Tuesday, August 19, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 25

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Nang wala nang lagnat ang si Catherine ay biniro ni Louela ang kaibigan.
Louela : Ibang klase rin ang trip mo 'no? Ginawa mong tambayan yung puntod ni Sir Martin.
Catherine : Wala kasi akong ibang mapuntahan eh. Hanggang ngayon kahit wala na si Martin, siya pa rin ang tinatakbuhan ko. Kahit na sa tingin ng maraming ako yung pumatay sa kanya.
Louela : Wala kang kasalanan. Ang dapat makunsensya ay kung sino ang gumawa ng kwento na may lalaki ka.
Catherine : Paano mo nalaman yung tungkol sa video?
Louela : Ha? Ahm narinig ko kay Rafael, noong ano ... nung nagkwento sya kay Lola nang nangyari... yun.
Catherine : Eh wala naman si Rafael nung pinakita sa akin ang video ah.
Louela : Malay ko! Ah siguro kay Miguel, yun na yon.
Catherine : Alam mo nitong mga nakaraang araw, iniisip ko sana ... sana mamatay na lang ako. Hindi naman kasi yung pera o yung nawalan ako ng mana ang iniiyakan ko eh. Kundi para bang nauulit lang yung dati, yung nadehado na naman ako. Inaapi na naman ako. Talo na naman ako.
-Hinawakan ni Louela ang kaibigan, nakikisimpatiya sya dito.

Lumipat na sa sariling apartment si Miguel. Magkausap sila ni Sofia.
Sofia : Hindi ako makapaniwala kuya. I thought that video was strictly confidential, usapang pamilya, maselan ang laman. May ibang motibo si ate Scarlet kuya.

Kinakausap ni Scarlet ang larawan ng ama.
Scarlet : Ang daming dumating na press kanina Papa. Ang daming naka witness sa sa last will mo on video. Lahat sila na-shock, don’t think na ine-exploit kita ha? Pero iyon lang ang paraan para malinawan silang lahat. I fulfilled my promise Papa. Naipaghiganti na kita sa asawa mong salot. Bukas, lugmok na si Catherine at hindi na nya kakayaning bumangon pa.

Kumakain ng almusal sina Rafael at Mang Rolando. Nagbabasa ng dyaryo si Rafael, napapakunot ang noo nito habang nagbabasa - "Dela Rhea Heiress... A Murderer" may larawan pa ng kasal nina Martin at Catherine. Nagtataka si Mang Rolando sa reaksyon ni Rafael sa binabasa. Ipinakita ni Rafael kay Mang Rolando ang newspaper, nagulat si Mang Rolando.

Galit na sinugod naman ni Miguel ang asawa sa mansyon, may dalang newspaper.
Miguel : Nakita mo na ba yan?
Scarlet : Gusto mong mag-breakfast?
Miguel : Hindi ako nagpunta dito para makikain. Ano itong ginawa mo ha? Naninira ka ng buhay ng may buhay. Iyan ba ang gusto mong mangyari? Masaya ka na? Ha?
- Masaya naman si Scarlet sa nakita sa dyaryo. Kumuha pa ng ballpen at nilagyan ng sungay ang larawan ni Catherine sa dyaryo.

Maaga pa lang ay paalis na si Louela para maghanap ng trabaho
Lola Aura : O saan ka pupunta?
Louela : Sa Timog ho, may opening daw po doon eh. Baka sakaling matanggap ako.
Catherine : Pati ba naman ikaw tinanggal sa kumpanya?
Louela : Of course! Alangan namang nandun pa rin ako pero wala ka na.
Catherine : Sino na ba ang namamahala sa kumpanya? Si Miguel?
Louela : Hindi. Si Scarlet ang pumalit na presidente. Catherine may sasabihin ako sa iyo.
Catherine : Ano iyon?

Patuloy sa pagkain si Scarlet habang si Miguel ay galit na galit
Miguel : Gawan mo ito ng paraan. Bawiin mo ito sa press.
Scarlet : Are you talking to me?
Miguel : Scarlet tigilan mo na ito ha, nabubwesit na ako sa iyo.
Scarlet : (tumayo) Ako yung nakakabwesit? Sandali ha, kasi tingnan mo o, I was just having a good breakfast tapos dadating ka. Sumisigaw ka Miguel, nagwawala ka, tapos ako yung nakakabwesit? Miguel, hindi ko puedeng pigilan ang freedom of the press. Sasabihin ko sa iyo - presidente ako ... pero ng Dela Rhea Foods, hindi ng buong Pilipinas. (sasampalin sana ni Miguel si Scarlet) Sige! subukan mo!
Miguel : Inaaksaya ko lang ang panahon ko sa pakikipag-usap sa isang katulad mo na walang kwenta.
-Umalis na si Miguel.

Sinabi ni Louela kay Catherine ang tungkol sa video
Catherine : So, ibig mong sabihin marami na ang nakakaalam sa video na yan?
Louela : Buong Dela Rhea Foods nasa assembly. May press pa nga eh. Lahat kami nagulat.
-Biglang dumating si Rafael. Ipinakita ang nasa newspaper.
Lola Aura : Napakamalisyosang balitang naman yan.
Louela : Sigurado ako, binayaran yan ni Scarlet.
Catherine : Hindi naman ako naghahabol sa kanila eh. Bakit kailangan pa nilang gawin sa akin ito?
Rafael : Catherine kailangan magbihis ka na. Haharapin natin sila.
Catherine : Rafael, anong sasabihin ko? Mapapahiya lang ako sa kanila.
Rafael : Kaya nga ako nandidito e.
Catherine : Ayokong madamay ka pa. Ayokong mapasama ka sa gulo.
Rafael : Catherine hindi ka puedeng umatras ngayon. Kailangan nating lumaban. Pangalan mo ang nakataya rito.

Sa bahay ng mga Torralba. Kumakain ang mag-asawang Enrique at Estelle. Nagbabasa ng dyaryo si Estelle.
Enrique : Ano bang nangyayari sa mga anak natin? Matagal ko na silang hindi nakikita dito.
Estelle : Si Toby, midterms na. Si Rafael naman maraming kasong hinahawakan, bising busy sya.
Enrique : Malapit na ang eleksyon. Hindi puede sa akin ang pagka busy nilang yan, kailangang tumulong sila sa kampanya.
Estelle : Alam na nila iyon. (nabasa ang balita tungkol kay Catherine) Oh my God!
Enrique : Bakit?
Estelle : Ang laking eskandalo. Nakakahiya.
-Ipinakita ni Estelle sa asawa ang nasa balita.

Kausap ni Isadora ang isang kaibigan. Nagtatanong ang babae ng tungkol sa nabasa sa dyaryo.
Friend : Totoo ba ang tsismis? Talagang namatay sa atake sa puso si Mr. Dela Rhea dahil nalaman nyang pinipendeho sya ng misis nya? Hoy! Caught in the act ba?
Isadora : Bawasan mo ng dyes mil yung utang ko sa iyo. Malalaman mo yung juicy information.
Friend : Walanghiya ka talaga
Isadora : O ano?
Friend : Sige na nga! Alang alang sa tsismis.
Isadora : Hahahaha! Minus ten thousand ha
Friend : Okey, game!
Isadora : AKO ang nagsabi kay Martin tungkol sa panlalalaki ng asawa nya. Nalaman ng balae ko dahil sa akin.
- Narinig lahat ni Mang Rolando ang sinabi ni Isadora.

Umaga na dumating si Isadora sa bahay. Nagbilin ito sa kasambahay na huwag siyang gigisingin kasi puyat sya. Lumabas ng gate ang isang kasambahay para magtapon ng basura, nakatalilis si Mang Rolando at nakapasok ng bahay. Umakyat si Mang Rolando at pumasok sa kwarto ni Isadora, ini-lock ang pintuan. Padating naman si Sofia kasama si Jonas. Naiwan sa labas ng bahay si Jonas. Pumasok si Sofia kasi may papipirmahan siya sa ina. Sinabi ng maid na nasa kwarto si Isadora. Nang lumabas ng banyo si Isadora ay kaagad tinakpan ni Mang Rolando ang bibig ng babae.
Mang Rolando : Subukan mong sumigaw. Ipagsisigawan kong anak ko si Sofia.
- Nakawala si Isadora sa pagkakahawak ni Mang Rolando. Sweet sila hihihi! nagbubulungan ng mga galit nila sa isa't isa
Isadora : Anong ginagawa mo dito, hayup ka?
Mang Rolando : Ikaw ang hayup. Sinira mo ang anak ko kay Martin dela Rhea.
Isadora : Wala akong kinalaman doon. Bakit ba ako ang pinagbibintangan mo?
Mang Rolando : Dahil ikaw lang may sikmura na makakagawa ng ganun. Hwag kang magkaila, rinig na rinig ko.
- Tatakbo sana si Isadora pero nahawakan siya ni Mang Rolando. Inihiga ni Mang Rolando sa kama si Isadora at sinakal
Mang Rolando : Lubayan mo ang anak ko!
-Nagpupumiglas si Isadora. Paakyat naman si Sofia ng hagdanan para puntahan ang ina sa silid nito.
Mang Rolando : Huling babala ko na ito. LUBAYAN MO ANG ANAK KO!
Sofia : Ma! Mommy may ipapipirma lang po ako.
-Kumakatok si Sofia. Nataranta si Mang Rolando, tumakas ito sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana. Nakita naman ng naghihintay na si Jonas ang patakas na si Mang Rolando. Umuubo na binuksan ni Isadora ang pintuan, nagulat si Sofia nang makita ang ina.
Sofia : 'ma anong nangyari sa iyo?
Isadora : May lalaking nakapasok. Tumalon sa bintana.
Sofia : Magnanakaw ba? Namukhaan nyo po ba 'ma?

Nakuha na ng tuwang tuwang si Toby ang classcards niya. Ipinakita sa kaibigan.
Toby : Pare, anong ibig sabihin nito ha? Uno! UNO! Uno! Puro uno pare.
Pare : Pare plasma tv
Toby : PS3, DVD player
Pare : Entertainment showcase pare!
Toby : Pare, ipapakita ko lang kay kuya ito ha. Babalik ako.

Maraming press na dumating sa Dela Rhea Foods. Si Winnie ang kumausap muna sa press, humihingi ng pasensya kasi malelate daw si Mrs. Castillejos. Sinabi ng mga press na maghihintay sila. Sabay na dumating sina Miguel at Scarlet. Ini-interview na si Scarlet.
Scarlet : Truth? Anong katotohanan pa ba ang gusto ninyong malaman? Ito lang ang naiwan ng Papa ko kaya I won't say anything more.
Press 1 : So, nasaan po ngayon si Ms. Catherine dela Rhea? Dahil marami po kaming balita na wala na raw po sya, patay na daw po.
Scarlet : Dead? At sinong pumatay, ako? Hahahaha! Imposible yan. Malamang nandyan lang yan sa tabi tabi, naghahanap ng bago nyang magagatasan.
-Hindi nagugustuhan ni Miguel ang mga sinasabi ng asawa. Biglang dumating si Catherine, kasama ang abugado niyang si Rafael. Nagsilapitan kay Catherine ang mga taga media. Nagulat si Scarlet pagkakita kay Catherine.

Nakabalik na sa bahay ni Rafael si Mang Rolando. Naiiyak na naiisip ang mga pangyayari sa buhay nya :
- Ang huli nilang pag-uusap ni Catherine - sinusumbatan siya ng anak sa hindi pagiging mabuting ama.
- Nang sinabi ni Lola Aura na wala siyang naging silbi sa buhay ni Catherine.
- Nang sinabi ni Sofia na kung magkakaama siyang muli ay sana kasingbait nya.

Dumating si Toby sa bahay ni Rafael at nakita niya ang umiiyak na si Mang Rolando.

Sinampal ni Catherine si Scarlet. Gumanti si Scarlet. Inaawat ni Miguel si Scarlet, inaawat naman ni Rafael si Catherine. Galit na galit na pinaghahampas ni Catherine si Scarlet. Pasigaw namang tumatawag ng guard si Scarlet para palabasin si Catherine.
Catherine : WALA AKONG KINUKUHA SA INYO! PINABABAYAAN KO KAYO, NI SINGKO WALA AKONG KINUKUHA SA INYO!
Scarlet : INILALABAS KO LANG KUNG ANO ANG TOTOO, DAHIL MAMAMATAY TAO KA! YOU KILLLED MY FATHER!
Catherine : KUNG MERON MAN AKONG GUSTONG PATAYIN, IKAW IYON SCARLET! IKAW IYON!
-Pinapapalabas ni Scarlet sa mga guard si Catherine.

Pinagagalitan ni Isadora ang mga kasambahay.
Isadora : Ano ba kasi ang pinaggagawa nyo rito ha? Mamamatay na ako lahat doon sa itaas, hindi nyo pa alam.
Sofia : Ma, dapat ireport nyo yan sa pulis. Baka balikan kayo ng lalaking yun
Jonas : Sigurado ho ba kayong wala kayong namumukhaan?
Isadora : Nakatakip yung mukha eh... at saka ang gulo eh... hindi ko na nakita
Jonas : Kasi parang may nakita ho akong lalaki na lumusot ho doon sa bintana ninyo e. Hindi lang ho ako sigurado, pero parang si Mang Rolando ho e.

Toby : Mang Rolando, ano ho ang nangyayari? Nasaan ho si kuya?
Mang Rolando : Toby tulungan mo ako. Kailangan kong makalayo.
-Nagring ang phone ni Toby. Si Sofia ang tumatawag, tinatanong kay Toby si Mang Rolando. Paalis sana si Mang Rolando.
Toby : Mang Rolando saan ho kayo pupunta?
Mang Rolando : Huwag mo akong ibalik sa kulungan. Nakiki-usap ako, huwag mo akong ibalik sa kulungan.

Isadora : Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kasi sabi ni Toby magkasama raw sila ni Rolando ngayon.
Sofia : Saka ang bait bait ni Mang Rolando. Bakit naman nya gagawin iyon kay Mommy?
Jonas : Hindi ko lang ho sigurado, baka siguro namalikmata lang ako.
Sofia : Kung ganun sino? Wala namang kaaway si Mommy eh.
Maid : Ma'am huwag ho sana kayong magagalit. Eh sa dami ho ng mga galit na tao na naniningil dito, baka isa ho iyon sa pinagkakautangan ninyo.
Isadora : (ginaya pa ni Isadora ang pagsasalita ng maid) Ma'am huwag ho sana kayong magagalit... hinihingi ko ba ang opinyon mo ha? Ibalik kita sa bundok na pinanggalingan mo eh. Hala Alis!
Sofia : That's mean 'ma
Isadora : That's mean 'ma ... naku sa mga nagyayaring gulo ngayon ano, wala na akong panahon sa good values and right conducts. Nakitang pinapatay na nga ako. (sabay inom ng alak)

Sa Deal Rhea Foods.
Rafael : Huwag ka nang magpapa-interview sa kanila. Pagpipiyestahan ka lang ng mga iyan
Catherine : WALA AKONG PAKIALAM, MAGKALABASAN NA KAMI NG MGA BAHO!
Rafael : Catherine, don't let them do this to you, you're better than that.
-Nakita ni Miguel ang pag-uusap nina Catherine at Rafael. Tinanong ni Rafael kung ready na si Catherine na lumabas. Binuksan ni Rafael ang pinto, lapitan kaagad ang mga press. Pinuprotektahan ni Rafael si Catherine. Tila naninibugho si Miguel sa nakitang pag-aalaga ni Rafael kay Catherine.

Nag-aalala naman si Lola Aura at Louela dahil hindi pa nakakabalik sina Rafael at Catherine. May kapitbahay na tumawag sa nagdaraan na sina Lola Aura at Louela, sinabi na nasa TV si Catherine. Nakita ni Lola Aura at Louela sa TV ang eksena na naganap sa Dela Rhea Foods, Inc.

Napanuod rin ng ina ni Rafael ang pinapalabas sa TV
Estelle : Oh my God! That's my son.
Enrique : At nadadamay na naman sa babaeng yan. Tawagan mo si Rafael. Tawagan mo ang mga anak natin.

Habang nagmamaneho si Rafael, tahimik namang lumuluha si Catherine.
Rafael : Hwag kang mag-alala Catherine, aayusin natin ito. Tutulungan kita.
Catherine : Hindi ako dapat tinutulungan.
Rafael : Anong gusto mong gawin natin?
Catherine : Gusto kong lumayo. Gusto kong pumunta sa malayung malayo. Kahit saan... kahit saan basta malayo.

Mang Rolando : Tulungan mo ako Toby, kailangan kong makalayo. Ipapadampot ako ni Isadora. Ayokong bumalik sa bilangguan.
Toby : Ano ho ba talaga ang nangyari kanina? Bakit nyo sya sinaktan?
Mang Rolando : Hindi ko sinasadya. Tatakutin ko lang sya pero nagdilim ang paningin ko.
Toby : Ano ho ba kasi ang kasalanan ni Tita sa inyo?
Mang Rolando : Nakita mo ba ang dyaryo ngayon? Laman si Catherine - nililibak at hinuhusgahan ang anak ko. At lahat yan ay nag-umpisa kay Isadora. Kung anu ano ang sinabi nya kay Sir Martin. Sobra nang paninira ang ginagawa nya sa anak ko. Wala na bang katapusan ang kaapihan ni Catherine? (lumapit kay Toby) Sana maintindihan mo ako Toby. Ama lang ako. AMA LANG!

Nagtatalo na naman sina Miguel at Scarlet. Nagsisigawan na naman sila.
Scarlet : Pati yung palabas sa TV. Bakit sa akin mo sinisisi Miguel? Ako ba ang may-ari ng network na iyon, ha?
Miguel : Puede ba tigilan mo pagiging sarcastic mo? Nakakasawa na e.
Scarlet : Kung nagsasawa ka eh di umalis ka. Ako nai-stress ako sa iyo.
Miguel : Talagang aalis kami. Isasama ko si Maggie.
Scarlet : Hindi! Dito lang si Maggie. Kailan ka pa nagdesisyon, ha Miguel?
Miguel : Bakit hindi? May karapatan ako sa kanya, ako ang ama nya.
Scarlet : Walang aalis!
Miguel : Yaya! Yaya! Si Maggie
-Bumababa ng hagdanan si Maggie kasama ang yaya.
Scarlet : Maggie hindi ka aalis, dito ka lang kay Mommy.
-Kinarga ni Miguel ang anak. Kinuha ni Scarlet ang anak kay Miguel. Nag-agawan ang mag-asawa sa anak. Nakuha ni Scarlet ang bata.

Dinala ni Rafael si Catherine sa bahay bakasyunan nila. Masaya silang sinalubong ng katiwala. Ipinakilala ni Rafael si Catherine. Inakala ng katiwala na nag-asawa na si Rafael, pero sinabi ni Rafael na kaibigan lang niya si Catherine.
Rafael : Medyo malaki lang ho ang problema niya
Katiwala : Kaya pala parang wala sa sarili. Nakakaawa naman.
-Ipinaghanda ng katiwala ng pagkain ang mga bagong dating. Nilapitan ni Rafael si Catherine.

Gabi. Nasa silid ng anak si Miguel, malungkot na pinagmamasdan ang natutulog na si Maggie. Si Catherine ay nakahiga sa kama, subalit malayo ang nilalakbay ng isipan. Pinagmamasdan ni Rafael ang babaeng iniibig. Palihim na pinagmamasdan ni Scarlet ang kanyang mag-ama, kapagkuwa'y pumasok sa kanyang silid at malungkot na umupo sa kama.

Si Catherine, si Rafael, si Scarlet, si Miguel... lahat sila ay may kalungkutan na namamahay sa kanilang mga puso.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP