Tuesday, August 19, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 27

Nagreklamo si Isadora nang makita ang nakahaing almusal, tinapay at kape lang. Sinabi ni Isadora sa mga maids na ang lalakas daw kasi lumamon ng mga ito. Nangatwiran ang maid na wala na daw kasi silang groceries at noong nakaraang buwan pa huling nag-grocery si Isadora. Sinisi ni Isadora ang mga maids kasi dapat daw ay gumagawa ang mga ito ng paraan. Hinihingi ng dalawang maids ang kanilang sweldo, kasi tatlong buwan na raw silang walang natatanggap. Sinabi ni Isadora na dapat daw ay ipinapaalala ng mga ito ang sweldo nila. Nag-issue ng tseke si Isadora para sa sweldo ng dalawang maids pero ayaw tanggapin ng mga ito ang tseke kasi baka raw tumalbog, cash ang gusto nila. Kinuha ni Isadora ang cellphone at tinawagan ang security ng subdivision at nagrequest na magpadala ng security guard sa bahay nya kasi paiimbestigahan daw niya ang mga maids nya, kasi nawawalan siya ng cash at alahas. Natakot ang dalawang maids kaya kinuha na lang nito ang tseke na ibinibigay ni Isadora. Tumawa si Isadora at sinabi na buti na lang daw at busy ang security at hindi nya nakontak - naisahan ni Isadora ang mga maids nya.

Sa bahay ni Lola Aura. Nasa harap ng hapag kainan sina Catherine at Lola Aura, naghahain si Louela.
Lola Aura : Sana hinaba-habaan mo pa ang bakasyon mo. Kailangan mo ang mga pahingang ganyan.
Catherine : Okey na Lola. Ayoko nang pag-aksayahan ang mga taong naninira sa akin.
Lola Aura : Hay salamat naman at nagliwanag na ang isip mo.
Catherine : Kahit papaano. Magmula ngayon naisip ko na mabubuhay ako para sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin - para sa iyo, para kay Louela at para kay Rafael.
Louela : Yes! Hep Hep Hooray! Kaya nga let's together forever!
Catherine : Ay Louela syanga pala, manghihiram ako ng damit sa iyo ha. Mag-a-apply kasi ako ng trabaho bukas.
Louela : Sigurado ka ba? Eh alam mo namang mga chipangga lang ang yung damit ko.
Catherine : Ano ka ba? Walang kaso yun ano. Kalimutan mo na na minsan naging boss mo ako, na donya ako dati, na dati akong mayaman dahil tapos na yung chapter na yun sa buhay ko. Ibang chapter naman ang magsisimula. Siguro, siguro naman makakakuha ako ng maayos na trabaho dahil nakapagtapos ako
Lola Aura : Oo, hindi lang 'yon Valedictorian ka pa! (Lola Aura, Magna cum laude po ang apo ninyo - Betcha)
Catherine : At saka marami naman akong kilalang kliyente ng Dela Rhea Foods.
Louela : At dahil dyan sinabi ko ngang matalino ka, kailangan (kinuha ang kaserola na may lamang bulalo) kumain ka ng utak ng bulalo. Ang bango nitong dala mong bulalo ha.
Catherine : Hindi ako nagdala nyan.
-Ipinapatapon ni Lola Aura kay Louela ang bulalo kasi baka daw may lason. Ayaw sana itapon ni Louela pero sumunod din sya, kasi hindi nila alam kung saan iyon nanggaling. (si Mang Rolando yata ang may dala niyon)

Naghahain naman si Mang Rolando para sa kanila ni Rafael.
Mang Rolando : Nakapag-extra ako sa construction sa Makati kaya bumili ako ng ulam.
Rafael : Naku ang dami ho nito. Nakakahiya naman sa inyo pinapakain nyo pa ako.
Mang Rolando : Ako ang mahihiya sa iyo dahil sa abala. Ay naku!
Rafael : Salamat ho.
Mang Rolando : Nag-iwan din ako niyan ng kaunti kina Nanay Aura. Rafael, kamusta na si Catherine?
Rafael : Ayun kasama nya ho si Lola Aura ngayon. Mabuti-buti na nga ho ngayon kesa noon. Kasi naaalala ko mahihirapan ho syang makahanap ng trabaho dahil sa masasamang balitang lumalabas tungkol sa kanya.
Mang Rolando : Noong nagbakasyon ka, may nangyari. Muntik ko nang mapatay si Isadora.
-Nabigla si Rafael sa narinig.

Pumunta si Isadora sa apartment na tinitirahan ni Sofia.
Isadora : Mabuti naman at hindi nyo na pinapapasok dito si Rolando
Sofia : Hindi na rin sya bumalik eh. Ang dami pang dapat ayusin.
-Dumating si Toby.
Toby : Hi Tita!
Isadora : Hi Toby! (hinalikan sa pisngi ni Toby) O kumusta?
Toby : Mabuti naman po
Isadora : Ahm Toby, ahm tatakbo ba ulit ang Daddy mo? Kakandidato ba sya ulit?
Toby : Opo. Last term nya na po.
Isadora : Malakas pa ba ang suporta sa kanya ng tao?
Toby : Malakas pa naman po.
Isadora : Sabagay. Marami na naman syang nagawa ano? At saka last term nya na, siguradong pagbibigyan sya.
Toby : Excuse me po.
-Pumasok na sa loob ng bahay si Toby. May bumubusina, patakbong pumunta sa gate si Sofia para salubungin ang kapatid.

Ikinuwento ni Mang Rolando kay Rafael ang nangyari.
Mang Rolando : Nagdilim ang paningin ko. Ang nasa isip ko si Catherine at kung paano sya inapi ni Isadora.
Rafael : Inapi? Noong pinalayas sa asyenda?
Mang Rolando : Hindi. Dinig na dinig ko habang kausap nya ang kaibigan nya, sya ang nagsabi kay Martin dela Rhea na may ibang lalaki si Catherine. At kaya ngakaroon ng video si Martin dahil sa paninira ni Isadora. Ang nasa isip ko, kung hindi nya titigilan si Catherine, PAPATAYIN KO NA LANG SYA. At kaya kong gawin 'yon. Isa pang maling kilos ni Isadora, magkakapatayan na talaga kami.

Nagalit si Isadora nang makita ang bagong sasakyan ni Miguel.
Miguel : O ayos ba? Hindi brand new yan pero okey na rin kasi nagtitipid ako e.
Isadora : ASAN NA YUNG DATI MONG SASAKYAN?
Miguel : Hindi naman sa akin iyon e. Sinauli ko na. Kay Papa iyon.
Isadora : Kung hindi ka ba naman tanga, eh patay na si Martin eh. Mamamaneho nya pa ba naman yun? Bakit mo sinoli?
Miguel : Prinsipyo ko ang pinaglalaban ko. At saka okey naman ang sasakyan ko a, aircon pa! (tumingin kay Sofia at inakbayan ang kapatid) Di ba?
Sofia : Okey yan kuya. At least pundar mo.
Isadora : MGA BOBO! Anong pundar-pundar? Hoy Miguel ha, hindi kita pinag-aral sa UCLA ng business course para... para lang manehohin lang ang ganyang sasakyan ha. Isoli mo yan, isoli mo yan kung hindi ako mismo ang magpapasabog niyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita kang nagmamaneho ng ganyang kotse?
Miguel : WALA AKONG PAKIALAM SA SASABIHIN NG IBANG TAO. Hindi lahat ng tao katulad nyo, MATAPOBRE.
- Asar na sumakay si Miguel sa kotse nya para umalis, pero pumalya ang kotse - ayaw mag-start.
Isadora : O ano? Tingnan mo, ni ayaw umandar. Tingnan mo! Yan ba ang pundar-pundar na sinasabi mo ha?
- Bumaba ang kotse si Miguel at pumasok sa loob ng bahay, hindi pinansin ang pagbubunganga ng ina. Nakasimangot si Sofia sa ina.

Pumunta si Rafael sa Dela Rhea Foods.
Scarlet : Hinihingi mo ang kopya ng video ni Papa? Bakit?
Rafael : Sangkot at apektado si Catherine sa lahat ng mga nangyayari. Matagal na namin dapat ginawa ito, kaya lang medyo nagiging emotional ang lahat. I believe she has the right to know kung itong video na 'to ay totoo or staged lang.
Scarlet : You don’t give up, do you? Sabagay napakahirap nga naman isuko ang mga milyones. Pero sige ipapadala ko sa iyo ha.
- Ipinadala ni Scarlet ang video sa cellphone ni Rafael. Nagpasalamat si Rafael nang matanggap ang video.
Scarlet : Rafael, kung iniisip mo na naisahan mo ako dahil ipinadala ko sa iyo ang kopyang ito, nagkakamali ka. Dahil mas tanga kayo kapag ipinurso nyo ang laban na ito, lalo lang makakaladkad si Catherine sa kahihiyan na ito. Pakisabi nga pala sa kanya, NAPAKA-MASOKISTA nya.
-Nagpaalam na si Rafael at umalis.

Nag-a-apply ng trabaho si Catherine.
Catherine : Talaga ho, tanggap na ako?
Manager : Oo.
Catherine : Salamat
Manager : Puede ka nang magsimula ngayon din. At aware naman ako sa mga naging performance mo sa Dela Rhea Foods. At ang isa pa, kaibigan ko si Martin, hindi kita matatanggihan.
Catherine : Salamat

Nag-a-apply rin si Miguel
Pareng Manager : Pero bakit ka umalis sa Dela Rhea Foods? Di ba Senior Vice President ka na? Pare, bakit may problema ba?
Miguel : Wala naman. Kaya lang naisip ko na masyado nang successful yung kumpanya... wala na akong maitutulong, It's time for me to look for more challenging job and to spread my wings.
Pareng Manager : (nagbiro) Praktisado a! Parang HR interview Pare. Alam mo its an honor na maging parte ka ng kumpanya. At alam ko na magiging asset ka dito. (kinamayan si Miguel) So paano Pare, see you tomorrow!
Miguel : Salamat

Pinaupo si Catherine ng manager. Umupo sa silya si Catherine.
Manager : Ah hindi dyan. (Itinuro ang kandungan nya) Dito sa hita ko. Ayaw mo ba?
-Tumayo si Catherine, natuwa ang manager kasi masunurin naman daw palang bata si Catherine. Lumapit si Catherine sa manyakis na manager
Manager : Ipakita mo sa akin ang husay mo sa trabaho Catherine.
-Biglang sinampal ni Catherine ang manager, at hinampas ito ng mga folder na nasa table. Galit na umalis si Catherine.

Tinawagan ni Scarlet ang manager na pinag-applayan ni Miguel. Sinabi ng manager na tinanggap nya si Miguel pero sinabi ni Scarlet na huwag i-hire si Miguel.
Scarlet : Of course, I'm serious. Actually, pangatlo ka na talaga sa natawagan kong malalapit kay Miguel. Eh mabuti na lang, lumapit pala siya sa iyo para humingi rin ng tulong. Ah alam mo may sasabihin ako sa iyo pero huwag mo itong sasabihin kay Miguel ha. Nagkatampuhan lang naman kaming mag-asawa, but we really need him in this company. Okey, aasahan ko yan ha. Thank you!
-Hindi sang-aayon si Winnie sa ginagawa ni Scarlet na pagharang sa mga trabahong pinapasukan ni Miguel.
Winnie : Hindi mo dapat sinabi yun Scarlet. Presidente ka na ng Dela Rhea Foods, napaka-unprofessional ng ginawa mo.
Scarlet : I don't care. Wala akong pakialam. Ang importante sa akin walang makukuhang trabaho si Miguel, mahaharang kong lahat ng iyon.
Winnie : Lalo kayong hindi magkaka-ayusan nyan.
Scarlet : Hindi ganun ang mangyayari Tita. Iba yung strategy na ginagamit ko. Parang nag-iipitan kami ngayon eh, iyon ang laban namin. Babalik sya sa akin. Uuwi rin sa akin si Miguel. Magkakaayos din kaming dalawa. At yang ahas na Catherine na yan, wala na syang magagawa, hindi na sya makakalaban at sisiguraduhin kong magtatampisaw sya sa pusali.

Pinuntahan ni Rafael si Isadora para kausapin tungkol sa video
Isadora : Bakit mo ba ibinibintang sa akin ang video na 'yan? Meron ka bang narinig na sinabi ni Martin na Isadora? O nabanggit man lang ang pangalan ko? Hala! Let's play it, panoorin nga natin ulit.
Rafael : Kayo ang nagsabi kay Mr. Dela Rhea na merong lalaki si Catherine. Narinig ni Mr. Rolando
Isadora : Bakit ka ba naniniwala sa Rolandong yan? Napaka KSP nyan eh, you know gustong makisali sa issues ng mga rich and famous. Rafael akala ko ba matalinong abugado ka? Di ba, may term dyan eh... that's what you call hearsay. Everything is hearsay.
Rafael : Hindi gagawa ng kahit na ano si Mang Rolando. Nakataya ang buhay ng anak nya. Hindi biru-biro ang consequences ng mga nagawa nyo
Isadora : Rafael baka nakakalimutan mo, hindi lang si Catherine ang naapektuhan ng videong yan. Di ba naghiwalay rin si Miguel at Scarlet? Ngayon, kung yan Catherine na yan ay nanahimik na lang sa isang malayong bundok... o e di sana wala lahat tong gulong 'to.
Rafael : So kung nakapaglayu-layo si Catherine sa inyo, titigilan ba ninyo? Bakit ba ang tindi ng galit nyo kay Catherine? Anong kasalanan ba ang ginawa nya sa inyo?
-Hindi nakasagot si Isadora

Habang naglalakad pauwi, ikinuwento ni Catherine kay Louela ang nangyari sa pinag-applayan niya ng trabaho
Louela : Hinarass ka kamo? Manyakis! Ang kapal ng mukha, naturingan pa namang kaibigan ni Sir Martin.
Catherine : Talagang nasira ni Scarlet ang pangalan ko. Louela please, huwag mo nang sasabihin kay Lola ha. Ayokong mag-alala pa sya.
-May humintong magarang sasakyan. Bumaba si Estelle Torralba at lumapit kina Catherine.
Catherine : Magandang gabi ho Mrs. Torralba!
Estelle : Walang maganda sa gabi lalo na kung ikaw ang kaharap Catherine. Asan ang anak ko?
Catherine : Huli ho kaming nagkita kahapon.
Estelle : Totoo ngang iniiwasan ako ng anak ko. Alam nya sigurong sisitahin ko sya sa kalokohan nyong dalawa. Sa national TV pa kayo nagdrama. Ano napikot mo na ba ang anak ko Catherine?
Catherine : Hindi ko ho magagawa yun Mrs. Torralba. Napakalaki ho ng respeto ko kay Rafael. Pasensya na ho kayo at nadamay sya sa gulo.
Estelle : Ikaw nga ba ang Catherine dela Rhea, ang mukhang bumalandra sa dyaryo kamakailan lang? Bakit para ka ngayong tupang nagbabait-baitan? Perfect timing! Sinabayan mo pa ang nalalapit na eleksyon. Nakakasira ka sa image ng mga Torralba, alam mo ba yun? Humarap ka sa akin at makinig kang mabuti. Humanap ka ng ibang lalaki na maloloko at magagatasan Catherine. Ang huling lalaking nabiktima mo, nakalibing na. Huwag mong isunod ang anak ko.

Pagdating sa bahay nina Catherine ay nalaman ni Lola Aura ang pagka-usap ng ina ni Rafael kay Catherine.
Lola Aura : Ano pinagsalitaan ka ng ganun? Eh ano ang sinabi mo? Hindi ka lumaban?
Catherine : (umiling) Si Mrs. Torralba ho iyon Lola. Syempre nag-aalala lang sya para kay Rafael.
Louela : Pero hindi naman totoo iyong mga sinabi nya sa iyo. Dapat... kung ako sa iyo hindi ako nanahimik. Dapat kahit papaano nangatwiran ka.
Catherine : Kapag nangatwiran ako o lumaban, para na ring binastos ko si Rafael. Pero aaminin ko, nasaktan ako sa mga sinabi ni Mrs. Torralba na pineperahan ko lang si Rafael. Na parang ang sama-sama kong babae, na parang ang dumi-dumi ko.
Lola Aura : Oy hindi ka masamang babae. Sila! Sila ang masasama at marurumi ang isip.
Catherine : Kinasasama lang ng loob ko Lola... oo ginamit ko si Martin para makapaghiganti ako, pero hindi totoo na ginamit ko ang pera nya. Ni hindi nga ako naghabol eh. Wala nga akong tinabi para sa sarili ko, para sa atin. Hindi ako masamang tao.
- Naaawa naman sina Lola Aura at Louela kay Catherine.

Ipinakita ni Rafael kay Mang Rolando ang video sa cellphone nya. Galit na galit si Mang Rolando.
Mang Rolando : Hayop! Hayop talaga si Isadora
Rafael : Huwag kayong magpapadala sa galit. Nagpa-check na ho ako sa staff ko. Totoong nagpablotter si Isadora. Kung meron hong masamang mangyayari sa kanya, kayo ang unang unang ipapadampot
Mang Rolando : Hindi ako natatakot sa kanya. Hayop sya!
Rafael : Mang Rolando, kalamante ho kayo. Lahat ho ng kilos natin dapat mag-ingat tayo. Ang unang unang pumapasok sa isip ko ay kung bakit galit na galit si Isadora kay Catherine? Dahil ba sa pagsasamahan nila ni Miguel noong araw? Hindi sapat na dahilan iyon.
-Natigilan si Mang Rolando.

Pumunta si Rafael sa bahay nina Lola Aura
Rafael : Catherine maniwala ka, maipaglalaban ko itong kasong ito. Magbibigay ng sworn statement si Mang Rolando na si Isadora ang naninirang puri sa iyo kay Mr. Dela Rhea. Malisyosong impormasyon. Questionable ang intention ni Isadora Castillejos.
Lola Aura : May katwiran si Rafael. Kailanman hindi maaring mapatunayan ng Isadorang yun na may iba kang lalaki kasi lahat yun ay kasinungalingan nya. Baka sya pa ang madiin.
Rafael : Baka mabigyan tayo ng konsiderasyon ng Judge. Bilang tunay na asawa ni Mr. Dela Rhea may karapatan ka sa lahat ng naiwan nya.
Catherine : Ayoko!
Rafael : Catherine hindi lang ito dahil sa pera. Kailangan maitayo mo at linisin ang pangalan mo.
Catherine : AYOKO NA NGA EH! SINABI NANG AYOKO! SIRA NA ANG PANGALAN KO, WASAK NA WASAK NA ANG PAGKATAO KO! Kung gusto mo akong tulungan, huwag sa ganitong paraan Rafael. Gusto ko nang kalimutan ang LAHAT NG TUNGKOL SA MGA DELA RHEA. MAGMULA NGAYON, AYOKO NANG MARINIG ANG PANGALAN NG DELA RHEA.
- Umalis si Catherine, sinundan siya ni Louela.

Bago umalis si Rafael ay nag-usap muna sila ni Lola Aura sa labas ng bahay.
Rafael : Huwag ho kayong mag-alala. Gumawa na ho ako kopya ng video, na-save ko na ho sa aking computer.
Lola Aura : Naku pasensya ka na Rafael, pero parang mahirap na yatang makumbinsi pa natin si Catherine na ituloy ang kaso. Gusto na nyang ilibing sa limot ang lahat ng nangyari tungkol kay Martin.
Rafael : Naiintindihan ko ho iyon Lola. Pero papaano naman syang magpapanibagong buhay kung pababayaan nya lang ng ganun 'yon?
Lola Aura : Oo tama ka. Hangga't hindi nya hinaharap at tinatapos, hihilahin sya ng pabalik ng lahat ng ito sa nakaraan. Lahat ng malas at lahat ng trahedyang nangyari sa aming buhay, ay nangyari sa amin mula ng dumating sa buhay namin ang Isadorang 'yan. Hindi na hustisya ang gusto ko para sa aking apo. Alam ko masama pero madalas naiisip ko Rafael, panahon na para pabagsakin din ang Isadorang 'yan. Galit na ako. Gusto ko nang lumaban. Rafael... Rafael tulungan mo ako.
Rafael : Pero papaano ho?
Lola Aura : Alam mo noong araw, hindi ko lubos na kinilala ang kaaway ko. Pero napag isip-isip ko ang mga taong katulad ng Isadorang yan, hindi maaring mawalan ng sekreto at baho kasi hindi sya patas kung lumaban. Kailangan ang sarili nyang baho ang magpabagsak sa Isadorang yan!
- Napaisip ng malalim si Rafael sa mga sinabi ni Lola Aura.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP