Monday, September 8, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 41

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Bumalik si Sofia sa ICU para kunin ang naiwang bag. Narinig ni Sofia ang pag-ungol ni Mang Rolando. Hirap man ay nagawang magsalita ni Mang Rolando bago bawian ng buhay.
Mang Rolando : Si Isadora at si Vernon ang may pakana ng ambush. Sila ang pumatay kay Torralba.
-Hysterical na si Sofia sa nakikitang paghihirap ni Mang Rolando, umiiyak at sumisigaw na humihingi ng tulong si Sofia.

Masaya namang magkayakap sina Catherine at Raphael. Biglang natigilan si Catherine, at nagpalinga-linga sa paligid.
Raphael : Catherine? What's wrong? Baka nabigla ka lang sa sinabi mo... What's wrong?
Catherine : Bigla kong naisip ang tatay ko.

Kumakalat na ang lason na itinurok ni Isadora kay Mang Rolando. Iyak ng iyak si Sofia. Nagdatingan ang mga doktor at nurse. Umiiyak na nakatingin sa bintanang salamin si Lola Aura.

Tinawagan ni Raphael sa pamamagitan ng cellphone ang tauhan niyang si Mang Dolfo para kumustahin ang kalagayan ni Mang Rolando. Labis na pagkabigla ang nasa mukha ni Raphael matapos makipag-isap kay Mang Dolfo.
Catherine : (naiiyak) Bakit?

Nasa loob ng kanyang silid si Isadora. Nilulunod ang sarili sa alak, naiisip ang ginawa niya kay Rolando.
Isadora : Napuruhan ko kaya talaga si Rolando? Nagawa ko ba talaga 'yon? Nagawa ko ba talagang pumatay ng tao? Hindi! Hindi ako magpapatalo sa takot. Huwag kang magpatalo sa takot Isadora. Kaya mo ito. Lakasan mo ang loob mo, kaya mo 'to.
-Kinuha ni Isadora sa kanyang bag ang syringe na ginamit sa pagpatay kay Rolando Ramirez. Humahagulhol si Isadora, hindi makapaniwalang nagawa nyang pumatay ng tao.

Nakaupo sa labas ng silid ng manugang si Lola Aura ng dumating ang apong si Catherine kasama si Raphael. Hindi nagawang yakapin ni Lola Aura si Catherine, pinuntahan kaagad ni Catherine ang ama. Inakbayan at niyakap ni Raphael si Lola Aura na nagdadalamhati sa pagkamatay ng manugang. Pagpasok ni Catherine sa kinaroroonan ng ama ay lumabas na ang mga doktor. Hawak ni Sofia ang kamay ng hindi nakikilalang ama. Tumayo si Sofia nang lumapit si Catherine para yakapin ang bangkay ng ama.

Palabas ng bahay si Isadora ng biglang pumasok si Vernon. Sinabi ni Isadora sa dating asawa na huwag hahara-hara kasi nagmamadali siya. Sinabi ni Vernon na hindi pa nagrereport sa kanya si Isadora, kinumusta nito ang pinagagawa niya kay Isadora. Sinabi ni Isadora na syempre "mission accomplished". Babalik sana sa ospital si Isadora kasi nandun ang anak niyang si Sofia, pero pinigilan siya ni Vernon kasi "katangahan" daw ang gagawin ni Isadora. Isinumbat ni Isadora kay Vernon na pag ito daw ang ka-deal niya ay imbes na umabante siya sa buhay ay lalong nagiging atrasado.

Habang kumakain ang mag-inang Estelle at Toby ay may natanggap na tawag si Toby mula sa umiiyak na si Sofia. Nabigla si Toby nang ibalita ni Sofia ang pagkamatay ni Mang Rolando.

Kinausap ni Raphael ang doktora ni Mang Rolando. Nagrerequest siya ng autopsy. Sinabi ni Raphael sa doktora na bukod sa malapit sa kanila si Mang Rolando ay ito rin ang primary witness sa pagkamatay ng kanyang amang si Cong. Torralba. Gustong makasiguro ni Raphael na walang foul play na naganap sa pagkamatay ni Mang Rolando. Nakikinig lamang ang labis ring nagdadalamhati na si Sofia. Ayon sa doktora ay medyo matatagalan ang gagawing autopsy pero ipapadala kaagad nila ang result kina Raphael as soon as possible.

Patuloy ang panunumbat ni Isadora kay Vernon
Isadora : Oo. Ikaw ang sinisisi ko. Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon ha? Para akong aatakehin sa puso. Anong akala mo ha, biru biro lang iyong pinagawa mo? Hoy for your information Vernon, alam kong walanghiya akong tao. Alam kong hustler ako sa pera, pero ngayon lang ako naging mamamatay tao dahil sa iyo.
Vernon : May sapat ka namang dahilan
Isadora : Anong sapat na dahilan? Ano iyon pampalubag loob? Ano iyon for a good cause?
Vernon : Ito na lang ang isipin mo, kung hindi mo siya inunahan, malamang ikaw ang naunang iniligpit.
Isadora : O papaano na naman ako nadawit dyan? Di ba sabi mo, pagkatapos ng lahat ng inuutos mo, burado na lahat ang utang ko?
Vernon : Utang mo burado? Ano yan utang sa tindahan sa kanto? Sinkuenta milyones ang nagastos sa kampanya, malaking pera iyon. Isadora, masyado ka namang sinuswerte yata.
Isadora : (galit na naiiyak) Akala ko ba aabunuhan mo?
Vernon : Huwag ka ngang mag-ilusyon, huwag tayong mag-ilusyon. Sinkuenta milyones yun, wala ako nun. Baka sinkuenta mil, baka sakali.
Isadora : Tingnan mo na. E di ang gulo-gulo mo talagang ka-deal. Basta ha Vernon, gawan mo na ng paraan ya. Gawan mo na ng paraan yan!
- May tumawag sa cellphone ni Vernon - mga partners nya.
Isadora : Ah ewan ko sa iyo Vernon. Ako stress na stress na, sana ma-stress ka rin dahil hindi ako papayag na mauna akong mamatay dito.
-Galit na iniwan ni Isadora si Vernon. Hindi pa rin sinasagot ni Vernon ang tawag sa telepono.

Paalis na si Sofia nang kinausap siya ni Raphael
Raphael : Sophia, may gusto lang akong itanong sa iyo. Sabi ng mga bodyguards ko, ikaw lang daw ang nag-iisang tao nung mamatay si Mang Rolando. Ang sabi din ng ICU nurse na nakatanggal daw ang respirator nung makita ka. Ano ba ang nangyari? Ikaw ba ang gumawa nito?
Sofia : (naiiyak) Hindi kuya. Si Mang Rolando ang nagtanggal nun.
Raphael : Ang ibig ko lang sabihin e, kaya nangyari yun, mayroon ba siyang sinabi sa iyo? O may gusto syang sabihin sa iyo.

Nagtataka si Estelle kasi nagmamadaling naghanda paalis si Toby, sasaglit lamang daw siya sa ospital at hindi na nito pinasasa ang ina.
Estelle : Sabihin mo sa akin ang nangyari, ano ang itinawag sa iyo ni Sofia?
Toby : (naiiyak) Ma, wala na ho si Mang Rolando.
Estelle : How could that happen? We're doing everything for him. Ngayon wala nang pag-asang malaman natin ang katotohanan. It's so unfair.
- Nahampas ni Toby ang silya sa sobrang galit sa nangyari.

Humingi ng pasensya si Raphael kay Sofia.
Raphael : I'm sorry Sofia, I didn't mean to scare you. Hindi rin kita pinagbibintangan. Importante lang kasing malaman natin, dahil si Mang Rolando lang ang nakakaalam kung sino ang mastermind ng ambush. Matagal na rin kasing hinihintay ang hustisya ng kung sino ang pumatay sa kanya, at iyong mga naging biktima doon sa ambush.
-Naalala ni Sofia ang ipinagtapat ni Mang Rolando, bago ito nalagutan ng hininga. Napansin ni Raphael na umiiyak si Sofia
Raphael : Sofia, are you okay?
Sofia : Kuya Raphael pasensya ka na, pero walang nabanggit sa akin si Mang Rolando bago siya bawian ng buhay. Pasensya na po kayo.
-Tila hindi naman kumbinsido ang gwapong si Raphael sa sinabi ni Sofia.

Tawag pa rin ng tawag ang mga partner ni Vernon, pero hindi sinasagot ang telepono. Pagbukas nya ng pintuan ng bahay nya ay may dalawang lalaki na humampas sa kanya, hinawakan siya at iniharap sa "boss" (Daniel Fernando?), may isang lalaki pa na nakatutok ang baril kay Vernon.

Nakarating na sa hospital si Isadora, nakasalubong niya ang papalabas na si Sofia.
Isadora : O Sofia, ano ba yang kagagahan na yan na umalis ka ng bahay ng walang paalam ha?
Sofia : Binalikan ko lang ho yung bag ko sa IC... ICU 'ma eh
Isadora : O e bakit ang tagal tagal mo?
Sofia : (umiiyak, nanginginig ang boses) Hindi ako nakaalis agad, kasi 'ma... si Mang Rolando eh
Isadora : O bakit, ano si Rolando? Tigok na? Wala na?
Sofia : Paano nyo po nalaman? Paano ho nakarating sa inyo ang balita?

Nagmamakaawa si Vernon sa "boss".
Vernon : Boss maawa ka
Boss : Pinagtataguan mo na kami Vernon.
Vernon : Hindi Boss, pasensya ka na. Hindi ko lang alam kung ano ang isasagot ko sa iyo e. Boss si Rolando Ramirez, wala na... naligpit na. Boss yung lahat ng nagastos sa eleksyon, mababalik rin yun, gagawan ko ng paraan. Bigyan mo lang ako ng konting panahon.
Boss : Ayoko ng nalulugi Vernon. Ibalik mo lahat ang nagastos ko. Kung hindi patay ang mag-ina mo. Alam na ng grupo na anak mo si Miguel Castillejos at asawa mo si Isadora. Magdahan-dahan ka ng pagkilos mo ha.
-Binitawan ng mga lalaki si Vernon, nakadapa sa sahig si Vernon. Bago umalis ay inapakan siya ng "boss"
Boss : Kapag milyones na ang pinag-uusapan Vernon, walang kaibi-kaibigan.

Isadora : Ini-imbestigahan mo ba ako?
Sofia : Ma, I'm just asking. You don't have to be defensive about it.
Isadora : I'm not being defensive. Natural, syempre naramdaman ko yun na wala na si Rolando. Tingnan mo yang itsura mo, praning na praning ka. Ayan lumuluha ka pa, e di syempre alam ko. Ang isa pa ha Sofia ha, noong hinahanap kita sa bahay, syempre may cellphone ako tinawagan kita, hindi ka sumasagot. Tawag ako ng tawag. Nag-aalala ako. Tumawag ako sa ospital, tinanong ko... nasaan na ba yung babaeng dumalaw sa ICU, kay Rolando Ramirez? O e di syempre nalaman kong wala na si Rolando dahil sinabi nila sa akin. Now, do I have to elaborate further? (umiling si Sofia) O ano naintindihan mo ha? Na gets mo na ba? Kayo talagang dalawa ng kuya mo, puro konsumisyon ang binibigay nyo sa akin.

Pinuntahan ni Raphael ang ina. Naabutan niya itong nakaupong natutulog sa sofa, yakap ang larawan ng asawa. Ginising ni Raphael ang ina.
Estelle : Raphael, si Rolando?
Raphael : Ma wala na ho tayong magagawa. Let's not be selfish. Gawan na lang natin ng paraan. I'm sure magagawwan natin ng paraan ito.
Estelle : Don't lecture me about selfishness. I feel sorry for Catherine. I know how hard it is to lose a father. But I feel more sorry for us. Raphael, Raphael paano ito? (umiiyak) Sa pagkawala ni Rolando, sinong makakapagsabi sa atin ng katotohanan? Paano? saan tayo magsisimula? Paano tayo magtatapos? Paano tayo makakahanap ng katahimikan ng loob? Paano?

Nasa bagong tinitirhan ng mag-inang Scarlet at Maggie si Winnie. Naglalagay ng kurtina ang maids.
Winnie : Have you heard? Namatay na daw yung father ni Catherine.
Scarlet : Yes Tita. Narinig ko na iyan. Kaya ngayon may bago na namang dahilan ang babaeng iyon para magpaawa sa mga tao.
Winnie : That is so mean. Dapat alam mo ang pinagdadaanan nya. You should know how it feels to lose a father.
Scarlet : Yes Tita, I know. Alam ko masakit. Sobrang sakit kaya nga ayaw ko nang alalahanin pa e.

Pinuntahan ni Miguel ang namatayan na si Catherine
Miguel : Catherine, nanggaling ako sa inyo. Nakausap ko si Louela, sabi nya nandito ka daw.
Catherine : Kinuha ko lang itong death certificate ng tatay ko.
Miguel : Condolences. Kung meron akong maitutulong sa iyo
Catherine : Okey na ang lahat. Salamat
-Dumating si Raphael
Raphael : O Catherine nakuha mo na? O Miguel! Meron lang kaming lalakarin, mauna na kami.
-Magkahawak kamay na umalis sina Raphael at Catherine. Nasaktan si Miguel sa nakita.

May mga pinipirmahan si Scarlet
Winnie : Alam mo naiinip na yung mga kliyente natin. Kailan ka ba talaga papasok?
Scarlet : Maybe next week Tita. Kailangan ko lang asikasuhin itong bago naming lilipatan ni Maggie. And please Tita, paki-advertise naman iyong mansion sa papers dahil hindi na ako babalik pa doon.
Winnie : Why? Sayang naman. That was your father's house, you know
Scarlet : And WAS Catherine's too. Tita, hindi na ako babalik doon. Dito kahit maliit ang bahay, at least itong bahay na ito sa mama ko. At dito palagi nagpupunta si Mama kapag nagtatalo sila ni Papa.
Winnie : Kaya dito ka tatakbo, ngayong nag-aaway kayo ni Miguel?
Scarlet : Please Tita, I have no time for that washy and sentimental nonsense. My God! Miguel and I are so
Winnie : Are you sure?
- Napikon si Scarlet at pinagbuntunan ng galit ang maids na nag-aayos ng kurtina. Sinabi ni Winnie na looks okay naman ang curtains.
Scarlet : No, it's not. Simula ngayon ayoko na ng okay. Ayoko na ng puede na. Hindi na ako magtitiis sa mga bagay na parang... parang ayaw naman sa akin. Na hindi naman ako masaya. Simula ngayon Tita, meron na akong bagong motto sa buhay - Never settle for second best, for I am the best.

Libing ni Mang Rolando. Isinaboy ni Catherine sa tabi ng dagat ang abo ng ama. Bukod kina Lola Aura, Louela at Raphael, ay nandun din sina Miguel, Sofia at Toby. Nakamasid mula sa malayo si Isadora.
Catherine : Natatandaan ko noon, madalas sabihin ni Tatay na kapag namatay sya, gusto nyang ikalat ko ang abo nya sa lugar na ito. Kung saan nya unang nakilala si Nanay. Kasabay daw ng hampas ng alon ang tibok ng puso nya para kay Inay. Sigurado akong magkasama na kayong dalawa ngayon. Kung nakikita at naririnig nyo ako... gusto kong malaman nyo na mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita Itay.

Nagpasalamat si Catherine sa mga nakiramay at kinausap si Sofia
Catherine : May itatanong lang sana ako sa iyo. (nagpaalam si Toby na hihintayin na lang niya sa kotse si Sofia) Ikaw kasi yung... yung huling nakasama ng tatay ko bago sya binawian ng buhay. Gusto ko lang malaman kung meron ba syang nasabi sa iyo, meron ba syang mga bilin para sa akin? Meron ba syang nabanggit kung bakit gusto nya akong makita sa restaurant noon?
Sofia : Wala syang nabanggit tungkol doon Catherine eh. Pero sabi nya... sabi nya mahal ka nya Catherine. Mahal na mahal ka ng tatay mo. At maswerte ka na sya ang naging ama mo.
-Umalis na ang magkapatid na Miguel at Sofia. Sa pagdadalamhati ni Catherine ay buong pagmamahal na inaalalayan siya ni Raphael.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP