Monday, August 11, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 21

Miguel : I want you!
- Hahalikan na lamang ni Miguel ang nangsi-seduce na si Catherine
Catherine : I'm sorry. I don't want you.
- Umahon mula sa jacuzzi si Catherine, nagsuot ng robe at umalis. Naiwan ang nagngingitngit sa inis na si Miguel.

Kinabukasan ay nakipag-meeting muli sina Catherine at Miguel sa mga kliyente
Client 1 : Okey na sa amin ang proposal nyo. We're impressed, kaya naman pala tuloy tuloy ang success ng Dela Rhea Foods, ang bibrilliant ng mga tao doon. Ang team work wala kaming masabi.
Catherine : Maraming salamat! So sealed na yung deal?
Client 1 : Of course! Kung may dala kayong contract we'll sign it. Sino ba ang puede naming kontakin sa project na ito?
Miguel : (nagbigay ng kanyang business card) Here is my business card.
Catherine : Miguel, I think si Mr. Ocampo na lang. James Ocampo yun na lang ang kontakin nyo.
Miguel : Kate, ako ang nagprepare nito, so I know the ins and out of this project.
Catherine : Yes I know that. I'm sure you know that, pero ayoko lang talaga maulit yung nangyari sa US branch.
Client 1 : Bakit? Anong nangyari sa US branch?
Catherine : Oh I'm sorry, hindi nyo nabalitaan? Nag close yung US branch namin nalugi, pero Miguel did his best. I'm sure he did his best. You know sometimes, bad things just really happens.
- Galit na nakatingin si Miguel kay Catherine na harap-harapan siyang ipinahiya.

After the meeting. Umiinom ng alak si Miguel nang nag-ring ang cellphone
Miguel : Hello!
Scarlet : MIGUEL! Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo, bakit hindi mo sinasagot yung phone mo?
Miguel : I TOLD YOU I'M BUSY. TAWAG KA NG TAWAG ANG DAMI KONG PROBLEMA DITO.
-Binabaan ni Miguel ng phone ang asawa.

Pumasok si Miguel sa hotel room ni Catherine
Catherine : Will you get out
Miguel : Hindi ako lalabas dito hangga't hindi tayo nagtutuos.
Catherine : Ano bang problema mo?
Miguel : Ikaw ang problema ko. Ano? Bakit kailangan mo akong ipahiya sa mga tao?
Catherine : Iyon ba, nai-insecure ka ba?
Miguel : Ako ma-insecure sa iyo? Bakit sino ka ba?
Catherine : Ako lang naman ang taong hindi mo kayang kalabanin. Kumpara sa akin, wala kang binatbat. At saka bakit napaka-sensitive mo ba? Business lang 'to. Bakit mo pinepersonal?
Miguel : Dahil personal ka umatake. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? May gusto kang sabihin?
Catherine : Wala
Miguel : Sabihin mo na. Ano?
Catherine : Wala akong kailangan sa iyo.
-Biglang hinalikan ni Miguel sa labi ang nabiglang si Catherine at inihiga sa kama. Sa una ay nagpupumiglas si Catherine, pero sa huli ay sinuklian rin ng halik ang mapangahas na si Miguel. Natatangay na sa kanilang mga totoong damdamin ang dating magkasintahan. Tumunog ang telepono ni Miguel na nasa jacket. Tila natauhan si Miguel at lumabas ng kwarto ni Catherine.

Hindi makatulog si Scarlet, hawak ang cellphone
Scarlet : Kung nakinig ako sa iyo dati, masaya kaya ako ngayon Papa? Pero mahal ko talaga si Miguel. Kaya kahit may kulang, pinapaniwala ko ang sarili ko na perfect ang buhay ko sa kanya. (pinapakita na nag-i-impake si Miguel) Sana dumating ang panahon na ako ang nag-iisang laman ng puso at isipan ni Miguel. Sana ako lang ang mahalin nya.

Sa hotel room ay umiinom ng alak si Catherine
Catherine : Pagmamahal pa kaya itong nararamdaman ko? Di ba dapat kapag nagmamahal ang tao ay masaya siya? Bakit hindi ako masaya? Paulit ulit na akong pinagtutulakan ni Miguel, pero pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa kanya. Bakit pilit akong nakikipag-agawan sa taong hindi na akin? Nagiging masama akong tao dahil sa pagmamahal na 'to. Pero hindi ako susuko, kahit na anong mangyari BABAWIIN KITA MIGUEL! Dahil alam kong una kang naging akin. Dahil alam kong hindi kita kayang kalimutan.

Nasa may pool sina Scarlet at Maggie, binabasahan ni Scarlet ng book ang anak. Dumating si Miguel, hinalikan sa noo ang anak. Natuwa si Scarlet sa pagdating ng asawa.
Miguel : Hi Baby!
Scarlet : Miguel, napa-aga yata ang uwi mo, akala ko sa Thursday pa.
Miguel : Natapos ko na yung trabaho ko e. Wala na akong business doon.
Scarlet : Si Kate? Naiwan doon?
- Tumingin lang si Miguel sa asawa. Tatayo sana si Scarlet para ipaghanda ng almusal ang asawa, pero ayaw kumain ni Miguel kasi pagod raw siya at gustong magpahinga. Binuhat ni Miguel ang anak, hinalikan at niyakap ng mahigpit.

Sa Dela Rhea Foods, Inc. Pinapagalitan ni Catherine ang sekretarya niyang si Louela.
Catherine : Louela ano ba naman 'to`? Ano ka ba? Hindi ka pa ba natututo? Ayan o mali-mali ang grammar mo.
Louela : (naiiyak) Sabi mo kasi iyan ang isulat ko eh
Catherine : Oo nga pero hindi ka ba marunong magsulat? Ayan o puro typo. Nakakahiya, mababasa yan ng board.
Louela : (kinuha ang papers) Sige aayusin ko na lang.
Catherine : Louela, Louela pasensya ka na. Ang dami ko lang kasing iniisip ngayon eh. Sorry.
Louela : Sige, ayusin ko lang to.
-Paglabas ni Louela, pumasok naman si Miguel
Miguel : Sabi ng sekretarya ko, ayaw mo raw tanggapin ang proposal ko.
Catherine : Ang pangit eh!
- Itinapon ni Catherine ang binigay na proposal ni Miguel. Pinulot ni Miguel ang folder, galit na sinipa ang silya na nasa harapan ng table ni Catherine, at umalis.

May date sina Sofia at Jonas, masayang nagpa-alam si Sofia kay Jenna. Nasa pintuan si Toby, nang dumaan si Sofia sa pinto ay pasimple nitong itinulak ang lalaki. Tumaas ang boses ni Toby nang malaman na manunuod ng sine sina Jonas at Sofia na silang dalawa lang. Niyaya ni Jenna na manuod rin sila ni Toby ng sine, pumayag si Toby.

Nadatnan ni Catherine sa mansion na nagkakatawanan sina Isadora at Scarlet
Catherine : Ang sarap ng tawanan nyo ah
Isadora : Talaga!
Catherine : Gabi na Isadora, hindi ka pa ba uuwi?
Scarlet : Sinabihan ko kasi sya na dumito muna.
Catherine : Gusto ko lang ipaalala sa iyo Scarlet na pamamahay ko ito. At ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto kong patuluyin sa bahay ko.
Scarlet : Pamamahay mo? Dito ako ipinanganak. Dito ako lumaki. At ano ba ang pakialam mo sa mga taong ini-imbita ko dito?
Catherine : Kagaya nga ng sinabi, akin na ang bahay na ito. Aba matagal tagal ka ring nawala at tumira sa Amerika, di ba? So, akin na ito. Pakisabi sa bisita mo, ayoko nang nangangamoy basura ang bahay ko.
-Nang umalis si Catherine ay muling nagkatawanan ang magbyenan.

Sa silid nina Miguel at Scarlet. Nilalambing ni Scarlet ang asawa pero tumanggi si Miguel.

Samantala sa apartment. Sinasamahan ni Jonas si Sofia sa paghihintay kina Jenna at Toby. Nag-aalala na si Sofia.
Sofia : Ano kaya ang nangyari sa mga iyon, ala-una na o.
Jonas : E bakit hindi mo tawagan si Toby?
Sofia : Ayoko nga! Bubwesitin lang ako nun.
-Masayang dumating sina Jenna at Toby
Sofia : Jenna, kanina pa kita tinatawagan a
Jenna : Dead spot ako. Sana tinawagan mo si Toby. Nag last full show kami, alam mo ba nakakatawa ang movie talaga.
Sofia : Sana nag-iwan man lang kayo ng message, para hindi ako nag-aalala
Toby : Bakit sino naman ang maysabing mag-alala ka?

Sa Dela Rhea Foods. Lumapit kay Miguel si Winnie at isang female staff
Winnie : Sir, may pinapabigaysi Ms. Kate
Staff : Ah Sir, may pinapa-check si ma'am Kate, kailangan daw po niya iyan bukas.
-Inilapag ng staff ang sangkatutak na papeles na pinabibigay ni Catherine. Nagkatinginan sina Winnie at Miguel.

May ginagawa sa lababo si Mang Rolando nang lapitan siya ni Sofia
Sofia : Mang Rolando, nasaan po sila?
Mang Rolando : Maaga umalis e. Nagpasama si Toby kay Jenna, bibili raw ng bagong sapatos.
-Nakasimangot na umupo si Sofia
Mang Rolando : O bakit ganyan ang mukha mo? Ang aga aga e.
Sofia : Si Jenna kasi. Palagi nan lang busy. Puro na lang si Toby, si Toby. Eh ang usapan namin sasamahan nya ako bumili ng damit.
Mang Rolando : Gusto mo samahan kita?
-Ngumiti si Sofia.

Sa Dela Rhea Foods.
Miguel : By the way, napirmahan na ng Molina Incorporated ang mga kontrata. Iturn over ko na lang kay Ocampo.
Catherine : Okay. By the way, hindi ba natin pag-uusapan yung nangyari sa atin?
Miguel : Wala namang nangyari a
Catherine : Meron. Nabitin nga lang, pero may nangyari.
Miguel : Kinalimutan ko na yun.
Catherine : Talaga? Kaya mo ba talagang kalimutan yung namagitan sa ating dalawa?
-Umalis si Miguel

Sinamahan ni Mang Rolando si Sofia sa pamimili, at masaya silang magkasama.

Nagkakape sina Miguel at Rafael
Miguel : Si Catherine e, nagpa-power trip na naman. Hindi ko masakyan ang mga gusto nya e.
Rafael : Naku Miguel, wala akong magagawa dyan. Mabuti pa mag-usap kayong dalawa.
Miguel : Alam mo kuya, gusto ko lang naman magtrabaho ng maayos e. Ang problema sa kanya, ayaw nya ako bigyan ng chance. Anong gagawin ko? Lahat ng gawin ko parang laging mali sa kanya.
Rafael : Huwag ako ang kakausapin mo Miguel. Kausapin mo sya ng diretso. Alam mo marami tayong trabaho pare-preho.
Miguel : Oo nga e. Pasensya na, wala kasi akong makausap na iba e. Gulong gulo na ang isip ko e. Alam mo bang muntik nang may mangyari sa amin sa Davao?
Rafael : Muntik?
Miguel : Oo. Wala namang nangyari, kaya lang natauhan kasi ako e. Ayoko na ng gulo kasi. Pamilyadong tao na ako, mahirap na.
Rafael : Bakit parang nanghihinayang ka?
Miguel : Alam mo kuya, sa iyo ko lang sasabihin ito, hindi ko maamin sa sarili ko e ... para kasing ... meron pa akong nararamdaman para sa kanya e.

Nag-report kay Catherine ang mga taong inutusan niya na mag-imbestiga sa Hacienda Amadesto.
Woman : Mismanage na po ang buong asyenda. Madami ring mga sirang makina ang nabubulok lang sa bodega. Madami ding tauhan ang nagrereklamo, hindi husto ang binabayad sa kanila.
Man : Ini-audit ko na rin ang mga libro ng Amadesto. Ang daming perang lumalabas. Ang sabi pa ni Mrs. Castillejos, may iba pa syang ibang mga expansion plans, at doon daw napupunta ang profit. Pero wala kaming nakikitang mga developments.
Catherine : So ang sinasabi nyo, bad investment?
Woman : Yes ma'am Kate!

May ipinakitang mga papeles si Catherine sa abogado niyang si Rafael
Catherine : Ano sa tingin mo, hindi ba dehado ang Dela Rhea Foods dyan sa kontrata na 'yan?
Rafael : Hindi naman. Mukhang okey naman. Mukhang maayos. Okey! So ito lang, mauuna na ako.
Catherine : Teka, bakit parang umiiba ka ba?
Rafael : Ha? Anong iba?
Catherine : Iba. Ewan ko. Parang galit ka.
Rafael : Hindi ako galit. Siguro yung tamang salita e, siguro disappointed.
Catherine : Hindi ko naiintindihan. Bakit ka naman madi-disappoint sa akin?
Rafael : Alam kong muntik nang may mangyari sa inyo ni Miguel sa Davao.
Catherine : Rafael, laru-laro lang yun. Ano ka ba?
Rafael : Laru-laro lang. Papaano kung nalaman mong meron pa ring gusto si Miguel sa iyo? (natigilan si Catherine) Hindi na talaga mawawala si Miguel sa iyo ano? Si Miguel ang nasa utak mo, si Miguel ang nasa puso mo.
Catherine : Hindi totoo yan.
Rafael : Mahal mo ba si Miguel?
Catherine : Hindi. Kinasusuklaman ko sya!
Rafael : (tumayo) E ako, mahal mo ako?
Catherine : Hindi ko alam.
Rafael : I guess you never know.
-Malungkot na umalis si Rafael sa opisina ni Catherine.

Sinugod ni Isadora si Catherine sa mansion.
Isadora : Ibenenta mo ang koprahan?
Catherine : Hindi kumikita.
Isadora : Walanghiya ka! Wala kang KARAPATAN!
Catherine : Kailangan ko pa bang i-explain pa uli sa iyo na part owner ako ng hacienda Amadesto?
Isadora : (naiiyak) Magbabayad ka Catherine. Sisiguraduhin ko na magbabayad ka!
Catherine : Nagkakamali ka. Ako ang binayaran dahil ako ang nakabenta. Alam mo kung ako sa iyo Isadora, magpasalamat ka dahil hindi ko ibinebenta ang bahay. Pero ... iyon ang isusunod ko!
-Larawan ng isang talunan si Isadora
Isadora : Magbabayad ka! Magbabayad ka!

Naka-uwi na sina Mang Rolando at Sofia mula sa pamimili
Mang Rolando : Hindi na siguro ako mapapatawad ni Catherine.
Sofia : Bakit hindi ho kayo humingi ng tulong sa iba? Di ba may lola ho sya? Kausapin nyo ho.
Mang Rolando : Siguro nga, pero hindi ko pipilitin. Maghihintay na lang ako ng tamang panahon.
Sofia : Pero sayang ho ang panahon. Alam nyo po ba, yung daddy ng classmate ko namatay last month. Estrange sila for many years, sising sisi nga yung classmate ko eh. Hindi nya nasabi kung gaano nya ka-love ang daddy nya.
Mang Rolando : May kanya kanyang rason kaya ganun
Sofia : Oo nga ho pero sayang. Imbis na ako ang pinagtitiyagaan nyo, dapat kayong dalawa ang nagba-bonding.
Mang Rolando : Okey lang. Parang anak na rin ang tingin ko sa yo.
Sofia : May sasabihin ho sana ako sa inyo, huwag ho sana kayong magalit.
Mang Rolando : Ano yun?
Sofia : Ex convict kayo, pero I feel safe with you. Kung magkaka-ama uli ako, sana ho kasingbait nyo.
-Maligayang maligaya si Mang Rolando sa sinabi ni Sofia.

Pinuntahan ni Sofia si Catherine.
Sofia : Mrs. dela Rhea, puede ba kitang maka-usap?
Catherine : Mrs. dela Rhea. Kailan lang, ate Catherine ang tawag mo sa akin. Ang dami na talagang nagbago ano?
Sofia : Ikaw ang unang nagbago.
Catherine : Nabenta ko na ang koprahan. Aapela ka rin?
Sofia : Hindi. It's your share wala kaming magagawa. Iba ang ipinunta ko dito, tungkol kay Mang Rolando.

Pumunta ulit si Rolando sa bahay ni Lola Aura
Rolando : Inaamin ko kasalanan ko 'nay. Pero hindi ko binalak ibandona si Catherine. Pero labinlimang taon akong nabilanggo. Bawat araw sa bilangguan, iniisip ko ang anak ko.
Lola Aura : Sapat na ba na iniisip mo sya? Wala kang naging silbi sa buhay ng anak mo. Pasalamat ka, inilihim ko kay Catherine ang mga kawalanghiyaang ginawa mo noon sa Amadesto.
Rolando : Alam ko ang tinutukoy nyo. Pero maniwala kayo, nagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sa mag-ina ko.
-Galit na galit si Lola Aura sa manugang
Lola Aura : Nangaliwa ka. Pinatulan mo si Isadora dahil sa pagmamahal mo sa iyong mag-ina? Ini-insulto mo ako! Naglolokohan tayo. HINDI AKO BOBO.

Catherine : Nagpunta ka dito para sa ama ko? Ano 'to, gimik nyo ng nanay mo? At kailan pa kita naging kapamilya?
Sofia : Kaibigan ko si Mang Rolando, I'm doing this for him.
Catherine : Kaibigan? Napakabait mo naman Sofia. Sigurado ka bang Castillejos ka? Dahil ang lahat ng Castillejos na kilala ko, ASAL DEMONYO.
Sofia : Salbahe ka! You're the devil, hindi kami. Nakakasuka yung pagkatao mo.

Rolando : Nangako si Isadora na gagastusan nya ang pagpapa-opera kay Anna. Siya lang ang nakita kong paraan para mailigtas ang buhay ng asawa ko.
Lola Aura : At ano ang inaasahan mong maging sagot ko? (naiiyak) Na hinahangaan kita? Dahil sa ginawa mo, pinatunayan mo kung gaano ka kawalang kwentang lalaki. INUTIL! Dahil sa ginawa mong kawalang-hiyaan na yan, panghabang buhay mong ini-ugnay si Catherine sa kabit mo. Sana bago ka nagpadala sa kahinaan mo, inisip mo muna ang magiging permanenteng epekto sa pamilya mo. Ang dami nyong sinirang buhay ni Isadora, PATI SI VICTOR!
Rolando : Walang alam si Don Victor.
Lola Aura : Iyon ang akala mo. Dahil sa paglabas ni Sofia, alam ni Victor na nagloko si Isadora. BAOG si Victor. Baog ang kapatid ko. At alam ko na alam mo kung sino ang ama ni Sofia. Hindi ba ikaw? IKAW ang ama ni Sofia, Rolando.
Rolando : Oho, anak ko si Sofia. Magkapatid sila ni Catherine.

Catherine : Anak ka nga talaga ni Isadora. Nakuha mo ang lahat sa kanya - matapobre, mayabang at higit sa lahat BASTOS
Sofia : Don't even dare to say bad things about my mother. KUMPARA SA 'YO, ANGHEL ANG INA KO
Catherine : ANGHEL NA MAY SUNGAY
Sofia : Oo, may sungay PARA SUWAGIN KA. PARA MAUNA KA NA SA IMPYERNO!
Catherine : Hmm matagal tagal na kayong inaantay doon. In fact balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina.
- Sinampal ni Sofia si Catherine. Gumanti si Catherine ng mas malakas na sampal.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP