Tuesday, August 26, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 32

May isinasagawang press conference sa kampo ni Miguel Castillejos.
Miguel : Well, hindi pa naman sigurado ang nauulat na final na resulta ng survey. At masasabi ko siguro may panahon pa para makuha ko ang tiwala ng mga taga Amadesto. Kung sa laban din lang natitiyak ko meron din akong laban.
Lady Reporter : Anong meron ka na wala si Cong. Torralba?
Isadora : Of course, cuteness! Kagwapuhan at saka kabataan. (nagtawanan sa paligid) Syempre di ba alam nyo naman na nai-inspire na iniidolo ng mga kabataan ang kanilang leader. Eh kung kasingtanda naman ni Cong. Torralba ang leader, paano naman mai-inspire ang kabataan di ba? Dapat sa kanya kasi di ba nag-go-golf na lang o nagre-relax? Kaya kapag si Miguel ang nanalo, uunlad ang kabataan dahil kay Miguel Castillejos uunlad ang buhay.
- May sumigaw na lalaki ng "Mabuhay si Cong. Miguel Castillejos!", na sinundan naman ng iba sa pagsigaw ng "Mabuhay!" at nagpalakpakan.
Reporter : Sir, ano po bang proyekto ang gagawin nyo sa Amadesto na hindi pa nagagawa ni Cong. Torralba?
Miguel : Marami. Marami po. Pauunlarin ko ang buong Amadesto. Lahat ng tao doon tataas ang antas ng pamumuhay.
Reporter 2 : Mukhang malaki na ang nagagastos ng kampo ninyo sa kampanya. (dumarating si Scarlet) Marami ang nagtatanong, saan galing ang funding ng Castillejos group?
-Hindi makasagot ang mag-inang Isadora at Miguel. Biglang nagsalita si Scarlet na ikinagulat ni Miguel at ng mga taong naroroon.
Scarlet : Sa akin. I pledge full support for my husband.
-Nagpalakpakan ang mga tao.
Isadora : (nilapitan si Scarlet) Tama. Galing sa future first lady ng Amadesto ang funding ng Castillejos group. Galing kay Mrs. Scarlet dela Rhea Castillejos.
-May sumigaw ulit ng lalaki ng "Mabuhay si Cong. Miguel Castillejos!" na sinundan ulit ng iba sa pagsigaw ng "Mabuhay" at nagpalakpakan ang lahat.

May isasagawa ring press conference ang kampo ni Cong. Enrique Torralba. Pinuna ni Enrique ang suot ni Toby (naka jeans and polo shirt)
Enrique : Toby bakit ganyan ang itsura mo? Alam mong may interview tayo ngayon, hindi ka man lang nagbihis - mukha kang basahan.
Toby : E Papa okey lang ito kaysa naman ho nakahubad.
Estelle : Toby!
Rafael : A 'pa bagay naman ho ang bihis nya e. Iyan ho ang bihis bagets, hindi naman ho bagay dito kapag masyadong pormal.
Enrique : Alam mo kaya lumalaking iresponsable yang kapatid mo dahil lagi mong ipinagtatanggol.
Rafael : Pa parati mo naman kasing pinag-iinitan.
Enrique : Paano nga bugok. May utak naman hindi ginagamit. Mamaya sa interview Toby, huwag ka masyadong magsalita baka kung ano pa ang masabi mo, magkalat ka lang doon.
-Inaawat ni Estelle ang asawa
Estelle : Okey. Okey. Smile. Smile, the press is here.
-Pumunta na sina Enrique at Rafael sa press conference table. Senenyasan ni Estelle ang bunsong anak na sumunod na rin.

Kakwentuhan ni Jenna ang kaibigan (Aldred) ni Toby. Kapwa sila nakapayong sa malapit sa isang ilog.
Jenna : Riot palagi sa apartment. Aso't pusa sina Toby at Sofia
(Aldred) : Naku hindi na yata magbabago yun e. Kwento ka naman ng iba, about yourself
Jenna : Sa tingin ko kasi si Sofia yung may mali. Masyadong mainitin ang ulo. Syempre natural for boys ang maging makulit.
(Aldred) : Sus! Ganun lang talaga kaming tatlo pero tingin ko dapat dumating din ang panahon na mag-grow up na rin kami.
Jenna : Eh ano pala ang zodiac sign mo?
(Aldred) : Ako Virgo ako. Ikaw?
Jenna : Gemini. Aries si Toby di ba?
(Aldred) : (bumulong sa sarili) Si Toby na naman.

Kinausap ni Scarlet ang asawa.
Scarlet : Miguel, Please mag-usap tayo. Miguel handa akong tumulong sa campaign mo.
Miguel : May enough fund ang grupo namin para sa kampanya. Hindi namin kailangan ang tulong mo.
Scarlet : Kung ayaw mong tanggapin ang tulong ko. Meron lang akong ipapakiusap sa iyo
Miguel : Ikaw ba iyan Scarlet? Parang bago yata yan. Ikaw nakikiusap?
Scarlet : Si Maggie kasi affected nang masyado. Sinasabi sa akin ng mga teacher nya nagiging salbahe na sya sa school.
Miguel : Nagtataka ka pa ba? Ikaw ang nagpalaki. I'm sorry I have to go. Excuse me.
-Iniwan ni Miguel ang naiiyak na asawa.

Sa press conference ni Cong. Torralba.
Reporter : Puede na po ba tayong magsimula Sir?
Enrique : Yes. Of course. (napansin na wala si Toby sa nakalaang upuan para dito, tinanong ang asawa) Nasaan si Toby?

Pasakay sa isang tricycle si Toby
Toby : Manong sa bayan ho.
Manong driver : Di ba ikaw yung anak ni Cong. Torralba? Oo nakita na kita, kasama niya nangangampanya. Bakit ka magta-tricycle?
Toby : Hindi ho ako iyon. Wala hong Torralbang mukhang basahan.

Patuloy sa pangangampanya sina Isadora at Miguel. Kasama na nila ngayon si Scarlet at Maggie. Nagbigay si Miguel ng flyer sa isang turo-turo, sinabi ni Isadora sa nakatao sa turo-turo na tanggalin na ang mga Torralba na nakadikit. Nakita ni Isadora na abala si Scarlet sa pangangampanya.
Isadora : Naku! Tingnan mo ang first lady, bisi-bisihan. Mabuti na lang nandyan si Scarlet kung hindi gigisahin ka ng media. Kaya huwag ka nang ma-tense, basta pag may nagtanong galing sa friends and supporters. O di ba?
Miguel : Si Scarlet na naman. Pag may problema palaging si Scarlet ang sumasagot.
Isadora : Eh natural, mayaman ang asawa mo eh. O dyan ka na muna ha.
Miguel : Saan kayo pupunta?
Isadora : (nakangiti sa anak) Susundaan ang first lady ng Amadesto.

Habang nagpapahinga sa harapan ng isang tindahan ay kinausap ni Isadora ang manugang.
Isadora : Kawawa naman si Maggie 'no? Ang hirap talaga kapag hindi buo ang pamilya.
Scarlet : Sana nga yan din ang ma-realize ni Miguel. Hindi ko naman hinihiling sa kanya na magsama pa rin kami. Ang sa akin lang huwag na sana nyang ituloy ang annulment case, di ba?
Isadora : Eh kaso mukhang desidido na si Miguel.
Scarlet : Kailangan magbago ang isip nya. Nahihirapan ako. Napag-uusapan na ako sa opisina. Mabilis nila akong hinuhusgahan kasi hindi maganda ang tingin nila sa isang separada.
Isadora : Hayaan mo. Ako ang bahala. Mamaya luluwas kami sa Maynila kasi may final exam si Sofia. Kausapin ko sya ng masinsinan.
Scarlet : Talaga? Will you do that for me? Hindi ka na galit sa mga nangyari sa atin?
Isadora : Hindi na. Basta ituloy mo ang suporta mo kay Miguel ha. After all Scarlet, mag-asawa pa rin naman kayo, hindi ba?

Pauwi galing sa trabaho si Mang Rolando at iyong kaibigan niyang nagbenta sa kanya ng ticket.
Kaibigan : Muntik ka nang madisgrasya kanina a. Buti nakaiwas ka doon sa nahulog na pala. Kitang kita ko e, babagsak sana sa ulo mo galing sa third floor.
Mang Rolando : Oo nga e. E di sana naka-abuloy ka pa.
Kaibigan : 'langhiya naman pare, makikihati ka pa doon sa kakarampot kong kinikita. Mahirap magpalaki ng pitong anak.
Mang Rolando : Pito ang anak mo? Buti hindi nagrereklamo ang misis mo.
Kaibigan : Nagrereklamo? Nag-aalaga nga sya ng hindi nya anak e.
Mang Rolando : Pinagsama mo silang lahat? E hindi ba sila nag-aaway?
Kaibigan : Nag-aaway rin paminsan minsan. Kaya lang ang katwiran ko, mabuti na rin yon kaysa naman mamatay akong hindi sila magkakilalang magkakapatid.
Mang Rolando : Alam mo ako, dalawa lang ang anak ko. Parehong babae. Hindi nga nila alam na magkapatid sila e. Pero may katuwiran ka siguro panahon na nga para magkakilala sila.

Gabi na ay nagbabasa pa rin si Catherine ng mga librong dinala ni Rafael. Lumabas sa kwarto si Lola Aura.
Lola Aura : Catherine kanina ko pa napapansin mukhang masama ang pakiramdam mo, matamlay ka eh.
Catherine : Lola, ang sakit ho ng ulo ko at medyo malamig nga eh.
Lola Aura : Ay naku! Papaano namang hindi sasakit ang ulo mo. Eh maghapon at hanggang ngayon gabi na nagbabasa ka pa nyan.
Catherine : Eh Lola, nahihiya po ako kay Rafael eh. Sobra sobrang bait nya sa atin, ayoko namang bara-barang trabaho.
Lola Aura : Alam ko nakikisama tayong mabuti sa kanya kasi mabait sya sa atin. Pero sa ginagawa mong yan eh, baka mas gumaling ka pang abugado kaysa kay Rafael. Magpahinga ka na. Ako na ang magliligpit nyan.
-Pumasok na sa kwarto si Catherine. Napansin ni Lola na may tao sa labas. Nakita nya ang manugang nyang si Rolando. Pinuntahan ni Lola Aura si Mang Rolando
Lola Aura : Ano naman ang ginagawa mo dito?
Mang Rolando : Gusto kong maka-usap ang anak ko 'nay.
Lola Aura : Wala sya. Naghahanap ng trabaho at hindi pa sya umuuwi.
Mang Rolando : Alam kong binigyan sya ng trabaho ni Rafael. Bakit ayaw nyong iharap sa akin si Catherine?
Lola Aura : Hindi ako ang may ayaw na humarap sa iyo si Catherine. Ayaw ka nyang makita. Hwag mo nang guluhin si Catherine.
Mang Rolando : Hindi ako nanggugulo 'nay. Gusto kong makipag-ayos sa anak ko. Kung kinakailangang aminin ko sa kanya ang lahat lahat, gagawin ko.
Lola Aura : Naloloko ka na ba? Lalo mo lang guguluhin ang isip nya.
Mang Rolando : Wala nang ibang paraan. Hindi ko na kayang pagtakpan ang nangyari noon. Kailangan kong gawin ito para maintindihan ni Catherine ang lahat.
Lola Aura : Talagang napaka makasarili mo Rolando. Maniwala ka sa akin. Walang buting maidudulot yang binabalak mong gawin. Puede ba umuwi ka na?
-Lumabas ng kwarto si Catherine at nakita nya ang pag-uusap ng ama at lola. Pinakinggan ni Catherine ang pag-uusap ng dalawa.
Mang Rolando : Alam nyo ang buong katotohanan. Inamin ko sa inyo ang lahat. Bakit ayaw nyong ipagtapat kay Catherine? Bakit ayaw nyo akong tulungan?

Kinakausap ni Isadora ang anak na si Miguel tungkol sa asawa nito at anak.
Isadora : O ano? Papaano mo sasabihin sa anak mo na ayaw mo na, na gusto mo nang sirain ang pamilya mo?
Miguel : Pinag-usapan na natin ito e. Kunyari pa kayo na si Maggie ang concern nyo. Kung hindi ko pa alam nag-pledge na naman si Scarlet ng financial support para sa kampanya ko.
Isadora : Hoy! O sige bahala ka hindi na ako makikialam. Mamaya ikatalo mo pa yan eh.
Sofia : Bakit naman matatalo si kuya dahil sa annulment?
Isadora : Kasi po conservative ang mga botante sa Amadesto. Syempre sasabihin nila papaano mapapatakbo ni Miguel ang Amadesto kung sariling nyang pamilya hindi nya mapatakbo.
Miguel : O bakit ang dami namang ibang factors a.
Isadora : O sige, gusto mo ibang factors. Alam ba nila na nagse-self pity ka at gusto mong itaguyod ang sarili mo kaya ka tumakbong Congressman? Now, do you get it?

Pagkaalis ng ama ay kinausap ni Catherine ang kanyang Lola Aura
Catherine : Ano ang tinutukoy ng tatay ko? Ano pang tinatago nyo sa akin Lola?
Lola Aura : Huwag mo syang intindihin, nanggugulo lang sya.
Catherine : Lola narinig ko kayo. Narinig ko ang usapan ninyo. ANONG AYAW NYONG IPAGTAPAT NYA SA AKIN? ANO ITO SEKRETO NA NAMAN? ANO ITONG TINATAGO NYO SA AKIN? Kailan ko pa malalaman kung ano ang katotohanang yan, kapag huli na ang lahat?
Lola Aura : Catherine magugulo ka lang.
Catherine : Magulo na ang buhay ko Lola. Wala na akong pakialam. LAHAT napagdaanan ko na sa buhay ko - lahat ng paninira, lahat ng panliliit ng tao at pamamata sa akin. Pero itong katotohanan na ito kailangan malaman ko. Karapatan ko iyon Lola.
Lola Aura : Siguro, siguro panahon na nga. Panahon na Catherine.

May ibinababa mula sa kotse ang magkapatid na Miguel at Sofia. Ipinasok ni Miguel sa loob ng bahay ang ilang kagamitan. Sinabi ni Sofia na sya na ang bahala kasi alam nyang pagod na ang kuya nya. Pinagbilinan ni Miguel na isarado ni Sofia ang gate. Pag punta ni Sofia sa gate ay nakita niya doon si Mang Rolando.

Patuloy sa pag-uusap sina Lola Aura at Catherine
Lola Aura : Nagpunta na dito si Rolando noon. Nagsisisi at nagpapaliwanag kung bakit sa loob ng maraming taon ay hindi ka nya nabalikan. Sya ay nabilanggo.
Catherine : (pinahid ang luha) Nakapatay ba sya ng tao? May inagrabyado ba sya?
Lola Aura : Nasangkot sya sa panghoholdap ng bangko.
Catherine : Ang lakas ng loob nya. Ganun na sya kadesperado sa pangangailangan nya ng pera?
Lola Aura : Ganun sya kadesperado sa pangangailangan ng pera noon, Oo. Dahil gusto nyang mabayaran ang utang kay Isadora. Akala nya sa pamamagitan ng perang yun ay magbabago ang buhay ninyo. Balak nya noon na ilayo ka sa Amadesto. Akala nya pag may pera syang ganun, puede na kayong mamuhay ng tahimik at masaya. Mali, mali ang paraan na ginawa nya.
Catherine : (luhaan) Iyon lang ba? Iyon lang Lola, iyon lang ang tinutukoy nya? Dahil narinig ko na sinabi mo na masasaktan lang ako kapag nalaman ko ang buong katotohanan. Ano pa ang dapat kong malaman Lola? Meron pa ba?

Pinapaalis naman ni Sofia ang hindi nakikilalang ama na si Mang Rolando
Mang Rolando : Gusto lang kitang maka-usap
Sofia : Ayoko ho. Umalis na kayo. Sabi ng Mommy ko masama raw kayong tao.
Mang Rolando : Hindi totoo yan. Tinatapalan lang nya ng kasinungalingan ang mga kasalanan nya.
Sofia : Anong ibig nyong sabihin?
Mang Rolando : Maraming sekreto ang pagkatao mo Sofia. Ako ang nakakaalam ng buong katotohanan. Hindi ka Castillejos, maniwala ka.

Pinipilit pa rin alamin ni Catherine ang katotohanan
Catherine : Ano pa ba ang dapat kong malaman Lola? Meron pa ba?
Lola Aura : MERON!
Catherine : Bakit ayaw nyong sabihin sa akin? Ano iyon?
Lola Aura : Hindi puedeng sa akin manggaling. Hindi tama. Kailangan sya ang magsabi sa iyo para maintindihan mo. Sya lang ang makakapagpa-intindi sa iyo na hindi ka masasaktan, na hindi mo sisisihin ang sarili mo.
Catherine : Ako pa ang lalapit sa kanya ngayon, iyon ba ang sinasabi mo?
Lola Aura : Oo. Anong mawawala sa iyo Catherine kung lumapit ka sa kanya para maliwanagan mo kung ano ang tunay na pagkatao ninyong lahat.
Catherine : Anong naming lahat? Sinong kami? Sino pa?

Naluha si Sofia sa sinabi ni Mang Rolando na hindi sya Castillejos.
Sofia : You're crazy.
Mang Rolando : Wala akong intensyong guluhin ang buhay mo.
Pero dapat malaman mo ang totoo.
Sofia : Maawa kayo sa akin Mang Rolando. Huwag nyo nang guluhin ang buhay ko.
Mang Rolando : Hindi ko ginugulo ang buhay mo. Binibigyan kong linaw ang pagkatao mo. Sofia, hindi si Don Victor ang ama. Hindi ka Castillejos.
Sofia : Kung ganun sino? Iharap nyo siya sa akin para malaman ko kung totoo yang sinasabi nyo.
-Tinatawag ni Miguel si Sofia na pumasok na sa loob ng bahay
Mang Rolando : Sofia bukas magkita tayo. Alas kwatro ng hapon, tatawagan kita kung saan. Makikilala mo sya. Malalaman mo na ang lahat.
-Umalis na si Mang Rolando

Nasa kanyang silid si Toby, naiisip niya ang mga sinabi sa kanya ng ama, "Sa lahat ng mga Torralba ikaw ang mahina ang ulo. Wala kang kwentang anak!"
Toby : Bakit kaya ganun si Papa sa akin? Mula noon ikinakahiya na nya ako. Ako nga ang naiiba sa mga Torralba. Ampon kaya ako?

Nag-uusap sina Miguel at Sofia
Miguel : Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo si Scarlet e. Nagkakaproblema daw si Maggie sa eskwelahan.
Sofia : Baka. Kapag na-annul yung marriage nyo ni ate Scarlet imposibleng walang maging masamang epekto iyon kay Maggie. She might lost her identity.
Miguel : Naaawa nga ako sa kanya e. Pero desidido akong ituloy ang kaso. Pupunan ko na lang siguro ang kakulangan para kay Maggie.
Sofia : Kuya may tanong ako, ampon ba ako?
Miguel : Ano? Bakit mo naitanong yan?

Pinapayuhan ni Louela na puntahan ni Catherine ang ama. Iyak ng iyak si Catherine
Louela : Puntahan mo ang tatay mo para magkaliwanagan kayo.
Catherine : Natatakot ako eh. Natatakot akong maka-usap sya. Natatakot akong malaman ang katotohananan.
Louela : Bakit dahil baka kasinungalingan na naman ang malaman mo?
Catherine : Natatakot ako baka paniwalaan ko sya. Natatakot ako baka maniwala ako sa mga sasabihin nya.
Louela : Hindi kita maintindihan
Catherine : Louela pag naniwala ulit ako sa tatay ko baka tanggapin ko sya ulit sa buhay ko. Natatakot ako dahil baka magtiwala na naman ako sa kanya tapos iiwan nya ulit ako. Lagi na lang kasi akong iniiwan ng lahat eh. Natatakot ako kasi baka pag umalis uli sya, baka iyon pa ang pumatay sa puso ko ng tuluyan.

Teaser :
Sinisiguro ni Vernon kay Isadora na si Miguel ang mananalo sa election.
Tinambangan ang mag-amang Enrique at Rafael Torralba. Kapwa sugatan ang mag-ama.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP