Friday, September 5, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 39

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Hindi nakayanan tingnan ni Raphael ang eksenang nadatnan, inilapag na lamang niya sa isang hospital trolley ang dalang kape na para sana sa kanilang dalawa ni Catherine. Umalis si Raphael, hindi na niya nakita nang itinulak ni Catherine si Miguel.
Catherine : Ano ba ang problema mo Miguel?
Miguel : Catherine ito na ang pagkakataon nating dalawa. Maniwala ka sa akin wala na kami ni Scarlet, puede na tayong magsama.
Catherine : Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo ha?
Miguel ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat. Mahal kita. Mahal pa din kita. Catherine maniwala ka sa akin.
Catherine : Alam mo Miguel, maayos na ang buhay ko eh. Maayos na ang buhay ko huwag mo nang guluhin pa.
Miguel : Hindi ako nanggugulo. Hindi ako nanggugulo, ginagawa ko lang kung ano ang dapat matagal ko nang ginawa. (may luha sa mga mata) Ang ipaglaban ang pag-ibig nating dalawa. Catherine alam ko, ako ang kauna-unahang lalaking minahal mo. Kahit ano pa ang nangyari sa ating dalawa, alam ko nararamdaman ko mahal mo pa rin ako, di ba?
Catherine : Miguel umuwi ka na! Inaantay ka na ng asawa at ng anak mo. Nakiki-usap ako. Nakiki-usap ako Miguel, umalis ka na!
-Luhaang umalis si Miguel.

Sa mansion ni Scarlet umuwi si Miguel. Lumong lumo si Miguel na napaupo sa hagdanan. Maraming ala-ala ang gumugulo sa isipan ni Miguel
- Ang unang beses nilang pagkikita ni Catherine mula ng bumalik siya mula Amerika, ang mga pangungulit niya kay Catherine at ang matatamis nilang sandali sa "imbakan".
- Ang mga ginawang pang-aakit sa kanya ni Catherine noong mga panahon na magkasama pa sila sa mansion ng mga Dela Rhea.
- At nang makita nya na "binigyan" ni Raphael ng bracelet si Catherine
Miguel : Totoo ang pag-ibig natin Catherine... magsasama din tayo, pangako yan.

Pumunta si Miguel sa kwarto nilang mag-asawa, nadatnan niyang nagbabasa ng libro si Scarlet
Miguel : Nasaan si Maggie?
Scarlet : Buong araw umiiyak kahahanap sa iyo. Ngayon tulog na. Saan ka ba kasi nanggaling?
Miguel : Dyan lang, nag-ikot ikot.
Scarlet : Nag-ikot ikot ka sa lahat ng bar sa Manila, ha?
Miguel : Puede ba Scarlet, huwag ngayon
Scarlet : Eh kailan pa Miguel? Huwag mong sasabihin sa akin na hanggang ngayon nagmumukmok ka pa rin sa pagkatalo mo. Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na masa magaling sa iyo si Raphael?
Miguel : (nilapitan ang asawa) OO NA! I'M A LOSER. You want to say it again? Say it.. say it
Scarlet : LOSER!
Miguel : (hinawakan sa leeg si Scarlet) Kung ganun bakit hindi mo pa ako pinapakawalan? Bakit di mo pirmahan yung mga papeles?
Scarlet : Dahil pareho lang tayo. I'm also a loser Miguel and I'm pathetic. Alam mo kung bakit? Dahil mahal pa rin kita. Kahit sinusuka mo na ako. Mahal pa din kita Miguel. Mahal na mahal pa rin kita.
-Hinalikan ng lumuluhang si Scarlet ang asawa, tumanggi si Miguel. Hinalikan muli ni Scarlet si Miguel... hanggang sa natangay na rin ang lalaki ng mainit na halik ng asawa. Hinahalikan ni Scarlet si Miguel nang nasambit ni Miguel ang pangalan ni Catherine. Labis na nasaktan si Scarlet.

Mahimbing na natutulog si Miguel, nasa tabi niya ang may malalim na iniisip na si Scarlet
Scarlet : Kahit anong gawin ko, hindi ko na makukuha ang pag-ibig mo. Suko na ako Miguel. Sobra sobra nang pagmamahal ang binigay ko sa iyo. At sa pagkakataong ito... kailangan ko namang matutunan mahalin ang sarili ko.

Naghihintay si Isadora na ihain sa kanya ang kanyang almusal.
Isadora : Manang! (lumapit ang dalawang maid) Ano ba bakit hanggang ngayon wala pa yung almusal ko.
Maid : E ma'am, wala na po kaming maluto e.
Isadora : Anong wala na namang iluluto? Siguro kasi kinain nyo, inubos nyo 'no? Kasi ang tatakaw nyo
Maid : Ma'am hindi po.
Isadora : O sige na nga, sige na nga! Umalis na nga kayo sa paningin ko.
-Sinita ni Sofia ang ina sa pagtrato nito sa mga kasambahay.
Sofia : Ma, kawawa naman sina Manang.
Isadora : Ma, kawawa naman sina Manang. Ikaw naman sinisindak ko lang. O saan ka na naman pupunta?
Sofia : Babalik na po ako ng boarding house.
Isadora : Isa pa yan ha. Isa pa yang boarding house na yan. Bakit umuuwi ka pa doon? Bumalik ka na lang dito, sayang ang pera.
Sofia : Ma ako naman po ang nagbabayad dun, galing sa trust fund ni binigay ni Papa.
Isadora : Kahit na! Hindi iyon ang punto. Ikaw talaga, hindi mo man lang ba naisip na buong araw na nga ako nag-iisip, buong gabi akong hindi nakatulog. Namumroblema ako kung saan ako kukuha ng pera. Samantalang ikaw nagsasayang ka lang doon sa bulok na boarding house na iyon. O e di sana ang ibinabayad mo doon sa bulok na boarding house na iyon, itinutulong mo na lang sa akin. E di nagkakaroon ka pa ng silbi. Ay naku basta wala ng marami pang usapan ha, basta dito ka na uuwi. Babalik ka na dito. O ang ganda ganda ng uuwian mo.
Sofia : Ma you're such a dictator. Sana magkita na lang kami ni Papa para kunin nya na ako.
Isadora : Naku alam mo namang imposible yang sinasabi mo, dahil wala na ang Papa mo.
Sofia : Sigurado ho ba kayo?
Isadora : Anong ibig mong sabihin?

Pagbaba ni Miguel ng hagdanan ay nakita niyang maraming naka-impakeng maleta.
Miguel : Ano 'to?
Scarlet : (naiiyak) Mga gamit mo. Masyado na akong nasasaktan sa iyo Miguel. Let's just go separate ways.
Miguel : Salamat! (naghandang umalis nang may maalala) Syanga pala, pinirmahan mo na ba ang mga annulment papers natin?
Scarlet : No. At hindi ko iyon pipirmahan.
Miguel : What?
Scarlet : I may not have you Miguel, but I’d make damn sure that Catherine won't get you either. Magkasama o hindi... kasal parin tayo. Kaya kahit anong mangyari, hinding hindi kayo pwedeng magsama ni Catherine.
-Umakyat na sa itaas ng bahay si Scarlet, naiwan ang walang magawa na si Miguel.

Binabantayan ni Catherine ang ama, nang dumating si Sofia na may dalang mga bulaklak.
Catherine : Paalis na ako. Tapos na ang dalaw.
Sofia : Ah sige, hindi rin ako magtatagal. Nagdala lang ako ng flowers para sa kanya para maging bright and cheerful yung kwarto. Balita ko he's getting better. Mabuti naman.
Catherine : Sofia bakit ba palagi kang nandito?
Sofia : Sinabi ko naman sa inyo. Noong nagtrabaho sa amin si mang Rolando naging kaibigan ko sya.
Catherine : Lagi na lang kasi kitang nakikita kung saan saan eh. Lagi ka na lang nandito, dito sa hospital o di kaya doon sa restaurant.
Sofia : Di ba sabi mo dati, imi-meet mo si Mang Rolando sa restaurant, totoo ba iyon?
Catherine : Oo. Bakit?
Sofia : Sinabi ba nya kung bakit?
Catherine : Alam mo usapang pamilya yun e. Wala ka na doon.
Sofia : Sinabi ba nya kung tungkol saan?
Catherine : (nairita) Sofia alam mo, salamat sa pagdalaw mo. Sige na makakaalis ka na. Sige na.
-Nakita ni Sofia ang bracelet ni Catherine. Biglang hinawakan ni Sofia ang kamay ni Catherine
Sofia : Saan mo nakuha yan?
Catherine : (gali na inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Sofia) ANO BA?
Sofia : Sino ang nagbigay sa iyo nyan?
Catherine : ANG AMA KO. REGALO NG ISANG AMA SA KANYANG ANAK. WALA NA AKONG DAPAT IPALIWANAG SA IYO.
-Natigilan si Sofia, pumunta sa pintuan at bago lumabas ay nilingon muli si Catherine. Nagtataka naman si Catherine sa mga ikinilos ni Sofia.

Pagkadating sa apartment ay kaagad na hinanap ni Sofia ang bracelet nya. Naiiyak na pinagmasdan ni Sofia ang bracelet na kagaya ng bracelet ni Catherine.

Pumunta si Catherine sa campaign headquarter ni Cong. Torralba, nakita siya ni Estelle. Tipid na ngumiti si Raphael nang makita si Catherine.

Magkasama na pumunta sa City hall sina Raphael at Catherine. Iniwan saglit ni Raphael si Catherine kasi pupuntahan at kakausapin lang daw niya ang gobernador. Dumating si Estelle at nang nakita na nag-iisa si Catherine ay pinalabas muna niya ang bodyguards at nagbilin na huwag muna magpapasok kasi mag-uusap lang sila ni Catherine.
Estelle: Nakarating ka Catherine.
Catherine: Ayoko hong ma-miss yung first day ni Raphael bilang congressman.
Estelle: Alam kong malaki ang naitulong mo sa kampanya ni Raphael. Salamat sa serbisyo, pero makakaalis ka na.
Catherine: Ano ho ba ang galit nyo sa akin?
Estelle: Mabait na tao si Raphael. Masyadong bukas ang puso nya kaya kahit ilang beses mo na syang sinasaktan, nananatili pa rin syang tapat sa iyo. Kaya bilang ina, kailangan ko syang protektahan sa mga taong mapagsamantala.
Catherine: Hindi ho ako ganun ma'am Estelle.
Estelle: Si Raphael ang nagbabayad sa pagpapa-ospital nang tatay mo, di ba? Sya rin ang takbuhan mo tuwing may pangangailangan ka. Sya rin ang sumasalo sa iyo tuwing may problema ka. Laging sya.
Catherine: Wala ho akong hinihingi sa kanya.
Estelle: At hindi mo rin itinatanggi ang lahat nang binigay nya sa iyo. Talagang mahina ang loob ni Raphael pag dating sa 'yo Catherine. Kaya kahit wala kang sasabihin ay lalapit at lalapit 'yon. Alam mo din iyon, di ba? Dahil alam mong mahal ka nya. Kaya naman hinahayaan mong ibigay nya sa iyo lahat nang gusto nyang ibigay, kahit na alam mong hindi mo masusuklian ang kanyang pag-ibig.
Catherine: Hindi ho ninyo alam kung ano ang nararamdaman ko.

Estelle: Congressman na ngayon si Raphael. Obligasyon ko bilang ina na protektahan ang pangalan at reputasyon nya, lalo na sa mga taong maaring magpabagsak sa kanya... isa ka na doon Catherine. Kaya kung meron ka mang konting pagmamalasakit para sa kanya, umalis ka na! Huwag ka na sanang mag eskandalo dito. Goodbye Catherine!
Catherine: Hahanapin po ako ni Raphael.
Estelle: Ako nang bahala sa kanya. (tinawag ang isang bodyguard.) Paki-escort sa kanya papalabas.
- Pinipigilan ni Catherine ang maiyak habang naglalakad. Tumigil sya sa punong pinagkukublihan niya sa tuwing siya ay may iniisip.

Nang bumaba si Raphael ay hindi na niya nakita si Catherine, bagkus ang ina ang nandun.
Raphael : Ma si Catherine ho?
Estelle : Umalis na.
Raphael : Umalis? E saan ho nagpunta?
Estelle : Bakit, kailangan ba sya rito?

Napadaan sa iyang maliit na tindahan si Catherine at nakita niyang nanunuod ng TV ang ilang taong nanduroon.
Catherine : Miss, tapos na ba yung oath taking ni Raphael Torralba?
Babae : Hindi pa e. Hinihintay nga namin kanina pa.
-Naalala ni Catherine ang sinabi ni Raphael na magagalit ang mga taga-Amadesto kung hindi siya pupunta sa oath taking. Naalala naman ni Raphael ang eksenang nakita niyang "naghahalikan" sina Miguel at Catherine. Nalungkot si Raphael sa naalala, napansin siya ng ina.
Estelle : Bakit Raphael, may problema ba?
Raphael : Wala ho. Mag-umpisa na ho tayo.

Napanuod ni Catherine sa TV ang panunumpa ni Cong. Raphael Torralba. Masayang Raphael ang napanuod ni Catherine.

Bumalik sa hospital si Sofia. Nakita siya ni Lola Aura.
Lola Aura : Sabi ng mga bodyguard, nanggaling ka na dito kanina. Bakit nandito ka na naman?
Sofia : Kailangan ko ho kayong makausap
Lola Aura : Kung tungkol na naman yan kay Victor, huwag ako ang kausapin mo.
Sofia : (inilabas ang bracelet) Nakikilala nyo ho ba ang bracelet na ito?
Lola Aura : Kay Catherine yan. Bigay sa kanya ng kanyang ama. Paano napunta sa iyo?
Sofia : Hindi po Lola. Akin po ito. Kapareha ng kay Catherine pero pangalan ko ang nakatatak dito. Bakit ako bibigyan ni Mang Rolando ng bracelet na katulad nung kay Catherine?
Lola Aura : Hwag ako ang tanungin mo.
Sofia : Alam nyo.
Lola Aura : Ano bang inaasahan mong sasabihin ko?
Sofia : Ang katotohanan.
Lola Aura : Sofia, alam mo ang katotohanan.
Sofia : Pero gusto ko pa ring marinig. Bakit kami bibigyan ni Mang Rolando ng magkaparehong bracelet ni Catherine?
Lola Aura : Kung anuman ang nalalaman ko, lalong alam ng ina mo. Sya ang tanungin mo.

Pumunta si Isadora sa mansion ni Scarlet. Nadatnan niyang maraming maleta ang inilalabas.
Isadora : Saan kayo pupunta? Magbabakasyon kayo?
- Niyakap at hinalikan ni Isadora ang apo na si Maggie. Pinauna ni Scarlet sa kotse ang yaya at si Maggie.
Isadora : Saan kayo pupunta?
Scarlet : Maghohotel muna kami ni Maggie. Doon muna kami habang wala pa kaming malilipatan. Ibebenta ko na 'tong bahay ni Papa, masyadong maraming bad memories dito eh.
Isadora : Kunsabagay. Si Catherine kasi, siya ang nagbigay ng lahat ng bad memories dito.
Scarlet : Bakit ka ba nandito?
Isadora : Scarlet, I need your help. Medyo hinahabol na kasi ako ng lahat ng pinagkakautangan ko e. Baka puede mo naman tulungan ang byenan mo.
Scarlet : (tumawa) Hindi pa siguro kayo nagkaka-usap ni Miguel, ano?
Isadora : Hindi pa nga. Bakit?
Scarlet : Hiwalay na kami ni Miguel.
Isadora : Ano?!
Scarlet : Kaya hindi mo na maisasangla sa akin ang anak mo. I'm not a cash cow anymore. Excuse me, baka naiinip na ang anak ko eh.
-Umalis na si Scarlet. Naiwan ang hindi makapaniwalang si Isadora.

Binabantayan nina Catherine at Louela si Mang Rolando sa hospital
Louela : Kumusta pala yung oath taking ni Raphael?
Catherine : Sa TV ko lang napanuod eh.
Louela : Ha?! Inimbitahan ka nya doon di ba?
Catherine : Kinailangan ko kasi umalis kaagad.
Louela : Naku buti pumayag si Raphael. Nag-effort pa naman iyon pumunta dito para imbitahan ka lang. Feeling ko nga ikaw ang special guest nun. Siguro na-disappoint yun.
Catherine : Parang hindi naman. Para ngang wala lang sa kanya. Ewan ko ba parang nanlamig na sya.
Louela : Talaga? Bakit may nangyari ba?
-Naalala bigla ni Catherine noong hinalikan siya ni Miguel. Pagkaalis ni Miguel ay nakita niya ang iniwang kape ni Raphael.
Catherine : Nakita nya kami ni Miguel.
Louela : Na ano?
Catherine : Louela puede bang ikaw muna ang magbantay kay Itay? Babalik ako kaagad. Kailangan ko lang maka-usap si Raphael.
Louela : Eh ano ba yung nakita?
Catherine : Basta
-Nagmamadaling umalis si Catherine.
Louela : Ano ba yung nakita ni Raphael? Hoy!

Catherine: Alam ko nakita mo kami ni Miguel. Gusto ko lang magpaliwanag
Raphael: Huwag ka nang magpaliwanag Catherine…it’s ok.
Catherine: Hindi Raphael
Raphael: Mabuti na rin siguro na nag... na nakita ko kayong dalawa ni Miguel. Kailangang mangyari iyon para matauhan ako. All my life… hinahabol kita. Umaasa ako na… sana one day makita mo rin ako... na mapamahal ka sa akin. Pero nung nakita ko kayo ni Miguel, alam ko hindi mangyayari iyon.
Catherine: Hindi ganun Raphael.
Raphael: Ibang tao na ang nasa puso mo, alam kong hindi ako iyon. Tatanggapin ko iyon... dapat intindihin ko iyon. Hindi mo na ako kailangan Catherine. Ang kailangan ko ay isang taong may kailangan din sa akin. Paalam
-Umiyak si Catherine nang umalis si Raphael.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP