Tuesday, August 19, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 24

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Nakalaya na si Vernon Fuentes. (Si Vernon ay iyong front man ng mga smuggling lords na nagbanta kay Rafael, na babalikan niya ang abugado) Nagkita sila ni Isadora Castillejos. Tinanong ni Isadora kung paano nakalaya si Vernon, kung parolado daw ito. Sinabi ni Vernon na meron siyang "backer" na naglabas ng malaking pera makalaya lamang siya. Kinumusta ni Vernon kay Isadora ang abugadong nagpakulong sa kanya - si Atty. Rafael Torralba.

Nang dumating si Scarlet sa mansion ay may nakita siyang mga bulaklak na nakalagay sa table, nagustuhan nya ito at inamoy-amoy pa ito. Biglang lumabas si Isadora na siya palang may dala ng mga bulaklak.
Isadora : Nagustuhan mo ba?
Scarlet : (tinawag ang katulong) Manang! Manang! Pakilabas nga itong mga bulaklak, parang may burol na naman dito.
Isadora : Come on Scarlet! Ano ka ba? Hanggang kailan ka ba magagalit sa akin?
Scarlet : Habang buhay
Isadora : Iha you don't mean that. I heard ikaw na ang magpapatakbo ng kumpanya ng Papa mo. O mangangapa ka nyan. Puede kitang i-guide sa negosyo.
Scarlet : No thanks. Kaya ko na. Ang gusto ko kasi, palaguin ang kumpanya ni Papa. Palaguin ha, hindi palugihin.

Naaapektuhan na si Maggie sa nangyayari sa mga magulang.
Scarlet : Yaya ano ba ang pinakain ninyo kay Maggie?
Yaya : Ma'am maghapon pong ayaw kumain ni Maggie. Kahit ano pong ihain ko, ayaw nyang kainin.
Scarlet : Kaya naman pala eh. Ikuha mo na lang ako ng gamot, dali!
-Kinausap ni Scarlet ang anak
Scarlet : Maggie, are you okay ha? Nandito na si Mommy. Anong gusto mo?
Maggie : Gusto ko Daddy
Scarlet : Andito naman si Mommy eh, ayaw mo ba kay Mommy?
Maggie : Gusto ko Mommy and Daddy lang, Mommy and Daddy lang
Scarlet : Yaya! Yaya tawagan nyo si Miguel. Sabihin nyo may sakit ang anak nya, papuntahin nyo na lang dito.

Pinatay ni Toby ang switch box kaya nawalan sila ng ilaw sa apartment. Bumaba mula sa kwarto sina Sofia at Jonas. Napansin ni Jonas na may ilaw sa kapitbahay kaya hindi brownout. Tinitingnan ni Toby sina Sofia at Jonas.
Sofia : Oh no! Wala pa si Mang Rolando, saka nagka-trouble. Sandali lang ha kukuha lang ako ng kandila.
Jonas : (hinawakan sa kamay ang dalaga) Teka, samahan kita. Iyong sinabi mo lang kanina na mag-on na tayo, mini-mean mo ba iyon?
Sofia : Nabigla lang kasi ako, ang kulit kasi ni Toby eh. Sorry ha!
Jonas : Wala naman kasing may tutol doon e. (tinitigan si Sofia) I love you!
- Maghahalikan sina Sofia at Jonas, nang makita ito ni Toby ay dali dali niyang ini-on ang switch box kaya nagka-ilaw ulit. Hindi natuloy ang pakikipaghalikan ni Sofia kay Jonas. Lumabas si Toby na tuwang tuwa.
Toby : YES!!! MGA KAPITBAHAY MAY ILAW NA! YES! YOHOOO!

Pinuntahan ni Miguel ang anak.
Maggie : Dito ka lang po ha Daddy ha
Miguel : Di bale, bukas nandito naman ulit ako e.
Maggie : Yeheeey!

Pumunta ulit si Rafael kina Lola Aura
Rafael : Bumalik ho ulit ako. Nagawi na ho kaya si Catherine?
Lola Aura : Wala pa. Hindi pa sya bumabalik.
Rafael : Ano na ho kaya ang nangyari kay Catherine? Kamusta na ho kaya sya?
Lola Aura : Hwag kang mag-alala. Kung noon kinaya nyang magpaikot ng tao, lalung kakayanin nyang alagaan ang sarili nya ngayon.

Nakita ng isang security guard si Catherine sa loob ng musoleo ng mga Dela Rhea. Tumawag ito ng kasama, at sinabing may tao doon na mukhang may sakit at hindi makatayo. Pinatawagan ng security guard ang mga kaanak ni Martin dela Rhea.

Nang paalis na si Miguel ay hinanap nito si Scarlet. Sinabi ng katulong na nasa swimming pool daw si Scarlet (pero wala naman sa swimming pool si Scarlet, tinitingnan nito si Miguel) Ayon sa maid ay pinasasabi raw ni Scarlet na kung aalis na raw si Miguel ay huwag nang magpaalam sa kanya (Scarlet) kasi ayaw sya nitong makita. Ipinagbilin ni Miguel kay "Manang" si Maggie - pinababantayan maigi ang anak. May tumawag sa phone, ibinigay ng isang maid ang telepono kay Miguel.
Miguel : Yes. Ano? Sa puntod ni Papa? Sigurado kayo? Sinong babae?
-Naririnig ni Scarlet ang pakikipag-usap ni Miguel sa phone.

Pumunta si Miguel sa musoleo ng mga Dela Rhea. Nakita nya doon ang kahabag habag ang kalagayan na si Catherine, natutulog. Hinubad ni Miguel ang suot na jacket at ikinumot kay Catherine. Nang buhatin ni Miguel si Catherine, ay medyo dumilat ang babae at nakita niya kung sino ang bumuhat sa kanya. Isinakay ni Miguel sa kanyang kotse si Catherine. Lingid kay Miguel, sumunod pala sa kanya si Scarlet. Umiiyak si Scarlet sa kotse dahil nasaksihan niya ang pag-asikaso ni Miguel kay Catherine.

Habang nagmamaneho ay tinawagan ni Miguel si Rafael (bawal iyan di ba?) Natutulog si Catherine.
Miguel : Hello Rafael! Nasaan ka ba? Kasama ko si Catherine. Saan ko sya puedeng dalhin? Anong address ni Lola Aura?

Ipinasok ni Miguel ang karga-kargang si Catherine sa bahay ni Lola Aura, nadatnan nyang nandun si Rafael. Nagulat si Lola Aura nang makita ang kalagayan ng apo. Inihiga ni Miguel sa kama si Catherine, alalang alala si Lola Aura.
Rafael : Saan mo sya nakita?
Miguel : Tumawag sa akin yung security sa musoleo ni Papa, doon sya natagpuan.
Rafael : (inakbayan ang kaibigan) Miguel salamat!
Lola Aura : Naku! Ang taas ng lagnat ni Catherine, kukuha ako ng tubig. Salamat Miguel! Salamat!
- Nang makaalis na si Miguel, pinuntahan ni Rafael ang babaeng iniibig sa kwarto. Awang awa si Rafael kay Catherine, hinaplos nya ito sa buhok.
Rafael : Gusto mong dalhin kita sa doctor?
Catherine : (nagdedeliryo) Miguel... Miguel
-Labis na nasaktan si Rafael sa naririnig na paulit ulit na pagtawag ni Catherine sa pangalan ni Miguel. Nang bumalik si Lola Aura ay may dala na itong pampunas sa apo, napansin ng matanda na parang maiiyak si Rafael.

Habang nagmamaneho pauwi ay labis labis ang pagluha ni Scarlet, naaalala niya ang nakitang pagbuhat ng asawa kay Catherine.
Scarlet : Magsama kayong dalawa. But I’ll make sure na pagdurusahan ni Catherine ang lahat. Dahil sya ang mahal mo, sisirain ko sya. You’ll be sorry Miguel. You’ll be sorry for loving Catherine.

Nagmamaneho rin si Rafael
Rafael : Alam kong hindi mo sinasadya. Pero ang sakit-sakit nang ginagawa mo Catherine. Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan?

Kumakatok si Mang Rolando sa apartment. Si Toby ang nagbukas ng pintuan
Mang Rolando : Magandang araw! Andyan ba si Sofia?
Toby : Wala ho e, maaga hong pumasok. Sige ho Mang Rolando
-Isasara ni Toby ang pintuan, pero pinigilan ito ni Mang Rolando
Mang Rolando : Toby sandali! May problema ba?
Toby : Bawal na ho kayong pumunta dito. Iyon ho ang bilin ni Tita Isadora.
Mang Rolando : Bakit daw?!
Toby : Iyon ho ang bilin e. Malaki ang atraso nyo sa mga Castillejos. Malaki ang nadispalko nyong pera sa asyenda, at naisanla ang asyenda dahil sa laki ng perang naitakbo nyo.
Mang Rolando : Ako ang dahilan ng pagkakasangla ng asyenda? Naloloko na ba sya? Pamilya ko ang inalisan niya ng matitirhan. (Dumarating si Isadora) Hwag kayong maniwala sa kanya. Kung totoo ang sinasabi nya, bakit pa ako magpapakita dito? BAKIT HINDI NYA AKO IPADAMPOT AT KASUHAN?
Isadora : Iyon naman talaga ang gagawin ko eh. Kapag hindi ka huminto ng pagpunta punta dito Rolando, talagang ipadadampot kita.
Mang Rolando : Napakawalanghiya mo! Kasinungalingan lahat yan. O sige, magkakaalaman na tayo ng sekreto ngayon.
Isadora : (kay Toby) Go to your room, Toby!
-Nang makaalis si Toby. NOW!!!
Isadora : Ano ngayon yung sinasabi mo?
Mang Rolando : Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin.
Isadora : Hay naku Rolando! Nai-stress ako sa iyo, pinipikon mo ako eh. (inilabas ang baril at itinutok kay Rolando) Ngayon, aalis ka ba ng kusa at lalayo o papatayin na lang kita para hindi ko na makita yang bad trip mong mukha?
Mang Rolando : Patayin mo man ako. Alam ko ang totoo.
- Itinaas ni Isadora ang baril, itinutok sa noo ni Mang Rolando at kinalabit - walang bala ang baril. Napaiktad si Mang Rolando. Tumawa na tila nababaliw si Isadora
Isadora : Ang cute cute mo talaga Rolando! Hahahaha! Toby, I'm going!

Sa Dela Rhea Foods, magkausap sina Scarlet at Winnie. Sinabi ni Winnie na nagi-guilty siya. Pero sinabi ni Scarlet na hindi ito kailangan ma-guilty sa ginawa nila, kasi kailangan nilang gawin iyon para matauhan ang Papa niyang si Martin dela Rhea. (nagtransfer sila ng malaking amount (80 million) sa account ni Catherine) Sinabi ni Scarlet na kalimutan na nila iyon kasi meron silang gagawin. Tumanggi si Winnie, kasi hindi na raw niya kayang gumawa muli ng kasinungalingan.
Scarlet : No Tita, I'm taking over the company and I need your guidance, okay?
Winnie : But I promised my family, I'm retiring and besides I can't be anybody’s secretary anymore.
Scarlet : Hindi naman kita gagawing secretary eh. You'll be my consultant, my adviser, ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko.
Winnie : Can you please give me some time to think this over?
Scarlet : No, no Tita kailangan kita at ngayon na. Meron tayong general assembly at press con for Dela Rhea Foods. At hinihintay na nila tayo ngayon.
Winnie : G.A.? Press con? Para saan?

Si Winnie ang nagpakilala kay Scarlet sa mga press. Nandun din si Miguel, Louela at mga empleyado ng Dela Rhea Foods, Inc.
Scarlet : Good afternoon sa inyong lahat na dumating ngayon! Alam ko marami ang naguguluhan at nagtataka sa mga changes na nangyayari sa company. But I am so pleased to announce na, WALA NA SI CATHERINE DELA RHEA. (may nagtanong kung nasaan si Catherine) She’s gone with the wind. At ako bilang nag-iisang anak ni Martin dela Rhea, ang papalit sa naiwang pwesto ng Papa ko. Ah siguro marami sa inyo ang nagtataka pa rin pero ito lang yung way na alam ko para ma-convince ko talaga kayo.
-Ipinapanuod ni Scarlet ang video ng papa niya, bago ito atakehin. Nagulat si Miguel sa ginawa ni Scarlet, maging sina Winnie at Louela ay nagulat sa napapanuod. Umugong ang bulong-bulongan. Galit si Miguel. May nagtanong kung kailan kinunan, kung valid sa courta at kung saan nakuha ang video. Naiiyak kunyari na nagsalita si Scarlet
Scarlet : Nakuha namin ang video na ito sa cellphone ng Papa ko. Ito yung mga personal things na naiwan nya sa hospital. I know it's really really shocking pero, naisip ko na kailangan kong ipakita sa inyo ito para maging malinaw sa inyo ang lahat, hindi po ba? (naiiyak si Louela) Gusto ko lang din siguraduhin na hinding hindi na makakatapak muli dito sa opisina natin ang aking ex-madrasta.

After ng G.A. at Press Con, galit na kinusap ni Miguel si Scarlet
Miguel : WHAT WAS THAT ABOUT? Ginawa mong circus ang video ng Papa mo?
Scarlet : WALA AKONG PAKIALAM. Sinisiguro ko lang na hindi makakatuntong dito iyong walanghiya mong babae.
Miguel : Hindi ko sya babae. Naiintindihan mo? Hindi ko sya babae.
Scarlet : NILOKO nyo ako
Miguel : Alam mo, sawang sawa na ako dito e. Hindi ko na kaya itong ganito. I'm resigning effective today.
Scarlet : Kapag ba nagresign ka dito, magreresign ka na rin bilang AMA ni Maggie?
Miguel : Anong ibig mong sabihin ha?
Scarlet : Kapag ikaw Miguel nagmatigas ka pa. I will file for Maggie's sole custody. Hindi mo na ulit malalapitan ang anak mo. At sinisigurado ko sa iyo Miguel, believe me mananalo ako.

Ikinuwento ni Louela ang napanuod na video kay Lola Aura.
Louela : Kitang kita ko ho Lola. Nandoon iyong huling habilin ni Sir Martin, hanggang sa atakehin sya at mamatay. Kaya pala, ganun na lang kabigat ang dalahin ni Catherine eh.
Lola Aura : At ang lahat ng iyan ay nakita ng mga tauhan?
Louela : Opo. Si Catherine nga po ang sinisisi kung bakit namatay si Sir Martin eh. Hindi ko na nga natiis, nag walk-out ako. Hindi na ako babalik doon Lola. Kinawawa nila si Catherine. Sirang sira na si Catherine, Lola. Kawawa naman yung kaibigan ko.

Nagkita sina Miguel at Rafael.
Rafael : Ni wala kang ginawa para pigilan si Scarlet na hwag ipalabas ang video?
Miguel : Kuya maniwala ka sa akin. Hindi ko alam na may mangyayaring ganun. Ang buong akala ko, ia-announce lang ni Scarlet na siya ang magte-take over ng kumpanya.
Rafael : Wala na akong magagawa. Idedemanda ko ang asawa mo.
-Iniwan ni Rafael si Miguel

Lumapit si Isadora kay Vernon para mangutang.
Isadora : Vernon pasensya na ha, wala na kasi talaga akong matakbuhan eh.
Vernon : Walang kaso yun. Parang wala naman tayong pinagsamahan. (may ibinigay na makapal na sobre kay Isadora)
Isadora : Magkano 'to?
Vernon : Three hundred thousand pesos. Pauna lang yan. Hindi pa ako nakakakubra e.
Isadora : Nakakahinayang 'no ipambabayad ko lang ng utang.
Vernon : Sino ba yang nananakot sa iyo? Papatayin ka dahil sa utang? Ibigay mo sa akin ang pangalan pati address.
Isadora : Anong gagawin mo?
Vernon : Kukumustahin ko lang
Isadora : Hwag na! Trouble lang yan eh. Salamat ha! (hinawakan sa mukha si Vernon)
- Lingid kay Isadora, sinusundan pala siya ni Mang Rolando.

Nakatulala pa rin si Catherine.
Louela : Lola, bibilhan ko lang po ng gamot si Catherine.
-Umalis si Louela. Binigyan naman ni Lola Aura ng mainit na sabaw ang apo. Hinawakan ni Catherine sa kamay ang lola nya at yumakap dito. Napaiyak si Lola Aura at hindi nakatiis na hindi yakapin ang apo. Kapwa umiiyak na nagyakap ang maglola.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP