Thursday, August 28, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 34

Nag-aalala si Lola Aura kasi gabi na ay wala pa si Catherine. Dumating ang humahangos na si Louela.
Lola Aura : Gabi na wala pa si Catherine
Louela : Nakipagkita po sya kay Mang Rolando kaninang hapon. Mag-uusap na daw po sila.
Lola Aura : Talaga? Naku ano kaya ang nangyari.
Louela : Sana nga po magkaayos na sila. Bakit po, ayaw po ninyo?
Lola Aura : Hindi naman sa ayaw nag-aalala lang ako, syempre pag nagkita sila ni Rolando tiyak sasabihin nun ang lahat ng totoo. Papaano kaya tatanggapin ni Catherine ang balita?
Louela : Ano pong balita yung kay Rafael po ba?
Lola Aura : Anong kay Rafael?
Louela : Eh Lola sabi po ng kapitbahay na-ambush daw po si Cong. Torralba kanina at kasama sa sasakyan si Rafael. Masama po ang lagay ni Rafael ngayon.
Lola Aura : Diyos Ko!

Pumunta sa morgue si Toby, nakasunod sa kanya si Sofia. Hindi magawang angatin ni Toby ang nakatakip na kumot sa bangkay ng ama. Umiiyak na naaalala ni Toby ang huling pagkakataon na nagkita sila ng ama... ang huling beses na niyakap siya nito. Walang magawa ang nakamasid lamang na si Sofia, awang awa ang dalaga sa kababata. Humahagulhol na niyakap ni Toby ang bangkay ng ama.

Nasa operating room pa rin si Rafael. Taimtim na nananalangin si Catherine para sa kaligtasan ni Rafael.
Catherine : Diyos Ko, nakikiusap ako iligtas nyo po si Rafael. Hwag nyo po syang kunin. Parang awa nyo na, huwag si Rafael.

Si Mang Rolando kagaya ni Rafael ay sinusubukan rin ng mga manggagamot na iligtas sa kamatayan.

Habang nagdadalamhati si Toby ay nasa tabi niya ang mga kaibigan at nakikidalamhati. Dumating si Estelle sa hospital at hinahanap nito kay Toby ang asawa.
Estelle : Toby, anak nasaan ang Papa mo? Nasaan sya? I have to see him. Toby, Toby sabihin mo sa akin hindi totoo ang sinasabi nila. Toby tell me it's not true. It's not true. I don't believe it. Toby please, Toby please
-Niyakap ni Toby ang ina. Labis labis ang pamimighati ni Estelle sa pagkamatay ng asawang si Cong. Torralba.

Nasa silid na si Rafael. Kinakausap ng doktor si Catherine
Doc : Nakuha namin ang mga bala. Mabuti na lang walang tinamaang mga vital organs. So we're hoping for the best.
Catherine : Salamat ho.
- Lumabas na ng silid ang doktor. Umiiyak na kinausap ni Catherine ang hindi pa rin nagigising na si Rafael
Catherine : Rafael magpagaling ka kaagad ha. Rafael hindi ka puedeng mamatay. Kailangan kita. Huwag mo akong iwan ha. Hihintayin ko na bumalik ka.

Kausap ng mga pulis ang byuda ni Cong. Torralba
Pulis 1: Ikinalulungkot ho namin ang nangyari kay Congressman.
Pulis 2 : Ahm Ma'am yun pong driver ninyong si Mang Dante - dead on arrival. Meron pa nga hong isang kasama doon sa insedente, isang lalaki ho - Rolando Ramirez ho ang pangalan.
-Nagulat si Sofia sa narinig.
Pulis 1 : (nakita ang naging reaction ni Sofia) Kilala nyo ba sya?
Estelle : Oo. Pero hindi sya kasama sa staff ng asawa ko.
Sofia : Bakit sya nandun?
Pulis 2 : Hindi po namin alam. Pero ayun sa mga witnesses, sya ho ang humarang bago nangyari ang pananambang na iyon.
Estelle : Hinarang nya? May kinalaman sya sa pagkamatay ng asawa ko. Kasabwat ang Rolandong iyon.

Hawak ni Catherine ang kamay ni Rafael. Galit na galit si Estelle nang madatnan si Catherine sa silid ng anak.
Estelle : Anong ginagawa mo rito? (hinila si Catherine palayo kay Rafael) Layuan mo ang anak ko!
Catherine : Po?!
Estelle : Mula ama hanggang anak, mga salot kayo ng pamilya namin. MGA WALANG KONSENSYA! MGA KRIMINAL!
Catherine : Wala ho akong nalalaman sa sinasabi nyo
Estelle : KASAMA ANG AMA MO SA NANGYARING AMBUSH. Kriminal yang ama mo, sigurado ako kasangkot sya dito. Kapag napatunayan na may kinalaman ang ama mo sa PAGKAMATAY NG ASAWA KO, SISIGURUHIN KONG MABUBULOK SYA SA KULUNGAN.
Catherine : Ma'am hindi ko ho alam yang mga pinagsasabi ninyo. Ni hindi ko pa nakaka-usap ang tatay ko.
Estelle : SANA MABUHAY SYA. SANA MABUHAY SYA PARA MAPANAGUTAN NYA ANG KASALANAN NYA KAY ENRIQUE.
Catherine : Anong hong ibig ninyong sabihin?
Sofia : Hindi mo alam? Isa si Mang Rolando sa na-injure kanina. Malubha sya.
-Labis na nabigla si Catherine sa nalaman.

Pinuntahan ni Catherine si Mang Rolando sa ICU.
Voice-over ng isang babaeng doktor : The reason why hanggang ngayon ay unconscious pa ri si Rolando ay dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Dapat lang nating gawin ngayon is to give him the right management para masalinan siya at mapalitan ang dugo na nawala sa kanya. At dahil sa likod ang tama nya, maraming vital nerves ang tinamaan kaya iyon ang isa pang dahilan kung bakit unconscious pa rin sya.
- Dumadaloy ang masaganang luha mula sa mga mata ni Catherine.

Tinawagan ni Catherine si Louela.
Catherine : Louela nandito ako ngayon sa ospital. Si itay napasama sa ambush. Hindi ko pa alam eh, wala pa akong nakakausap na doktor. Louela masama... mukhang masama ang lagay ni itay. Natatakot ako.

Habang wala si Catherine ay pinuntahan ni Sofia si Mang Rolando. Madamdaming kinausap ni Sofia ang walang malay na si Mang Rolando.
Sofia : Sabi nyo magkikita tayo kanina, pero hindi naman kayo dumating. Paano ho kayo napasama sa ambush? Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-apektado ngayon, dahil kaya hindi mo pa sinasabi sa akin yung sekreto ng pagkatao ko? (Dumating si Catherine at nakita nito sa bintanang salamin ang ginagawang pagka-usap ni Sofia sa kanyang ama) O dahil tinuturing na rin kitang parte ng buhay ko? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit kita iniiyakan ng ganito eh. Mang Rolando, get well soon. I'm praying for you.
- Nagtataka si Catherine sa nakikitang ikinikilos ni Sofia

Sa silid ni Rafael.
Estelle : Kung hindi lang kasalanan gusto kong patayin na yang Rolando na yan.
Toby : Ma hindi pa ho tayo nakakasigurado na sangkot nga si Mang Rolando
Estelle : Don't be naive anak. Why else would he be there? I'm certain that Rolando was somebody else as bait. Pain sya para naman sila ma-ambush
Toby : Ma hindi pa ho napapatunayan 'yan. Nakita nyo ba iyong kalagayan ni Mang Rolando? Critical din naman sya 'ma eh, don't be unfair. Naghahanap lang ho kayo ng masisisi.
Estelle : Natural. Sino ang gusto mong sisihin ko, ang sarili ko, ang Diyos? You're father is dead. My husband is dead. Iyon ang unfair.
-Dumating sina Isadora, Miguel, Scarlet at Maggie. Nagyakap sina Isadora at Estelle.

Pumasok si Catherine sa kinaroroonan ng ama.
Catherine : Anong ginagawa mo dito Sofia?
Sofia : (nagphaid ng luha) Dinalaw ko lang si Mang Rolando. Kaibigan ko sya.
Catherine : (hawak sa braso ang ama) Kaibigan mo? So naniniwala ka na wala syang kinalaman sa pang-a-ambush?
Sofia : Hindi ako naniniwalang magagawa nya iyon kay Kuya Rafael.
Catherine : Kung magsalita ka parang kilalang kilala mo ang tatay ko a.
Sofia : Oo mabuti syang tao. Bakit ikaw, naniniwala ka bang kasabwat ang ama mo? You should be ashamed of yourself Catherine, ____ sarili mong ama, wala ka nang tiwala.
Catherine : Sayo! Sayo ako walang tiwala. Sa 'yo at sa pamilya mo. Kagaya ka ng nanay mo masyadong kang mapapel, panggulo. (napa-iyak si Sofia) Ano gusto mo akong sampalin? Nakalimutan mo na ba na muntik nang humampas yang pagmumukha mo sa pader dahil sa lakas ng sampal ko? Ano Sofia gusto mong maulit yun, ha?
Sofia : Hindi kita papatulan bilang respeto sa ama mo. Kung naririnig ka nya ngayon, ikahihiya ka nya Catherine dahil ang sama mo. You should be ashamed of yourself dahil ang layo ng ugali mo sa ama mo.
-Lumabas na ng silid si Sofia.

Isadora : Napaluwas kaagad kami dito sa Maynila as soon as we heard.
Scarlet : Tita, IF there anything we can do for help
Estelle : Salamat iha. Maraming salamat sa pagdating ninyo.
-Nagkakamalay na si Rafael. Habang nakapikit si Rafael ay naaalala nito ang trahedyang naganap. Pagmulat ng mata ni Rafael ay kaagad nitong kinumusta sa ina ang ama. Iyakat iling lamang ang isinagot ni Estelle sa tanong ni Rafael. Pinakakalma ni Estelle ang anak.

Sa lobby ng hospital ay maraming press ang kumukuha ng pahayag mula kay Miguel Castillejos.
Miguel : Kami po ay taos pusong nakikiramay sa pamilya ni Cong. Enrique Torralba.
Reporter 1 : Sir, sino ho ba ang nasa likod ng pag-assasinate sa Congressman?
Miguel : Sa ngayon ho ay hindi pa namin alam dahil kasalukuyan pang ini-imbestigahan
Reporter 2 : Pero pabor kayo sa pagkamatay ni Congressman, di ho ba?
Miguel : Walang may kagustuhan sa nangyari, lalo na ako.
Reporter 3 : E di sa ngayon po mas malakas ang tsansa nyong manalo Sir?
Isadora : Teka muna, ano ba ang sinasabi nyo? Sinasabi nyo ba na meron kaming kinalaman sa nangyari kay Enrique
Miguel : (pinigilan ang ina sa mga sasabihin pa nito) Kahit na magkatunggali kami sa kampanya, mataas ang respeto ko sa kanya. Matalik na magkaibigan ang aming mga pamilya. Kilala ko sila mula pa pagkabata at makakaasa kayo hinding hindi ko kayang saktan ang isang taong kinilala kong parang tunay na ama.

Nagka-usap ng sarilinan sina Miguel at Rafael.
Miguel : Kumusta ka na kuya Rafael?
Rafael : Ito makakalabas na raw ako mamayang hapon. Buti naman nakadalaw ka sa akin.
Miguel : Oo nga e. Medyo mahigpit yung bodyguards mo sa labas, mahirap pumasok.
Rafael : Pakana ng mama yan e, pinababayaan ko na lang para hindi sya masyadong mag-alala. Tutal e siguradong hindi na ako hahanapin ng mga gunman, nakita na nila ang target nila... si Papa.
Miguel : I'm sorry.
Rafael : Ayos lang. Kwento ka naman. Kumusta ka na?
Miguel : Well, ito busy sa kampanya halos araw-araw kasi, pero maliban doon okey naman.
Rafael : Miguel, ito ba talaga ang gusto mo?
Miguel : Ang maging pulitiko? (napa-buntung hininga) Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na maging congressman e... parang hindi bagay. Mas nakikita ko pa ngang mas bagay sa iyo e kaysa sa akin pero nandito na ito e.
Rafael : Handa ka na ba sa ganitong klaseng buhay?
Miguel : Hindi pa naman ako nananalo e. Saka ko na iyon iisipin.
Rafael : Miguel, sigurado na ang panalo mo, wala na ang Papa.
Miguel : (tumango-tango) Kuya huwag mo naman sanang pansinin ang sinasabi ng tao. Alam ko maraming naninira pero maniwala ka sa akin, hindi ko kagustuhan ang nagyari sa Papa mo para ko na rin siyang tunay na ama.
Rafael : Alam ko.
Miguel : Pinapangako ko sa iyo, tutulong ako para mahuli natin ang may pakana nito. Bibigyan natin ng hustisya ang Papa mo.

Pupuntahan sana ni Catherine si Rafael pero pinigilan siya ng mga bodyguard. Matatalik na kaibigan at kapamilya lang daw ang puedeng dumalaw kay Rafael. Sinabi ni Catherine na matalik siyang kaibigan ni Rafael. Sinabi ng mga bodyguard na ibinilin ni Estelle na hindi puedeng pumasok si Catherine. Walang nagawa si Catherine kaya tinanong na lang niya ang kalagayan ni Rafael. Sinabi ng mga nakabantay na gising na si Rafael at medyo okey na. Malungkot na umalis si Catherine.

Kumakain ng almusal si Isadora ng bumaba si Miguel
Isadora : O bakit hindi ka naka coat and tie? Di ba ngayon ang interview mo sa TV?
Miguel : Pinagpaliban ko muna yang mga kampanya kampanya na yan. Nakakahiya kina Tito Enrique e.
Isadora : Aba! Tapos na iyon eh. Nakiramay na tayo. Miguel ang mahalaga yung ngayon.
Miguel : Kilabutan nga kayo sa sinasabi nyo. Parang hindi malapit sa atin ang mga Torralba.
(Naaasar ako kay Miguel, ini-inggit ako kasi isinasawsaw niya sa kape ang pandesal huhuhu! walang pandesal dito, I miss Pinas na talaga - Betcha)
Isadora : Nandodoon na ako pero tapos na eh wala na tayong magagawa eh. Dapat ngayon nga puspusan kang nangangampanya dahil pag ganitong may mga opening, sugod ng sugod. Hindi ka pupuedeng papatay patay. Saka isa pa Miguel, puede ba tigilan mo ako ng pagdadrama mo ha. Huwag ka masyadong makidalamhati dahil hindi mo naman kamag-anak o kadugo yung namatay. Basta irere-sked ko this week ang interview mo sa TV. Baka mamaya magtampo sa iyo ang mga friends and supporters ni Cong. Miguel Castillejos.

Palabas na sa hospital si Rafael.
Estelle : Rafael masyado mo naman yatang pinupwersa ang sarili mo. Why don't you stay for a few more days?
Rafael : Hindi na ma, okey na ho ako.
-Lumabas si Estelle para asikasuhin ang hospital bills.
Toby : Sigurado ka bang ikey ka na Kuya?
Rafael : Okey na ako Toby. ___ hindi na ako sanay na wala akong ginagawa, marami pa akong trabahong dapat na gawin. Kumusta na nga pala si Catherine?
Toby : Inaasikaso ang tatay nyo. Kritikal kasi ang lagay ni Mang Rolando e.
Rafael : Kaya pala hindi na ako dinadalaw ni Catherine.
Toby : Ano yun Kuya?
Rafael : Wala.

Naka-upo sa labas ng silid ni Mang Rolando si Lola Aura. Dumating ang naka-wheel chair na si Rafael.
Lola Aura : Rafael. Rafael nakikiramay ako. Kaya mo na ba?
Rafael : Oho. Naka-usap ko na ho ang doktor, pinayagan naman akong umuwi. Kumusta na ho si Mang Rolando?
Lola Aura : Hindi pa nga sya nagkakamalay eh. Nag-aalala nga kami ni Catherine eh.
-Sinabi ng mga bodyguard na naghihintay na sina Estelle kay Rafael.
Rafael : Lola Aura pakisabi na lang po kay Catherine na dumaan po ako. O sige ho mauna na ho ako. Salamat po.
Lola Aura : Salamat din.
-Pagka-alis ni Rafael ay dumating naman si Catherine.
Catherine : Lola ang haba ho ng pila sa botika eh, ang daming tao.
Lola Aura : Catherine kadadaan lang dito ni Rafael
Catherine : Ngayon lang po?
Lola Aura : Oo
-Tumakbo si Catherine para habulin si Rafael. Pasakay na ang mag-inang Estelle at Rafael Torralba sa sasakyan ng makita ni Catherine mula sa lobby ng hospital. Tumakbo palabas si Catherine pero hindi na nya naabutan si Rafael.

Teaser : Sa libing ni Cong. Enrique Torralba ay ini-announce ni Rafael na siya ang papalit sa kanyang ama - kakandidato siya bilang Congressman.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP