Saturday, August 23, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 29

Sinampal ni Scarlet ang biyenan na si Isadora. Gaganti sana si Isadora - sasampalin din nya si Scarlet
Isadora : WALANGHIYA KA!
Scarlet : Sige!
- Matapang at palaban na tiningnan ni Scarlet si Isadora
Isadora : Byenan mo ako, bakit mo ako sinampal?
Scarlet : May mga byenang pinagpapasensyahan, may mga byenan ding pinapatulan, at yang sampal na yan para yan sa mga byenang BAKULAW... katulad mo.
-Lumabas ng jewelry shop si Scarlet. Napapangiwing hinipo ni Isadora ang pisnging sinampal ni Scarlet.
Isadora : Sakit!

Nasa kotse si Vernon, inaabangan niya ang mag-amang Enrique at Rafael Torralba. Nang makita niya ang mga ito na palabas sa building ay kaagad niyang inilabas ang baril. May tumawag sa kanyang cellphone.
Vernon : Hello! Pina-iimbestigahan kaagad ako ng mga Torralba? Yes Boss! Magpapalamig muna ako. Takot ko lang bumalik kaagad sa kulungan. Hindi ako magpapadalus-dalos. Yes Boss, huwag kayong mag-alala.
-Hindi itinuloy ni Vernon ang planong pagpatay sa mag-amang Torralba.

Nag-aaral pa rin si Toby kahit malalim na ang gabi. Bumaba si Jenna.
Jenna : Kung hinihintay mo si Sofia, matulog ka na. Hindi iyon uuwi ngayong gabi.
Toby : Bakit saan sya matutulog?
Jenna : Kina ate Scarlet. May gimik sila tonight. Bakit kinakabahan ka? Akala mo si Jonas yung kasama nya? Toby, aminan na tayo sana maging honest ka naman. Aminin mo na kay Sofia.
Toby : Anong aaminin ko?
Jenna : Na mahal mo sya. Kasi baka bigla kang sumabog dyan.

Pasuray-suray sa kalasingan si Scarlet nang umuwi sila ni Sofia mula sa gimik. Inaalalayan ni Sofia ang hipag.
Scarlet : Hay naku Sofia! Ang aga-aga pa nagyaya ka nang umuwi, napaka-KJ mo.
Sofia : Ate, it's three in the morning at saka nagsusuka ka na sa bar.
Scarlet : Wala akong pakialam sa kanila. Nakwento ko na ba sa iyo na sa isang bar sa L.A. kami nagkita ng kuya mo? Ganito kasi yun, one night I got so drunk... muntil na akong mag-pass out sa dance floor. May biglang sumalo sa akin - ang strong ng arms nya , ang higpit higpit nyang yumakap, pagtingin kong ganun, Wow! Ang gwapo! Na love at first sight naman ako. Tapos nasukahan ko pa si Miguel. How ironic... dati sinusukahan ko sya, ngayon... ako na yung sinusuka nya. (umiiyak na tumatawa) Ano ba naman itong realization ko, nakakahiya! Pangit ang baduy baduy ko. Mahal na mahal ko si Miguel. (naluluha rin si Sofia habang nakikinig) Natatakot ako Huhuhu! papaano kung matuloy ang annulment namin? Babalik sya kay Catherine. Hindi ko kaya. Sorry, hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko, ayokong mawala sa akin si Miguel. Huhuhu! Hindi ko kaya. Hwag please, ayoko, ayoko, ayoko talaga.

Nag-uusap sina Rafael at Mang Rolando sa bahay habang nagkakape.
Rafael : Ayaw magdemanda ni Catherine dahil sa video at ang paninirang puri ni Tita Isadora. Wala akong magagawa, hindi ko sya puedeng pilitin. Baka hindi kayanin ng loob nya.
Mang Rolando : Paano na ngayon? Paano natin sya matutulungan?
Rafael : Wala pa akong hawak laban kay Tita Isadora. Nagpa-imbestiga na ako. It's a long shot pero baka meron akong magamit na background ni Tita Isadora panlaban ko para kay Catherine.
Mang Rolando : Anong mga gusto mong malaman?
Rafael : Honestly I don't know. Pero gusto man ni Catherine o hindi, itutuloy ko. Siguradong may itinatago si Tita Isadora. Sa mga kilos nya at intensyon meron syang pinagtatakpan.
Mang Rolando : Rafael may ipagtatapat sana ako sa iyo.
Rafael : Ano yon?
Mang Rolando : May nakaraan kami ni Isadora. (pinaikli ang kwento ni Mang Rolando) Iyon ang hininging kapalit ni Isadora para mapagamot si Anna. Alam kong mali pero wala nang ibang paraan.
Rafael : Kaya pala ganun na lang ang galit niya kay Catherine. Ibinubunton niya ang lahat ng galit niya kay Catherine dahil sa inyo.
Mang Rolando : Hindi ko alam kung ano pang motibo ni Isadora. Marahil kasama doon ang nakaraan namin.
Rafael : (hindi makapaniwala sa natuklasan) Wow. Pero sino pa ba ang nakakaalam nito?
Mang Rolando : Si Nanay Aura. Inamin ko sa kanya ang lahat. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil hanggang ngayon, hindi nya sinabi kay Catherine.
Rafael : E si Miguel alam ba nya?
Mang Rolando : Palagay ko hindi kayang aminin ni Isadora ang pagloloko nya kay Miguel.
Rafael : (tila sumasakit ang ulo) Wow ang gulo. Kaya pala maski umalis si Catherine. Magkakarugtong ang buhay ninyo.
Mang Rolando : At buhay mo. Alam kong hindi mo kayang talikuran ang anak ko. Iisa lang naman ang hangarin natin - ingatan at protektahan si Catherine. Sana ilihim mo muna ito. Sa tamang panahon gusto ko ako mismo ang magsabi nito sa anak ko.

Kina Catherine. Panay ang ubo ni Lola Aura. Si Catherine ay nagpaplantsa at si Louela ay gumagawa ng mga kakanin. Nilapitan ni Louela si Lola Aura.
Louela : La kagabi pa po yang ubo ninyo a. Gusto nyo pong magpa-check up?
Lola Aura : Hindi na. Hindi na kailangan yang check up, check up. Hindi na kailangan yan, makati lang ang lalamunan ko. Catherine ipagtimpla mo nga ako ng salabat.
Catherine : Lola ano naman ho ang gagawin ng salabat? Bumili na lang tayo ng gamot?
Lola Aura : Ay naku napakamahal ng gamot ngayon. Huwag na saka said tayo ngayon. Kababayad lang ng renta, tubig, kuryente. Huwag na.
Catherine : Hayaan nyo Lola, bukas maghahanap ulit ako ng trabaho. Pag natanggap ako pupunta tayo sa center para mapa-check up ka. Tapos bibili tayo ng gamot.
Lola Aura : Naku Catherine, huwag ka nang mag-isip ng kung anu ano na makakabigat pa sa kalooban mo. Eh talagang ganun... kung may darating na biyaya, may darating. Kung wala naman pasensya, talagang ganun ang buhay.

Palabas ng bahay si Rafael, inihatid siya ni Mang Rolando hanggang gate.
Rafael : Tatlu-tatlo ang hearing ko ngayon. Ang dami dami kong trabaho na hindi pa natatapos. Malamang gabi ko na mapupuntahan si Catherine.
-Patakbong dumarating ang katrabaho ni Mang Rolando na nagbenta ng raffle ticket. Masayang ibinalita ng dumating na nanalo sa raffle si Mang Rolando, tumataginting na treynta mil. Pabirong nanghingi ng balato ang katrabaho, syempre naman daw sabi ng nanalo. Tuwang tuwa si Mang Rolando, sa buong buhay raw niya ay ngayon lang siya nanalo sa raffle. Natuwa rin si Rafael para kay Mang Rolando.

Nag-a-almusal si Miguel nang magpaalam si Toby na papasok na siya sa school. Palabas si Toby ay siya namang pagdating ni Sofia, saglit na nagkatinginan ang dalawa, hindi sila nag-imikan.
Miguel : O kain na!
Sofia : Sige. Kuya lumabas kami kagabi ni ate Scarlet. Nakakaawa sya. Lasing na lasing sya. Sabi nya hindi daw nya kayang wala ka.
Miguel : (tumawa) Talaga? Naniwala ka naman?
Sofia : Mukhang totoo naman yung sinasabi nya eh.
Miguel : Alam mo si Scarlet magaling mag manipulate ng tao yan. Solong anak, spoiled brat, she always gets what she wants.
Sofia : She loves you.

Inaayos ni Miguel ang nasirang sasakyan. Pinagmamasdan sya ni Vernon mula sa malayo. Nanlulumo si Miguel at parang nasaktan pa ang kamay ng gawin niya ang kotse. Naaawa si Vernon sa kalagayan ni Miguel.

Nagkita muli sina Isadora at Vernon.
Vernon : Gusto kong alalayan si Miguel. Ilang taon din akong nawala. Ang laki na ng atraso ko sa anak ko.
Isadora : Naku tama lang na makonsensya ka dahil sobra na talaga ang pagkukulang mo kay Miguel.
Vernon : Kaya nga gusto ko syang kumandidato. Para oras na manalo sya, may silbi na ako sa buhay nya.
Isadora : O kaya kapag meron kang natatabi dyan pamanahan mo naman ang anak mo. Tapos gawin mo akong secondary tagapagmana ha. Loko marami ka ring pagkukulang sa akin.
Vernon : Hindi naman ako ang nang-iiwan di ba?
Isadora : Eh paano naman kung di naman ako umalis sa iyo noon, eh di pupulutin ako sa kangkungan. Alam mo naman ako kung nasaan ang biyaya at ginhawa doon ako.
Vernon : Hindi ka pa rin nagbabago Isadora.
Isadora : Of course! I'm one in a million, one in a million pesos. Vernon, pautang naman o!

Sa campus. Magkakasama sina Toby at mga kaibigan nya.
(Aldred) : O ito mga pare, usapang magbabarkada lang. May tanong ako sa inyo pero huwag nyong mamasamain. Paano nyo malalaman kung inlove na talaga kayo sa isang babae? Iyong ano ha, hindi attracted lang.
(Angelo) : Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Alam mo sobrang baduy kayo, hindi na kayo cool. Ayoko na kayong barkadahin.
(Aldred) : Sus! Palibhasa ikaw hindi ka pa nai-inlove e.
(Angelo) : Bakit inlove ka ba kay Jenna?
(Aldred) : Kaya nga nagtatanong dahil hindi ko alam e.
Toby : Alam mo pare kailangan pa nating i-google yan e. Tara punta tayo sa Computer Room. Mahirap sagutin yang mga ganyang kabaduyan.
(Angelo) : Tara order na tayo ng chocolates para kay Sofia.
(Aldred) : Oo nga chocolates.

Palabas sa gate sina Sofia at Jenna nang may iabot kay Sofia ang security guard. Nakatingin ang magkakaibigang sina Toby.
Security guard : Sofia!
Sofia : Bakit po?
Security guard : May nagdeliver nito kanina. Pina recieve sa akin, tutal din lang kilala kita kinuha ko na.
Sofia : (binasa ang nasa package) Secret Admirer? Sinong secret admirer? Manong anong laman nito?
Security guard : Chocolate daw yan sabi ng nagdeliver. Pero kanina pa, buksan mo na at baka tunaw na yan.
-Kinuha ni Jenna ang package
Jenna : Wow! Mukhang masarap at expensive.
Sofia : No! Baka mamaya may drugs yan o kaya lason.
Jenna : Hay naku umiral na naman yang pagkapraning mo.
Sofia : Hwag kong kakilala natin yan o friend natin. Bakit may secret secret admirer pa. Masama ang kutob ko dito.
-Itinapon ni Sofia ang chocolates sa basurahan. Nanlaki ang mata ni Toby sa nakitang ginawa ni Sofia.

Nag-usap sina Sofia at Toby.
Sofia : I didn't meant to middle, I'm just trying to help na magkasundo ulit si Ate Scarlet at si Kuya Miguel. Pero minasama naman ni Kuya. Ewan ko ba gusto ko lang maging maayos ang lahat. I even offer to withdraw money from my trust fund pero nagalit naman si Kuya.
Toby : Alam mo Sofia, magagalit talaga yun pinangunahan mo sya e.
Sofia : Hindi naman sa ganun, kuya ko sya magkapatid kami. Alangan namang i-ignores ko ang problems nya. Saka I don't get it paubos na ang pera nya, but he still refuses my help.
Toby : Ganyan talaga kaming mga lalaki Sofia ma-pride. Ayaw naming ipakita sa ibang tao ang tunay naming nararamdaman.
Sofia : Isn't that foolish? Bakit kailangan pang mag deny, mag pride pride?
Toby : Ganun talaga. Minsan image lang naming malakas ang loob. Palalabasin naming kaya namin ang lahat pero ang totoo wala na kami minsang magawa.
Sofia : Bakit nga? Dahil mayabang kayo?
Toby : Hindi. Dahil ayaw naming mapahiya.

Hawak ni Mang Rolando ang napanalunan nyang pera.
Mang Rolando : Rafael pasensya ka na muna, ito apat na libo pang kuryente lang.
Rafael : Mang Rolando huwag nyo na ho akong intindihin. Okey lang ho yun. Baka meron ho kayong pagkakagastusan, doon nyo na lang ho dalhin. Okey lang ho.
Mang Rolando : Ikaw ang bahala. Bibilhan ko na lang si Sofia ng regalo.
Rafael : (nagtaka) Si Sofia ho? Bakit pa ho?
Mang Rolando : A e mabait sa akin ang batang yun e. Sila ni Toby. Mabilhan ko nga sila ng kahit ano. Rafael di ba pupunta ka mamaya kina Catherine? Kung maari lang makisuyo ako, ibigay mo itong beynte singko mil sa kanya.
Rafael : Lahat ho ito? Sige ho. Pero paano ho kung tanungin nya sa akin kung saan galing ito? Hindi ho ako puedeng magsinungaling.
Mang Rolando : Ikaw na ang bahala. Kahit ano. Ang mahalaga makatulong ang perang yan para makapagsimula muli ang anak ko.

Habang naglalakad pauwi ay may nakitang mag-ama si Catherine. Masaya iyong mag-ama, babae ang anak. Nakaramdam ng kalungkutan si Catherine.

Pumunta si Rafael kina Catherine. Iniabot ni Rafael ang isang sobre.
Rafael : O para sa iyo ito
Catherine : Ano ito? Ang dami nito ah. Ano ito?
Rafael : Para makapag-umpisa ka ulit. Maglagay ka o magtayo ka ng tindahan... ikaw ang bahala.
Catherine : Rafael hindi ko na matatanggap ito. Sobra sobra na ang naitulong mo sa amin, nakakahiya na.
Rafael : Hindi sa akin galing yan. Galing sa tatay mo yan.
Catherine : Sa tatay ko? Kailan mo sya nakausap?
Rafael : Nakatira sya sa akin. Wala naman syang ibang mapupuntahan e Catherine.
Catherine : Kailan pa?
Rafael : Matagal na. Catherine huwag kang magagalit.
Catherine : Alam mo Rafael hindi ako nagagalit sa iyo eh. Alam ko naman na gusto mo lang makatulong pero dapat hindi na sya nagpapakita. Ang kapal ng mukha nya.
Rafael : Catherine bakit hindi mo sya pagbigyan? Para magkaayos na kayo. Marami syang gustong sabihin at iparating sa iyo.
Catherine : Kung anuman 'yon itago na lang nya dahil hindi ako interesado.
-Isinauli ni Catherine ang sobre na may lamang pera kay Rafael.

Gabi. Pumunta si Mang Rolando sa apartment nina Sofia. Palihim na inilagay sa pinto ang regalo nya para kay Sofia at umalis.

Kina Catherine. Dumating si Louela hawak ang sobre na isinauli ni Catherine kay Rafael.
Louela : Catherine nakasalubong ko si Rafael kanina sa may labasan. Iniwan nya ito ibigay ko daw kay Lola.
Catherine : Sinabi na ngang ayoko. (kinuha ang sobre at umalis)

Magkakasama sina Estelle at ang dalawa niyang anak.
Estelle : Ilang araw kang nawala kasama ang babaeng iyon. Pagkatapos dinala mo pa sa rest house natin. Ano iyon... honeymoon?
Rafael : Ma kaibigan ko po si Catherine.
-Bumaba sa hagdanan si Enrique.
Enrique : Rafael mabuti naman at nahagilap ka na rin. Anong kalokohan na naman yung ginawa mo?
Rafael : Kalokohan? Pa hindi ho tinutulungan ko lang ang tao.
Enrique : Tinutulungan? Ako kaya ang tulungan mo. Malapit na ang filing of candidacy. I don't need any negative publicity at this point.
Rafael : Nandito lang ho naman kami sa likod ninyo. Kayo ho ang tumatakbo
Enrique : Oy Shhhh! Huwag kang mangatwiran ha. Hinayaan ko kayong patakbuhin ang sarili nyong mga buhay. Hinayaan ko kayong maging independent. Anong ginagawa ninyo? NAGKAKALAT KAYO! Ikaw Toby kumusta ang pag-aaral mo? Bugok ka pa rin.
Rafael : Pa hindi naman
Enrique : Shhh! naturingan kang matalino. Nagpapagamit ka dyan sa hampaslupang yan.
Rafael : Excuse me ho.
-Umalis si Rafael.
Enrique : Rafael hindi pa ako tapos.
-Tumigil si Rafael sa paglalakad.
Enrique : Next week is the filing of candidacy. I expect both of you to be there. Susuportahan ninyo ako hanggang sa manalo ako. I want you both to behave.
- Nagpatuloy na si Rafael sa pag-alis.

Pumunta si Catherine sa bahay ni Rafael. Iniabot ni Catherine sa ama ang sobre na ibinigay ni Rafael.
Mang Rolando : Anak patawarin mo ako.
Catherine : Anak? Patawarin kita? Ayun e di lumabas rin ang totoo na binibili mo ang kapatawaran ko. (natawa) Beynte singko mil para sa kapatawaran ko. Pareho ka lang nila.
Mang Rolando : Anak hayaan mo akong tulungan kita.
Catherine : HULI KA NA! Nasaan ka ha? Nasaan ka nung kinailangan kita? Nasaan ka nung inaapi ako ng lahat ng tao? Noong nakasadsad na sa lupa ang mukha ko at hindi ako makabangon, nasaan ka? Wala ka doon. Wala! Dumating nang lahat ang dagok sa buhay ko pero wala ka doon. Kinaya ko ang lahat ng mag-isa lang ako. Tapos ngayon magpapakita ka. Hindi kita kailangan. Naiintindihan mo yun ha? Hindi kita kailangan. Huli na. Huli ka na para maging ama para sa akin ngayon. Alam mo kung bakit dahil wala kang KWENTANG TAO. HIGIT SA LAHAT WALA KANG KWENTANG AMA.
-Luhaang umalis si Catherine. Umiiyak si Mang Rolando.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP