Wednesday, August 20, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 28

Pinuntahan ni Miguel si Rafael. Nagkumustahan ang dalawang lalaki.
Miguel : Balita ko galing ka daw kina Lola Aura a, meron na naman bang problema?
Rafael : E ano ba ang bago? Parati namang may problema si Catherine e. Kailan ba nawala? Anyway, nabalitaan mo ba merong nanira kay Catherine? May nanira sa kanya kay Mr. Dela Rhea.
Miguel : Sino? Papaano?
Rafael : (nag-isip saglit) A hindi, huwag na, kalimutan mo na yun. Huwag mo nang intindihin. Ano bang dinalaw mo sa akin dito? Anong magagawa ko para sa iyo?
Miguel : Pasensya na kasi wala talaga akong ibang malapitan e. Kukunin sana kitang lawyer para sa annulment case namin ni Scarlet.
Rafael : Bakit ako pa ang kinuha mong lawyer? Andami naman dyang magagaling na lawyer sa annulment.
Miguel : E malaki ang tiwala ko sa iyo e.
- May iniaabot na sobre si Miguel kay Rafael
Rafael : Ano yan?
Miguel : Sige na
Rafael : Huwag na! Ikaw naman o. Kung ang iba tinutulungan ko, gratis walang bayad, ikaw pa para kitang kapatid. Huwag mo nang intindihin yan.
Miguel : (inilapag ang sobre sa table) Kung talagang gusto mo akong tulungan, tatanggapin mo yan. Ang liit na kasi ng tingin ko sa sarili ko e - wala akong bahay, wala akong trabaho, sira ang sasakyan ko, kakarampot lang ang naipon ko. Gusto ko lang patunayan kay Scarlet na kaya kong ipaglaban ang sarili ko.
Rafael : Ikaw ang bahala. Pag-isipan mo yan mabuti. Labas ang away, labas ang demanda, walang gulo - isipin mo kung ano ang mas maganda para sa anak mo.

Nag-apply muli si Catherine.
Catherine : Hindi ko naiintindihan. Napasa ko naman yung exams pati yung interview, bakit ayaw nyo akong tanggapin? Nayumi naman para tayong walang pinagsamahan nito eh. Noong presidente pa ako ng Dela Rhea Foods, lahat ng proposals mo ako ang nag-a-approve at alam mo ang kapasidad ko pagdating sa trabaho, mahusay ako.
Nayumi : Pasensya na Catherine. I consulted this with the board pero ayaw nila. Ang sama ng lumabas na balita tungkol sa iyo. Sumulat ang presidente ng Dela Rhea Foods sa mga HR ng mga affiliated companies nila.
Catherine : Anong sulat? Tungkol saan?
Nayumi : Malaking pera daw ang nadispalko mo sa Dela Rhea Foods. Nag-threaten pa nga si Scarlet na ipu-pullout nila ang mga business deal nila sa mga kumpanyang magha-hire sa iyo.

Umuulan. Magkasukob sa payong na naglalakad sina Miguel at Sofia.
Miguel : Pasensya ka na ha, tumirik na naman yung kotse ko e.
Sofia : Okey lang 'yon kuya. Kuya, okey ka lang ba? Gusto mo mag-coffee muna tayo? Maaga pa naman ako sa class ko eh.
Miguel : Hindi. Okey lang. Kailangan ko rin maaga e, unang araw ko sa trabaho.
Sofia : Congratulations kuya! And don't worry, I'm sure maaayos din ang lahat.
Miguel : Sana nga.
Sofia : Kumusta na yung finances mo? Kuya may Trust Fund ako. I'm already 18, kung kailangan mo puede akong maglabas ng pera.
Miguel : NO! Hindi ko kailangan. Kaya ko pa. Okey? Let's go.

Pagpasok ni Miguel sa trabaho ay kinausap siyang muli ng Manager na tumanggap sa kanya kahapon.
Miguel : Anong ibig nyong sabihin, tinatanggihan nyo ako?
Pareng Manager : Pare pasensya ka na. Kung ako lang talaga ang magdedesisyon dito, welcome ka. Kaso nakausap ko nga yung mga business partners ko e. Pare hindi daw sila kumportable sa iyo.
Miguel : Pero bakit? Hindi pa man nila nakikita ang performance ko e, yan na kaagad ang sinsabi nila. Hindi ako mahirap pakisamahan sinasabi ko sa iyo, I'm a team player.
Pareng Manager : Pero pagpasensyahan mo na ako Pare. Wala akong magawa e. Sana maintindihan mo ako dahil naiipit din ako.

Sinundo ni Miguel ang anak para ipasyal.
Miguel : Hi Baby! Ready to go? O let's go, ayaw mo na bang mag-mall?
Maggie : Is that your car? Ang pangit!
Scarlet : Baby, that's not nice. Sige na umalis na kayo, hinihintay ka na ng Daddy mo o. Di ba marami kang ipabibili sa mall? Oo nga pala Miguel, mamaya doon mo na lang sya ihatid sa office. Tapos i-eksakto mo na lang na labasan ng mga tao para makita na rin nila ang bago mong sasakyan. I'm sure matatawa sila, ay sorry, matutuwa pala.
-Hinawakan na ni Miguel ang anak para umalis. Nililingon ni Miguel ang nang-iinsultong tumatawa na si Scarlet.

Nagkita muli sina Vernon Fuentes at Isadora Castillejos.
Isadora : Huwag mo naman akong madaliin. Tumityempo pa ako eh.
Vernon : Malapit na ang eleksyon Isadora. Hanggang ngayon hindi pa rin nakakapagdesisyon ang anak mo.
Isadora : Ikaw kaya ang kumandidato. Masyado kang atat eh.
Vernon : Iniipit na ako ng grupo. Ang sabi nila kung ayaw mo daw, hahanap na sila ng ibang manok nila.
Isadora : Eh di humanap kayo. Alam nyo ba na si Miguel lang ang puedeng tumapat kay Enrique Torralba sa bayan ng Amadesto? Tandaan mo yan Vernon.
Vernon : Alam ko. Kaya nga madaliin mo na. Ang sabi ng grupo kapag hindi mo daw napapayag ang anak mo baka maningil na sila ng mga utang mo sa kanila. Malaki-laki na rin yun Isadora.
Isadora : (kinabahan) Teka muna Vernon
Vernon : At kapag ako nainip baka ako na mismo ang magsalita kay Miguel tungkol sa sekreto mo. Sa sekreto natin.
- Bakas sa mukha ni Isadora ang pagkabahala.

Nagsisimula nang mag-imbestiga si Rafael sa mga baho ng Isadora. Kausap ni Rafael ang isang staff.
Rafael : Kumuha ka ng certified true copy ng birth certificate ni Isadora, Miguel at ni Sofia Castillejos. Kumuha ka na rin ng marriage certificate ni Isadora at ni Victor Castillejos. Isabay mo na rin doon ang death certificate ni Don Victor. Basta lahat ng mga pertinent documents na makukuha mo sa pamilya nya kunin mo lahat, Please. Alam mo hindi na muna ako papasok sa opisina ngayon. Ang dami dami kong ginagawang trabaho. Ikaw na ang bahala roon.

Nasa lilim ng punong-kahoy na malapit sa tabi ng ilog ang mag-amang Miguel at Maggie.
Miguel : O Baby, bakit malungkot ka pa rin? E ang dami ko na ngang pinamili para sa iyo.
Maggie : Daddy
Miguel : O bakit?
Maggie : Maghihiwalay na daw kayo ni Mommy?
Miguel : Sino naman ang nagsabi sa iyo nyan?
Maggie : Si Yaya. Hindi nyo na daw ako love.
Miguel : Ano ka ba? Love na love kita.
Maggie : Eh si Mommy love mo?
-Niyakap ni Miguel ang anak

Sa harapan ng bahay ni Rafael ay kausap ni Mang Rolando ang isa niyang kasamahan sa construction.
Katrabaho : Walanghiya Rolando sa lahat ng construction worker ikaw ang may magandang bahay a.
Mang Rolando : Hehehe! Nakikita lang ako rito, kababayan ko ang may-ari. Paano mo nalaman dito ako nakatira?
Katrabaho : E nakita kita kagabi. Doon lang naman ako s akabilang kanto nakatira, doon ba sa may ilalim ng tulay.
Mang Rolando : Ah
Katrabaho : Pare, bentahan mo naman ng ticket yung may-ari ng bahay. Raffle ticket, project ng Baranggay namin ito. Pare ang premyo trenta mil.
Mang Rolando : Nakakahiya naman kay Rafael kung bentahan ko pa. E ako na lang, magkano ba yan?
Katrabaho : Isang ticket sampung piso, isang booklet isang daan. Ano pare? Kunin mo na ito lahat. Malay mo pare swertihin ka pa.
Mang Rolando : Iyan ang malabong mangyari. Sa lahat ng tao ako yata ang pinakamalas. (ito siguro ang way kung paano matutulungan ni Mang Rolando si Catherine, mananalo siya sa raffle, hula ko lang hihihi!)

Sinugod ni Catherine si Scarlet sa Dela Rhea Foods. (akala ko ba banned sa building si Catherine, eh bakit nakakapasok?)
Catherine : Scarlet!
Scarlet : At ano ang ginagawa mo dito Hampaslupa?
Catherine : Hindi baleng hampaslupa huwag lang ugaling burak. WALA AKONG GINAGAWA SA INYO HA. IPINAUBAYA KO NA ANG LAHAT NG PERA SA INYO. TAPOS SINISIRAAN MO PA RIN AKO SA IBANG KUMPANYA.
Scarlet : Kulang pa ang lahat ng ginagawa ko sa iyo, hangga't hindi ka gumagapang sa hirap Catherine.
Catherine : Ganun? Baka gusto mong ikaw ang gumapang sa kahihiyan ngayon. Gusto mong ipagsigawan sa kanilang lahat kung anong pinagselosan at kung sinong pinagselosan ng tatay mo. O makinig na kayong lahat dahil maganda ito kwento ko sa inyo. Ang totoong lalaki na sinasabi ni Martin na pinagseselosan nya ay walang iba kung hindi si ....
-Nabigla si Scarlet. Nakita ni Catherine na padating ang mag-amang Miguel at Maggie. Lumapit ang bata kay Catherine.
Maggie : Mommy Kate! Mommy Kate tingnan mo o, katulad ng binigay mo sa akin.
-Magiliw na kinausap ni Catherine ang batang si Maggie. Inilayo ni Scarlet kay Catherine ang anak.
Scarlet : Puro ka lang pa-suspense, wala ka naman palang ibubuga.
Catherine : Pasalamat ka nandyan ang anak mo. At sana huwag syang lumaki katulad ninyo.
-Napayuko si Miguel. Nakatingin ang mga empleyado sa mga nangyayari. Umalis si Scarlet kasama ang anak. Lumapit si Miguel kay Catherine, tinitigan ito saglit, nang makita na nakatingin ang mga empleyado ay sinundan na lang nito ang kanyang mag-ina.

Sa campus. Mag-isang nakaupo si Sofia sa bench. Nag-unahan sina Toby at Jonas sa paglapit kay Sofia. Nauna si Toby na makalapit sa dalaga at umupo sa tabi nito.
Sofia : Hey!
Toby : Sorry!
Sofia : Ano bang problema mo? You're so rude.
Jonas : Paano kasi nakikipag-unahan sa akin. Masyado kang bata Toby.
Toby : Talaga? Sigurado ka dyan sa sinasabi mo o nambibintang ka lang?
Jonas : Oo Pare bakit? Sigurado ako. Di ba?
Sofia : HERE WE GO AGAIN
-Iniwan ni Sofia ang dalawang binatang nag-iiringan. Lumapit si Sofia kay Jenna.
Jenna : O ano hindi ka ba flattered nun pinag-aawayan ka ng dalawang boys?
Sofia : Hindi nila ako pinag-aawayan. Mainit lang talaga ang dugo sa isa't isa. Si Toby napaka-annoying, disgusting and obnoxious. Ito namang si Jonas basta si Toby papatulan, para silang gyera sa Irak napaka-senseless
Jenna : Affected ka sa gyera sa Irak?
Sofia : Of course! Hindi ka ba nakikinig sa Prof natin kanina? The whole world is affected kasi nga di ba
Jenna : Enough na please. Bata pa ako para maapektuhan ng problema ng mundo.
Sofia : Ikaw talaga. We are the future leaders. Hindi dapat ganyan ang ugali mo.
Jenna : O bakit ako na naman ang nabubuntunan ng galit mo? Hay naku Sofia ang aga-aga pa, naririndi na ako sa iyo.
Sofia : Sorry! Sumusobra na kasi yang si Toby eh. Biruin mo ano ba naman yan, wala ba syang magawa at bored sya, pinagtitripan nya ako?
Jenna : Hindi ka pinatitripan ni Toby. Trip na trip ka nya. Baka hindi lang na assess ni Toby yung feelings nya para sa iyo. O baka hindi nya kaya ihandle kaya doon nya pinapakita sa pang-aasar o pagka KSP nya sa iyo.
Sofia : Ganun sya magpakita ng feelings nya? No thanks! Napaka immature.
Jenna : Di ba nga Bes sabi nila, "the more you hate, the more you love".
Sofia : The more he loves me, the more I hate him.

Kausap naman ni Toby ang mga kaibigan nya.
Toby : Nakakabwesit naman talaga ang itsura ng Jonas na yun e. Iyong mukha pa lang nun, gusto nang maka-isa. Tsaka Pare ilang beses ko nang nahuling muntikan ng magkiss ang mga iyon. Buti na lang naagapan ko.
-Napatawa ang mga kaibigan ni Toby.
Toby : O ano ang nakakatawa ?
(Aldred Gatchalian) : Ano ba talaga ang point mo? Bakit ba kinunsumi mo ang sarili mo dahil sa dalawang yan?
(Angelo Patrimonio) : Oo nga Dude. Ipaintindi mo nga sa amin kung bakit ka ba talaga affected?
(Aldred Gatchalian) : Mainit lang ba talaga ang dugo mo kay Jonas?
(Angelo Patrimonio) : O nagseselos ka?
(Aldred Gatchalian) : Naunahan ka nya at nakabakod sya kay Sofia.
(Angelo Patrimonio) : Dapat kasi noon ka pa kumilos.
(Aldred Gatchalian) : Oo nga para hindi na sya naagawa ng iba. Aminin mo na kasi, matindi ang tama mo kay Sofia ano?
Toby : Alam nyo mga Dude, masyado kayong mga assuming. Ang hihilig nyo pang magduda. Puede bang itigil nyo na yan? Di na cool e. Ang baduy nyo na.
-Umalis si Toby at iniwan ang mga kaibigang nanunukso sa kanya kay Sofia.

Nakita ni Miguel sa office ni Scarlet ang mga sulat na ipinapadala nito sa mga kumpanyang pinag-a-applyan ni Catherine. Sinita ni Miguel si Scarlet sa paninira nito kay Catherine.
Miguel : Ayan. Ayan ang mga sulat, huwag mo nang ideny. Sinusulatan mo lahat ng kumpanya para siraan si Catherine.
Scarlet : Bakit ka apektado? E di lumabas ka sabayan mo si Catherine sa kasisigaw doon sa labas. Sabagay parehas kayong mga kawawa.
Miguel : Anong sinabi mo? Pareho kami? So ibig mong sabihin pati ako sinisiraan mo sa mga kumpanya para hindi ako makakuha ng trabaho.
- Sa galit ni Miguel ay tinabig nito ang mga gamit na nasa ibabaw ng desk ni Scarlet
Scarlet : Sige Miguel magwala ka, ayan pa o! Para makita ng mga tao dyan sa labas kung gaano ka kawalanghiya.
Miguel : IKAW ANG WALANGHIYA!
Scarlet : (naluluha) WALA NANG MAS WAWALANGHIYA PA SA INYONG DALAWA NI CATHERINE!
Miguel : BAHALA KA! Bahala ka. Sirain mo yang ulo sa kaiisip. Iyan ang gusto mong isipin di ba? Well, Sayang! To think na pinag-isipan ko pa mandin na iurong ang annulment nating dalawa. Well, this marriage doesn't deserve a second chance. And YOU don't deserve a family. Dahil sa nangyaring ito sisiguraduhin ko sa iyo, sa akin mapupunta ang anak ko.
Scarlet : Subukan mo! Magkakamatayan tayong dalawa Miguel. Sige, subukan mo!

Naglalakad sa opisina sina Scarlet at Winnie. Narinig nila ang isang grupo ng mga empleyado na pinagchichismisan sina Scarlet, Miguel, at Catherine.
Woman : Hindi lang yan. Alam nyo ba yung nangyari kanina? Nagpang-abot si ma'am Scarlet at si ma'am Catherine
Man : Ha?! Nag-aagawan sa pagka-presidente?
Woman : Sinisiraan daw ni ma'am Scarlet si ma'am Catherine sa ibang kumpanya. At ito ang usap-usapan na-fire daw si Sir Miguel dahil ito ang tinutukoy na ka-affair ni ma'am Catherine.
Man 2: Totoo ba yan? Naku! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.
Scarlet : (galit na galit) AYOKO NANG MAKITA ANG MGA PAGMUMUKHA NYO RITO DAHIL LAHAT KAYO MGA SISANTE NA KAYO!!!
- Sinundan ni Winnie ang galit na galit na si Scarlet.

Sa apartment. Nag-uusap sina Migue at Sofia, nakikinig sa kanila si Isadora.
Sofia : Pag-isipan mo Kuya, paano si Maggie?
Miguel : Anong papaano si Maggie? Mas kawawa sya kapag lumaki sya sa mga magulang na katulad namin. Buo nga ang pamilya, magkasama pero kulang na lang magpatayan.
Sofia : Puede nyo namang ayusin kung gugustuhin nyo eh.
Miguel : Hindi na nga maaayos. Hindi mo ba naiintindihan? Parang hindi mo kilala si Scarlet. Hanggang ngayon hinahadlangan nya na magkatrabaho ako. Pati yung pagkakataon na mabigyan ko nang magandang kinabukasan ang anak ko, hinahadlangan nya din.
Isadora : Tama! Dahil talagang lumalabas na ang kulay ng Scarlet na yan. Talagang Scarlet na Scarlet sa kawalanghiyaan. Sige nga anak, ipakita mo sa kanya na kaya mo. Lumaban ka. Kaya nga sinasabi ko sa iyo eh, kumandidato ka na lang. Kapag nanalo kang Congressman malaking sampal sa kanya iyon.
Miguel : Papaano ko gagawin iyon? Wala akong alam sa pulitika.
Sofia : Ma, kung ayaw ni kuya huwag mo syang pilitin. He can't win if his heart is not into it.
Isadora : TUMIGIL KA NGA! Tsaka tigilan nyo nga ako sa mga words of wisdom nyo. Kapag ang tao gutom na, nawawala na ang wisdom.

Nag-uusap sa labas ng bahay sina Catherine at Louela
Louela : Mabuti na lang nakapagpigil ka. Eh ano na lang ang mangyayari kay Maggie kung narinig nya ang mga sasabihin mo.
Catherine : Kawawa nga sya kung nagkataon. Hindi ko talaga alam kung nagsisisi ako o nanggigigil ako eh.
Louela : Hayaan mo na sila.
Catherine : Hindi naman ako sa kanila nanggigigil kundi sa sarili ko. Lahat ng puedeng sirain sa akin ginawa na ni Scarlet, sinira nya na. Lahat ng puedeng kunin, kinuha nya na. Pero sya hindi ko masira-sira
-Lingid sa magkaibigan ay nakikinig sa kanila si Lola Aura.
Louela : Basta ikaw may konsensya. Hayaan mo na sya.
Catherine : Louela, aanhin ko ang konsensya kung patuloy nilang gagawin sa akin ito.

Gabi. Nakaabang sa labas ng bahay ni Rafael ang naka-motorsiklong si Vernon Fuentes. Nang papalabas na si Rafael ay mabilis na tinakpan ni Vernon ng bonnet ang kanyang mukha at pina-andar ang motorsiklo. May kinukuha si Rafael sa kotse nang makita niya na huminto sa harapan niya si Vernon at binaril sya. Nakatakbo si Rafael at nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya.

Pumunta si Enrique Torralba sa opisina ng anak.
Enrique : Bakit hindi ka nag-file ng police report kagabi? May nagtangka na pala sa buhay mo e. Kung hindi pa sinabi sa akin ng security guard ay hindi ko pa malalaman na may bumaril na pala sa iyo kagabi.
Rafael : Pa, that's part of the past. Huwag na nating pag-usapan.
Enrique : Anong huwag? Alam mo bang nakalaya na si Vernon Fuentes?
Rafael : Alam ko 'pa. Ito meron akong report galing kay Dave, early parole.
Enrigue : So why are you so cool about this? Hindi ka ba natatakot mamatay ha? Titirahin tayo ng lokong ito.
Rafael : Pa masyado akong maraming trabahong ginagawa para isiping matakot
Enrique : Bakit ka ganyan magsalita? What _____ you the feeling that you giving up on life? Is this about Catherine again?
Rafael : (naghanda para umalis) Hindi natin pag-uusapan ito. Hindi na ako makikipagtalo sa inyo. I have to go I have a hearing. Maiwanan ko na kayo.

Nasa isang jewelry store si Scarlet. Dumating din doon si Isadora
Isadora: Hi Scarlet! (walang reaction si Scarlet) O? Aren’t you excited to see me?
Scarlet: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta nang dentista at magpa-root canal kesa yung makaharap ka?
Isadora: Hahaha! Ikaw naman, nagpapaka-funny! Kung ang lahat nang bulok na ipin ay kasing ganda ko, eh di wala nang bibili nang toothpaste, hahaha! I’m so witty!
Scarlet : Ano ba talaga ang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang ipinunta mo dito, hindi ba? Business? Monkey business?
Isadora : Oo. At napaka-disenteng monkey business – politics. Seriously Scarlet, magpa-file si Miguel nang candidacy nya para tumakbo ng congressman sa distrito ng Amadesto. Gusto ko sana kumpleto tayo. Andudoon ka, ako, si Maggie... alam mo na yung one big happy family. Para everybody happy di ba?
Scarlet : Si Miguel, sa kongreso? Hahaha! Alam mo mahihiya sa iyo si Madam Auring sa dami ng gimik mo. AT YAN ITO IYONG PINAKA-NAKAKATAWA TALAGA SA LAHAT - EVERYBODY HAPPY. Well in fact, nobody is. Lalung lalo na ako.
Isadora : Scarlet... for now. Pero kapag tumakbo si Miguel sa kongreso at nanalo sya at sigurado naman akong mananalo sya. O e di syempre hindi na siya magiging miserable. Babalik na yung confidence nya, tapos maiisipan na nyang umuwi sa tunay nyang pamilya - sa iyo. Di ba sa kanyang home sweet home. (naiiyak ang manugang) Scarlet ikaw naman, huwag mong sabihin sa akin na bibigyan mo ng pagkakataon si Catherine. Ikaw rin... malapit na ang pasko. Gusto mo ba na sila ang magkakasama? Imagine, under a big christmas tree - si Catherine, si Miguel, si Maggie. Ay ang saya! Samantalang ikaw andudoon ka sa bahay mo mag-isa na lang kahit marami kang pera. Nakatingin ka sa bintana... tumitingin sa malayo... malungkot... tapos kumakanta ka sa sarili mo ng
-Biglang sinampal ni Scarlet ang biyenan na si Isadora. Gaganti sana si Isadora - sasampalin din nya si Scarlet
Isadora : WALANGHIYA KA!
Scarlet : Sige!
- Matapang at palaban na tiningnan ni Scarlet si Isadora

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP