Friday, August 8, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 16


Pagpasok ni Martin sa silid ay naabutan niyang nag-aaway ang asawa at balae. Nakaupo sa kama si Isadora habang hawak hawak ni Kate.
Martin : What's going on?
Kate : Ang ganda kasi ng shawl nya, tinatanong ko kung saan nya nabili.
Isadora : (bumubulong) Plastic
Kate : Ikaw rin
-Tumindig na si Isadora
Isadora : O paano (may dinampot sa Bedside Table) alis na ako ha? Thanks for the perfume ha! Martin, I'll see you downstairs ha? Kate thank you sa perfume.
-habang palayo ay inaamoy amoy pa ni Isadora ang nakuhang perfume. Nag-iisip na tinitingnan ni Martin ang asawa.

May tawag na namang natanggap si Martin
Martin : Hello?
Caller : Makinig kang mabuti. Niloloko ka ng asawa mo. Balak ka nyang layasan, tumityempo lang sya. Ingatan mo ang pera mo, Martin dela Rhea.

Kinagabihan. Tahimik na may malalim na iniisip si Martin. Kagagaling lang mag-shower ni Catherine at napuna nito ang pananahimik ng asawa
Catherine : May problema ba?
Martin : May ibang lalaki ka ba?
Catherine : ANO?! Saan naman nanggaling yan? (hindi sumagot si Martin) Ahhh baka doon sa tumatawag sa iyo. Martin naman, ginugulo lang tayo.
Martin : Bakit naman nya gagawin yon?
Catherine : Dahil maraming inggetera sa mundo.
Martin : Bakit naman sya maiinggit sa akin?
Catherine : Napangasawa ko naman ang mahal ko, pero hindi naman nya ako mahal. Alam ko naman sa simula pa lang e, na pinakasalan mo ako dahil sa utang na loob. Pero umaasa ako na isang araw matututunan mo rin akong mahalin. Iyon ang sabi mo, hindi ba? Susubukan mo akong mahalin, pero papaano mo magagawa yun kung meron kang ibang lalaki sa buhay mo?
Catherine : Wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Wala akong tinatago sa yo. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko at hindi kita niloloko.
Martin : Sana nga Kate. Mahaba ng pasensya ko, pero iisang bagay ang hindi ko masisikmura, ang mapindeho.

Nagkita sa isang restaurant sina Isadora at ang sekretarya ni Martin na si Winnie.
Isadora : Hay naku totoo Winnie. Napakabait talaga ni Martin. Kaya nga nakakalungkot isipin na niloloko lang sya ng asawa nya eh.
Winnie : Niloloko? Akala ko ba maayos ang pagsasama nila?
Isadora : Magaling lang magdala si balae. Pero ang totoo nya, kaliwa-kaliwa ang problema. Alam mo na, pag inlove nagbubulag-bulagan.
Winnie : Kailan mo pa alam?
Isadora : Kaya nga desidido kami ni Scarlet na mapalayas ang babaeng yun eh. But of course, we need some help. That's why we need your cooperation.
Winnie : My cooperation?
Isadora : Kasi di ba dati nabanggit mo, sabi mo halos lahat ng tungkol kay Martin, alam mo. I just wondering, does this include yung password nya sa account nya?
-Medyo hindi nagustuhan ni Winnie ang tanong ni Isadora.
Isadora : Winnie, don't get me wrong. Hindi tayo magnanakaw. Ang naiisip ko lang, is mag request tayo ng transfer of money from his account sa account ni Kate, yun lang. Alam mo Winnie, mahal ko si Martin at si Scarlet. Syempre gusto natin silang protektahan, di ba? So believe me, this is good for everyone.

Sa Dela Rhea Foods ay may natanggap na tawag mula sa bangko si Martin. Kinuconfirm ng taga bangko kung nagtransfer si Martin ng 80 million sa account ni Catherine dela Rhea. (naririnig ni Winnie ang usapan ng boss at taga bangko). Pina hold ni Martin ang transfer. Pagkababa sa telepono ay napaisip na naman si Martin.

Sa kwarto nila ay masayang pinapakita ni Catherine ang kanyang bagong red gown sa asawa.
Catherine : A red dress. Tingnan mo Martin o, ang ganda! Bagay ba sa akin?
Martin : Yes!
Catherine : Dapat lang, dahil ang mahal mahal ng pagpapagawa ko dito. At saka ito palang suit mo, para pareho tayo.
Martin : Saan mo kinuha ang pinambili mo dyan?
Catherine : Kakasweldo lang natin ah. Ano ba namang tanong yan?
Martin : Nag withdraw ka daw sa Joint Account natin?
Catherine : Ano?! Ano bang pinagsasabi mo? Eh kakasweldo nga lang natin, more than enough na yung sweldo ko. Eh hindi ko nga pinakikialaman yung account na yun eh. Ano bang nangyayari sa iyo Martin?
-Galit na iniwan ni Catherine ang asawa.

Nang paalis na Catherine at pasakay siya sa kotse, ay may napansin siyang lalaki na nakatingin sa kanya. Umalis naman kaagad ang lalaki nang makita na tinitingnan siya ni Catherine.

May ibinigay ang maid kay Martin, mail for Kate. Binuksan ni Martin ang sobre.
Martin : Hawaii?

Dinalaw ni Miguel ang kapatid sa apartment.
Sofia : Kuya, bakit ininvite pa ni Mommy sina Catherine? Naiinis ako sa kanya eh.
Miguel : Hayaan mo na. E gusto ni Mommy na malalaking tao ang bisita mo sa party mo e. Anong gagawin natin?
Sofia : Malalaking bwesit kamo. I hate her. Sisirain nya lang ang birthday ko.
Miguel : Come on, one night lang yun. Huwag mo na lang sya tingnan. (napangiti ni Miguel ang kapatid) Basta ang importante ikaw, bukas kailangan magandang maganda ka, di ba? Tingnan mo o, grabe dalagang dalaga ka na. Sandali lang ha, magkaliwanagan tayo, ikaw huwag ka magboboyfriend muna ha? Pag nalaman ko talaga, bubugbugin ko yung mga lalaki na yun e.
Sofia : Huwag naman! Baka naman maging old maid ako niyan.
-Niyakap ni Miguel ang kapatid. Masayang tingnan ang magkapatid na naglalambingan.

Sa Dela Rhea mansion
Catherine : Bukas nga pala, mauuna ako sa salon. Syempre dapat bonggang bongga ako. Syempre ayoko namang may masabi ang mga sosyal mong kaibigan na hindi maganda ang asawa mo. Ayokong mapahiya ka dahil sa akin.
-nilapitan ni Catherine ang asawa at idinantay ang kamay sa leeg nito
Catherine : Masama ba ang pakiramdam mo?
Martin : Kate, pupunta ka ba sa Hawaii?
Catherine : Hawaii? Anong gagawin ko doon?

Maaga pa lang at tulog pa si Sofia ay kumakatok na si Toby
Toby : HAPPY BIRTHDAY!!!
Sofia : Toby ikaw ba yan? Ano bang nakain mo, at napaka thoughtful pa kunyari?
Toby : Ito naman, parang wala naman tayong pinagsamahan nung bata tayo e. Birthday mo ngayon, hindi muna kita aawayin.
-Binuksan ni Sofia ang regalo sa kanya ni Toby. Tuwang tuwa si Sofia sa regalo sa kanya ng kababata - stuffed toy na kabayo.
Sofia : Parang kabayo ko sa Amadesto, parang si Spirit. Ay ang cute!
Toby : Kaya nga yan ang binigay ko sa yo e, dahil alam ko namimiss mo na sya.
-Nagkatinginan sina Sofia at Toby. Excited na pumasok si Jenna, may dalang isang malaking teddy bear - mula kay Jonas. Tuwang niyakap ni Sofia ang regalo ng crush na si Jonas.
Jenna : O simula pa lang, masaya na kaagad ang birthday mo.
Sofia : Syempre! Basta si Jonas ang magsisimula ng araw ko. Sobrang happy talaga!
-Nalungkot si Toby.

Maraming malalaki at prominenteng tao ang dumalo sa debut ni Sofia. Sina Miguel at Isadora ang sumasalubong sa mga bisita. Magkasabay na dumating si Rafael at Toby. Kasabay naman ni Jenna ang dalawang kaibigan ni Toby. Nang dumating sina Catherine at Martin dela Rhea, ay nagplastikan ang dalawang babae. Nagsimula na ang party, si Jonas ang escort ni Sofia. Nang dumaan si Sofia sa kinauupuan ni Catherine, ay tila may kakaibang naramdaman si Catherine sa hindi nakikilalang kapatid sa ama. Pumasok si Rolando, at malungkot na napangiti ang ama ni Catherine ng makita si Sofia. Isinayaw ni Miguel ang kapatid, at habang sumasayaw ay tumingin ang lalaki kay Catherine. Palinga-linga si Catherine at nakita niya si Rafael na nakaupo sa table na hindi kalayuan sa table nilang mag-asawa. Kasali si Toby at mga kaibigan niya sa 18 roses. May lumapit na waiter kay Martin at may ibinulong, tumayo si Martin. Pagkaalis ni Martin ay lumingon si Catherine kay Rafael. Tumayo si Rafael at lumabas, sumunod si Catherine.

Isadora : Ano? Alam mo na ba kung ano ang pinag-gagawa ng asawa mo?
Martin : Ikaw ang tumatawag ano?
Isadora : Inutos ko. Kasi nagmamalasakit ako sa 'yo Martin.

Catherine : Rafael! Kumusta ka na?
Rafael : Mabuti. Ito lang, masyado lang akong naging busy.
Catherine : Oo nga eh. Tagal nating hindi nagkita ano?
Rafael : Oo nga.
-Nagkasabay pa sa pagsasalita sina Catherine at Rafael
Catherine : Kumusta ka na? - Rafael : Excuse me
Rafael : Okey lang
Catherine : Rafael, iniiwasan mo ba ako?
Rafael : Hindi kita iniiwasan, pero may asawa ka na Catherine
Catherine : Pero puede pa rin naman tayong maging magkaibigan, di ba?

Isadora : Ngayon, kilala mo na ba kung sino ang lalaki ng asawa mo?
-Ibinigay ni Isadora ang hawak na envelope sa kausap - iyong picture nina Emilio at Catherine na kinunan sa Castillejos Hospital
Martin : Sino naman 'to?
Isadora : Isang taga Amadesto. Isa sa mga lalaki ni Kate

Rafael : Catherine, mahal na mahal kita, alam mo yun. Pero ko kayang nakikita ka na kasama ng ibang lalaki, napakasakit nun.
Catherine : Rafael, mula noong bata pa lang tayo, ikaw lang ang kaisa isa kong kaibigan. Mula noon ikaw lang ang palaging sumasalo sa akin, tuwing bumabagsak ako. Ayokong mawala ka sa buhay ko.

Martin : Alam mo lahat ng tao, may past na. Hindi na importante kung sino ang nakarelasyon ni Kate noon.
Isadora : Sigurado ka? Papaano kung sabihin ko sa iyo na, naging karelasyon nya si Miguel - ang manugang mo.
Martin : Hindi totoo yan!
Isadora : Bakit naman ako mag-iimbento ng kwento? For what Martin? Alam mo ba na si Kate ang habol habol noon kay Miguel? Kaso bata ang anak ko, kaya naloko. Nagkarelasyon silang dalawa. Mabuti na lang hindi nagtagal ang kahibangan ni Miguel. Kahit pinagtatabuyan sya ng anak ko, habol pa rin ng habol si Kate. Eh papaano nga, anak ng siang trabahador. Talagang naghahanap sya ng isang tao na aahon sa kanya sa kahirapan. Martin, kahit noon pa kumakapit na talaga si Kate sa mga mayayaman.
Martin : You lie
Isadora : Nandidiyan si Catherine. Why don't you ask her?
-Iniwan ni Martin ang balae.

Magkasunod na bumalik sa party sina Catherine at Rafael. Nakita ni Martin ang asawa.

Nagsasayaw sina Sofia at Jonas. Partner naman ni Toby si Jenna. Habang nagsasayaw ay binangga ni Toby ng ilang beses ang escort ni Sofia. Nasaktan si Jonas at niyaya si Sofia na umupo muna.
-Binitawan ni Toby ang kasayaw na si Jenna. Hinawakan si Sofia para isayaw
Toby : Teka, teka hindi puedeng tumigil sa pagsasayaw ang celebrant. (sumenyas kay Jonas) Okay lang pare, ako na ang magtetake-over sa yo.
Sofia : (habang nagsasayaw) Aminin mo, nagagandahan ka sa akin 'no?
Toby : Hindi a.
Sofia : Bakit parang masyado ka yatang excited na makasayaw ako?
Toby : Hindi ako excited. Nakiki ride-on lang ako. Sikat ka ngayon e, lahat ng tao sa 'yo naka-focus. Para mapansin din naman ako ng ibang chicks.
-Hinawakan ni Toby ang pisngi ni Sofia
Sofia : Ano ka ba? Huwag kang pa -lose.
Toby : Hindi ako pa-close. May dumi ka sa pisngi.
Sofia : (hinawakan ang pisngi) Saan?
Toby : Wala na, nilipad na
Sofia : Style mo, bulok! Gusto mo lang maging sweet eh.
Toby : Ilusyon mo
Sofia : Ini-ilusyon mo ako

Niyaya ni Martin ang asawa na umalis na. Nagtataka man ay sumama sa asawa si Catherine.

Si Toby ay gustong siya ang magbitbit ng flowers ni Sofia. Pero sinabi ni Jonas na siya ang escort kaya siya ang dapat, nagpa-ubaya naman si Toby, pero hinawakan ang nagtatakang si Sofia at niyayang magsayaw. Habang nagsasayaw sina Sofia at Toby, inis na inis naman si Jonas at si Jenna ay nakasimangot - nagseselos.

Kinakaladkad ni Martin ang asawa habang papunta sa kotse.
Martin : Halika dito
Catherine : Martin nasasaktan ako, ANO BA?
Martin : Sinu sino ba ang mga naka-relasyon mo ha?
Catherine : Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo naman eh.
Martin : Bakit hindi mo sinabi sa akin, ang tungkol kay Miguel?
Catherine : Martin, matagal na yun ... wala yun.
Martin : Bakit mo tinago sa akin? Siguro dahil hanggang ngayon hinahabol mo pa sya.
Catherine : Hindi totoo yan!
Martin : O baka hanggang meron pa kayong relasyon ha?
Catherine : Martin, wala. Wala kaming relasyon.
Martin : Sinungaling!
Catherine : Maniwala ka sa akin
Martin : Manloloko kayo. Kailan pa ito ha? Kailan pa?
Catherine : Please, maniwala ka, hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol kay Miguel dahil ayoko ng gulo.
Martin : Sinungaling ka, manloloko ka! Umalis ka sa harapan ko. Pag-uwi ko, ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa bahay ko. Kung anong basura ang dala mo, yun lang ang puede mong dalhin. Naiintindihan mo?
-Galit na sumakay ng kotse si Martin at umalis. Hindi nito pinansin ang pagtawag sa kanya ni Catherine.
Catherine : MARTIN!

Habang nagmamaneho ay inatake sa puso si Martin dela Rhea. Nabangga sa poste ang kotse. Duguan si Martin.

Sa hospital. Nanghihina na tinawag ni Martin ang nurse at humingi ng papel at ballpen. May sinulat, pinapipirma niya ang nurse, pero hindi na natapos ni Martin ang gustong sabihin kasi nalagutan na siya ng hininga.

Nasa mansion ng mga Dela Rhea si Rafael at nakikiramay kay Catherine. Nakita ni Miguel ang pag-uusap nina Catherine at Rafael, tila nagseselos ito.
Rafael : Condolence Catherine
-Pumasok ang abugado ni Martin dela Rhea
Atty. Tamayo : Ah excuse me! Mrs. dela Rhea, I'm Attorney Tamayo, I'm the lawyer of your husband. I need to confirm with you and your family, kailan po kaya natin magagawa ito?
Catherine : Kahit, kahit ngayon siguro. Habang kumpleto ang pamilya, para matapos na ito.
-Iniwan ni Atty. Tamayo sina Rafael at Catherine
Catherine : Rafael, puede mo ba akong samahan?
Rafael : Of course! I can be there as your lawyer.
Catherine : No, as my friend.

Hinihintay na lang si Scarlet para basahin ang last will and testament nmg yumaong si Martin dela Rhea. Nandoon din si Isadora. Dumating si Scarlet, Miguel at Maggie. Si Scarlet lang ang nakaputi.
Scarlet : Look who’s here, my favorite stepmother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black. Kung sabagay mas bagay sa 'yo yang itim, kakulay nang BUDHI MO!
Catherine : Bakit ka nga ba nakaputi? Para PAGTAKPAN ang mas maitim mong budhi?

Nakaupo sina Scarlet, Maggie at Catherine habang nagbabasa si Atty. Tamayo. Nakatayo sa tabi ni Catherine si Rafael. Nasa bandang likuran naman ng lawyer ang mag-inang Isadora at Miguel
Atty. Tamayo : Last will and testament of Martin dela Rhea. In the event of my death, I'm leaving my daughter Scarlet and my grand daughter Margaret, with the trust fund, bank certification states 500 million for Scarlet and another 100 million pesos for Margaret Castillejos. My house in 455 Humpton Street, San Francisco, California USA will go to my daughter Scarlet dela Rhea Castillejos. My shares at hacienda Amadesto, my properties in various parts of the country, valuing over a billion pesos. All other asssets, including luxury vehicles, art collections, jewelries, and the Dela Rhea Foods, Inc. and all stocks, investments and shares will go to my legal wife, Catherine Ramirez dela Rhea. Signed Martin dela Rhea.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP