Thursday, August 28, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 33

Galit na galit si Enrique Torralba sa ginawang pagwawalk-out ni Toby.
Enrique : Nakita mo ang ginawa ng anak mo? Umalis ng walang paalam. Wala pa ngang ipagmamalaki ang yabang na.
Estelle : Hayaan mo na nga na ang kampanya ang asikasuhin mo. You're so stressed out Enrique mamaya yan baka bumulagta ka na lang.
Rafael : E kung ako rin ho si Toby magwawalk-out din ho siguro ako.
Enrique : Anong sabi mo?
Rafael : E kung tutuusin ho ninya mas nalilingap at nabibigyan pa ninyo ng trabaho ang ibang tao kaysa sa sarili ninyong pamilya
Estelle : Anong hindi nalilingap? Eh hindi ba sya ang gustong maging independent
Rafael : Iyong pagbubukod ho nya ng apartment 'ma? Hindi ho independence ang hinahanap nya, nagpapapansin lang ho 'yon. Gusto lang nya malaman kung mahalaga sya. Gusto nyang mman kung maapektuhan kayo sa paglayo nya. Pero wala rin. You didn't give him importance.
-Napaisip ang mag-asawang Torralba.

Pabalik na sa Amadesto si Miguel at sinabi nya kay Sofia na baka isasama raw niya si Maggie sa pangangampanya kasi natutuwa ang bata dahil madaming tao. Pagkaalis ni Miguel ay tinanong ni Jenna ang kaibigan kung bakit hindi nito sinabi kay Miguel ang tungkol kay Mang Rolando. Ayon kay Sofia hindi daw nya sinabi sa kanyang kuya Miguel kasi gusto nyang malaman ang katotohanan. Sinabi pa ni Sofia na 2 years old lamang siya ng mamatay ang kanyang Daddy, kaya gusto nyang bigyan ng chance ang sinasabi ni Mang Rolando dahil hindi niya naranasan ang magkaroon ng ama.

Paalis ang mag-amang Cong. Torralba at Atty. Torralba kasi may TV interview si Congressman.
Rafael : Pa pagkatapos ho ng TV guesting ninyo hindi na ho ako babalik dito. Kailangan kong magpunta ng opisina dahil marami pa akong trabaho.
Tinanong ni Enrique ang asawa kung gusto nitong sumama pero sinabi ni Estelle na marami pa syang aasikasuhin. Pinagbilinan ni Estelle ang asawang si Cong. Torralba na kailangan nitong makabalik bago mag 5 pm para sa motorcade na gagawin. Nagyakap ng mahigpit ang mag-asawa Enrique at Estelle bago umalis ang mag-ama. Tutal ay maaga pa naman para sa TV guesting, gusto munang puntahan ni Enrique ang anak na si Toby para kausapin.

Nakita ni Mang Rolando si Louela na naglalakad sa kalye, tinawag nya ito at kinausap. Nagbilin si Mang Rolando kay Louela na sabihin kay Catherine na magkita sila ng alas-kwatro ng hapon sa restaurant sa tapat ng bahay ni Rafael dahil may mahalaga daw syang sasabihin sa anak. Tinanong naman ni Louela si Mang Rolando kung bakit hindi na lang nito puntahan ang anak. Sinabi ni Mang Rolando na baka daw kasi itaboy sya ni Catherine, basta importante raw na magkausap-usap silang TATLO.

Sa apartment na tinutuluyan ni Toby ay nagmamasid-masid si Enrique at sinabing maayos naman daw pala ang tinitirhan ng anak. Nagtaka si Toby bakit hindi bumaba ng sasakyan ang kuya Rafael nya. Sinabi ng ama na hindi naman daw sila magtatagal. Kinausap ng maayos ni Cong. Torralba ang bunsong anak.
Enrique : Gusto ko lang magkaliwanagan tayo Toby. I know sometimes I can be harsh. Masakit ako magsalita, ganun lang talaga siguro ako kahit na nga sa kuya mo e. Pero hindi ibig sabihin nun ay gusto kitang saktan. Mahalaga ka sa amin ng mama mo, lalo na sa akin. Alam mo ba kung bakit kita dinidikdik sa pag-aaral, sa buhay, sa lahat? Dahil gusto ko nakahanda ka Toby. Look, I'm not be going around forever, you're only 18, I'm 68. Kung minsan ay naiisip ko na baka hindi kita naturuan ng tama. Kaya binubuhos ko ang lahat para i-mold ang character mo, pagkatao mo dahil mahalaga ka sa akin. (tumutulo ang luha ni Toby) Hindi ko alam kung darating ang araw na papasok ka rin sa pulitika, kung susunod ka sa mga yapak ko. Pero isa kang Torralba. I know that someday you make me very proud.
-Madamdaming nagyakap ang mag-ama.

Masayang inihatid ni Toby hanggang sa naghihintay na sasakyan ang ama. Tinanong ni Rafael kung bakit hindi nakabihis pa si Toby, kung hindi daw ito sasama sa TV interview. Sinabi ni Toby na may final exam pa sya at hahabol na lang sya sa motorcade.
Enrique : Galingan mo ang exam ha. Huwag bubugok bugok.
- Lingid sa kanila ay nasa paligid lamang si Vernon at nagmamanman.

Sinabi ni Louela kay Catherine ang ipingabilin ni Mang Rolando.
Catherine : Baka sinasabi lang nya yun para maging interesado ako. Sino naman daw iyong kasama nya?
Louela : Hindi ko nga knows eh. Basta ang sabi ng tatay mo, importante daw na magka usap-usap kayong tatlo.
Lola Aura : Alam mo Catherine noong una hindi rin ako kumportable. Pero napag isip-isip ko wala namang mawawala, e di makinig ka na lang kung ano ang sasabihin nya. At saka mo desisyunan kung dapat ka ngang makipag-ayos sa kanya o hindi.

Papunta sa apartment nina Sofia si Isadora nang biglang sumulpot si Vernon. Kinausap ni Vernon si Isadora hinggil sa eleksyon. Malakas daw si Cong. Torralba pero kailangan daw na si Miguel ang manalo kasi milyones na ang nagagastos ng grupo. (hindi nila napansin ang pagdating ni Mang Rolando sa tindahan na katabi ng apartment) Ipinahiwatig ni Vernon kay Isadora na merong gagawin ang grupo sa motorcade ni Cong. Torralba. Mag-abang na lang daw sa balita si Isadora. Kinabahan si Mang Rolando sa narinig na pag-uusap nina Isadora at Vernon.

Ibinilin ni Isadora kay Sofia na pagkatapos ng exams ay tawagan kaagad siya para mapasundo nya si Sofia dahil marami pa silang gagawin sa kampanya. Napansin ni Isadora na nine-nerbyos ang anak, dahil daw sa exams sabi ni Sofia. Tumawag sa cellphone ni Sofia si Mang Rolando at sinabing magkita sila ng alas- kwatro ng hapon sa restaurant sa tapat ng bahay ni Rafael. Nang ibaba ni Sofia ang phone ay tinanong ni Isadora kung sino ang tumawag, prank caller daw sabi ni Sofia.

Hindi maalis sa isipan ni Mang Rolando ang narinig. Nagtataka si Mang Rolando kung bakit tinutulungan ng lalaki na kausap ni Isadora si Miguel, sino daw ang lalaki. Naiisip na Mang Rolando na kapag nanalo si Miguel ay lalong magiging makapangyarihan si Isadora - lalo nitong aapihin si Catherine at mas kayang ilayo si Sofia sa kanya. Gustong balaan ni Mang Rolando si Rafael tungkol sa narinig. Pumunta sa bahay ni Cong. Torralba si Mang Rolando pero ayon sa security guard ay pumunta sa TV station sina Congressman at Rafael kasi may interview, at pagkatapos ay pupunta na ng Amadesti dahil may motorcade na gagawin.

Abalang abala si Estelle Torralba para sa gagawing motorcade. Nang makitang nasa TV na ang asawa ay pinanuod ito ni Estelle. Sa TV interview ay naitanong kung sino ang napipisil ni Cong. Torralba na pumalit sa kanya. Sinabi ni Cong. Torralba na ang anak daw nyang si Atty. Rafael Torralba na mas magaling, mas matalino at mas mapagkakatiwalaan at mas magandang lalaki kaysa sa kanya. Gusto sanang interviehin din si Rafael para makilala na raw ng mga tao, pero tumanggi si Rafael.

Kinakausap ni Isadora sa cellphone si Vernon. Sinabi ni Isadora na kung anuman ang binabalak ng grupo ay siguraduhin lang na hindi madadamay si Miguel. Ayon kay Vernon sa election daw ay siguradong si Miguel na ang panalo. Natuwa si Isadora.

Habang papalabas ng istasyon ay nag-uusap ang mag-amang Enrique at Rafael.
Enrique : Ikinahihiya mo ako bilang ama?
Rafael : Walang ganun 'pa.
Enrique : E tinatawag ka, bakit ayaw mong lumapit?
Rafael : E 'pa hindi naman ako ang kandidato e. At saka alam ko na ho yan e, strategy lang ninyo yan para ma on-the-spot ako na ma commit ako na ako na ang papalit sa inyo.
Enrique : E ano naman kung ganun? E sino pa ba ang papalit sa akin kung hindi ikaw?
Rafael : Pa huwag ninyong sasabihin na ako ang papalit sa inyo dahil wala akong intensyon, wala akong balak.
Enrique : You're so selfish Rafael kapag ibang tao ang galing galing mo, pero kapag ang sarili mong ama ang humihingi - lagi na lang ako nakikisuyo, laging nakiki-usap.

Naghihintay na sa restaurant si Catherine. Dumating si Sofia.
Catherine : Anong ginagawa mo dito?
Sofia : None of your business
Catherine : Sinusundan mo ba ako?
Sofia : Bakit ko naman gagawin yun?
Catherine : Dahil kilala ko kayong mag-ina. Lahat gagawin nyo masira nyo lang ang buhay ko. Nang dahil sa iyo pinalayas ako ni Scarlet. Nang dahil sa iyo nawala ang lahat sa akin.
Sofia : Ako lang ang nakahanap ng video. Hindi ko pinilit si Tito Martin sabihin lahat ng iyon. Teka, I don't need to explain myself to you.
Catherine : Bakit ka nga nandito? At parang guilting guilty ka
Sofia : Nothing of that is any of your business. Pero may inimbita akong kaibigan.
Catherine : Kaibigan na naman? Kung sabagay mukha ka namang may maraming kaibigan. Hindi ba't minsan itinuring mo rin akong kaibigan? Kaibigan na nagawa mong traidurin. Alam mo kung ano ka Sofia? Isa kang kaibigan, KAIBIGANG PUTIK.

Patuloy pa rin sa paghahanap si Mang Rolando sa mag-amang Torralba. Nang makita na pasakay na sa sasakyan sina Cong. Torralba at Rafael ay tumakbo si Mang Rolando para balaan ang mga ito sa panganib na naka-ambang sa kanila. Nasa paligid ang sasakyan ni Vernon at mga kasama. Hindi maintindihan ni Rafael ang gustong sabihin ni Mang Rolando pero bago pa masabi ni Mang Rolando ang narinig nya ay binaril na siya ng kasama ni Vernon. Sa likod tinamaan si Mang Rolando. Habang tinutulungan ni Rafael si Mang Rolando ay lumapit sa kanila ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki. Pinaputukan ng mga salarin sina Cong. Torralba at Rafael. Napuruhan ang matandang Torralba.

Nag-aalala na si Estelle dahil naantala ang pagdating ng asawa.

Paalis na sana sa restaurant si Sofia nang nakita nila ang flash report sa TV ukol sa nangyaring barilan. Na shock sina Catherine at Sofia.

Hindi makapaniwala si Estelle nang malaman ang balita.

Napanuod din nina Isadora ang news sa TV. Nagpasya si Miguel na lumuwas ng Maynila, pupuntahan nya si Rafael. Hindi napigilan ni Isadora ang anak.

Napapanuod ni Vernon ang balita at natuwa ito dahil sigurado na raw na si Miguel ang mananalo. Tumawag si Isadora kay Vernon para sitahin ito sa ginawang pagtumba kay Cong. Torralba. Sinabi ni Isadora na wala siyang kinalaman at malinis ang konsensya nya, sinabi naman ni Vernon na basta sya mission accomplished.

Tinawagan ni Sofia si Toby para ipaalam na may masamang nangyari kay Cong. Torralba.

Sakay ng taxi si Catherine papuntang ospital, iyak siya ng iyak. Pagdating sa ospital ay ayaw papasukin si Catherine kasi pamilya lang daw ang puede. Sinabi ni Catherine na fiancee siya ni Rafael.

Habang nasa sasakyan ay pinatawagan ni Estelle sa sekretarya ang ospital na kinaroroonang ng mag-ama nya.

Dumating si Toby sa ospital kasama ang mga kaibigan at sina Sofia at Jenna.

Nagimbal si Estelle nang malaman na dead on arrival si Congressman.

Kinakausap ng doktor si Catherine. Dalawa raw ang tama ni Rafael - sa dibdib at balikat, at delikado pa ang kondisyon nito.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP