Friday, August 8, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 20

Papasok pa lang sa bahay ay nag-aaway na ang mag-asawang Scarlet at Miguel
Scarlet : Ikaw na nga ang pinagtatanggol, ikaw pa ang galit.
Miguel : Hindi mo ako kailangang ipagtanggol kay Kate. Kaya ko ag sarili ko. Puede ba ayoko ng ginagawa mo ito sa akin palagi, pinapahiya mo ako. Nababawasan ang pagkalalaki ko.
Scarlet : Miguel, inaapi ka nung salot na yon, ano ang gusto mong gawin ko? Bakit ka ba ganyan? Natatakot ka ba sa kanya?
Miguel : THAT'S NOT THE POINT. Ilang beses na nating pinag-usapan 'to e, lagi mo na lang ginagawa. Pinuprotektahan mo ako, lagi mo akong sinasalba sa tatay mo, ngayon naman si Kate.
Scarlet : (lumuluha) Miguel syempre gagawin ko 'yon di ba, kasi mahal kita eh. Poprotektahan talaga kita. Intindihin mo naman ako doon.
Miguel : Puede ba ako naman ang intindihin mo? Ayoko nang ginagawa mo e. God! Its so annoying.
Scarlet : Bakit ba hanggang ngayon, hindi mo makayang ma-appreciate lahat ng effort na ginagawa ko para sa 'yo. Ang tagal tagal na nating kasal, pero hanggang ngayon parang ang layu-layo mo pa rin sa akin.
Miguel : Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo.
Scarlet : HUWAG MO AKONG GAWING TANGA. Alam ko hanggang ngayon, iisang babae pa rin ang nandyan sa pag-iisip mo, yung Catherine mo, hanggang NGAYON!
Miguel : Hindi yan ang issue dito. Makinig ka dahil isang beses ko lang tong sasabihin sa iyo, huwag mo akong papakialaman okey. Let me run my own life.
-Umalis si Miguel sa harap ng asawang umiiyak.

Nagkukwentuhan sina Rafael at mang Rolando
Rafael : Malamang nabigla lang ho siguro si Catherine
Rolando : Ayaw na nya akong makita.
Rafael : Wala naman hong masama kung susubukan nyo ulit.

Nakatayo si Miguel sa harap ng swimming pool, hinihintay niya ang pag-ahon ni Catherine. Habang nagsusuot ng robe si Catherine ay hindi maiwasan ni Miguel na hindi tumingin sa katawan ng babaeng dating kasintahan.
Catherine : Malay ko ba na magiging issue yan. Malaking issue yang mesa na yan, yung pwesto mo sa opisina. Ayan pinaayos ko na naman eh, so okey na?
Miguel : Yun lang ba?
Catherine : Miguel sige na, sorry na. Alam mo ayaw ko naman talaga ng away. Alam mo dapat isa lang ang goal natin, we have to give our best for Dela Rhea Foods.
-Napabuntung hininga lang si Miguel. Aalis na sana si Catherine nang sa paghakbang niya ay bigla siyang natapilok, nahawakan naman siya ni Miguel.

Nasa labas naman ng Dela Rhea mansion sina Rafael at Mang Rolando.
Rafael : Dito ho. Mang Rolando, mauuna ho muna ako. Papakiramdaman ko ang mood ni Catherine, kung okey ho ang lahat, babalikan ko kayo.
Mang Rolando : Salamat Rafael!
Rafael : Dito ho muna kayo ha
-Pumasok na si Rafael

Hindi makatayo mabuti si Catherine.
Catherine : Na-sprain yata eh.
-Binuhat ni Miguel si Catherine papasok ng bahay. Nakapasok na si Rafael at nakita niya ng ilapag ni Miguel sa couch si Catherine. Nasaktan ng labis si Rafael sa nasaksihan. Malungkot na bumalik kay Mang Rolando si Rafael. Napansin ni Mang Rolando na napaka-lungkot ni Rafael
Mang Rolando : Bakit Rafael, anong nangyari?
- Hinihilot ni Miguel ang paa ni Catherine na napilayan. Lumapit sa kanila si Maggie
Maggie : Daddy, Daddy look o, ang ganda ng doll ko.
Miguel : Wow! Oo nga baby. Gusto mo akyat na tayo? I'll read you a book.
Maggie : Yeheey!
Miguel : (to Catherine) Excuse us.
- Kinarga ni Miguel ang anak at umalis na. Naiwan ang hinihilot ang paa na si Catherine.

Nag-usap sina Rafael at Mang Rolando sa isang coffee shop.
Mang Rolando : Nagalit ba si Catherine sa iyo dahil sa akin? Bakit ganyan ang itsura mo para kang binagsakan ng mundo?
Rafael : Parang ganun na nga ho yon.
Mang Rolando : Bakit paanong?
Rafael : Sabihin na ho natin na, umasa ako pagkatapos nabigo na naman.
Mang Rolando : Rafael, may pagtingin ka sa anak ko?
Rafael : Siya lang ho yung babaeng minahal ko.
Mang Rolando : Alam ba nya?
Rafael : Alam ko ho alam nya. Pero dahil ho sa mga nangyayari, idinikdik ko ho sa katawan ko na ... siguro ho mas maganda pa ho siguro ... kung hindi ko na lang siya mamahalin.

Sa apartment. Busy sa pag-aaral sina Toby at Jenna. Si Sofia naman ay maingay na nakikipag-usap kay Jonas sa telepono.
Toby : SOFIAAAA! Ang ingay mo. Nagrereview kami o.
Sofia : Ah Jonas, I'll call you back in 5 minutes ha, mabilis na mabilis lang. (hinarap si Toby) Bakit ang sungit mo? Kapag ikaw yung nag-iingay, okay lang, kapag ako may issue.
Toby : Tatlong oras ka nang gumagamit ng telepono. Naririndi na kami sa 'yo. Saka teka, bakit hindi ka nagrereview? Midterm bukas a.
Sofia : FYI nagreview ako kanina sa library. At saka teka, kailan ka pa naging pala-aral? Hindi bagay sa iyo.
Toby : Alam mo ikaw, ang yabang mo, ang arte mo pa. Palibhasa ngayon ka lang naligawan e.
Jenna : Nagseselosan lang kayo eh
-Tumayo si Jenna, kinuha ang books at umalis

Sa Dela Rhea Foods, Inc.
Catherine : Pasensya ka na at medyo magulo pa at amoy pintura itong bagong opisina ni Martin. Eh since wala na si Martin, opisina ko na ito ngayon. At yung supposedly na opisina ko sa kabilang kwarto, mapupunta na sa iyo. Well, ito ang good news, effective today ikaw na ang bagong Senior Vice President ng Dela Rhea Foods. Look ayoko ng away, magtrabaho na lang tayo ng maayos, para mapalago natin itong kumpanya natin. Oh! And by the way, alam mo ba na may connecting door itong mga opisina natin? Para syempre, mabilis ... tayong makapag-kontak.
-Tumayo si Miguel
Miguel : Will that be all? Marami pa kasi akong aasikasuhin e. Sige, salamat ha. Please excuse me. Ahm kumusta nga pala yung pilay mo?
Catherine : Uhm pilay?
-Pumasok si Louela
Louela : Excuse me. Ah ma'am si Sir Rafael, para daw sa pinapa-draft nyong contract.
-Pumasok si Rafael
Rafael : O Miguel kumusta?
Catherine : Rafael, i-congratulate mo si Miguel siya na ang senior Vice President ng Dela Rhea Foods, effective today.
Rafael : (kinamayan si Miguel) I knew it. You deserve it. Congratulations!

Sa apartment, matamlay sa kwarto si Jenna. Pumasok si Sofia
Sofia : O Bes halika na, late na tayo. Kanina pa kita hinihintay sa baba. O bakit ganyan ang mukha mo? (hindi sumasagot si Jenna) Alam ko na, siguro tungkol to sa sinabi mo nung isang araw ano, na nagseselosan lang kami ni Toby? Are you serious?
Jenna : Parang ganun nga eh. Lalo na nagbabangayan kayo, lalo na tungkol kay Jonas.
Sofia : Bes, bata pa lang kami ni Toby nagbubwesitan na kami. Sa Asyenda pa lang, ganun... ganun lang talaga, walang ibig sabihin yon.
Jenna : Kasi parang may gusto sya sa yo eh. Baka nagseselos sya kay Jonas.
Sofia : Imposible! Alaskador lang talaga yun, walang magawa sa buhay
Jenna : Eh ikaw, may gusto ka kay Toby?
Sofia : Iyong iyo na si Toby, kung gusto mo. Ako, happy na ako kay Jonas. Bes, alam mo ba kung ano ang sinabi nya sa akin last night?
Jenna : Ano?
Sofia : (kinikilig) Sabi nya "I love you!"
Jenna : What?
Sofia : Oo
- At parehong kinikilig na tumalon talon ang magkabigan.

Nag-uusap sina Catherine at Rafael habang kumakain
Catherine : Well, marami namang puedeng ipalit sa pwesto ko. Pero sa tingin ko si Miguel ang karapat-dapat.
Rafael : Well, Miguel deserve that promotion, after all, masipag naman sya.
Catherine : Pero pumalpak sya sa US branch. Kaya lang, pamilya pa rin sya, son in law sya ni Martin, asawa ni Scarlet. Pangit naman kung mapupunta sa iba. So siguro nga, siguro nga sya ang dapat.
Rafael : Well, mabuti naman at nagkakaayos na kayo. Cheers to your company!

Sa Dela Mansion, magkausap sina Isadora at Scarlet
Scarlet : Katatawag lang ni Miguel. Ang sabi nya sa akin pinromote daw sya ng Kate na yun. Senior Vice President na ngayon si Miguel ng kumpanya.
Isadora : Talaga? That's great. O e di naging epektibo rin ang pagtataray mo sa babaeng yun.
Scarlet : Oo naman. Pero Mommy natatakot kasi ako kay Kate, para syang ... meron lang akong kakaibang kaba. Parang meron syang binabalak na hindi maganda kay Miguel.
Isadora : Ano yun?
Scarlet : Hindi ko alam. Hindi ko ... para bang pakiramdam ko bigla na lang nya ilaglag si Miguel. Tapos ang palalabasin nya kasi incompetent, alam mo yung mga ganun, nagdududa lang talaga ako sa kanya.
Isadora : Hayaan mo na muna. Ang importante nasa posisyon ngayon si Miguel. Tapos saka na lang natin pagplanuhan ang salot na yon, kapag nangwalanghiya ulit.
-Nagkatawanan ang magbyenan. Dumating ang maid, ibinigay ang telepono kay Scarlet - hospital staff ang nasa kabilang linya, pinapakuha ang mga personal na gamit ni Martin.
Isadora : O ano daw yun?
Scarlet : Si Papa daw, meron pang mga naiwang personal nyang mga gamit sa ospital. Hindi man lang inasikaso ng magaling nyang asawa.

May mga ipinapagawa si Catherine sa sekretarya nya.
Catherine : Pumunta ka sa HR tungkol sa promotion ni Miguel. Tapos pumunta ka sa Accounting para sa adjustment ng salary nya, from branch manager to SVP.
Louela : Ah okey. Ito pala
Catherine : Ano 'to?
Louela : Request yan sa accounting, di ba magda-Davao si Miguel at saka si Mr. Ocampo ng sales. Eh may ime-meet daw silang big client.
Catherine : Oo nga pala. O sige, puede i-clear mo at i-block off mo lahat ang schedules ko sa mga araw na yan, at ako ang sasama sa Davao.
Louela : Naku Catherine, baka doon pa kayo mag-gyerahan ha.
Catherine : Louela, hindi naman ako ganun. Hindi ako unprofessional na tao. Malalaking kliyente ang ime-meet namin doon, kaya ceasefire muna kami.

Mag-isang naglalakad si Toby nang makita niya sina Sofia at Jonas na masayang nag-uusap. Nasasaktan si Toby sa nakita na masaya si Sofia kasama si Jonas.

Sa Dela Rhea Foods, naglalakad lakad si Catherine nang makita niya ang pagdating ni Mr. Ocampo
Catherine : Mr. Ocampo!
Mr. Ocampo : Good evening ma'am!
Catherine . Good evening! O kumusta na?
Mr. Ocampo : Okey naman po. By the way, nakahanda na po ang lahat para sa client meeting natin sa Davao.
Catherine : That's great! Okey lang ba sa asawa mo na nagtatrabaho ka kahit weekends? Kasi alam mo nagi-guilty ako, kasi babae rin ako ano. Parang weekends mo na nga lang nakakasama ang pamilya mo eh, parang inaagaw ko pa. So?
Mr. Ocampo : Hindi naman po kasi maiiwasan yon. Naiintindihan po ni misis.
Catherine : Pero alam mo Mr. Ocampo, kung nag-aalangan ka, eh di ba sabi mo pirmahan na lang naman ang kulang doon di ba? Sa tingin ko kaya na namin ni Miguel yon.
Mr. Ocampo : (natuwa) Really?
Catherine : Yes!
Mr. Ocampo : Thank you very much po! Maraming salamat po!
Catherine : O basta i-date mo si misis. You're welcome!
-Masayang nagpaalam si Mr. Ocampo kay Catherine.

Nagtatanong si Toby "about love" sa kanyang broken hearted din na kuya.
Toby : Kuya, may itatanong nga pala ako.
Rafael : Oo ba, game
Toby : Bakit ba ganun? Yung taong may gusto sa 'yo, hindi mo gusto. Pero yung taong gusto mo, inlove naman sa iba. Abnormal e!
Rafael : A iyan ang isang bagay na hindi ko rin masasagot.
Toby : Alam mo kuya, kaya ayoko ng nagkakagusto e, kumplikado. Mas gusto ko pa yung laro-laro lang, date date lang, pero hindi naman ako masyadong masaya. Iba pa rin yung gusto mo ang kasama mo e. Alam mo 'yon?
Rafael : Oo. Ganyan ka dahil Torralba ka nga, saka sa pag-ibig, pero alam mo marami namang iba dyan e. Maghanap ka na lang ng iba.
Toby : Kuya madaling sabihin e. Alam mo yung pakiramdam na parang tinatarakan ang puso mo, lalo na't nakikita mo siyang inlove sa iba.
Rafael : Ganun na nga yun e, kung minsan ay tinatanga ka na nga pero wala ka pang magawa. Kaya kung minsan e, naiinis nga rin ako e, wala akong magawa. Ganun na lang, parang gusto mong ... nakaka-frustrate ... parang gusto mong magbasag. Gawin mo na lang gusto mong gawin.
Toby : Isa lang kuya ha
Rafael : Oo
- Inubos ang laman ng boteng hawak, at ibinagsak, KRAASSSS! BASAG ANG BOTE!
Toby : Ayos!

Nakuha na ni Scarlet sa hospital ang ilang personal na gamit ni Martin. Umiiyak si Scarlet habang tinitingnan ang mga gamit ng yumaong ama. Nakatingin si Maggie sa inang umiiyak.
Maggie : Mommy, ano yan?
Scarlet : Mga gamit ng lolo mo. Kinuha ko lang kanina sa hospital.
-Tumayo ang umiiyak na si Scarlet, hawak ang cellphone ng ama.

Nag-iimpake si Miguel
Scarlet : Miguel, gusto mo bang sumama na lang kami ni Maggie sa Davao, hindi ba puede yon? Kasi three days ka rin eh.
Miguel : Medyo hectic ang schedule ko doon sa convention e. Ikaw, baka kasi hindi ko kayo masamahan ni Maggie pag namasyal kayo.
Scarlet : Baka naman mambabae ka lang dun
Miguel : Scarlet stop it, okay. Nagsisimula ka na naman e
Scarlet : Papaano may ibang babae na dyan sa pag-iisip mo.
Miguel : Puede ba tumigil ka na? Anim na taon na tayong kasal, not even once nambabae ako.
Scarlet : Huwag kang magalit sa akin. Hindi mo naman maaalis yan sa akin, Miguel nagseselos ako. Pero kunsabagay, malayo naman yung Davao sa Amadesto. Hindi mo naman siguro makikita si Catherine sa Davao, di ba?
Miguel : Puede ba tumigil ka na? Hindi ako nambababae, okey?
Scarlet : Bakit? Dahil enough na ako sa 'yo?
Miguel : Dahil babae ang anak natin. Ayokong dumating ang panahon na mawalan siya ng respeto sa akin.

Lumipad na papuntang Davao sina Catherine at Miguel.
Miguel : Ibig mong sabihin, hindi makakarating si Mr. Ocampo?
Catherine : May family affair sya, so pinayagan ko. Pass muna daw sya.
Miguel : Tayong dalawa lang dito?
Catherine : Natatakot ka ba sa akin o sa sarili mo? Alam mo ... bibigay ka rin.
-Pumasok na si Catherine sa hotel na tutuluyan nila

Pinuntahan ni Rafael si Catherine sa Dela Rhea, pero wala doon ang babae
Rafael : CONFERENCE?! Saan yan? Teka muna, biglaan lang ito ano?
Louela : Oho. Sa Davao ho sila ng three days.
Rafael : Three days. Sinong kasama? Bakit hindi ka sumama sa kanila?
Louela : Eh kasi Sir, tatlo lang ang puedeng representative ng kumpanya. Si Mr. Ocampo nga po nagback-out ng last minute. Kaya ... sila lang ... ni Sir Miguel ang lumipad.

Sa Davao. Medyo sexy ang suot ni Catherine, nang makita sya ni Miguel ay "nabighani" ang lalaki at napatulala.
Catherine : O napaano ka? Okey ka lang? Hay naku! Halika na, naghihintay na ang mga prospects natin. Let's go!
-Humawak pa sa braso ni Miguel si Catherine papunta sa meeting.

Hindi makapag-concentrate si Miguel sa inirereport, kasi nasa tabi niya si Catherine. Sinabi ni Catherine na unahin daw ni Miguel i-discuss ang profile ng kumpanya, para daw ma-impress ang mga kliyente nila. Itinuro pa ni Catherine na nasa page 3 ang profile ng kumpanya. Sa hotel room, nakaupo sa kama si Kate at pinag-uusapan nila ni Miguel ang mga demands ng mga kliyente. Habang nag-uusap ay umupo rin si Miguel sa kama. Lumapit si Catherine kay Miguel upang makita ang nasa laptop, at napasulyap ang lalaki sa dibdib ni Catherine na medyo litaw sa sexy nitong kasuotan. Okey na raw ang lahat at matutuwa ang kliyente nila.
Catherine : So tapos na? Tamang tama makakapahinga na ako, makaka-relax, tapos na ang trabaho. Magja-jacuzzi ako, wanna join me?
- Natigilan si Miguel sa invitation ni Catherine, kapagkuwa'y nagpaalam na at lumabas ng kwarto.

Tinawagan ni Scarlet ang asawa.
Scarlet : Hi Migue! How's Davao?
Miguel : Okey lang, ito nakakapagod
Scarlet : Okey ka lang? Parang wala ka sa sarili. Anong ginagawa mo?
Miguel : Wala. Nandito lang ako sa kwarto sa hotel.
Scarlet : Alone?
Miguel : (galit) What do you expect me to say?
Scarlet : (tumawa) Nagbibiro lang ako, ano ka ba?
Miguel : Well, hindi ka nakakatawa. And please stop checking on me.
-Binabaan ni Migue, ng telepono ang asawa.

Nasa jacuzzi si Catherine, naka 2 piece. Pumasok si Miguel na nakatapis ng tuwalya.
Catherine : Akala ko matutulog ka na?
Miguel : Hindi ako makapag-relax sa kwarto e.
- Tinanggal ni Miguel ang towel at sinamahan si Catherine sa jacuzzi. Hinawakan ni Miguel ang legs ni Catherine
Catherine : Akala mo ba, hindi kita napapansin? Kanina ka pa tumitingin.
Miguel : Gustong gusto mo naman, di ba? Kaya ka nga ganyan manamit.
Catherine : I just want to be comfortable. Hindi ko na siguro kasalanan kung hindi ka kumportable. Ano ba talaga ang gusto mo Miguel? (nang-aakit ang tingin) Gusto mo ako? Sige Miguel, gusto kong marinig mula sa 'yo. Gusto kong marinig mula sa bibig mo, na gusto mo ako.
-Magkadikit ang mga katawan nina Miguel at Catherine
Miguel : I want you!
-Akmang maghahalikan sina Miguel at Catherine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP