
Lola Aura : Ano naman ang dapat ipagtampo ni Estelle sa inyo. Alam naman nya na talagang nagmamahalan kayo ni Raphael.
Louela : At saka nasa edad na kayo. Alam nyo na naman siguro kung ano ang pinagkaiba ng crush o true love. Eh sa inyo naman kasi truly, madly, deeply, sincerely ang nararamdaman nyo sa isa't isa. True love na iyon kaya huwag mo nang pinuproblema yan.
Lola Aura : Huwag kang mag-alala maski na anong sabihin nila, tiyak ipaglalaban ka ni Raphael. Kasi alam ko mahal na mahal ka nya.

Gaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Estelle ang balita
Estelle : How can you marry that woman? Let me refresh your memory... that woman was Miguel's girlfriend... that woman was an old man second wife... that woman is a no good gold digger, who now wants to be first lady of Amadesto.
Raphael : Hindi nyo kilala si Catherine. Please, don't judge her like that.
Estelle : Well, you can't blame me. Nasubaybayan ko ang track record ng babaeng yan. Anak believe me, this will not work
Raphael : Ma, she makes me happy. Wala naman akong ibang pakasalan e. Sana maging masaya kayo para sa akin.
Estelle : Well I'm sorry, I can't force myself to be happy, knowing that my son is being victimized by a leech.
Raphael : Ma that's not fair. That's foul
Estelle : Mag-isip isip kang mabuti Raphael. Sa tingin mo ba natutuwa ang Papa mo sa desisyon mong yan? Kung buhay lang sya ngayon, hindi lang ganyan ang maririnig mo sa kanya. Raphael, you are an intelligent person. Please huwag kang magpabobo sa kung sinu sinong HAMPASLUPA.

Ipinaalam ni Raphael kay Catherine ang pagtutol ng ina sa balak nilang pagpapakasal. Naiintindihan naman daw ni Catherine. Akala ni Louela may LQ sina Catherine at Raphael. Sinabi ni Catherine sa kaibigan, na ayaw talaga sa kanya ng mama ni Raphael.
Louela : Hayaan mo nga. Hindi naman sya ang papakasalan mo eh. At saka yang si Cong. Torralba, desidido na yan na ikaw ang iharap sa altar. Kahit ano pang tsismis mahal ka pa rin ni Raphael.
Catherine : Pero hindi naman iyon ang iniintindi ko e. Ayoko lang nagkakaproblema at nagugulo silang mag-ina.
Louela : Ngayon lang yan. Hayaan mo in the nearest future magkakaayos din kayo.
Catherine : Masyadong grabe ang pressure kay Raphael.
Louela : Eh ganyan naman talaga ang role ng mga B sa buhay ng tao. B for byenan, B for bwesit! Huwag kang mag-alala mahal na mahal ka ni Cong. Raphael. Now and forever till death do you part. Ke mambwesit ang byenan, amen.
-Napatawa ni Louela si Catherine.

Nagtatalo sina Isadora at Sofia kasi gustong gamitin ni Isadora ang trust fund ni Sofia. Huwag daw madamot si Sofia, sabi ni Isadora. Inaalala naman ni Sofia ang pag-aaral nya, pero sinabi ni Isadora na magagawan na niya iyon ng paraan later on. Habang nagtatalo ang mag-ina ay may dumating na mga taga bangko, hinahanap si Isadora Castillejos... ilang buwan na daw kasing hindi nagbabayad para sa kotse.
Sofia : Taga bangko? Kayo ho ba ang tumatawag dito threatening my Mom?
Isadora : (Bisayan accent) A Sofia, 'day tapusin mo na yung pinagagawa ni Ma'am sa likod, sige na! Punta ka na doon!
Lalaki : Kayo po ba si Mrs. Isadora Castillejos? May order po kasi kami dito na hatakin ang kotse nyo.
Isadora : Ah hahaha! Hindi po ako si Isadora Castillejos. Katiwala lang po kami dito. (itinaob ang mga picture frame para hindi makita ng maga taga bangko) E naku alam ko nga po minsan eh ang daming nagsasabi na medyo mas maganda kami sa amo namin. Kaya nga medyo nai-insecure si Ma'am eh, pero hindi po katiwala lang kami dito. Kaya hindi nyo po puedeng kunin yung sasakyan kasi mawawalan po kami ng trabaho.
Babae : E nasaan po ba sya ngayon?
Isadora : A si Ma'am? Si Ma'am po e nasa Estets pero nakita ko meron din po syang tiket papuntang Europe, Honduras, Afrika. Naku ang dami dami nya pong pupuntahan (mukhang hindi kumbinsido ang mga taga bangko). Kaya hindi nyo puedeng kunin yung sasakyan, magagalit po yun sa amin.
Lalaki : Kukunin na lang namin yung sasakyan. Pakibuksan ang gate
Isadora : (Humarang sa pintuan) Teka lang po, teka teka. Naku hindi nyo po puedeng kunin ang sasakyan. Nakow pag nagpilit po kayo na kunin yung sasakyan, tatawag ako ng pulis, security... hindi nyo talaga puedeng kunin, mawawalan kami ng trabaho. Kaya kung aku sa inyu umales na kayu, ales na! Alis!
-Dali daling isinara ni Isadora ang pintuan nang makalabas ang mga taga bangko. Siya namang pagbalik ni Sofia.
Isadora : O yan ang gayahin mo, yung abelidad ko. Ang hirap palang mag bisaya ano?
-Napapailing na lang si Sofia

Naglalakad si Catherine nang may humintong magarang kotse sa tabi nya. Bumaba sa sasakyan si Estelle Torralba.
Catherine : Good morning ma'am Estelle!
Estelle : Hindi ka pa rin natututo ano? Hindi ba sabi ko sa iyo kapag nagkatagpo tayo, huwag mo akong babatiin ng Good morning! Good afternoon! or Good evening! because there's nothing good about it anymore Catherine. Lumipat na pala kayo. Forgive me Catherine, pero kahit saan kayo lumipat susundan pa rin kita dahil hindi ka madaan sa magandang usapan.
Catherine : Bakit po?
Estelle : Hindi ba sinabi ko sa iyo stay away from Raphael? Eh ano ito? (inihagis ang hawak na newspaper) You didn't have the decency to tell me. Sa iba ko pa nalaman ang balita.
Catherine : Pasensya na ho. Sorry ho Ma'am Estelle naghahanap lang po talaga kami ng pagkakataon ni Raphael
Estelle : Pagkakataon? Wala ng ibang pagkakataon. This is a bad dream. This is bad news. It's a nightmare. Alam mo matagal ko nang iniisip na naging unfair si Isadora sa iyo, na mali lahat ang sinabi nya tungkol sa iyo. But you know, she was right all along. Talagang naghahanap ka lang ng mayayaman at makapangyarihang makakapitan.
Catherine : Ma'am mahal ko po si Raphael.
Estelle : Talaga? Ang tagal ka nang nililigawan ni Raphael, at lagi mo syang tinatanggihan. Pagkatapos ngayong congressman na si Raphael... bigla mo syang mahal? You know Scarlet was wrong about you, you're not a gold digger... YOU'RE A LEECH! Alam mo kung ano ang leech? LINTA! Linta na makapit... na uubos sa lahat ng kabutihan, kayamanan at kapangyarihan ng anak ko. This is the last time I'm going to warn you, stay out of my way. Stay away from Raphael. Stay out of our lives or else...

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP