Wednesday, August 13, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 22

Inakala ni Isadora na ang pagka-usap ni Sofia kay Catherine ay may kinalaman sa koprahan.
Isadora : Sinabi ko naman kasi sa iyo, huwag mo nang lapitan, huwag mo nang kausapin. Ako na ang bahala sa kanya tungkol sa koprahan.
Sofia : Hindi ho 'ma. May ipinakiusap lang ako para sa kaibigan ko.
Isadora : Sinong kaibigan? Sino naman kasing kaibigan 'yan?
Sofia : Si Mang Rolando po.
Isadora : (nabigla sa narinig) Rolando? Sinong Rolando, iyong taga Amadesto?
Sofia : Ang ama ni Catherine.

Dinalaw ni Sofia ang hipag at pamangkin sa mansion. Kinukuhanan ng litrato ni Scarlet ang anak.
Sofia : Ay kuhanan ko kayong dalawa. Ay dead bat na.
Scarlet : (inilabas ang cellphone ni Martin) Ito gamitin mo phone ni Papa.
-Pinasasayaw ni Sofia ang pamangkin para i-video
Sofia : Sige, sige i-check natin kung malinaw ha. (may nakita si Sofia sa Cellphone ni Martin dela Rhea) Scarlet, may way ka na para kalabanin ang step-mother mo.

Kaagad na pinapunta ni Scarlet ang family lawyer nila sa mansion. Nang dumating si Catherine ay nadatnan niya na nandun sina Scarlet, Miguel, Sofia at si Atty. Tamayo.
Catherine : Anong nangyayari dito? Nagpatawag pa kayo ng emergency meeting.
Atty. Tamayo : Mrs. dela Rhea, please have a seat.
Catherine : Have a seat? Bahay ko ito. Bakit? Ano ba ito?
Atty. Tamayo : May nahanap na video si Sofia sa cellphone ni Mr. dela Rhea. Mahalaga na makita mo.
Catherine : Si Sofia? (mapang-uyam na tinitingnan si Sofia)

Nasa labas ng apartment nina Sofia si Mang Rolando. May dumating na kotse at sadya siyang sinagi. Nagalit si Mang Rolando at tinawag nyang barumbado ang nagmamaneho. Nagulat si Mang Rolando nang makita kung sino ang nagmamaneho - si Isadora.

Pinapanuod na nina Catherine ang video na ginawa ni Martin, bago siya maaksidente.
Martin : Ako si Martin dela Rhea, may-ari ng Dela Rhea Foods, Inc. Ito ang nagpapatunay na pinapawalang bisa ko ang last will and testament ko. Lahat ng ari arian ko ay mapupunta sa aking anak, kay Scarlet dela Rhea. (pigil ang pag-iyak ni Scarlet) Walang kahit anong halaga ang mapupunta kay Catherine dela Rhea. Masama syang tao, manggagamit, manloloko. Idedemanda ko sya. Idedemanda ko sya ng adultery, meron syang lalaki.


Binalaan ni Isadora si Mang Rolando tungkol sa pakikipaglapit nito kay Sofia. Pinapaamin ni Mang Rolando si Isadora, na anak nga nya si Sofia. Pinagtawanan ni Isadora si mang Rolando, paano daw nito nasabi "lukso ng dugo". Sinabi ni Mang Rolando na baog si Don Victor. Eh ano naman daw kung baog si Victor, marami daw siyang lalaki, ang sabi ni Isadora. Tinanong ni Mang Rolando na bakit daw ayaw ni Isadora na makipaglapit siya kay Sofia, kung hindi naman pala nya ito anak. Dahil malas at tanga raw si Rolando, ayon kay Isadora. Nakakadiri at nakakasira daw ng image ang nakaraan nila ayon kay Isadora. Sumagot si Mang Rolando na nakakadiri nga at maraming atraso si Isadora sa kanya - marami daw itong sinirang buhay. Ayaw naman tanggapin ni Isadora na may kinalaman siya sa mga nasirang buhay at mamatay na raw si Rolando. Nasaktan ang ama ni Catherine nang biglang buksan ni Isadora ang pinto ng kotse at isinara, natabig si Mang Rolando. Umalis na si Isadora.

-Hindi makapaniwala si Catherine sa napanuod.
Atty. Tamayo : Na-recover ang video sa mismong gallery ng cellphone ni Mr. dela Rhea.
Catherine : Hindi. Hindi totoo yan. HINDI TOTOO YAN!!!
-Sinampal at kinaladkad palabas ng mansion ni Scarlet si Catherine. Sinabi ni Louela kay Rafael na may emergency kina Catherine. Tinawagan naman ni Sofia ang ina na papunta na sa mansion. Galit na galit si Scarlet sa madrasta dahil sa nangyari sa ama. Inaawat ni Miguel si Scarlet, pero wala siyang magawa sa galit na galit na si Scarlet. Pinapaalis ni Miguel si Catherine na tinawag niyang Kate. Itinulak ni Catherine si Miguel.
Catherine : KATE? (kay Scarlet) Panahon na para malaman mo ang totoo. Scarlet, si Catherine at si Kate ay iisa. Ako, ako si Catherine. Ako yung Catherine na taga Amadesto. Ang babaeng pinagseselosan mo. Ako yung babaeng minahal ni Miguel. Hindi ako ang pumatay sa tatay mo. Ang relasyon namin, ang relasyon namin ni Miguel ang pumatay sa tatay mo.
- Pinaghahampas ni Catherine si Miguel. Hindi makapaniwala si Scarlet na tumakbo sa loob ng bahay. Napaupo sa tabi ng kalsada si Catherine. Sa loob ng bahay, ay galit na galit si Scarlet sa asawa, bakit daw siya winalanghiya. Umiiyak ng malakas si Scarlet.

Dumating si isadora at nakita niya ang nakaupo sa tabi ng kalsada na si Catherine.
Isadora : Ano? Masakit ba? Ha hahaha! Ha hahaha! Tama ang horoscope ko, today is my lucky day.
-Pinapasok ni Isadora ang anak na si Sofia sa loob ng bahay.

Nang makita ni Scarlet si Isadora ay galit na galit ito, at sinabing TRAIDOR silang lahat (Castillejos). Patakbong umakyat sa kwarto si Scarlet. Awang awa si Sofia sa kapatid.

Dumating si Rafael. Niyakap at inalalayan niyang makasakay sa kotse niya si Catherine.

Ini-impake ni Scarlet ang mga damit ni Miguel para palayasin. Pinapalayas niya si Isadora at huwag na daw magpapakita. Galit na galit si Scarlet sa byenan. Pumasok sa kwarto nila si Miguel at sinigawan ang ina para lumabas. Gustong kausapin ni Miguel ang asawa, pero wala na raw silang pag-usapan ayon kay Scarlet. Nakakasuka, nakakadiri at ang bababoy daw nina Miguel at Catherine, sa sarili pa nyang pamamahay. Galit na kinuha ni Miguel ang maleta niya at sinabing "TAPOS" na sila.

Pinipigilan ni Isadora ang pag-alis ni Miguel sa mansyon. Nagpaalam si Miguel sa anak, at sinabing babalikan niya ito. Pinapakausap pa rin ni Isadora kay Miguel ang asawa, hindi pinapakinggan ni Miguel ang ina.

Dinala ni Rafael si Catherine sa bahay niya at inasikaso - pinunasan ni Rafael si Catherine. Awang awa si Rafael sa babaeng iniibig.

Napagpasyahan na ni Mang Rolando na aminin kay Sofia na siya ang ama nito.

Hawak ni Scarlet ang cellphone ng ama.
Scarlet : Pinagtatawanan tayo ng mga tao ngayon Papa. Salamat kay Catherine. Ang matatayog na Dela Rhea, pindeho at pindeha ngayon. Hwag kang mag-alala Papa, ibabangon ko ang pangalan natin at magsisisi sila sa mga panlolokong ginawa nila sa atin. Sila naman ang iiyak ngayon Papa. Sila naman ang iiyak.

Inihatid ni Miguel ang kapatid sa apartment. Inakala naman ni Mang Rolando na pinabantayan ni Isadora kay Miguel si Sofia. Binigyan ni Sofia ng mga unan at kumot ang kapatid na sa sofa matutulog. Sinabi ni Sofia na huwag idadamay sa mga nangyayari si Maggie. Naiiyak si Miguel.

Ikinukwento ni Catherine kay Rafael ang napanuod sa video. Sinabi ni Rafael na puede nilang dalhin sa korte ang video. Ayon kay Rafael, technically si Catherine pa rin ang recipient ng mga naiwan ni Mr. Dela Rhea, at baka daw gawa gawa lang ang video. Ayaw na ni Catherine na dalhin sa korte ang nangyari. Tinanong ni Rafael kung may affair si Catherine. Galit na sinabi ni Catherine, na kung nabubuhay pa daw si Martin ay kaya nyang humarap dito at sabihing wala siyang ibang lalaki. Natahimik si Rafael. Humingi ng pasensya si Catherine, kasi ayaw daw muna niya ng sisihan. Dumating si Mang Rolando, at nakita nito ang nakakaawang umiiyak na si Catherine.

Tinanong ni Mang Rolando si Rafael, kung saan at kanino nakuha ni Mr. Dela Rhea ang balita na may ibang lalaki si Catherine. Sinabi ni Rafael na mahalagang malaman nila kung sino ang nagsabi kay Mr. Dela Rhea ng maling impormasyon.

Habang nakahiga ay lumuluha si Miguel
Miguel : Kung dati ko pang pinaglaban ang sarili ko, hindi na sana humantong sa ganito. Inaamin ko kasalanan ko. Inaamin ko naging duwag ako.

Pumasok si Rafael sa silid kung saan natutulog si Catherine, kinumutan niya ang babae.
Rafael : You deserve a good life Catherine. Pero pinipili mo ang magulong buhay. Sana turuan mo ang puso mo Catherine. Turuan mo ang puso mo.

Nagising si Catherine, at nakita niyang nakaupo sa silya ang nagbabantay sa kanyang si Rafael.
Catherine : Mahal mo nga ako Rafael. Ayokong mahalin ka dahil hindi ka magiging maligaya sa akin. Hindi mo ako dapat mahalin Rafael.

Inabangan ni Rolando si Isadora at pinagbantaan na kung may kinalaman ito sa nangyari kay Catherine, ay PAPATAYIN niya ito.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP