Friday, August 8, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 19

Inaakit ni Catherine si Miguel.
Miguel : Alam mong hindi iiwan ni Scarlet ang bahay na 'to.
Catherine : Bakit yun ba ang dahilan nya? Eh ikaw Miguel, ano ang dahilan mo? Ako ba ang dahilan mo?
-Natatangay na ng damadamin nya si Miguel. Hahagkan sana niya si Catherine, pero narinig nya ang pagtawag ni Scarlet. Muling inilapit ni Miguel ang mukha kay Catherine, akmang hahalikan ang babae
Miguel : Masyado kang nabubuhay sa ilusyon.
-Lumabas ng silid ni Catherine si Miguel at pinutahan ang tumatawag na asawa.

Pumunta sa may pool si Miguel.
Miguel : Masamang tao si Catherine. Manggagamit sya, sisirain lang nya ang buhay mo, ang pamilya mo. Pero bakit ganun paulit ulit pa din akong lumalapit sa 'yo? Hindi ko makalimutan ang ating nakaraan. (flashback ng sweet moments nila ni Catherine) Hindi maalis sa isipan ko - ang tamis ng mga ngiti mo, ang iyong mga halik. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa iyo.

Nasa office si Catherine, pero ang isip niya ay sa hospital na pinasunog nya.
Louela : Hindi ka ba nanghihinayang? Pinasunog mo ang ospital.
Catherine : Bakit naman ako manghihinayang? Doon ako pinahirapan ng husto ni Isadora, doon din namatay ang anak ko.
Louela : Naku Catherine, mag ingat-ingat ka nga sa mga pinaggagawa mo. Alam mo sabi ng mga tao, puede kang kasuhan ng arson. Baka makulong ka nyan.
Catherine : (ngumiti) Ano ka ba naman Louela, parang hindi mo alam, PERA ang nagpapatakbo ng hustisya sa Amadesto. Ibinasura nila ang kaso ko. Ngayon magkakaalam na kung sino ang mas makapangyarihan sa aming dalawa ni Isadora.
Louela : Eh sino nga?
Catherine : Hehehe! Sino pa nga? Eh di ako. ibinasura nila ang kaso ni Isadora, dapat tuluyan na rin nilang itinapon sa basura ang demonyitang yun.

Nag-aaral sina Sofia at Jenna nang lumapit sa kanila ang nagugutom na si Toby.
Sofia : Gutom ka na naman? Hello! kakakain lang natin ng dinner, may alaga ka yata sa tyan mo eh.
Toby : Oo meron, dinosaur.
Sofia : Ang cute mo ha
Jenna : Ang cute nga. Ikaw talaga kj
Toby : Eh manang yan e. Pustahan tayo, tatlo na ang anak ko, dalaga pa rin yan.
Sofia : Mas gugustuhin kong maging matandang dalaga, kesa magkaroon ng immature na asawang katulad mo, di ba Jenna?
Jenna : I don't mind kahit immature.
-Tinanong ni Jenna kung ano ang gustong kainin ni Toby, kasi ipagluluto nya. Kahit ano raw, sagot ni Toby. Masarap daw siyang magluto, pagpapacute ni Jenna kay Toby. Pumunta sa kusina si Jenna para ipagluto si Toby.
Toby : O ano na ang balita doon sa escort mo? After nang party hindi na nagtext. Alam mo iisa lang ang ibig sabihin sa aming mga lalaki yan - hindi kami interesado. So, hindi sya interesado sa yo?
-Napipikon si Sofia kay Toby kaya tinitingnan niya ito ng masama. May tumawag kay Sofia mula sa gate, paglingon niya ay nandun si Jonas. Nawala ang ngiti ni Toby.
Sofia : Uy Jonas! Halika ka, pasok ka! (tumingin kay Toby) Hindi pala interesado ha.
Jonas : Dinalhan kita ng pizza o.
Sofia : Thank you ha
Jonas : Bacon.
Sofia : Talaga?
Jonas : Favorite mo di ba?
Sofia : Oo. Sweet naman.
-Mukhang nagseselos si Toby. Inihatid ni Sofia sa may gate ang bisita. Humalik pa si Jonas sa pisngi ni Sofia bago umalis. Nakita iyon ni Toby na nakasilip sa bintana, nakita ni Sofia na tinitingnan sila ni Toby. Hanggang sa higaan ay bakas ang pagseselos ni Toby, hindi makatulog ang binata.

Sa Dela Rhea Foods. Sinabi ni Louela kay Catherine na tumawag ang ospital, pinapakuha raw ang mga personal na gamit ni Martin. Pinasasabi ni Catherine na next week na lang daw kasi busy siya.
Louela : Eh ayun naman dito sa schedule mo, free ka na after dito eh. Bakit hindi mo pa daanan?
Catherine : Ayoko lang. Ayoko munang makita ang mga gamit nya, sasama lang ang loob ko. At saka pupunta ako sa mall mamaya, bibilhan ko ng mga toys si Maggie.
Louela : Laruan na naman?! Eh di ba kailan lang ... nung binilhan mo ng laruan eh,
Catherine : Gusto ko maging close sa bata.
Louela : Alam na alam ko na yan eh. Gusto mong makuha ang loob ng bata para malayo ang loob nya sa mga magulang nya, tama?
Catherine : Ang talino mo talaga, paano mo nahulaan yan? Syempre, kung noon kinuha ni Miguel sa akin ang lahat. Ngayon ako naman ang kukuha ng lahat sa kanya.

Naglalaro ng pusoy dos sina Toby at Jenna nang pumasok sina Sofia at Jonas. Niyaya sila ni Toby na sumali
Sofia : Ah no thanks!
Toby : Bakit naman?
Sofia : Ang ingay nyo eh
Toby : Gusto mo ng tahimik? Pumunta ka nang monasteryo. Buti hindi nabobore sa iyo yang si Jonas. Monghang mongha
Jonas : Hindi naman. Okey lang
Sofia : Sa itaas na lang kami ha
-Umakyat na sa hagdanan sina Sofia at Jonas
Toby : Okey lang ba yun, nagpapapasok ng lalaki sa kwarto?
Jenna : Sus! conservative ka pala. Okey lang yan 'no. Hindi ka pa ba nakakatambay ng girls room?

Sa kwarto. Nag gigitara si Jonas, tuwang tuwa si Sofia kasi ang galing raw ni Jonas. Hindi nila namamalayan na nasa pintuan sina Toby at Jenna. May nagtext kay Jonas - nagpapasundo daw ang kapatid. Sinabi ni Jonas na sobrang nag-enjoy daw siya ng araw na iyon, sya rin daw sabi ni Sofia.
Jonas : Sofia, I like you a lot.
-Maghahalikan sana sina Jonas at Sofia. Pasimpleng itinulak ni Toby si Jenna
Jenna : Aray! aray!
Sofia : Bakit?

Toby : Yung wallet ko nawawala.

Sa mansion, magkausap ang magbyenang Scarlet at Isadora
Scarlet : Hindi ko talaga sya ma-take. Feeling ko merong ginagawa ang babaeng yan sa akin behind, di ba?
Isadora : Sigurado. Traidor ang babaeng yan eh.
Scarlet : Gusto ko sana syang mapalayas dito eh. Hindi ko lang alam kung papaano ko gagawin yun. Sabi kasi ng family lawyer namin, wala na daw akong magagawa tungkol doon sa last will ni Papa.
Isadora : Ay naku! Puede ba Scarlet, huwag ka nga masyadong magpapaniwala sa abogado nyo - masyadong straight. Alam mo, ang magaling na lawyer eh yung nagagawang legal ang illegal. Yung nagagawang original ang peke. Basta kung kailangan mo ang tulong ko ha, andito ako.
-Napangiti si Scarlet sa byenan, mukhang nagustuhan niya ang sinabi ni Isadora.
Scarlet : Ang alam ko kasi, totoong nag-away si Papa at si Kate kaya inatake si Papa. Hindi ko lang alam ang dahilan ng pinag-awayan nila. Kasi Mommy naisip ko, pupuede nating gamiting dahilan yan eh against Kate. Kung anuman yung pinag-awayan nila.
Isadora : Sa pagkakatanda ko, meron silang dinidiscuss about a certain transfer?
Scarlet : Iyong ipinagawa natin kay tita Winnie?
Isadora : Oo
- Natigilan si Scarlet at parang maiiyak
Isadora : Scarlet, are you okay?
Scarlet : Naisip ko lang kasi kung hindi natin pinagawa yun kay Tita Winnie, e di sana hindi nagalit si papa. Hindi sana sya inatake, e di sana nandito pa siya ngayon, di ba?
Isadora : Scarlet don't blame yourself. Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay ng papa mo, kung hindi si Kate. Tandaan mo yun, si Kate, si Kate ang dahilan.

Sa apartment. Hinahanap nina Sofia at Tobay ang wallet na nawawala
Sofia : Burara ka kasi. Wallet mo hindi mo alam kung saan mo inilagay.
Toby : Pasensya na ha, tao lang ako. Nagpapanik talaga ako dahil nandun ang pangtuition ko. 20 thousand yung nandun 'no, hinanap ko na nga sa bag ko e. Pati dito sa kwarto, wala talaga!
Jenna : Feeling ko nandito lang yan sa bahay. Wait, itse-check ko sa sala.
- Lumabas ng kwarto si Jenna
Toby : Teka, bakit ka ba aburodo? Dahil hindi natuloy yung kissing scene nyo ni Jonas?
Sofia : Alam mo ba yung word na privacy? FYI wala kaming ginagawang masama ni Jonas.
Toby : Anong wala? Eh ganito na nga kalapit (lumapit kay Sofia at inilapit ang mukha sa mukha nito)
Sofia : Ano ba?
Toby : Simula ngayon ha. Magkakaroon na tayo ng house rule. House rule number 1 - bawala ng opposite sex sa mga kwarto natin.
Sofia : Mag house rule ka mag-isa mo.
Toby : Ah ganun. Pwes makakarating yan sa Mommy mo at sa kuya mo. Isusumbong kita.
-Pumasok si Jenna, dala-dala ang bag at wallet ni Toby
Jenna : Toby, ito wallet mo nandito lang sa bag mo. Wala namang laman na 20 thousand ah.

Nasa mansion pa rin si Isadora nang dumating si Catherine. Nakita ni Isadora ang maraming shopping bags na pinapasok ng dalawang maid.
Isadora : O anong gimik naman yan? Santa Claus? Charity work? Para sa mga homeless kids? Ipokrita.
Catherine : Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mong ihampas ko sa iyo itong bag ka na mas mahal pa sa iyo.
Isadora : Hehehe! Kunsabagay ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, okay? In fairness ha, ang ganda ng damit mo, pahiram minsan ha.
-Umalis na si Isadora. Nag ring ang phone, sinagot ni Catherine - si Toby ang nasa kabilang linya. Hinahanap ni Toby si Miguel, may isusumbong daw siya.
-Nakita at narinig ni Sofia ang pagtawag ni Toby para magsumbong. Nilapitan ni Sofia si Toby at pinatitigil ito sa pagsusumbong.
Toby : Hello ate! Aray, aray, aray! Hello ate, sige po tatawag po ulit ako. Aray! aray!
Catherine : Hello Toby
-Nag-alala si Catherine kung ano ang nangyayari sa kausap, kasi bukod sa pag-aray ni Toby, ay may naririnig pa siyang mga lagapak.

Kumakain si Sofia nang bumaba ng hagdanan si Toby. Tumayo si Sofia at dinala ang plato at baso sa lababo. Nawalan daw siya ng gana. Nagtataka naman si Mang Rolando
Rolando : Nag-aaway ba kayo? (walang sumagot kina Sofia at Toby) Nakakatawa kayong dalawa, para kayong mga aso't pusa. Hindi kaya mauwi yan sa loving-loving?
Sofia at Toby : Loving loving? Yak! No way!
-Umakyat muli si Toby. Dumating si Catherine
Catherine : Hi! Nagdala ako ng
-Nagkita ang mag-amang Rolando at Catherine
Catherine : Anong ginagawa mo dito?
Sofia : Handy man namin sya. Bakit ba? Ikaw nga ang dapat kong tanungin eh, anong ginagawa mo dito?
Catherine : Tumawag si Toby kannina, tsine-check ko lang kung may problema.
-Bumaba si Toby
Toby : Ate Catherine, si Sofia kasi
Sofia : Excuse me Toby, kung magsusumbong ka kay kuya na lang. Hindi ko kaanu-ano si Catherine. Kaya please lang, umalis ka na lang.
-Ibinigay ni Catherine kay Toby ang dalang pasalubong (cake?). Malungkot na tinitingnan ni Rolando ang anak na si Catherine. Umakyat si Sofia. Nakita ni Toby na tila apektadong apektado si Rolando sa pagdating ni Catherine.

Habang nagmamaneho pauwi ay umiiyak si Catherine.

Kinabukasan. Inusisa ni Sofia si Rolando, tungkol sa reaction ni Catherine
Sofia : Bakit ganun ang reaction ni Catherine sa inyo kagabi, kilala nyo ho ba sya?
Rolando : Oo
Sofia : May atraso po ba kayo sa kanya?
Rolando : Anak ko sya.
-Kapwa nagulat sina Sofia at Toby
Sofia : Alam nyo po bang kilala namin si Catherine? Kaya kayo dito nagtrabaho para makita sya?
Rolando : Oo. Andito ako para sa anak ko (titig na titig kay Sofia)

Nagkita sina Rafael at Catherine. Tahimik lang si Catherine
Rafael : Ano ba talaga ang problema? Ginugulo ka ni Scarlet? Namumoblema ka doon sa last will and testament ni Sir Martin?
Catherine : Hindi.
Rafael : You're depressed? Sabi ko naman kasi e, normal lang yan sa nasa grieving stage. Sabi sa yo e magpahinga ka muna.
Catherine : Hindi lang naman tungkol doon eh. Tungkol sa tatay ko, bumalik na sya. Doon sya nagtatrabaho sa apartment nina Toby at Sofia.

Ikinukwento ni Rolando ang nangyari sa kanya kina Sofia at Toby.
Rolando : Noong umalis ako sa Amadesto, sanggol pa lang si Toby, wala ka pa noon Sofia. Umalis ako dahil nakukonsensya ako. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Anna.
Sofia : Ano po ba ang ikinamatay nya?
Rolando : Atake sa puso. Bagong Bypass sya noon, sa Maynila pa kami nagpagamot.
Sofia : Bakit nyo ho iniwan ang anak nyo? Bakit nyo po itinago kung nasaan kayo?

Catherine : Papaano mong nagawang itago sa akin ang tungkol sa tatay ko?
Rafael : Nabangggit ko naman sa'yo yun e, minsang nasa restaurant tayo. Hindi ka naman intersado. Pati naman si mang Rolando e ayaw nyang ipaasabi sa 'yo. I'm bound by attorney-client confidentiality. Hindi ko puedeng ipagsabi.
Catherine : Lawyer ka nya?
Rafael : Nakulong ang ama mo.

Rolando : Bank robbery ang kaso ko. Mabuti na-drop yung homecide.
Toby : Bank robbery?
Rolando : Gusto kong kumita, para mabayaran ko ang utang ko. Gusto kong makuha si Catherine, at mag umpisa ng bagong buhay pero minalas
Sofia : Siguro kung magpapaliwanag kayo, papatawarin ka nya.
Rolando : Hindi ko inaasahan ang pagpapatawad nya. Alam kong hindi nya maibibigay.

Rafael : Kaya mo syang patawarin, ama mo sya.
Catherine : Ni minsan hindi sya naging ama sa akin
Rafael : Kahit hindi nya sinasabi, alam ko gusto nyang humingi ng tawad.
Catherine : Mabubulok sya. Pero hinding hindi nya makukuha ang kapatawaran ko.

Inabangan ni Rolando ang anak na si Catherine. Nang papasakay na ito sa kotse ay lumapit si Mang Rolando. Nabigla si Catherine nang sa paglingon niya ay ang ama niya ang nandun
Rolando : Gusto ko sanang magpaliwanag kung bakit ako nawala itong mga huling taon.
Catherine : Alam ko na kung bakit
-Tinalikuran ni Catherine ang ama, pero hinawakan sya nito. Umiwas si Catherine
Rolando : Anak
Catherine : Huwag mo akong tatawagin na anak. Dahil ni minsan hindi ka naging ama sa akin.
Rolando : Hindi ko kagustuhan ang nangyari?
Catherine : Alam mo ba kung ano ang usap usapan nun sa bayan? Sabi nila may ibang babae ka raw. Namatay ang nanay ko dahil may ibang babae ka.
Rolando : Hindi. Mahal ko ang nanay mo. Wala akong ibang babaeng minahal kundi ang nanay mo, at mahal din kita.
Catherine : Sinungaling ka. Hindi totoo yang sinasabi mo dahil kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako iniwan ng ganito eh. At hindi mo na sana ako pinaasa na babalik ka pa.
Rolando : Hiyang hiya ako sa nangyari
Catherine : Bakit ngayon hindi ka nahihiya? BAKIT? Bakit ka pa ba bumalik sa buhay ko ha?
Rolando : (tumutulo ang luha) Dahil mahal kita.
Catherine : (umiiyak) Mahal mo ako? O dahil nalaman mo na mayaman na ako ngayon. Ako ba talaga ang dahilan o yung perang makukuha mo sa akin ang dahilan? (kumuha ng maraming pera sa walllet, inihagis sa ama) Yan ang pera mo. Huwag ka nang magpapakita sa akin ulit.
-Sumakay ng kotse si Catherine. Naiwan ang amang lumuluha.

Pumunta si Mang Rolando sa tinitirhan ni Lola Aura. Nagulat si Lola Aura nang makita ang manugang.
Lola Aura : Ang tapang ng mukha mo na magpakita pa dito.
Rolando : 'nay hihingi lang po ako ng tawad. Pinagsisisihan ko na lahat ang ginawa ko.
Lola Aura : Namatay ang anak ko. Pinalayas ako sa sarili kong lupa. Naulila at nasira ang buhay ng apo ko. Ang lahat ng iyon ay nangyari nang dahil sa 'yo. Kung maitatama mo lahat ng mga mali, kung maibabalik mo lahat ng mga nawala, kung mabubura mo lahat ng mga sakit na dinanas namin ng dahil sa 'yo. Baka doon makaya pa kitang patawarin.

Sa Dela Rhea Foods, Inc., napansin ni Louela na matamlay ang kaibigan.
Louela : Catherine, okey ka lang?
Catherine : Oo naman. Bakit namin ako hindi magiging okey.
Louela : Yunng nangyari kasi kagabi, gusto mong pag-usapan?
Catherine : Ayokong pag-usapan ang mga walang kakwentang kwentang bagay.

Pumunta si Scarlet sa Dela Rhea Foods, Inc. May dalang pagkain para sa asawa. Nagulat si Scarlet nang makitang walang sariling opisina ang asawa.
Miguel : Scarlet, anong ginagawa mo dito?
Scarlet : Gusto sana kitang isurprise. Dinalhan kita ng pagkain para makapag-piknik sana tayo sa office mo.
Miguel : (kinuha ang paper bag na may pagkain, ipinatong sa table. Wala akong opisina e. Ito ang work area ko.
Scarlet : Talaga bang nananadya ang babaeng yan?
Miguel : Scarlet huwag na.

Sinugod ni Scarlet si Catherine sa office nito, nakasunod si Miguel.
Scarlet : Damn you Kate! Nananadya ka na talaga ano? Kapal ng pagmumukha mo. Nakita ko kung saang sulok mo tinambak ang asawa ko. Nananadya ka na ba talaga ha?
Catherine : Ano ka ba? Hindi mo ba nakita, nire-renovate yung kabilang wing?
Scarlet : 15 floors ang building na ito. Ikaw kaya ang itambak ko sa isang sulok, ano ang mararamdaman mo?
Catherine : Hoy dumahan dahan ka sa pananalita mo ha. Baka nakakalimutan mo, AKO ang may-ari ng kumpanyang 'to. Presidente ako ng kumpanyang ito. Wala kang karapatan na sitahin ang mga desisyon ko.
Scarlet : Isa akong Dela Rhea kaya meron akong karapatan dito, AKO AT ANG ASAWA KO!
Miguel : SHUT UP!!!
-Galit na umalis si Miguel sa office ni Catherine.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP