Tuesday, August 19, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 26

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Asikasong asikaso ni Rafael si Catherine sa kanilang bahay bakasyunan
Rafael : Hi Catherine! Kumusta ang tulog mo?
Catherine : Okey lang
Rafael : Nakapahinga ka naman? (tumango ang byuda) Kung gusto mo magpasyal tayo sa bayan. Ikut-ikot tayo sa bayan. Gusto mo?
Catherine : Salamat Rafael pero hindi na muna. Gusto kong mapag-isa sana muna.
Rafael : O sige, pero kung kailangan mo ako, tawag ka lang nandyan lang ako sa tabi tabi.
-Iniwan ni Rafael si Catherine para mapag-isa. Nilapitan si Catherine ng katiwala at kinumusta.

Nagtext si Rafael kay Louela para ipaalam na nasa Tagaytay sila ni Catherine.
Lola Aura : Mabuti naman. Hindi sila patatahimikin ng mga pangit na balita rito.
Louela : Sana matauhan na si Catherine ano Lola? Sana mapansin naman niya si Rafael.

Nakipagkwentuhan kay Catherine ang katiwala.
Katiwala : Matagal na kami dito. Yung isang babae (itinuro kay Catherine) doon kapatid ko. Ampon kami ng mga magulang ni ma'am Estelle. Iniwan kami ng nanay namin doon sa labasan. Ewan ko kung bakit - kahirapan? Hindi kayang magpalaki ng mga anak?
Catherine : Ako rin po, iniwan ng nanay ko noong bata pa lang ako. Mabuti na lang at nandyan ang lola ko.
Katiwala : Eh sa amin naman, kahit walang magulang - mabuti may mga Torralba. Eh ganun naman ang buhay sabi nila - may mawawala, may dumarating.
Catherine : Ganyan rin ho ang sinabi ng nanay ko bago sya namatay
Katiwala : Ma'am, kung anuman yung problema mo, kung minsan hindi masamang aminin na mahina tayo. Nakikita ko sa mga mata mo - mabuti kang tao. Yun lang nga sobrang nasaktan. Ang anumang dinadala mo - itaas mo lahat sa Diyos, isuko mo lahat sa Kanya. Tamo makikita mo rin ang tamang daan.

Sa Dela Rhea mansion, kumakain sina Miguel at Scarlet.
Miguel : We need to talk
Scarlet : About what? Anything under the sun? Sweet naman natin. (nakangiti)
Miguel : Huwag ka nang sarcastic. Ayoko na ng away.
Scarlet : So na-realize mo rin na mahirap makipagtikisan sa akin? Miguel (hinawakan ang kamay ng asawa) puede ka namang bumalik dito anytime.
Miguel : Matagal ko itong pinag-isipan, paulit -ulit, I'm filing for annulment
Scarlet : (binitawan ang kamay ni Miguel) Papaano si Maggie?
Miguel : Maiintindihan din nya. Hindi naman natin sya pababayaan e.
Scarlet : (nangingilid ang luha) Iyan na ba talaga ang gusto mo?
Miguel : Gusto ko nang maging maligaya.
-Sobrang nasaktan si Scarlet sa sinabi ni Miguel

Ipinaalam ni Miguel kay Isadora ang desisyon niyang ipa-annul ang kasal nila ni Scarlet. May hawak na namang wine glass si Isadora.
Isadora : Annulment? Eh papaano na ang pamilya mo? Ang anak mo?
Miguel : (in a sarcastic tone) Iyan ba talaga ang inaalala nyo? Kailan pa kayo naging advocate ng pagiging buo ng isang pamilya? Nakapagdesisyon na ako.
Isadora : Eh papaano ang lahat ng pinaghirapan mo sa Dela Rhea Foods? Papaano na lahat ang pinuhunan mo?
Miguel : Anong pinuhunan? Pinuhunan? Ang tingin ko kasi doon - pambayad lang sa mga utang nyo sa kanila e.
Isadora : Matagal na tayong bayad sa kanila.
Miguel : Oh really? Thank God! Bago pa ako makumpromiso at maipambayad nyo ulit sa utang nyo sa kanila, pinuputol ko na ang ugnayan ko.
Isadora : Mayabang ka nang magsalita ngayon ha. Aber, saan ka pupulutin pagkatapos ng annulment? Saan ka magtatrabaho?
Miguel : Bahala na. Kahit anong trabaho tatanggapin ko, huwag lang ako makisama kay Scarlet.

Igina-guide naman ni Winnie si Scarlet sa pagpapatakbo ng Dela Rhera Foods Inc. Napansin ni Winnie na tila may malalim na iniisip si Scarlet.
Winnie : May problema ka ba?
Scarlet : Tita, kung hindi na ba masaya sa iyo ang asawa mo, will you let him go?
Winnie : Of course! I don't wanna be unfair.
Scarlet : (naiiyak) Kahit mahal mo sya?
Winnie : Exactly the point why I'm letting him go, dahil mahal ko sya. I want him to be happy.
Scarlet : (pinahid ang luha) Bakit para sa akin hindi ganun? (kasi sakim ka magmahal - Betcha) Para sa akin isang malaking katangahan yan. Kung hindi nya kayang maging masaya sa akin, bakit ko sya hahayaang maging masaya sa piling ng iba?

Tinawagan ni Estelle Torralba si Miguel.
Estelle : Naku Miguel! Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam si Rafael. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta.
Miguel : (driving) E tinatawagan ko nga din ho sya sa cellphone nya, hindi ko makontak. Tumawag ako sa condo nya, wala ring sumasagot. Sa opisina naman, hindi daw pumapasok. Wala ho bang ibinilin sa inyo?
Estelle : Wala. Have you been watching the news?
Miguel : Hindi pa po Tita, bakit ano po ang balita?
Estelle : Naku! Huling huli sila magkasama ni Catherine. Saan naman kaya nya kinaladkad ang anak ko?

Asar na kinausap ni Toby si Sofia nang makita na nandun na naman si Jonas, kumakain.
Toby : Sofia, hindi mo sa akin sinabi may bago pala tayong boarder dito.
Jonas : Pare may problema ba?
Sofia : Jonas just ignore him.
Toby : Totoo naman e. Ang aga-aga nandito ka na. Dito ka na kumakain ng almusal, tanghalian, meryenda, hapunan, kulang na lang pati pagligo mo dito na e. Wala ka bang pamilya?
Sofia : TOBY!
Toby : Dito ka na lang tumira
Jonas : (tumayo) Pare bakit kaya hindi na lang ikaw ang umalis? Ako ang titira dito.
Toby : Ah ganun? IKAW ang umalis! Ang sikip sikip dito e
Jonas : Pare alam mo sobra ka na e. Ha?
-Lumapit si Jonas at itinulak si Toby. Susuntukin sana ni Toby si Jonas pero pumagitna sa kanila si Sofia.
Sofia : Ano ba? Sige MAGPATAYAN KAYO! BAHALA KAYO SA BUHAY NYO!
-Kinuha ni Sofia ang bag, at lumabas ng bahay. Sinundan ni Jonas si Sofia.

Pumunta sa Dela Rhea Foods si Miguel at ipinabibigay sa secretary niyang si Carmen ang ginawang resignation letter kay Scarlet. Nalungkot ang sekretarya ni Miguel. Hindi namalayan ni Miguel ang paglapit ni Scarlet, may kasamang lalaki.
Scarlet : Tamang tama Miguel nandito ka. Meron akong ipapakilala sa iyo. Miguel Castillejos, ito si Arnold Tanchanco - siya ang bagong Senior Vice President ng Dela Rhea Foods.
Miguel : (kinamayan si Mr. Tanchanco) Congratulations! That's good at least personal ko nang iaabot sa iyo ang resignation letter ko.
Scarlet : Hindi na kailangan Miguel. Ako mismo ang nag-ayos kahapon sa HR nyan. Hindi mo kailangan magresign, because I fired you Miguel.

Papasok sana sa kwarto ni Catherine si Rafael, pero nakita niyang umiiyak at taimtim na nakikipag-usap si Catherine sa Diyos.
Catherine : Isinusuko ko ang lahat ng masama sa akin. Hindi na po ako magpapadala sa kumunoy ng galit o kasamaan. Hindi ko rin ipinapangako sa inyo na talagang magbabago ako, pero susubukan ko po. Susubukan ko alang-alang sa mga taong nagmamahal sa akin. Diyos ko, isa lang ang hinihiling ko sa inyo. Kaya kong isuko ang lahat pati ang sarili ko, pero bakit hindi ko ho maisuko si Miguel. Hindi ho ba kayo ang Diyos? Hindi ba puedeng tanggalin nyo na sya sa puso ko? Ayoko nang mahalin si Miguel, huhuhu! ayoko na syang mahalin.
-Nalungkot si Rafael sa narinig na si Miguel pa rin ang nasa puso ni Catherine.

Kinagabihan. Nakita ni Catherine na umiinom ng alak si Rafael at tila malalim ang iniisip.
Catherine : Bakit? Rafael
Rafael : Catherine hindi ako nanunumbat. Hindi rin ako nagbibilang. Pero kulang pa ba? Kulang pa ba ang ginagawa ko para sa iyo, para mapatunayan ko sa iyo na mahal na mahal kita.
Catherine : (naiiyak) Hindi. Hindi Rafael, sobra-sobra! Alam mo yun... sobra pero kung minsan nakakalunod. Nalulunod ako Rafael. Nalulundo ako sa kabutihan mo, sa pagmamahal mo. Kaya sa tuwing gustong kitang mahalin at minamahal kita... mas lalo kong gustong lumayo sa iyo. Dahil nakikita ko lalo yung KAKULANGAN KO, KAHINAAN KO, ANG LAHAT NG MALI SA AKIN. Naiintindihan mo ba yon Rafael?
Rafael : Naging kasalanan palang naging mabait ako sa iyo. Kailangan pa bang maging katulad ako ng mga lalaking minahal mo para mahalin mo ako? Sabihin mo lang sa akin kung anong kulang, at gagawin ko para sa iyo. Sabihin mo lang sa akin. Iutos mo lang. IUTOS MO LANG CATHERINE, PLEASE! Sabihin mo lang.
-Malungkot na iniwan ni Rafael ang luhaang si Catherine.

Sa silid. Malungkot na naaalala ni Catherine ang mga pinagsamahan nila ni Rafael - noong nagtapat ang binata sa kanya ng pag-ibig, kung paano sya dinadamayan nito sa mga problema, hanggang sa pagmamakaawa nito na mahalin nya. (Ay naku Catherine! Hindi ka nakakatuwa sa ginagawa mo sa Rafael ko - Betcha)

Nakipagkita muli si Isadora kay Vernon.
Vernon : May malaking project kami ngayon. Baka gusto mong sumama.
Isadora : Mainit ako ngayon eh.
Vernon : Matagal pa naman ito e. Bago matapos ang taon. Sayang 'to, milyun milyon ang hatian. May kontak ka ba sa Kongreso?
Isadora : Meron. Si Congressman Torralba. Kaso straight yun eh.
Vernon : Masyado talagang mailap ang mga hinayupak na iyon. Masyadong maingat. Lahat tuloy ng shipment namin, apektado. Pag ganyang ng ganyan malamang maghiwa-hiwalay na ang grupo.
Isadora : Gawan nyo na lang ng paraan. Kaya naman yan.
Vernon : Ano ngang paraang? Unless tatakbo ka sa politika at mananalo. Solve na ang problema. Everybody happy.
Isadora : Oo nga ano? Everybody happy
-Natuwa si Isadora, may naiisip na "idea" (siguro si Miguel na naman ang nasa isip nya para isugal, kawawang Miguel - Betcha)

Pinapunta ni Isadora si Miguel sa bahay nya. Umiinom sila ng champagne.
Isadora : Bumalik ka nga doon. Habulin mo yung posisyon mo.
Miguel : Pinatawag nyo ako para lang sabihin yan. Akala ko naman kung anong importante. May pa eme-emergency pa kayo.
Isadora : Eh papaano naman, kailangan ipaglaban mo yung karapatan mo.
Miguel : Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo, ayokong magkaroon ng karapatan at kaugnayan kay Scarlet. Mahirap bang intindihin iyon?
Isadora : Eh ano ngayon ang gagawin mo sa buhay mo, ha? May nalalaman ka pang pa-ana annulment, kita mong gastos-gastos nun.
Miguel : May konti akong naipon.
Isadora : Eh papaano ako? Ang hirap hirap ng buhay ngayon eh. Anak, hindi puedeng wala kang trabaho. May suggestion ako
Miguel : No!
Isadora : Ito naman ang nega pagdating sa akin. Anak iniisip ko ha, bakit hindi kaya pumasok ka sa pulitika. O malapit na ang filing ng mga kandidato. Biruin mo o, Congressman Miguel Castillejos. Huuuh! Ang ganda pakinggan! Tiba tiba tayo nun. Toss toss! di ba?
-Napatingin na lang si Miguel sa ina.

Isinauli ni Miguel ang kotse, pinabibigay niya sa maid ang susi ng sasakyan kay Scarlet. Bumaba si Scarlet nang makitang nandun ang asawa.
Scarlet : Ano namang drama yan Miguel? Hindi ko naman binabawi sa iyo ang sasakyan a.
Miguel : Hindi naman sa akin ito e. Sa Papa mo yan.
Scarlet : Arte arte, puro ka pride.
Miguel : Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Hinihintay ko na lang yung lawyer ko. Gusto ko lang ipaalam sa iyo, itutuloy ko yung annulment case natin.
Scarlet : Talaga? Ang sabi sa akin ng Mommy mo, wala pa sa 300,000 ang laman ng savings mo. Saan ka naman makakarating with that Miguel? Napakamahal magpa-annul.
Miguel : Kahit magkandakuba ako katatrabaho. Itutuloy ko ang annulment case.
Scarlet : Napakayabang mo. Kung magsalita ka parang naging impyerno ang buhay mo sa akin dito ah. Ngayon lang, mare-realize mo rin na without me, you're nothing.
Miguel : Dela Rhea ka nga. Manang mana ka sa Papa mo.
Scarlet : Dahil yun ang totoo. Dahil wala kang kwenta. Dahil wala kang sinabi. Tandaan mo Miguel - maghihirap ka, gagapang ka pabalik dito, luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka para lang tanggapin kita ulit.
Miguel : Kumain ka na! Gutom lang yan.
-Lumabas na si Miguel ng mansion. Naiyak sa galit si Scarlet.

Habang naglalakad sina Louela at Lola Aura ay panay ang ubo ng matanda.
Louela : 'la kagabi pa yang ubo nyo ah. Tara sa center magpatingin po tayo.
Lola Aura : Hindi na. Wala lang ito.
Louela : 'la ano bang wala lang yan? Baka kung ano na po yan eh. Ito ngang mga nakaraang araw palagi na lang kayong matamlay.
Lola Aura : (hapung-hapo sa kauubo) Hay naku! Hay naku! Sino ba naman ang hindi tatamlay sa mga nangyayari kay Catherine. Louela, (umiiyak na niyakap si Louela) awang awa na ako sa apo ko.

Paalis na sina Catherine at Rafael sa bahay bakasyunan ng mga Torralba. Niyakap ni Catherine ang katiwala nang magpaalam, at magiliw na kinausap ang ibang tauhan ng bakasyunan. Kinausap ng katiwala si Rafael at biniro
Katiwala : Naipasok na lahat ng gamit nyo dyan.
Rafael : Okey ho.
Katiwala : Dalas dalasan nyo naman ang pagdalaw dito, at sana pagbalik nyo... sana napasagot nyo na ng matamis na oo si ma'am.
Rafael : Manang kayo naman
Katiwala : Hay naku nasubaybayan ko yang paglaki mo. Para tayong pamilya dito eh. Halata naman may pagtingin ka sa kanya, di ba?
Rafael : Alam nyo Manang, talagang magkaibigan lang kami ni Catherine. E alam ko na ho yun. Malinaw na po sa akin na ganun lang kami.
-Nagpaalam na si Rafael sa katiwala.

Lola aura : Alam mo madalas... madalas iniisip ko sana maaring ibalik ang panahon. Siguro pipiliin ko yong munting bata pa lang si Catherine - makulit, masaya, punong-puno ng buhay. Alam mo ni sa guni-guni hindi ko naisip na hahantung ang lahat sa ganito - na ipagtatabuyan sya, pag-uusapan sya dahil laman sya ng mga pangit at mapanirang balita. Ang gusto ko lang naman eh, maging tahimik at masaya ang buhay ng apo ko. Napakasimpleng kahilingan pero parang kay hirap abutin.

Pauwi sa Maynila mula Tagaytay ay tahimik na nagmamaneho si Rafael.
Catherine : Galit ka pa ba? Rafael hindi ko sinasadya na
Rafael : Huwag na nating pag-usapan Catherine. (hinawakan ang kamay ng byuda na kasama) Hindi na ako galit. Kaya ko lang naman ayaw pag-usapan e, dahil... dahil nahihiya ako, yun lang.
Catherine : I'm sorry

Nag-aabang ng masasakyan si Miguel. May nakakita sa kanya na kakilala, pinarahan siya nito
Man : Miguel! Miguel Castillejos what are you doing here? Wala ka bang sasakyan? Nasaan ang sasakyan mo?
-Hindi sumagot si Miguel

Pumunta si Mang Rolando sa bahay ng byenan na si Lola Aura, may dalang pasalubong pero walang tao sa bahay. Nang makita na paparating sina Rafael at Catherine ay iniwan na lang ni Mang Rolando sa upuan sa harap ng bahay ang pasalubong nya. Nagtago sa di kalayuan si Mang Rolando, nakikita at naririnig nya ang pag-uusap ng anak at ni Rafael.
Rafael : O sige mauuna na ako. Ay oo nga pala, meron pala akong opening sa aking law firm. Puede ka doon. (hindi sumagot si Catherine) Okey. E parati mo naman yatang nire-reject yung mga offer ko sa iyo. Ginagawa mo yatang hobby.
Catherine : Rafael, huwag sanang sumama ang loob mo kung palagi kung tinatanggihan ang mga alok mo sa akin. Kaya lang kasi ayokong abusuhin ang kabaitan at kabutihan mo sa akin.
Rafael : Ikaw naman. Magkaibigan tayo, di ba? Abusuhin mo na ako. Ganun talaga 'yon.
Catherine : (hawak ang mga kamay ni Rafael) Hindi lang kita kaibigan Rafael. Ikaw ang pinaka-mabuti kong kaibigan. Ikaw ang bestfriend ko. At ayokong mawala ka sa buhay ko. Baka kasi balang araw, mapagod ka, mawala ka pa. Alam mo ba Rafael, hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung wala ka. Ikaw ang pinakamalaking biyayang binigay ng Dyos sa akin.
- Nagyakap ang magbestfriend. (Huhuhu! Nakikisimpatiya ako sa iyo Rafael, ang sakit sakit talaga pag bestfriend mo ang mahal mo, tapos hindi kayo puede kasi masisira ang friendship. Huhuhu! Ang saklap! ... ay ano ba yan... naka-relate ako hahahaha!- Betcha).

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP