Tuesday, August 26, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 31

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Ibinigay na ni Rafael ang ipinangakong Entertainment Showcase sa kapatid, tuwang tuwa si Toby.
Rafael : Syangapala Toby sa makalawa pupunta tayo ng Amadesto. Magpafile na ng candidacy si Papa.
Toby : O e bakit parang malungkot ka?
Rafael : Iniisip ko kasi yung annulment case ni Miguel e. Mahirap magpapanalo ng kasong half-hearted ka e.
Toby : Kaya ko yan Kuya. Tulungan mo na lang si Kuya Miguel.
Rafael : Ang problema hindi daw magko-cooperate si Scarlet, kausap ko sya kanina.
Toby : Malabong usapan nga yun.
Rafael : Alam mo may point sya e. Kaya siguro gustong i-annul kaagad ni Miguel ang kanyang marriage kay Scarlet dahil may gusto pa sya kay Catherine.

Nagkita muli sina Vernon at Isadora.
Vernon : O ano naiinip na ang grupo Isadora?
Isadora : Sandali malapit ko nang mapapayag si Miguel.
Vernon : Bilisan mo lang sa makalawa na ang filing ng candidacy. At saka bakit kailangang pakiusapan mo pa? Daanin mo sa paspasan.
Isadora : Oo nga. Akala mo ba madali Vernon?
Vernon : Tamang strategy lang yan. Kung hindi mo kayang dalehin sa pakiusap, dalehin mo na sa paspasan. Alam mo timing lang. Bakit hindi mo hanapin ang kahinaan nya?
Isadora : Well, lately ayaw na ayaw nyang napapahiya sya at saka masyado syang sensitive kung pinag-uusapan ang pera.
Vernon : BINGO! Doon mo sya kunin.

Sa apartment. Pinapansin ni Sofia ang pagiging tahimik ni Toby.
Sofia : Masyado ka yatang serious dyan?
Toby : Pag magulo ako issue sa 'yo, pag tahimik ako issue pa rin.
Sofia : Bakit hindi ka na lang maging normal?
-Tinanong ni Sofia si Toby kung napapansing bago sa kanya. Hindi masabi ni Toby kung ano ang bago kay Sofia. Ipinakita ni Sofia ang bracelet kay Toby. Inakala ni Toby na kay Jonas galing ang bracelet ng dalaga. Napa-isip si Sofia kung kanino talaga galing ang bracelet.

Napansin ni Jenna na disappointed si Sofia nang malaman na hindi si Toby ang nagbigay ng bracelet. Pinapaamin ni Jenna ang bestfriend ng totoong nararamdaman para kay Toby. Kung inaalala daw ni Sofia ang feeling nya para kay Toby ay okey lang daw sabi ni Jenna kasi mukhang hindi naman magiging sila ni Toby at
marami pa namang ibang guys.
Sofia : No. Yes. I don't know. I like him but I don't know If I want to love him.
Jenna : Bakit?
Sofia : It's not just about Toby. It's about falling in love and staying in love. Nakakatakot. Parang kina Ate Scarlet at Kuya Miguel. It's so complicated. Ayokong masyadong magmahal.

Sinabi ni Maggie sa ina na miss na niya ang Daddy niya. Sinabi ni Scarlet na tatawagan daw nya kinabukasan si Daddy para sabihing ipasyal nito si Maggie, para happy na si Maggie. . Tinuruan ni Scarlet si Maggie na pag namamasyal na sila ni Daddy ay magpabili ng mga toys, mga shoes, bags at maraming dress na bago at sure daw si Mommy na ibibili ni Daddy si Maggie kasi love nito si Maggie.

Nasa bahay ni Rafael si Miguel.
Miguel : Hindi ko nga maintindihan si Mommy hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nya at bigla na lang akong pinatakbo sa kongreso.
Rafael : (Natawa) Pag itinuloy mo yan siguradong makakalaban mo si Papa, naku riot yan.
Miguel : Sobrang riot.
-Pasimpleng nagtatanong si Rafael kay Miguel ng mga information na makakatulong sa kaso ni Catherine laban kay Isadora.
Rafael : Oo nga pala naalala mo noong una kang dumating ng Amadesto? Ilang taon ka noon?
Miguel : Siguro mga 9 or 10. Bakit?
Rafael : Wala. Wala. Naalala ko lang ang mga panahong umiyak ka dahil sa ama mo.
Miguel : Ay naku maka-tatay kasi ako e. Nung mga panahon na iyon natatandaan ko, si Mommy bigla na lang nagbalot ng mga gamit namin tapos sinabi nya na magpapakasal na daw sya kay Don Victor. Biruin mo yon, awang-awa ako sa tatay ko, naghahabol sa amin o... kawawa.
Rafael : Teka muna. Ibig sabihin kasal pa yung Mommy mo sa Tatay mo bago sya nagpakasal kay Don Victor?
Miguel : Oo naman. Noong panahon na iyon sya pa ang naghahatid-sundo sa akin sa public school. Sobrang bait ng tatay ko. Alam mo kahit ganun yon mahal na mahal ko iyon. Kaya lang mahirap pa sa daga yon. Teka may kinalaman ba ito sa annulment case ko kaya mo naitatanong? O may psychological effect kang tinitingnan?
Rafael : Wala, wala. Naalala ko lang ang Amadesto. Miguel bakit 'di mo hinanap ang Tatay mo?
Miguel : Ay naku matagal ko nang balak, kaya lang sabi ni Mommy nakulong daw. Nasangkot sya sa isang malaking smuggling noong 2003. Noong mga panahon na yun nasa Amerika naman ako.
Rafael : (napa-isip) Smuggling 2003. Ano ang pangalan ng Tatay mo?
Miguel : Virgilio Sandoval. Pero ang alam ko mayroon syang ginagamit na alias e, may tawag sa kanya sa grupo nila e parang... Vernon Fuentes. Ginamit nya kasi yung apelyido ng nanay nya e.
-Shocked si Rafael sa natuklasan na ama ni Miguel ang ipinakulong nya na si Vernon Fuentes.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rafael. Naiisip nya ang pagbabanta ni Vernon Fuentes noong hinatulan ito ng pagkabilanggo. Ang isinasagawa nyang pag-iimbestiga sa buhay ni Isadora.
Rafael : Akala ko buhay lang nina Catherine at Miguel ang habang buhay na magkakadawit dahil sa nakaraan nang mga magulang nila, pati pala ako... kadamay. Papaano tatanggapin ni Miguel na ako ang nagpakulong sa kanyang ama? Papaano ko ilalabas ang katotohanang maaaring walang bisa ang pagiging Castillejos nina Tita Isadora at Miguel?

Galing sa pamamasyal ang mag-amang Miguel at Maggie, nadatnan nila sa mansion si Scarlet.
Miguel : O bakit nandito ka pa?
Scarlet : Nag half day ako sa office sumama ang pakiramdam ko. Anong nangyari?
Miguel : Ay naku nagmamaktol kasi ito e, ayaw pumasok.
Maggie : Kasi ang kotse eh ayaw umandar eh
Miguel : Kaya nag mall na lang kami. Nagpapabili nga sa akin ito ng doll house e, tig-e-eight thousand five hundred. E ang sabi ko sa kanya ang dami pa nyang laruan dito na hindi nagagamit. Sayang naman.
Scarlet : So what Miguel? Mas madami syang toys dito sa bahay na ito na mas mahal kesa sa 8,500 tapos hindi mo binili? Bakit short ka ba sa cash?
Miguel : Of course not! May pera pa rin ako. Ang sa akin lang maling values ang tinuturo mo sa bata e, nagiging materialistic sya... parang ikaw.
Scarlet : Hindi bale nang materialistic Miguel, basta merong class. Ikaw, anong nangyari sa 'yo? Baka gusto mong tingnan ang sarili mo sa salamin, sabay tingnan mo yang wallet mo kung magkano ang laman. Tingnan mo na rin yung kotse mo. Ano bang nangyari sa iyo? At anong nangyari sa taste mo?
- Hindi na nakipagtalo si Miguel sa asawa. Nagpaalam na si Miguel sa anak at sinabing magkikita ulit sila kinabukasan
Scarlet : Bye husband. Ma-prinsinpyo garantisado. Take care Migue!

Kinakausap ni Isadora ang kaibigan tungkol sa "palabas" na gagawin nila kay Miguel.
Vivian : Naku! Naku huwag mo nga akong idamay dyan.
Isadora : Ano ka ba? Basta ang gagawin mo lang, isipin mo na parang nasa acting workshop ka. Magkukunwari ka lang na sinisingil mo ako sa utang ko.
Vivian : Anong magkukunyari? Talagang madami kang utang sa akin.
Isadora : O tingnan mo na ______ character ka, ang dami mong paghuhugutan. Di ba mare? Basta mamaya ha ang gagawin natin - pagdating na pagdating ni Miguel eskandaluhin mo na ako - sisigawan mo ako, mumurahin mo ako, bast dapat aping-api ako ha.
Vivian : O sige. Palagay mo tatakbo pa ang anak mo pagkatapos kitang eskandaluhin?
Isadora : Oo naman ano. Hindi ako matitiis nun.
Vivian : Isadora luka-luka ka talaga!
Isadora : Luka-lukang madiskarte. O basta mamaya mare ha, galingan mo. Kailangan ibigay mo na lahat ang alam mo. Naku kung hindi babawasan ko na naman ang utang ko.
Vivian : Dadating ako.
-Nagtawanan ang magkaibigan.

Nagkita ulit sina Rafael at Miguel.
Rafael : Miguel, alam mong magkakaibigan tayo di ba?
Miguel : Oo naman.
Rafael : Kailangan i-refer kita sa ibang abugado. Kailangan i-refer kita sa ibang annulment lawyer dahil ayokong maging bias. (isinauli kay Miguel ang perang ibinayad sa kanya noon)
Miguel : Alam mo naman ang buong kwento e. Kuya Rafael, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Rafael : Alam ko. Alam ko.
Miguel : Alam mo naman lahat ang pinag-gagawa ni Scarlet di ba? Bakit ayaw mo akong tulungan? Huwag mong sabihing may kinalaman na naman ito kay Catherine.
Rafael : Marami ka pang dapat malaman. Marami ka pang hindi nalalaman Miguel.
Miguel : Magkalinawan nga tayong dalawa. Sabihin mo sa akin ang totoo, are you inlove with Catherine? (hindi sumagot si Rafael) Kaya bang ayaw mong hawakan ang kaso ko, dahil natatakot ka kapag na-annul ang kasal namin ni Scarlet - malilibre na kami ni Catherine, ganun ba? Iyon ba iyon?
Rafael : Miguel hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi ko man gusto, masakit sa loob ko, pero kailangang imbestigahan ko ang nanay mo. Para kitang kapatid. Ayoko mang gawin pero kailangang imbestigahan ko ang lahat tungkol sa pamilya ninyo. Kailangan kong ipagtanggol si Catherine, Miguel.
Miguel : (galit) Ang tagal na pala nating naglolokohan dito e.
Rafael : Miguel marami ka pang dapat malaman. Napakadami pa.
Miguel : SHUT UP! Traidor ka.
-Galit na umalis si Miguel.

Isinasagawa na ang "palabas" ni Isadora. Nasa labas ng bahay ang kaibigan nya at nag-i-eskandalo. Tawa ng tawa si Isadora sa pinagkukublihan. Dumating si Miguel at kinausap ang nagwawalang babae sa harap ng bahay ng ina.
Miguel : Sandali ho. Sino ho ba kayo? Bakit kayo nag-i-eskandalo dito?
Vivian : Ilabas mo si Isadora. Ilabas mo sya ngayon din. Alam ko nandyan sya.
-Lumabas si Isadora
Isadora : Vivian!
Vivian: Sabi ko na nga nandyan ka. Kanina pa ako dito, walanghiya ka!
Isadora : Eh nangako naman ako sa iyong magbabayad eh. Maghintay hintay ka lang.
Vivian : Estapadora ka. Swetik ka talaga! Mandarambong
-Inawat ni Miguel si Vivian na kunyari ay susugurin at sasaktan si Isadora.
Isadora : Ano ka ba?
Vivian : Pinagmumukha mo akong tanga. Pinababalik balik mo ako dito. Magbayad ka ng utang mo!
Miguel : Puede ba tumigil na kayo. Kung hindi tatawag ako ng security.
Vivian : Anong security? Pulis ang ipatawag mo dahil ipahuhuli ko yang mandarambong na yan. Ano magbabayad ka ba?
Miguel : (inilabas ang check book) Magkano ang utang ng nanay ko sa inyo?
Vivian : Three hundred thousand.
Miguel : (nag-issue ng tseke) Ayan. One hundred fifty yan. Yung balanse ako rin ang magbabayad.
Vivian : Siguraduhin mo lang dahil hindi lang ito ang aabutin ng ina mo.
-Umalis na ang kaibigan ni Isadora.
Isadora : Miguel huhuhu! Talagang nahihiya ako huhuhu! Pasensya na ha huhuhu!
-Awang awa na niyakap ni Miguel ang ina. Lingid kay Miguel ay tuwang tuwa ang ina nya dahil effective ang "palabas".

Hindi makatulog si Miguel. Nakakaramdam sya ng pagka-awa sa sarili kasi maski ang anak nya ay sinasabing pangit ang kotse nya. Marami syang naiisip - ang ginagawang pagharang ng asawa para makakuha siya ng trabaho, at ang huli nilang pag-uusap ni Rafael.

Sa Amadesto. Nasa COMELEC ang pamilya Torralba kasi nagfile ng candidacy si Enrique. May mga press ring naroroon.
Lady reporter : Cong. Torralba. you're on last term sino po ang susunod sa yapak ninyo? May hilig po ba sa pulitika si Madam Estelle?
Enrique : A hindi hindi. Baka si Rafael.
Lady reporter 2 : Congressman, marami na ang nagsasabi na landslide daw po ang pagkakapanalo nyo ngayong election.
Enrique : Ay sana nga! Sana nga!
-Dumating si Isadora kasama ang mga anak na sina Miguel at Sofia. Nagbeso-beso sina Estelle at Isadora.
Estelle : I didn't know na darating kayo. Salamat sa suporta nyo para kay Enrique.
Isadora : Ahm pero mare, hindi kami dito nagpunta para magbigay ng suporta. Nagpunta kami dito para magfile din ng candidacy si Miguel for congressman.
-Nagulat ang pamilya Torralba.
Isadora : O paano mare, pare we'll go ahead. May the best ang cutest congressman win. See you.

Sa Torralba campaign headquarter. Tinanong ni Enrique si Rafael tungkol sa pagtakbo ni Miguel.
Enrique : Rafael, bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad na kakandidato si Miguel?
Rafael : Biru biruan lang namin yon, tinuloy nya. Ni hindi ko alam na itutuloy nya yon Pa.
Enrique : Puro kasi si Catherine ang inaatupag mo e. Tatlo pa kami ngayon na maghahati sa boto ng tao - si George Miranda, si Miguel at ako.
Estelle : Enrique huwag kang mate-tense. Hindi ka kayang talunin ni Miguel, wala pa syang napapatunayan sa pulitika.

Nagulat si Miguel nang makita ang kanyang campaign headquarter, kumpleto para sa pangangampanya. Tinanong ni Miguel ang ina kung saan ito kumuha ng pondo. Sinabi ni Isadora na huwag muna magtanong si Miguel, saka na daw pag nanalo na. Ayon kay Isadora ay marami daw siyang kaibigan at iipunin nilang lahat iyon sa party para makilala ni Miguel - no strings attached daw sabi ni Isadora.

Enrique : Kahit marami pa akong supporters, iba maglaro si Isadora. Kilala natin ang taong iyon.
Estelle : Well, iba na ngayon ang mga botante Enrique. Kahit magpamudmod pa ng pera si Isadora, ikaw pa rin ang iboboto ng mga tao kasi nakuha mo na ang tiwala nila.
Enrique : I hope so.
Estelle : Relax ka lang

Miguel : Gusto ko lang linawin sa inyo ito. Sana idaan natin ito sa maayos at malinis na botohan.
Isadora : Anak, nakaka-offend ka naman. Bakit kailan ba ako naglaro nang madumi?

Sa Maynila. Nabasa ni Catherine sa tabloid ang balita tungkol sa pagkandidato ni Miguel bilang congressman. Nabasa rin ni Scarlet ang balita sa broadsheet newspaper naman. (pati sa dyaryo ay nakikita ang kaibahan ng mayaman sa mahirap)

Sa Dela Rhea Foods. Ipinaalam ni Scarlet sa meeting ang pagsali ni Miguel sa pulitika.
Scarlet : Tatakbong congressman si Miguel sa distrito ng Amadesto.
Board member : That's good news. Sana manalo sya.
Scarlet : Sigurado yan. Mananalo talaga si Miguel dahil pagtutulungan naming mag-asawa ang kampanya. Para rin siguro matigil na yung mga tsismis na meron kaming marital problems ng asawa ko, hindi ba? Don't worry, lahat kayo imbitado sa victory party ni Congressman Miguel Castillejos. Until then, sana ipagpatuloy nyo ang pagdadasal para sa kanya.
-Napapailing na lamang si Winnie sa mga sinasabi ni Scarlet.

Nagkita muli sina Isadora at Vernon.
Isadora : Bakit nandidito ka na naman? Di ba sinabi ko sa iyo huwag kang masyadong magpupupunta dito? Baka mamaya makilala ka.
Vernon : Sino naman ang makakakilala sa akin? Hindi naman ako tagarito. Kumusta na nga pala si Miguel?
Isadora : Hayun e di kabado, ano pa? Teka muna, kailan ba puedeng magdagdag ang grupo ng pondo? Parang kapos eh.
Vernon : Handa silang magbigay kahit sampung milyon bukas para lang manalo si Miguel.
Isadora : Aba galante ha. Eh papaano kung matalo?
Vernon : Hindi puedeng matalo si Miguel dahil oras na mangyari iyon sa bulsa mo kukunin ng grupo ang lahat ng nagastos nila. Nagkakaintindihan tayo?
-Kinabahan si Isadora.

Habang nangangampanya ay nakita ni Rafael si Miguel. Tinawag ni Rafael ang kaibigan.
Rafael : Miguel puede ba kitang maka-usap? Kung puede lang. Miguel bakit mo ginawa ito? Akala ko ba ayaw ng pulitika. Ginawa mo ba ito dahil galit ka sa akin? O dahil kay Catherine?
Miguel : Hindi ako kagaya mo, kay Catherine umiikot ang mundo.
Rafael : Ginagawa ko lang ito dahil ginagawa ko lang kung ano ang tama. I just want you to know na pagkatapos ng lahat ng ito, kaibigan pa rin ang turing ko sa iyo.
Miguel : ___ Hindi magbabago kung ano ang nararamdaman ko
Rafael : Kailangan ko lang gawin ito para kay Catherine. Ginagawa ko lang kung ano ang tama para sa kanya.
Miguel : Kahit pagbali-baliktarin mo ang mga sinasabi mo. Kahit gaano kalinis ang hangarin mo, iisa pa rin ang tingin ko sa iyo - traidor ka pa rin.

Sa pangangampanya ay hindi patas ang laban na ginagawa ni Isadora. Pinatatanggal niya ang mga nakadikit na flyers ng kalaban at pinapalitan ng sa kay Miguel. Kagaya ng inaasahan ay nangmudmod nga ng pera si Isadora para sa boto ng mga tao.

Sa Torralba campaign headquarter, masaya ang lahat.
Estelle : Narinig ninyo ha. As of the initial survey results nangunguna pa rin si Enrique Torralba by 55 percent.
Enrique : Hindi tayo dapat maging kampante. Masyado pang maaga para magsaya. Kailangan pa nating magtrabaho.
-Walang nakakapansin sa kanila sa babaeng nakikinig sa may pintuan, si Isadora Castillejos.
Isadora : Talagang maaga pa para magsaya Enrique. Gagawin ko ang lahat, manalo lang ang anak ko.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP