Saturday, August 23, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 30

Nang dumating si Lola Aura sa bahay ay si Louela lamang ang nadatnan niya.
Lala Aura : Ano umalis si Catherine para sugurin si Rafael?
Louela : Hindi ho. Ang sabi po ni Rafael Lola, iyong pinapabigay na pera sa inyo kanina ay galing iyon kay Mang Rolando. Hindi nga ho tinanggap ni Catherine eh.
Lola Aura : Aba! Talaga namang hindi dapat tanggapin na apo ko iyon. Malaki yata ang galit ni Catherine sa ama nya.
Louela : Lola matanong ko lang ho ha, bakit ho hindi nyo tulungan na magkaayos yung mag-ama?
Lola Aura : Hindi mawawala ang gulo kapag pinagbati ko sila. Masyado na kasing masalimuot ang sitwasyon. Mas makakabuti pa kay Catherine na malayo sa kanyang ama.

Galing sa bahay ng mga magulang ang magkapatid na Rafael at Toby. Napansin ni Rafael ang pananahimik ni Toby sa sasakyan.
Rafael : O malungkot ka? Alam mo naman si Papa, ganun lang yon, sinusubukan ka lang nun.
Toby : Hindi na ako apektado Kuya. Sanayan lang yan. Paano nga pala si ate Catherine? Galit si mama't papa.
Rafael : Oo nga e. Pero tutulungan ko pa rin sya. Hindi ko naman sya puedeng talikuran. Ipipilit ko na lang sa kanya 'yong trabaho na gusto kong ialok sa kanya.
Toby : (natatawa) Tagal talaga bumaba ng amats mo kuya a.
Rafael : Amats? Matagal ko nang hindi naririnig yan.
Toby : Amats. Tama. Lakas tama parang pang habang buhay e. Alam mo Kuya sa aspetong yan ayaw kitang gayahin. Ang sakit sa ulo e parang lifetime hangover alam mo yun. Isipin mo mula kay Ate Catherine hanggang kay Mang Rolando hanggang kay Lola Aura hanggang s apagbibigay ng trabaho. Kulang na lang patayuan ka ng monumento.
Rafael : (natatawa rin) Alam mo Toby. Kapag nagmamahal ka ng isang tao hindi mo binibilang kung ilang beses mo siyang natulungan, ang binibilang mo kung ilang beses mo siyang napasaya.

Nang dumating sina Sofia at Jenna sa apartment ay nakita nila ang regalo na iniwan ni Mang Rolando sa pintuan.
Jenna : Aba! Bracelet ha. May naka-engrave pang SOFIA.
Sofia : Kanino kaya galing yan?
Jenna : Ang ganda in fairness.
Sofia : Patingin nga. Siguro kay Jonas 'to.
Jenna : Hindi. Galing yan kay Toby.
Sofia : Kay Toby?
Jenna : Kasi nung isang gabi sinabihan ko sya na dapat magpapakatotoo na sya sa feeling nya para sa iyo kasi kung hindi baka bigla siyang sasabog. Kaya ayan.
- May kilig na naramdaman si Sofia.

Pag-uwi ni Sofia ay nadatnan niya sa bahay ang dalawang babae mula sa agency.
Nancy : Ako po si Nancy, manager ng agency. Nakarating po kasi sa agency na delayed palagi ang sweldo ng mga helpers ninyo.
Isadora : Oo aminado naman ako eh. Pero palagi naman akong humihingi ng pasensya sa kanila. Lahat naman tayo dumadaan sa krisis hindi ba? Hayaan nyo hindi na mauulit.
Nancy : Pasensya na po but we have to call your attention.
Isadora : Of course I understand.
-Bago umalis ang dalawang babae galing agency ay nagbilin pa sa dalawang maid ang manager
Nancy : Pag nagka problema kayo ulit tawagan nyo lang ako sa opisina.
-Pagka alis ng mga taga agency ay hinarap ni Isadora ang dalawang maid na nahihintakutan.
Isadora : O ganyan ha laglagan na. Ganun ba yon ha?
Maid 1 : Ma'am pasensya na po. Gipit lang po talaga kami. Marami po kasing umaasa sa amin sa probinsya.
Isadora : Naku sa susunod ha kapag sinabi ko sa inyo na maghintay kayo ng swerte nyo, buong pasensya kayong maghihintay. Naku hindi mapakiusapan. O buti na lang nagkaroon ako ng maraming pera (paakyat ng hagdanan) puede ko na kayong paswelduhin. Ang dami kong pera o ayan biliiiiis!
-Pinaulanan ni Isadora ng maraming pera ang dalawang kasambahay.

Kasama ni Rafael na dumating sa bahay ang kapatid na si Toby. Nadatnan nila si Mang Rolando na malungkot.
Rafael : O Mang Rolando ano ho ang nangyari?
Mang Rolando : Galing dito si Catherine. Isinauli nya yung pera.
Rafael : Pasensya na ho kayo sinabi ko ho sa kanya na dito kayo tumutuloy.
Mang Rolando : Mabuti na yung walang tinatago. Baka lalo nya akong itatakwil. Marami syang sinabing masasakit pero alam mo totoong lahat iyon. Kaya wala akong karapatang magdamdam. Rafaek ikaw na muna ang bahalang magtabi nitong pera at itong regalo na ibibigay ko sana sa kanya. (iyong gift box ay kagaya ng kay Sofia) Umaasa ako na sa susunod na matatanggap nya ang mga iyon, darating ang araw na tatanggapin nya ulit ako.

Dinalhan ni Rafael si Catherine ng maraming books.
Lola Aura : Ano yan? Para saan yan?
Rafael : Para kay Catherine ho ito.
Catherine : Hindi naman ako mag-aaral ng law.
Rafael : Hindi ka mag-aaral, magtatrabaho ka. From now on you are going to be my full time researcher.
-Natuwa si Louela at Lola Aura sa sinabi ni Rafael
Rafael : O teka muna, tatanggihan mo na naman ang trabahong ibibigay ko sa iyo? Di ba ayaw mo ng gulo? Ayaw mong makita yung mga parents ko. So dito ka magtatrabaho.
Catherine : Ha? Rafael sobra naman yatang
Rafael : Sobrang no choice. E paano ka magtatrabaho nyan? Walang magbibigay sa iyo ng trabaho. Paano ka kakain? Paano ka kikita? Di ba Catherine, di ba sabi mo sa akin noon gusto mong makabawi? Well, ito na iyon. Tutulungan mo akong magtrabaho, tutulungan kitang kumita.
Catherine : Alam mo magaling ka nga na abugado. Wala kasi akong mailaban sa iyo eh.
Louela : ORDER AT THE COURT! IN THE COURT! ON THE COURT! ALL OF THE ABOVE?

Sa apartment. Naghahanda papasok sa eskwelahan sina Sofia at Jenna
Jenna : Hindi umuwi si Toby last night, ibig sabihin guilty 'yon.
Sofia : Huwag ka ngang assuming. Kuripot 'yon hindi iyon gagasta para sa akin.
Jenna : Nasaan ba yung bracelet? Bakit hindi mo suot?
Sofia : Ayoko nga! Baka isipin nya masyado akong excited.
Jenna : Patingin nga uli. Sino kaya nagbigay nito? Sana hindi naman pangit.
-Lumabas si Miguel na nakabihis na.
Miguel : Hi guys! Ready na kayo? O sumabay na kayo sa akin. Kaya lang kailangan nating daanan si Maggie. Hindi papasok yun kung hindi ako ang naghatid sa kanya.
- Tulad ng inaasahan, nasiraan na naman ang sasakyan ni Miguel. Habang inaayos ni Miguel ang kotse nya ay nakatayo sa tabi niya si Sofia, katabi naman ni Jenna si Maggie.
Miguel : Pasensya na malelate na ba kayo?
Sofia : Okey lang kuya. Nakausap ko na si Jonas, susunduin na lang daw nya kami dito.

Sa kotse ni Jonas.
Sofia : Jonas pasensya ka na ha naabala kita.
Jonas : Alam mo Sofia kanina ka pa pasensya ng pasensya. Sinabi ko nang okey lang nga. Buti kamo nandito lang ako sa area.
Sofia : (pinakita ang bracelet) Tingnan mo o!
Jonas : Uy ang ganda nyan a. Kanino galing? Sa mama mo?
Sofia : You mean hindi sa iyo galing 'to? May nag-iwan lang kasi sa pintuan eh.

Sa Dela Rhea Foods. May meeting si Scarlet sa mga board members ng kumpanya. Nasa tabi ni Scarlet si Winnie.
Scarlet : So we will just set another meeting next week, okay ba 'yon? Para ma-discuss natin kung tatanggapin ba natin itong deal na ito o hindi.
Board member 1 : E madam, napagkasunduan na nating lahat yan kanina. Nagbotohan pa tayo and decided not to accept that project. We are in the losing end.
Board member 2 : Siguro ma'am you need a break. We understand.
Scarlet : What do you mean?
Board member 2 : Mahirap kasing mag concentrate sa isang negosyo kung merong marital problems.
Scarlet : Wala akong problema! Pati ba naman kayo maniniwala kayo sa mga ganyang klaseng tstismis? Everything is fine. It's under my control.
Board member 1 : So where the hell is your husband? Siya dapat ang tumutulong sa iyo ngayon
Scarlet : Nagpapahinga lang ngayon si Miguel. But he'll be back, I promise all of you that he will be back.

Binabasa ni Rafael ang research na ginawa ni Catherine.
Rafael : Ang galing ng research na ginawa mo. Easy reference for me. In depth yet concise. Ang galing mo Catherine.
Catherine : Binobola mo lang ako Rafael.
Rafael : Hindi kita binobola. Bakit kita bobolahin? Lahat nga ng assistants sa office e, talagang pinupuri lahat ng research na pumapasok. Ang galing!
Catherine : Salamat! Pero alam mo ang dami ko rin talagang natutunan dyan sa reseach na yan. Meron pala talaga akong laban kung kinasuhan ko sila ano?
Rafael : Sabi ko naman sa iyo e. Magsampa ka ng kaso.
Catherine : Hindi na. Mabuti nga tumahimik na eh. Ayoko na ng gulo.
- May tumatawag sa cellphone ni Rafael - si Scarlet.

Nakipagkita si Rafael kay Scarlet dela Rhea Castillejos
Scarlet : Hindi ako makikipag-cooperate sa Annulment case.
Rafael : Bakit? Dapat si Miguel siguro ang kausap mo tungkol dyan.
Scarlet : Hindi na Rafael. Mahirap kausap si Miguel ngayon palibhasa gipit sa pera, kaya ang nagyayari sa kanya nagiging irrational, illogical and super sensitive.
Rafael : Kung magsalita ka parang ibang tao ang kausap mo. Si Miguel ang asawa mo. Parang wala na kayong respeto sa isa't isa?
Scarlet : Wala na nga. But I'm still willing to work things out with him.
Rafael : Conflicting yata yang sinasabi mo sa akin sa pinapakita mo. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?
Scarlet : Huwag mong tanggapin ang kaso ni Miguel. Ang sa akin lang naman. We can live separate lives kahit hindi kami magpa-annul. Iniisip ko lang kapakanan ng anak namin. Inaalagaan ko lang din ang reputasyon ko Rafael. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagmamadali si Miguel na mawalang bisa ang kasal namin? Dahil ang gusto ni Miguel makalaya na sya sa lalong madaling panahon para maging sila na ni Catherine.
Rafael : I don't think so. Hindi yata yan ang gustong mangyari ni Miguel.
Scarlet : Syempre marami syang kadramahang sasabihin sa 'yo. Iba iba yung ikakatwiran ni Miguel. Pero ang totoo nyan ang gusto lang nya ay maging happily ever after silang dalawa ni Catherine. Ikaw, papayag ka ba ng ganun?
- Napaisip si Rafael.

Dinalaw ni Sofia ang hipag sa mansion.
Scarlet : So what's up?
Sofia : Tungkol kay kuya Miguel. Hindi na ba talaga kayo magkaka-ayos?
Scarlet : Ay naku Sofia mukhang malabo na yan. Dahil 90 percent ayaw na sa akin ng kuya mo.
Sofia : Kung maghihiwalay kayo Ate, sana maging maayos ang lahat.
Scarlet : Masyado ka pa talagang bata Sofia. Kung mag-isip ka nagiging idealistic ka. Masyadong pang fairy tale yang gusto mong mangyari. Pag naghihiwalay, nagkaka-ayos? Maybe for others not for us.
Sofia : Sana huwag na kayong magkasakitan. Ate Scarlet at least you have money. Si Kuya malapit na syang kapusin.
Scarlet : Anong gusto mong gawin ko? Maawa? Magsisi?
Sofia : Sinadya mo daw ang lahat Ate. Hinarang mo ang lahat, hindi sya makapag-umpisa.
Scarlet : Inaamin ko guilty ako dun. I just want to hurt him back. Kailangan nyang maramdaman kung ano 'yong nararamdaman ko Sofia. Kailangan nyang maramdaman yung kawalan ko.
Sofia : Kailangan pa ba iyon? Kawawa naman si Kuya. He's so affected and insecure.
Scarlet : (naluluha) So am I, Sofia. So am I.

May nakuha nang ilang resulta si Rafael sa isinasagawa nyang imbestigasyon sa buhay ni Isadora.
Rafael : So lumalabas na legally married itong Isadora and Virgilio Sandoval for more than 31 years.
Dave (assistant) : Yes Sir! At nagpakasal siya after 10 years kay Don Victor Castillejos. Dalawang beses syang nagpakasal. Hindi ba sa ganitong sitwasyon e considered null and void ang second marriage?
Rafael : Okey magpahanap ka kaagad ng registered death certificate nitong Virgilio Sandoval na ito.

Pinuntahan kaagad ni Rafael si Lola Aura hinggil sa mga natuklasan kay Isadora. Sinabi ni Lola Aura na wala raw si Catherine kasi inutusan nya sa palengke.
Rafael : Okey lang ho iyon Lola. Ang talagang sadya ko rito ay para makausap kayo. At meron tayong pag-uusapang importanteng importante. Ito ho yung certificate of marriage. Dalawang beses ho ikinasal si Tita Isadora. Iyong una kay Virgilio Sandoval at yung pangalawa kay Don Victor. Ngayon kung mapapatunayan po natin na buhay pa si Virgilio Sandoval noong ikinasal si Isadora kay Don Victor ay siguradong walang bisa 'yang kasal nila. Pero wala pa hong death certificate na lumalabas. Wala pa hong nakikita na talagang patay na si Virgilio Sandoval. So 50/50 ho ang posibilidad - maaaring buhay pa sya ,pero baka hindi lang nai-rehistro ang kanyang kamatayan. Ngayon, kung buhay pa ho sya at wala pa silang pitong taong hiwalay ni Isadora. Siguradong hindi bibigyan ng pansin ng husgado ang kanilang kasal. Lola Aura isa lang ho ang ibig sabihin nito. Bilang kaisa-isang kapatid ni Don Victor - kayo ang tagapagmana ng lahat ng kanilang ari-arian. Kasama na doon ang Hacienda Amadesto.
Lola Aura : Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kundi... maraming salamat Rafael!
Rafael : Huwag nyo ho munang ipagsasabi kahit na kanino. Ayoko hong magkaroon ng false hope si Catherine.
-Naluluha sa kaligayahan na tumango ang matanda.

Sa isang mamahaling restaurant nakita nina Winnie at Scarlet si Catherine. Iniwan ni Winnie ang dalawa.
Scarlet : Ano i-eskandaluhin mo ako dito?
Catherine : Hindi. Gusto lang sana kitang makausap.
Scarlet : Bakit? Ano na ba role mo ngayon? Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa pagiging merry widow in black. Baka puede ka sa pagiging dirty mistress in dirty brown.
Catherine : (nagtitimpi) Sabihin mo na sa akin ang lahat na gusto mong sabihin Scarlet. Itawag mo sa akin kahit na ano. Sampalin mo ako hangga't gusto mo. (lumuluha si Scarlet) Pero hindi nun mabubura ang katotohanan na ni minsan walang nangyari sa amin ni Miguel. Noong nasa Davao kami kahit na nandito sa Maynila, habang kayo. Sa maniwala ka o sa hindi, Scarlet hindi namin kayo pinagtaksilan ng ama mo. Pero nagpunta pa rin ako dito dahil gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Kasi alam ko, alam ko sa puso at sa isip ko na ilang beses kong pinendeho ang ama mo. Nasaktan ko sya at nasaktan kita. Scarlet patawarin mo ako.
Scarlet : Sinungaling ka Catherine. Sabi mo sa akin dati... sige maglaro tayo - agawan ng yaman. Iniwan mo sa akin ang yaman pero kinuha mo sa akin ang lahat - ang ama ko, ang asawa ko, ang tatay ng anak ko. Wala kang itinira sa akin. Wala kang iniwan kundi ang puso kong bugbog na bugbog sa sobrang sakit. (kapwa luhaan ang dalawang babae) Ang ganda ganda ng suot ko di ba? Pero alam mo sa loob gutay gutay ako. Gutay gutay ako Catherine.
Catherine : Alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil minsan napagdaanan ko rin yan. Kung gutay gutay na ang puso mo, ang puso ko matagal ng patay. Humihinga lang ako pero Scarlet hindi na ako nabubuhay. Pareho lang tayo, pareho lang tayo ng kapalaran.
Scarlet : Same to you, Anak! Remember? Pareho tayong nakasadlak ngayon. Damn me, damn you. Karma is a bitch... and so are we.
-Iniwan ni Scarlet ang lumuluhang si Catherine.

Wow! Grabe! Ang galing ni Angelica sa confrontation na ito.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP