Tuesday, September 2, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 36

Pinuntahan ni Isadora ang kaibigang si Estelle Torralba para kumustahin.
Isadora : Kaya nga ako nagpunta dito mare para i-check kayo kung okey kayo.
Estelle : We're coping pero kaya lang mahirap
Isadora : I can imagine. Eh si Raphael kumusta naman sya? I'm sure nabigla lang sya sa announcement niya yesterday, siguro ngayon nagsisisi na sya, di ba?
Estelle : Hindi. Talagang gusto nyang tumakbo.
Isadora : Talaga? E papaano pag itinuloy nya ang pangangampanya, sigurado ako magiging busy sya e di lalo kayong hindi magkikita, lalo kang malulungkot.
Estelle : Hindi, kasi tutulungan ko syang mangampanya. Mabuti na rin yung may ginagawa ako para hindi ko iniisip masyado si Enrique.
Isadora : Oo nga naman. Bisi-bisihan para hindi malungkot. Eh nasaan na nga pala si Rafael.
Estelle : Umuwi sa condo nya pero darating iyon kasi ime-meet namin ang mga investigators.
Isadora : Kumusta na nga pala ang imbestigasyon?
Estelle : Hindi ko alam kaya nga gusto namin kausapin ang mga investigators.
- Sinabi ng maid na dumating na ang mga hinihintay ni Estelle. Pinapasok ng maid ang mga imbestigador. Dumating si Raphael.
Raphael : Kumusta na ba ho ang imbestigasyon ninyo, mayroon na ho ba kayong findings sa nangyari?
Imbestigador : Wala pa po Sir, pero may ilang tanong lamang po kami sa inyo.
- Nakikinig at nagmamasid si Isadora.

Pinuntahan nina Toby at Sofia ang lugar kung saan naganap ang pang-a-ambush. May naka-usap silang cigarette vendor at doon mismo sa kinatatayuan nila niratrat ang sasakyan ni Cong. Torralba. Tinanong ni Toby kung nakita nito kung saan nanggaling ang mga putok. Ayon sa cigarette vendor nataranta na daw sya kasi sunod-sunod ang putok ng baril at saka merong galing sa motorsiklo at merong galing sa sasakyan. Nagtanong muli si Toby kung may namukhaan ang cigarette vendor, wala daw kasi nagtakbuhan na sila sa takot na matamaan ng ligaw na bala, at mabilis ang mga pangyayari - pagtingin nila ay marami nang nakahandusay na lalaki. Hindi mawala sa isipan ni Sofia si Mang Rolando. Umiyak na naman si Toby, inaalalayan siya ng malalim ang iniisip na si Sofia.

Hinila sa isang tabi ni Estelle si Raphael
Estelle : Hindi ko alam na kinupkop mo pala sa condo mo ang Rolando na iyon.
Raphael : Ma mabait na tao si Rolando. At wala ho syang mapuntahan.
Estelle : Anong wala? Ano ang ginagawa ng magaling nyang anak? Pati yung Rolando na iyon ikinargo sa iyo ng
Raphael : Ma nagbagong buhay na si Rolando
Estelle : You exposed our lives to that criminal kaya yan ang nangyari.
Imbestigador : Excuse me po Mr. Torralba, naalala nyo ba kung bakit hinarang ni Rolando ang kanyang sarili sa sasakyan bago naganap ang ambush?
-Kinabahan si Isadora
Raphael : Binalaan nya kami. Naalala ko na sinabi nynag may masamang mangyayari, huwag daw kaming magpupunta sa motorcade
Estelle : What?! Sa motorcade pero hindi doon naganap ang ambush. Saan daw ba nya nakuha ang impormasyon na yan?

Sa bahay nya ay nag-iisip si Isadora. Naalala niya ang sinabi ni Vernon na huwag syang magdididikit sa motorcade ni Torralba.
Isadora : Paano nalaman ni Rolando na may mangyayari kina Enrique? Ibig sabihin nagmamatyag si Rolando noon sa akin. Kasalanan ito ni Rolando. Ang hilig mo kasing bumuntot sa akin eh, kaya ayan hinukay mo ang sarili mong libingan. Labas ako sa maaari pang mangyari sa iyo Rolando. Labas ako.

Abala si Miguel sa pangangampanya. Dumating si Scarlet at nagsabing gusto nyang sumama sa pangangampanya. Ayaw ni Miguel at pinababalik na lang nya sa Maynila ang mag-ina nya kasi delikado raw. Iginiit ni Scarlet na gusto nilang tumulong. Sinabi ni Miguel na delikado kasi hindi nila alam kung sino ang may pakana ng ambush, at baka daw pati sila ay nasa peligro. Ayon pa kay Miguel, mas mabuti na hindi muna kilala ng mga tao ang mag-ina nya at least daw safe ang mga ito. Tinanong ni Scarlet kung hanggang kailan. Sinabi ni Miguel na hanggang maging malinaw na ang lahat, kung sino ang may pakana ng ambush. Nang paalis na si Miguel at pinagbilinan siya ni Scarlet na "mag-iingat".

Nagulat si Isadora ng pagbukas niya ng gate ay nakita niya si Vernon. Pinagsabihan ni Isdora ang lalaki na kung may sasabihin ay i-text na lang o tumawag kaya. Masyado daw nerbyosa si Isadora, sabi ni Vernon. Ipinaalam ni Vernon kay Isadora na meron daw nakapag-bulong sa kanila tungkol sa lalaking maaaring maging witness sa kung sino ang mastermind ng ambush. Idinagdag pa ni Vernon na pinapaligpit na raw ng "amo" nya si Rolando Ramirez kasi pag kumanta ito ay lagot silang lahat.

Dahil sa nangyari ay napapabayaan ni Toby ang pag-aaral. Pumunta sa TV station si Toby at humingi ng kopya ng TV coverage ng pang-a-ambush kay Cong. Torralba. Pinanuod ni Toby sa kanyang silid ang video ng pang-a-ambush. Makikita sa video si Vernon Fuentes na isa sa mga nakiki-usyuso. Hindi nakayanan na tapusing panoorin ni Toby ang video, umiiyak na itinigil nya ang panunuod.

Pumunta sa puntod ni Enrique sina Estelle, Raphael at Toby.
Estelle : Hindi ko alam kung tama ang desisyon ni Raphael. Hindi ko rin alam kung tamang payagan ko sya. Ipagdasal mo na lang kami at alalayan mo ang anak mo Enrique. Ginagawa ni Raphael ito para sa iyo. Subaybayan mo pa rin ang mga anak mo, baka hindi ko kaya ito ng mag-isa.

-Ipinakita na tinanggal ang mga campaign poster at billboard ni Enrique Torralba at pinalitan ng sa kay Raphael. Nagsimula na ang pangangampanya ni Raphael, kahit na paminsan-minsan ay kumikirot pa rin ang sugat. Tinutulungan ni Estelle ang anak at pinayuhan nito si Raphael na huwag masyadong dibdibin ang pangangampanya.
Raphael : Ma, ayaw kong ma-disappoint si Papa.
Estelle : Raphael you're father has always been proud of you and I'm sure he always will.
-Ipinaalala ni Estelle na merong check-up si Raphael kinabukasan

Nasa hospital sina Catherine, Lola Aura at Louela.
Catherine : Lola, ang sabi ng nurse sa akin nandito daw si Raphael. Puntahan ko kaya.
Lola Aura : Oo naman ng ma-kumusta mo.
Catherine : Okey lang kaya kung sabihin ko kanya na tutulong ako sa pagkampanya?
Louela : O akala ko ba hindi ka agree sa pagtakbo nya?
Catherine : Eh syempre natatakot lang ako para sa kanya pero hindi ibig sabihin na ayaw ko syang manalo. Okey lang kaya iyon Lola?
-Nakatingin sa kanila ang naka-disguise na si Vernon Fuentes.
Lola Aura : Oo naman, dapat lang suportahan natin sya.
Louela : Tayong lahat
-Nagpa-alam si Catherine para puntahan si Raphael.

Kinausap ni Catherine ang ina ni Raphael nang makita nya ito sa Hospital
Catherine : Ma'am Estelle
Estelle : What are you doing here?
Catherine : Gusto ko lang pong makausap si Raphael at makatulong po sa kampanya.
Estelle : Maraming salamat pero marami na kaming mga volunteers.

Sa apartment. Tinitingnan nina Sofia at Jenna ang kanilang mg classcards, magaganda ang grades ni Sofia. Dumating si Toby, nang tanungin ni Sofia kung nakuha na nito ang classcards nya ay ipinakita ito ni Toby sa kanya. Nagulat si Sofia kasi mababa ang grades ni Toby, sinabihan nito ang binata na humingi ng second chance. Tumanggi si Toby at hayaan na lang daw kasi mas marami syang dapat gawin na importante.

Catherine : Ma'am, gusto ko lang pong malaman ninyo na ikinalulungkot ko ho ang pagkawala ni Sir Enrique. Totoo ho iyon. Pero walang kinalaman ang itay ko. Nandito ho ako ngayon kasi gusto kong sukliana ng lahat ng kabutihan ni Raphael sa akin.
Estelle : Suklian? Baka naman namumuhunan ka lang? Kilala ko ang mga babaeng tulad mo. Laging kailangan nila ng lalaking makakapitan. Dati si Miguel, ang anak ng may-ari ng asyendang pinagtatrabahuhan mo. Tapos naghanap ka ng mas mayaman, si Martin. At ngayon naman guto mo nang lalaking may posisyon kaya si Raphael naman ang hinahabol mo ngayon. Dahil gusto mong maging first lady ng Amadesto.
Catherine : (naiiyak) Hindi ho totoo iyan.
Estelle : Dati sinabi ko sa iyo, huwag kang lalaban hangga't hindi mo nakikilala ang sarili mo. Sinabi ko rin sa iyo na ang kahinaan ay maaring maging kapangyarihan. Hindi ko aakalain sa amin mo gagamitin iyon. Sindumi at baho ng burak ang pangalan mo. Kaya kung gusto mong makatulong ka Raphael, puede ba layuan mo na lang sya. Hindi mo pa ako kilala at nasisiguro kong hindi mo gugustuhing makilala ang tunay na Estelle Torralba.

Nagtaka sina Louela at Lola Aura ng bumalik kaagad si Catherine. Sinabi ni Catherine na nagbago ang isip nya kasi walang kasama ang itay nya. Sinabi ni Lola Aura na kaya naman nyang alagaan ang itay ni Catherine. Ayon kay Catherine sa susunod na lang sya babawi kay Raphael. Nagtaka sina Lola Aura at Louela.

Pagkatapos ng check-up ay gusto sana ni Raphael na puntahan si Mang Rolando. Sinabi ni Estelle na wala daw changes sa kalagayan ni Rolando. Sinabi ni Raphael na may itatanong lang sya tungkol kay Catherine. Iginiit ni Estelle na wala na silang time, kasi marami raw na reporters ang naghihintay kay Raphael sa headquarters. Walang nagawa si Raphael.

Nagpatuloy ang pangangampanya nina Raphael at Miguel. Nakasuporta si Scarlet sa pangangampanya ng asawa. Napanuod ni Catherine sa TV ang pangangampanya ni Raphael.

Tuwang tuwa si Catherine nang makita sa hospital si Raphael. Niyakap ni Catherine ang binata, medyo nasaktan si Raphael kasi nasagi ni Catherine ang sugat nya.
Catherine : Naku pasensya ka na Raphael
Raphael : Kumusta ka na Catherine?
Catherine : Masayang masaya lang ako kasi akala ko hindi na tayo magkikita eh.
Raphael : Sa wakas nagkita tayo.
Catherine : Pasensya ka na ha, kasi noong nakita ko sa TV na duguan ka, akala ko mamamatay ka na. Akala ko mawawala ka na sa buhay ko. Raphael ang dami dami kong gustong sabihin sa iyo, ang dami daming dapat ipagpasalamat sa iyo eh.
Raphael : Wala iyon
Catherine : Hindi. Hindi Raphael, hindi wala iyon. Sabi sa billing ikaw daw ang nagbayad ng lahat ng gastusin ni Tatay dito sa ospital. Hindi lang iyon Raphael, nilinis mo ang pangalan nya. Hindi na sya suspect ngayon sa pang-a-ambush sa Papa mo.
Raphael : Catherine alam ko naman na hindi magagawa ni Mang Rolando iyon. Halika! (magkahawak kamay na umupo ang dalawa) Kumusta na nga pala sya?
Catherine : Wala pa ring pagbabago. Huminto yung puso nya ng ilang minuto rin, kaya nawalan ng oxygen ang brain nya. Sabi nila kaya daw sya comatose ngayon. Kung magising man sya baka maging gulay sya.
Raphael : Catherine huwag mo masyadong iisipin iyon. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Okey?
- (nahihirapan ako tumingin sa mga kamay nila, kasi halos magbuhol na sa kahahawak - Betcha)
Catherine : Kailangan pa talagang mangyari ito ano, para lang mapatawad ko ang tatay ko. Nagmamatigas kasi ako sa kanya noon eh.
Raphael : Tigasan mo ang loob mo. Isipin mo na lang na buhay sya. Isipin mo na magkikita pa kayo. Isipin mo na magsasama kayo... magkaka-ayos kayo. Hindi katulad namin ni Papa.
Catherine : Kaya ka ba kakandidato?
Raphael : Oo. Nag-usap na kami ni Mama, sinabi ko na sa kanya. Gusto rin ni Papa ito. Ngayon lang ako makakabawi sa kanya, sa ganitong paraan lang. Sabi nga ni Papa e, ako ang pinakamalaking disappointment nya. Babawi ako para kay Papa. Kahit nasaan man sya ngayon, gumaan man lang ng konti ang nararamdaman nya tungkol sa akin.
Catherine : Alam mo tutulong sana ako sa kampanya mo eh. Nag-usap nga kami ni Lola na sya muna ang magbabantay kay Itay dito, habang nasa Amadesto ako kaya lang hindi natuloy dahil
Raphael : Bakit? (umiling si Catherine) Catherine, I need all the help I can get. I need you to be there Catherine. I want you to be there.
-Nagyakap sina Raphael at Catherine.

Masayang pinagmamasdan ni Raphael si Catherine habang tumutulong ito sa pangangampanya. Nakasalubong ni Catherine ang mag-inang Isadora at Miguel. Saglit na nagkatinginan sina Catherine at Miguel. Nagpatuloy sa paglalakad si Catherine. Nilingon ni Miguel si Catherine at hindi magawang alisin ang paningin sa dating kasintahan, hinila ni Isadora ang anak.

Nagkukuwentuhan habang nagpapahinga sa headquarter sina Raphael at Catherine. Lumapit ang isang lalaking staff at binigyan ng maiinom si Raphael, tinanong rin nito kung ano ang gusto ni Catherine na inumin. Tumanggi si Catherine pero nagpilit ang staff at hayaan lang daw sya kasi baka daw sabihin ni Sir Raphael na hindi sya inaasikaso. Sinabi pa ng staff na swerte raw si Raphael kay Catherine, at sumenyas kay Catherine na hindi nya ito "ibibisto". Magalang na nagpaalam ang lalaking staff. Kinulit ni Raphael ang namumulang si Catherine kung ano ang ibig sabihin ng staff. Inamin rin ni Catherine kung ano ang ibig sabihin ng staff ni Raphael.
Catherine : Kasi noong nasa ospital ka, ang higpit higpit ng security ayaw nila akong papasukin. Sabi nila kailangan daw kapamilya ka para makapasok ka. E di sinabi ko na magiging magkapamilya na tayo dahil ikakasal na tayo.
Raphael : (kinilig) Ikakasal. Teka muna parang meron yata akong amnesia nung mga panahong nabaril ako
Catherine : Hindi sira!
Raphael : Teka muna... meron ka bang... kailan ka ba nagpropose?
Catherine : Hindi nga, ano ka ba? Desperada na ako noon eh
Raphael : Desperadong magpakasal sa akin?
Catherine : Hindi. Ay naku Raphael, mabuti pa talaga, sige hayaan mo babawiin ko mamaya.
Raphael : Huwag na! Huwag na! Baka mamaya matuloy iyong wish mo.
-May kinuha si Raphael sa ibinigay kay Catherine
Raphael : Itong envelop na ito, galing sa tatay mo - yung 25,000. At saka itong bracelet na binigay nya sa akin na gusto nyang mapapunta sa iyo para pag nagkita kayo
Catherine : Sa tingin mo Raphael, kung tinanggap ko ba ito noon pa, siguro mag-iiba iyong mga pangyayari ngayon ano? Hindi na aabot sa ganito?
Raphael : Alam mo huli na ang sisihan. Ang mahalaga ay tinanggap mo na mahal mo ang iyong ama.
-Isinuot ni Raphael ang bracelet sa kamay ni Catherine. Nakita sila sa ganung kalagayan ng dumaraang sina Miguel, Scarlet at Maggie.
Raphael : At handa ka nang tanggapin ang iyong ama sa buhay mo.
-Mababakas ang paninibughong nararamdaman ni Miguel sa nakita, hindi nito maalis ang tingin kina Raphael at Catherine. Nakita ni Scarlet ang reaksyon ng asawa kaya malungkot na nagpatuloy ito sa paglalakad kasama ang anak, naiwan si Miguel na nakatingin pa rin sa masayang nagtititigan na sina Raphael at Catherine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP