Thursday, September 4, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 38

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Tinakasan ni Rafael ang mga security at pinuntahan si Catherine na noon ay nasa lilim ng isang puno.
Raphael : Anong ginagawa mo rito? Di ba dapat nasa hospital ka at meron kang sugat?
Catherine : Hindi naman malalim e. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Di ba't may meeting kayo ng security nyo? Nasaan sila?
Raphael : Medyo nagtatago muna ako sa kanila para makapahinga naman
Catherine : Raphael naman muntik ka na ngang masaksak kanina e, tapos tumakas ka pa sa security mo.
Raphael : E wala namang may alam na nandito ako e. At saka bago pa nila malaman e nakabalik na ako. E ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?
Catherine : Wala. Dito lang talaga ako nagpupunta tuwing gusto kong mapag-isa at makapag-isip.
Raphael : Makapag-isip. Ano naman ang iniisip mo?
Catherine : Wala kung anu ano
Raphael : Syanga pala kanina hindi tayo nakapag-usap. Salamat ha.
Catherine : Wala iyon.
Raphael : Alam mo hindi mo na dapat ginawa iyon e. Nilagay mo ang buhay mo sa panganib.
Catherine : Hindi n kasi ako nakapag-isip Raphael e. Basta ang alam ko walang puedeng masamang mangyari sa iyo. Na hindi ka puedeng mawala sa buhay ko at higit sa lahat hindi ka puedeng mamatay. (nasiyahan si Raphael sa sinabi ni Catherine, biglang iniba ni Catherine ang usapan) Kailangan ko nang bumalik sa headquarters e.
Raphael : O sige. Ihatid na kita, sumabay ka na sa akin. (hinawakan ang mga kamay ni Catherine) Okey ka lang ba? Masaya ka ba?
Catherine : Oo. Ikaw, masaya ka ba?
Raphael : Masaya... masayang masayang masayang masaya
-Masayang magkahawak kamay na pinuntahan ng dalawa ang kinaroroonan ng kabayo ni Raphael na sasakyan nila pabalik sa headquarters.

Sinundan ni Miguel ang asawa sa kusina at sinita sa ikinilos nito sa harapan ni Vernon.
Miguel : O anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumunta doon?
Scarlet : Okey lang naman ako dito eh
Miguel : Scarlet alam ko meron tayong pinagdadaanang gulo pero huwag mo naman sanang bastusin ang tatay ko.
Scarlet : Hindi iyon ang intenson ko Miguel, hindi lang ako kumportable.
Miguel : Bakit dahil ex-convict sya?
Scarlet : Hindi
-Biglang pumasok si Isadora
Isadora : Miguel, Scarlet katatawag lang ni Estelle. Meron daw nagtangkang pumatay kay Raphael.
Miguel : Ano? Sino?
Isadora : Hindi ko alam eh. Pero okey na naman si Raphael.
Miguel : Ano ba ang nangyayari? Puro na lang patayan.
Isadora : E alam mo naman ang mga Torralba - sikat e, maraming kalaban. At saka alam naman nating lahat di ba, medyo corrupt si Enrique Torralba. Siguro may nakanti, o gumaganti ngayon sa buong angkan ng mga Torralba. Di bale Miguel, ikaw naman di ba magiging mahusay at mabait kang congressman kaya walang gagalaw sa iyo, okey?

Sa pamamagitan ng cellphone ay ipinaalam ni Catherine kay Lola Aura ang nangyaring tangkang pagpatay kay Raphael. Kinumusta nito ang kalagayan ng apo, nakahinga ng maluwag nang malamang nasa maayos na kalagayan si Catherine. Kinumusta ni Catherine ang ama, at sinabi naman ni Lola Aura na wala pa ring pagbabago.
Louela : 'la bakit?
Lola Aura : Hay 'yang apo ko. Akalain mo ba naman may nagtangka daw sa buhay ni Raphael. Ito namang Catherine, iniharang nya ang sarili nya para huwag tamaan si Raphael.
Louela : Naku! Nagpaka-action star si Catherine. Okey po ba sya?
Lola Aura : Maayos naman si Catherine. At si Raphael naman ay hindi nan naano.
Louela : Hay naku buti naman. Hay naku Lola yang apo ninyo ha minsan... madalas pala hindi nag-iisip.
Lola Aura : Ay naku maliit na bata pa yang si Catherine napakapusok na, puso nya palagi ang pinaiiral.
Louela : Ibig sabihin puso nya ang nagtulak para iligtas nya si Raphael? (kinikilig) Naku! Sabi ko na nga ba e, nadedevelop na si Catherine kay Raphael. Sana nga! Sana talaga!


Sa campus. Malungkot na pinagmamasdan ni Sofia si Toby. Nilapitan ni Jonas si Sofia at niyayang lumabas bilang selebrasyon kasi tapos na ang final exams, hindi kumikibo si Sofia. Tiningnan ni Jonas ang tinitingnan ni Sofia - si Toby.
Jonas : Sofia! Sofia!
Sofia : Ha?! Hindi puede e uuwi kasi ako ng Amadesto, tutulungan ko si kuya sa kampanya. Jonas wala ka bang ibang napapanin kay Toby?
Jonas : Wala! Hindi ko naman pinapansin yan
Sofia : Ang laki ng ipinagbago nya, lagi na lang syang nag-iisa. Ni hindi na nga sya sumasama kina Dom at Jester. Tahimik na lang sya palagi sa isang tabi pinapanuod iyong video nya.
Jonas : Buti nga yun e, at least nabawas bawasan ang yabang nya.
Sofia : Puntahan ko kaya
Jonas : Bakit? Iwan mo na nga yan
Sofia : Ano ka ba Jonas? Namatayan sya ng ama sobrang affected sya dun. Titingnan ko lang kung ano ang maitutulong ko.
Jonas : E paano kung hindi ako pumayag?
Sofia : Jonas hindi ak0 humuhingi ng approval mo. Hindi kita boyfriend at higit dun hindi kita kaibigan.
-Hindi nagustuhan ni Jonas ang sinabi ni Sofia. Pinuntahan ni Sofia si Toby.
Sofia : Toby, ano yang pinapanuod mo?
Toby : Pinag-aaralan ko yung video film ni Papa.
Galit na umalis si Jonas.
Sofia : Bakit mo pinapanuod iyan?
Toby : Pinag-aaralan kong mabuti ang mga pangyayari. Baka may makita akong clue, kahit na ano basta puedeng magturo kung sino ang pumatay sa kanya.
Sofia : Toby, that's not healthy. Isa pa pinababayaan mo na ang studies mo. Ilang finals na ang hindi mo nakuha. Itigil mo na ito Toby. You have to move on.
Toby : Move on? (naiiyak) Sofia hindi ako makakapag move on. Kinakailangan kong gawin ito, kinakailangan kong hanapin ang pumatay sa Tatay ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nagagawa ito.
-Naaawang hinawakan ni Sofia sa likod si Toby, tumayo at umalis ang binata.


Raphael : Sabi ko na nga ba e dito lang kita mahahanap. O ano na naman ang iniisip mo?
Catherine : Raphael, gusto ko lang mag sorry dahil parang lalong hindi ako nakatulong sa iyo. Parang lalo pa yatang nakasira ako doon sa kampanya mo. Bumaba tuloy ang pag-asa na manalo ka dahil sa akin
Raphael : Huwag mong iisipin iyon. Matatalino ang mga botante, hindi naman sila maniniwala sa mga intriga at saka mga tsismis e. Actually kaya kita pinuntahan dito para magpasalamat. Magpapasalamat ako sa iyo dahil ang ganda ganda ng speech mo, impressed ako, I was touched.
Catherine : Talaga?
Raphael : Talaga
Catherine : Alam mo Raphael totoo naman lahat ang sinabi ko roon e. Maraming tao talaga ang naniniwala sa iyo, umaasa sa iyo. Napakaraming tao ang tumitingala sa iyo. Kung ako nga e, natulungan mo ako sa napakaraming paraan. Ano pa kayang nakakarami? Raphael kailangan ng mga tao ng inspirasyon at ikaw yun. Ikaw yun Raphael.


Sa campus. Nilapitan ni Sofia si Toby.
Sofia : Toby namiss kita sa Amadesto ha. Hindi ka kasi sumali sa kampanya, nakakapagod pero enjoy naman paminsan minsan. Ilang araw na rin silang bumibilang ng mga boto, baka any moment i-announce na nila kung sino sa kapatid natin ang bagong congressman. Sabi nina Dom pinagbigyan ka daw ng mga teacher mo, bibigyan ka ng mga make-up exams para makabawi sa mga grades mo.
Toby : Para ano pa? E babagsak din naman ako e. Wala sa utak ko ang pag-aaral ngayon.
Sofia : Huwag kang sumuko Toby. Tutulungan kita, kaya mo yan.
-Naging close sina Sofia at Toby, hindi na sila aso at pusa.

Ginanap ang botohan. Ipinakita na sa labas ng voting precint ay may ilang "dayaang nagaganap", may isang lalaking palihim na nag-aabot ng mga balota sa ilang botante. Bomoto sina Miguel, Raphael at Catherine, masayang isinulat ni Catherine ang pangalan na Raphael Torralba sa kanyang balota. Sa bilangan ay nagbabantay sina Louela at Toby.

Pumunta si Scarlet sa headquarters ni Miguel, madilim ang paligid.
Scarlet : Miguel, nasaan ang mga tao?
Miguel : Wala na. Nagsi-uwian na sila. Tapos na ang laban
Scarlet : Bakit hindi ka pa umuuwi?
Miguel : Kailangan ko pa kasing makausao si Kuya Raphael para ikongratulate, si Congressman Raphael Torralba.
-Naaawa si Scarlet sa asawa.

Sa headquarters ni Cong. Raphael Torralba, nagbubunyi ang mga tao.


Galit na galit si Isadora sa pagkatalo ni Miguel.
Isadora : Si Miguel ang dapat nanalo eh. Si Miguel dapat ang congressman.
-Nagbasag si Isadora ng mga kagamitan. Takot na takot ang maids ni Isadora sa nakikitang reaksyon ng kanilang amo. Nag-ring ang telephone, sasagutin sana ng maid ang phone pero pinigilan ito ni Isadora
Isadora : Huwag mong sasagutin. Sisitahin nila ako.
Maid : Sino ho? Yung mga pinagkakautangan po nyo?
Isadora : Huwag ka ngang atribidida.
-Galit na pasigaw na pinapapasok ni Isadora sa kwarto ang maids nya.

Sa victory party ni Raphael, asikaso ng bagong congressman si Catherine. Asar man ay walang magawa si Estelle sa nakikitang pagpapahalaga ni Raphael kay Catherine. Hinawakan ni Raphael sa kamay si Catherine para yayaing kumain. Dumating si Miguel
Raphael : Miguel, kumusta?
Miguel : Gusto sana kitang ikongratulate.

Raphael : Thank you!
Miguel : Alam naman nating lahat na ikaw ang mas deserving na manalo. Pero syempre hindi ko naman maamin sa publiko 'yon. Maswerte ang Amadesto sa iyo.



Sa hospital
Catherine : Alam mo Itay kagagaling ko lang sa Amadesto. Tinulungan ko si Raphael na mangampanya. Sana nandito ka 'tay para mapayuhan mo ako. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh.
-Napansin ni Catherine na gumalaw ang daliri ng ama. Naiyak sa sobrang tuwa si Catherine.


Sinabi ng doktora kay Catherine na responsive naman si Mang Rolando sa mga stimuli na ibinibigay nila kaya malaki ang chance na walang brain damage ang ama ni Catherine. Tuwang tuwa si Catherine sa nalamang malapit nang magising ang kanyang ama. Idinagdag ng doktora na malaki ang improvement ng pasyenta kaya maging sila ay umaasa na magigising na si Mang Rolando.
-Lingid sa kaalaman ni Catherine ay nagmamatyag ang tauhan ni Vernon.


Itinawag kaagad ni Catherine kay Raphael ang magandang balita tungkol kay Mang Rolando. Natuwa si Raphael at sinabing magdadagdag siya ng security para siguraduhing walang makakalapit sa ama ni Catherine. Pagkababa sa phone ay kaagad sinabi ni Raphael kay Toby na malapit nang magising si Mang Rolando. Nabuhayan ng loob si Toby, sa wakas daw ay malalaman na kung sino ang nagpa-ambush sa kanilang ama.

Galit na galit si Vernon sa ibinalita ng tauhan na malapit nang magising si Mang Rolando.
Vernon : Bakit ba kasi hindi mo mapatay ang taong iyon.
Tauhan : Mahigpit po ang gwardya nila Sir sa hospital
Vernon : Hindi puedeng magising si Rolando, tyak kakanta kaagad iyon. Kailangang makalapit tayo sa kanya.

Kinakausap ni Isadora ang naglalasing na anak.
Isadora : Tawag ng tawag yung mga backers mo, nagrereklamo sa pagkatalo mo.
Miguel : Anong gagawin natin? Kontrolado ba natin ang eleksyon? Ganun talaga pumusta sila sa maling kandidato e.
Isadora : Ano ka ba Miguel? Natural syempre kahit papaano magrereklamo ang mga yun. Malaki yata ang dinonate nila sa kampanya mo. Syempre kahit papaano umaasa sila ng balik.
Miguel : So tama pala ang hinala ko. Ang dami nyo na kaagad ipinangako sa kanila. Ipinagkanulo nyo ako. Hindi pa man ako naka-upo, e buti pala hindi ako nanalo sa eleksyon.

Isadora : Anong mabuti doon? O papaano ngayon ang (hacienda) Amadesto? Mawawala iyon ngayon nang dahil sa iyo.
Miguel : Di ba kayo naman ang magling sa plano, bakit hindi kayo gumawa ng palusot?
Isadora : O sige, gusto mo ng plano ha. Ito ang plano natin ha, ngayon din umuwi ka sa bahay nyo at balikan mo ang asawa mo dahil sa ngayon si Scarlet lang ang puedeng sumalba sa atin.
Miguel : 'ma puede ba? Matagal ng tapos ang eleksyon. Hindi ko na kailangang magpanggap kahit kanino. Itutuloy ko ang annulment.
Isadora : Talaga bang pababayaan mo na lang ako? Hindi mo na lang talaga ako tutulungan? Alam mo bang lubog na lubog na ako sa utang ha?
Miguel : (tumayo) Hinding hindi na ako magkakamaling magpatali kay Scarlet para lang matubos ang Amadesto.
Isadora : Ano ngayon ang gagawin mo?
Miguel : Hahabulin ko ang talagang gusto ko.
-Umalis si Miguel

Nasorpresa si Catherine sa biglang pagdating ni Raphael sa hospital.
Catherine : O Congressman
Raphael : (natawa) Ako nga rin naninibago e. Hindi pa naman official dahil wala pa namang oath taking.
Catherine : Ano ka ba naman? Sigurado na iyon, parang ganun na rin yun.
Raphael : Oo nga. Kumusta ang tatay mo.
Catherine : Ayun. Hanggang ngayon syempre hindi kami nawawalan ng pag-asa na magising sya, na maging okey sya. Pero Raphael naman sana tumawag ka na lang. Hindi mo naman kailangang pumunta pa dito. Ang dami mong dapat asikasuhin doon sa Amadesto.
Raphael : Alam ko kaya lang mahalaga sa akin si Mang Rolando, I have to make time for him. At saka sinisiguro ko na makarating ka sa aking induction.
Catherine : Sige, susubukan ko.
Raphael : Anong susubukan) Magpunta ka na, sige pag nagalit ang mga taga Amadesto dahil hindi ka nagpunta sa aking oath taking, ikaw rin.
-Nagkatawanan ang dalawa. Pumayag rin si Catherine sa imbitasyon ni Raphael. Sinabi ni Raphael na mahaba pa daw ang gabi nila kaya kukuha muna sya ng kape para sa kanila ni Catherine.

Sa headquarters. Abala si Estelle sa paghahanda para sa oath taking ni Raphael. Sinabi ng isang staff na may paparating daw na bagyo kaya hindi na sa plaza, kundi sa City Hall na raw ang gagawin ang oath taking. Ipapalabas na lang sa TV para mapanuod ng buong Amadesto. Nalaman ni Estelle na umalis ang anak at pumunta ng Maynila dahil may dadalawing kaibigan sa hospital. Hindi nagustuhan ni Estelle ang nalaman.

Dumating sa hospital ang lasing na si Miguel, umiwas si Catherine na maka-usap ang dating kasintahan.
Miguel : Gusto lang kita makita. Sana makapag-usap tayo tungkol sa ating dalawa
Catherine : Miguel ano ka ba? Wala na tayong pag-uusapan, wala na tayong dapat pag-usapan pa.
Miguel : Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Mahal pa din kita. Ikaw lang.
- Biglang hinalikan ni Miguel sa labi ang nabiglang si Catherine. Nakita nang may dalang kape na si Raphael ang "paghahalikan" nina Miguel at Catherine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP