Wednesday, August 13, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 23

Tinawagan ni Rafael si Louela para ipaalam na pinalayas sa mansion si Catherine.
Louela : Sige Sir, makakarating kay lola. Oo salamat. (pagkababa sa cellphone ay kaagad kinausap si lola Aura) Lola, si Rafael yun. Nandoon daw si Catherine ngayon sa kanila. Napalayas sya sa mansion. Hindi ko maintindihan eh, basta may video video daw, tapos nadiskubre na ni Scarlet na may nakaraan si Catherine at Miguel. Nagkagulo daw sila.
Lola Aura : Iyan na nga ba ang sinasabi ko e. Talagang magkakagulo sila.
Louela : Lola, paano po kung tumuloy dito si Catherine? Tatanggapin nyo ho ba sya? Kailangan nya ho tayo ngayon.
Lola Aura : Hindi naman ako nagkulang ng pangaral sa kanya. (naiiyak) Iyan ang napala nya sa katigasan ng ulo nya.

Dinalhan ni Rafael ng pagkain si Catherine sa silid, pero wala doon ang babae. Nagtaka si Rafael.

Tulalang naglalakad si Catherine sa kalye.

Sa Dela Rhea mansion. Kausap ni Scarlet ang abogado niya.
Scarlet : Bilang nag-iisang anak ni Martin dela Rhea, ako lang ang rightful owner ng lahat ng kumpanya ng Papa ko. And from this day onwards ako na ang bagong president and CEO ng Dela Rhea Foods, Inc. At bilang presidente, I want Catherine Ramirez banned from my company.
Atty. Tamayo : Scarlet, huwag kang magpadalus-dalos. Para wala nang makapaghabol bakit hindi natin idaan ang lahat ng ito sa legal na paraan. As of this moment, nothing is final.
Scarlet : No Attorney, you're wrong! This is it. This is the end, tapos na ang maliligayang araw ng lahat ng nanluko sa pamilya Dela Rhea.

Binigyan ni Sofia ng kape ang kapatid.
Sofia : Bakit hindi ka muna mag-vacation leave kuya?
Miguel : Naisip ko kasi na sayang kung mapapabayaan ang kumpanya. Saka duda ako na magpapakita uli doon si Catherine. Napag isip-isip ko rin na malaki ang naitulong sa akin ni Papa. Kaya gusto kong ipagpatuloy ang serbisyo ko sa Dela Rhea Foods.
-Nagriring ang cellphone ni Miguel - ang ina ang tumatawag. Ayaw kausapin ni Miguel ang inang si Isadora.
Sofia : Si Mommy ba 'yan? Kagabi pa nya ako tinatanong, bakit daw hindi ka sa bahay natin tumuloy? Gusto ka nyang tulungan.
Miguel : Huwag na lang. Simula sa araw na ito, ako na ang magpapatakbo ng buhay ko.

Kumatok si Catherine sa bahay ni Lola Aura.
Lola Aura : Nakarating sa akin lahat ang mga pangyayari.
Catherine : Lola kung anuman yung mga narinig mo, hwag kang maniwala. (umiiyak) Hindi totoo iyon. May naninira lang sa akin kay Martin. Lola, maniwala ka wala akong ibang lalaki.
Lola Aura : Wala kang ibang lalaki, e ano si Miguel?
Catherine : Walang nangyari sa amin ni Miguel. Lola naman patawarin nyo na ako. Hindi ako nag-iisip noon, galit ako noon. Lola kailangan ko kayo ngayon eh.
Lola Aura : Catherine, huwag na tayong maglukohan. Masama ang intensyon mo, pinlano mo ito. Ngayon nakakarma ka na. SANDALING DONYA, HABANG PANAHONG BUSABOS!
-Umiiyak na pilit na niyakap ni Catherine ang kanyang lola.
Lola Aura : HINDI. WALA KA NANG LUGAR DITO.
-Pinagsarhan ni Lola Aura ng pintuan ang apo. Iyak ng iyak si Catherine. Si Lola Aura ay ganun din, umiiyak sa sinapit ng apo.

Pumunta si Rafael sa bahay ni Lola Aura, nakatanggap siya ng tawag mula kay Louela.
Rafael : Yes Louela
Louela : Sir, nabalitaan ko na may order na daw na lumabas - bawal nang papasukin si Catherine sa building.
Rafael : Ano? E si Miguel ba dumating na?
Louela : Wala pa po si Sir Miguel, pero si Ma'am Scarlet ang nandito. MUkhang maghahasik ng lagim.

Pinuntahan ni Catherine ang puntod ng asawang namayapa. Luhaang inaalala ni Catherine kung paano siya pinalayas ni Scarlet at pinagtawanan ni Isadora.
Catherine : Martin, hindi totoo na may iba akong karelasyon, na may iba akong lalaki. Sana huwag kang maniwala sa mga paninira nila sa akin. Sana nandito ka pa. Sana nandito ka Martin para ipagtanggol ako. Inaapi nila ako eh. Inaapi nila ako.

Kausap ni Rafael si Lola Aura
Rafael : Si Catherine ho wala, pero si Scarlet ho nandudoon na. Lola, bakit ho ninyo hindi tinanggap si Catherine?
Lola Aura : Masakit din para sa akin 'yon, akala mo. Kaya lang kailangan matuto sya.
Rafael : Sa mga pinagdaanan ho ni Catherine, sa tingin ko ho natuto na rin iyon. Lola, kasi akala ho natin ang mga ginagawa ni Catherine na marami siyang pinakinabangan doon sa mga Dela Rhea, pero sa mga pinagdadaanan niya, sa tagal niyang nagtrabaho doon ... parang puro sama ng loob lang ang kanyang natanggap. Dahil sa isang lalaki na pinaglalaban nya na hindi naman nya nakuha.
Lola Aura : May asawa na si Miguel. Hindi na sya dapat maghabol.
Rafael : Alam ko ho iyon. Kaibigan ko ho si Miguel. Pero alam ko rin ho na si Catherine mahal na mahal si Miguel, at masakit kay Catherine na makitang may iba syang kasama. Intindihin po natin iyon Lola.
Lola Aura : (hinawakan sa balikat si Rafael) Bakit mo nasabi yan? Dahil pareho kayo ng pinagdadaanan ni Catherine. Dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin nakukuha ang kanyang pagmamahal? Rafael, bakit kayo nagpapakabaliw sa isa't isa? Hindi nyo ba niintindihan na kapag nakakasakit, hindi yan tunay na pag-ibig. Hanggang kailan ito matatapos Rafael? Paikot-ikot na lang kayo, sinasaktan nyo ang isa't isa. Hanggang kailan ito Rafael? Maawa kayo sa mga sarili nyo.

Pumasok sa trabaho si Miguel Castillejos pero nakasarado ang kanyang opisina. Nagtanong sya sa isang staff, pero walang maisagot ang napagtanungan. Nakita ni Miguel na inilalabas ang mga gamit ni Catherine.
Miguel : What's going on?
-Lumapit si Scarlet kay Miguel
Scarlet : Good morning Miguel! Meron sana akong gustong i-discuss sa iyo. Can you come to my office? (hindi kumilos si Miguel para sumunod sa asawa) In my office NOW!

Sa office ni Scarlet.
Miguel : Anong kalokohan ito? Hinihiya mo ba ako ha? (asus! may hiya pa pala si Miguel, after nyang pumayag na ipagbili ng ina, may hiya pa!)
Scarlet : Bakit nahihiya ka? Hindi ba makapal yang pagmumukha mo
Miguel : Nandito ako dahil meron akong obligasyon sa kumpanya nyo. Nandito ako para sa Papa mo.
Scarlet : WOW! I'm so impressed Miguel. Alam mo, siguro puede kitang gawin na most valuable employee. Kasi ang galing galing mo, ang responsable, ang dakila, ang linis mo. By the way Miguel, nakipag meeting ako sa board kanina at napag-usapan namin na ako na ang bagong president and CEO ng Dela Rhea Foods, effective yun today Miguel. Kaya lang aaminin ko sa iyo, wala akong alam dito sa kumpanya ni Papa, kaya kakailanganin ko ang tulong mo ha. At naisip ko rin na hindi magiging maganda para sa image ko na hiwalay tayo. Kaya umuwi ka sa bahay mamaya, hindi iyon paki-usap.
Miguel : You're insane. Kahit kailan hindi ako babalik doon.
Scarlet : Ilalayo ko sa iyo ang anak ko, at sasabihin ko sa kanya na inabandona mo kami.
Miguel : Hindi mo magagawa yan
Scarlet : Tinraydor mo ako Miguel, kaya tatraydurin din kita. Walanghiyaan ang labanan dito.
Miguel : HUWAG MONG IDADAMAY DITO ANG ANAK KO
Scarlet : IDADAMAY KO KUNG SINO ANG GUSTO KONG IDAMAY. Ano sa tingin mo ang sasabihin ko kay Maggie? Sasabihin ko sa kanya, (nag iyak-iyakan)Maggie sorry ha. Kasi huhuhu! iniwan na tayo ng daddy mo. May iba na syang ibang mahal Maggie, hindi na tayo. Alam mo ba kung sino ang babae nya? Ang lola mo, you're Mama Kate Maggie.
-Tumawa na tila baliw si Scarlet
Scarlet : Wow! Wow Scarlet! Hahaha! Hindi ba maganda yun Miguel? One big happy family. Ang close close nating lahat. Hahaha!
-Galit na galit si Miguel, pinagbantaan nito ang asawa
Miguel : Makinig ka sa akin ha, ni minsan hindi kita pinagbuhatan ng kamay. Oras na siraan mo ako sa anak ko, kakalimutan ko na asawa kita.
-Umalis ang galit na si Miguel. Ikinukubli ni Scarlet sa pagtawa ang tunay na nararamdaman, umiiyak na tumatawa.

Pinuntahan ni Isadora si Sofia at kinausap tungkol kay Mang Rolando.
Sofia : Pati ba si Mang Rolando, pag-iinitan nyo?
Isadora : Ah basta! Papupuntahan ko si Rafael mamaya, sasabihin ko na i-fire na yung walanghiyang iyon. At saka kayo ha, hwag nyo nang pinapapasok yun dito ha, masamang tao iyon. Ngayon kung ayaw mong maniwala, kakaladkarin na lang kita pabalik ng bahay, o kung hindi naman ihahanap na lang kita ng ibang apartment. O mamili ka.
Sofia : 'ma settled na ako dito. Guguluhin nyo pa po ba ako? Bakit ba kayo galit sa kanya? Eh mabait na tao iyon
Isadora : Mabait? Hindi mo ba alam na malaki ang atraso niyon sa pamilya natin Sofia? Alam mo ba kung bakit namin isinanla ang asyenda? Dahil iyon kay Rolando.

Kinausap ni
Scarlet si Louela.
Scarlet : Ikaw ba iyong sekretarya ni Kate?
Louela : Yes ma'am. At alam na alam ko pong ... I'm fired?
Scarlet : Hindi. Actually, kailangan kita, bukas na bukas papupuntahin mo ang maraming press dito, okay. Iimbitahan mo sila para sa General Press Con ng Dela Rhea Foods, naiintindihan mo?
Louela : Press con. Bukas. May artista ma'am?
Scarlet : Number two, tawagan mo si Tita Winnie, papuntahin mo dito, okay?
Louela : Eh ano po ang sasabihin kong agenda ng meeting?
Scarlet : Basta papuntahin mo dito si Tita Winnie, sabihin mo meron syang trabaho.

Hindi naniniwala si Sofia sa sinabi ng ina.
Sofia : That's not true. Papaano nangyaring si Mang Rolando ang dahilan ng pagkakasangla ng hacienda, eh tauhan lang sya.
Isadora : Oo nga, TAUHAN LANG pero isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Victor na ama mo. Naka dispalko siya ng milyun milyong pera, o e di wala kaming choice ni Victor kundi isanla ang Amadesto.
Sofia : So bakit hindi nyo sya idemanda ngayon? Singilin nyo ang nadispalko nya.
Isadora : Pag-aaksayahan ko pa ba naman ang busabos na iyon? Eh wala namang ibabayad yun eh. Kakamutan lang ako ng ulo nun. (hindi pa rin kumbinsido si Sofia) Teka nga Sofia, ano ba ang akala mo ha? Gumagawa ako ng kwento? Ano naman ang mapapala ko doon? Pag-aaksayahan ko pa ba naman ang walang kakwenta-kwentang tao? Kayo lang ni Toby at Jenna ang pinoprotektahan ko.
Sofia : (tumawa) From what? Na maisangla din kami ni Mang Rolando?
Isadora : Hindi. Na mabilog nya ang ulo nyo, ang babata nyo pa dito. O sige matigas ang ulo mo. Kakausapin ko mamaya ang kuya mo, sasabihin ko sa kanya na pauwiin ka na sa bahay.

Ikinuwento ni Sofia kay Toby ang nalaman tungkol kay Mang Rolando.
Toby : Alam mo hindi naman ako makapaniwala sa balitang yan e. Pero hindi naman siguro din gagawa ng istorya ang mommy mo.
Sofia : Naisip ko na rin yan eh. Bakit kaya hindi alam ng kuya mo ang tungkol doon?
Toby : Eh siguro bata pa sya noon. At saka naman si kuya, hindi naman talaga siya involved sa Amadesto e, nakikilaro lang sya doon. Papaano? Ano hindi na natin sya papasukin sa bahay? Fired na sya?
Sofia : Parang sanay na akong may pukpok ng pukpok sa bahay - maayos ang gripo, ang tubo, walang napupunding ilaw. Mamimiss ko si Mang Rolando.
Toby : E kesa naman ikaw ang alisin ng Mommy mo sa apartment (bumulong), mamimiss naman kita.
- Patakbong lumalapit sa kanila si Jenna. Masayang ibinalita ni Jenna kay Sofia na narinig niya sa mga kaibigan ni Jonas na ia-ask na raw ni Jonas si Sofia para maging girlfriend. Tuwang tuwa si Sofia, asar na asar naman si Toby.

May tumatawag sa telepono sa bahay ni Sofia, inutusan nito ang katulog para sagutin ang phone. Isang Mrs. Crisanta ang tumatawag, naniningil ng utang sa kanya ni Isadora na 120,000 pesos. Sinenyasan ni Isadora ang katulong na sabihin nitong wala siya.
Isadora : Ano ang gusto nyang gawin ko, hoholdap ako ng bangko? Si Catherine na nga lang ang inaasahan ko, nawala wala pa.
Pinahugot ni Isadora ang linya ng telepono, para wala nang tumawag at pag may naghanap raw sa kanya ay sabihing wala siya.
- Lingid sa kaalaman ni Isadora, nasa labas ng bahay nya si Mang Rolando.

Nagkita sina Miguel at Rafael
Miguel : Abugado ka, expertise mo e. Ano ganun na lang iyon?
Rafael : Pati ba iyong ebidensya ng video? Pero kailangan nun ng authenticity. Mukhang may laban ang kaso ni Catherine.
Miguel : Sino ba talaga ang dapat magpatakbo ng Dela Rhea Foods?
Rafael : Kung idadaan natin sa batas, tutal wala pa namang kaso at hatol 'no? Technically si Catherine pa rin ang presidente ng Dela Rhea Foods. Pero mukhang wala na siyang balak maghabol.
Miguel : Ang tanong, nasaan sya? Kung tutuusin kasalanan nya lahat ito e, kung hindi nya isiniwalat lahat kahapon, hindi mangyayari 'to e. (TANGA ka talaga Miguel!)
Rafael : Miguel, nasaktan na si Catherine, huwag mo na syang sisihin.
Miguel : Sino ang sisisihin ko, sarili ko? (Oo dahil wala kang buto) Nagtataka na nga ako minsan e, kaibigan lang ba talaga sya para sa iyo? Sino ba si Catherine sa buhay mo?
-Hindi sumagot si Rafael.

Sa apartment. Super sweet sina Sofia at Jonas
. Nakabantay sa kanila si Toby, nang-aasar. Napikon si Jonas kay Toby at nagkataasan sila ng boses.
Jonas : Alam mo pare, nakakaloko ka na e
Toby : Kayong dalawa ang nakakaloko. Hindi kayo mapaghiwalay e. Mag-ano ba kayo?
Sofia : MAG BOYFRIEND NA KAMI! Okay? MAG BOYFRIEND NA KAMI!!!
- Nabigla si Toby at malungkot na umakyat sa kwarto nya.

Nag-uusap ang mga naguguluhang empleyado ng Dela Rhea Foods. Pati daw ang SVP na si Miguel ay maaga ring umalis. Narinig ni Louela ang pag-uusap ng mga kasamahan sa trabaho. Sino daw ang nag-appoint sa bagong presidente ng kumpanya na si Scarlet, baka daw sarili nya? Hinahanap ng mga tauhan si Catherine. Narinig ng dumaraang si Scarlet ang usapan.
Scarlet : Bukas malalaman nyong lahat. Huwag kayong mawawala ha. Meron akong malaking pasabog.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP