Friday, August 1, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 14

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Miguel : ANO? GUSTO MO AKO?
Catherine : (itinulak si Miguel) BASTOS KA! Senior Vice President ako ng kumpanyang ito. Ako ang legal wife ng may-ari ng kumpanyang 'to. Tauhan lang kita! At higit sa lahat MADRASTA mo ako. Kaya layuan mo ako. Get out of my sight. Leave NOW!

Naaalala ni Rafael si Catherine - noong binigyan niya ng bulaklak ang noon ay nagtatrabaho pa bilang Metro Aid na si Catherine, ang mga naganap sa pagitan nila ni Catherine sa isla, noong sinubukan niyang pigilan ito sa pagpapakasal kay Martin dela Rhea. Bahagyang nangingiti si Rafael sa mga naaalala.

Nang dumating si Louela mula sa opisina ay may dala siyang masasarap na pagkain. Kakain sana si Lola Aura, pero nang sabihin ni Louela na galing iyon kay Catherine ay nawalan ng gana ang matanda.
Louela : Lola, huwag na kayong magalit kay Catherine. Kung alam nyo lang ang kalagayan niya ngayon. Ang dami dami niyang pinakikisamahan.
Lola Aura : Wala siyang karapatang magreklamo. Iyon ang buhay na pinili nya di ba?
Louela : Naku Lola! Ang dami hong problema ngayon ni Catherine. Ayaw nga ho nyang ipasabi sa inyo eh, kasi baka mag-alala lang daw ho kayo. Bina-blackmail pa sya ni Isadora ngayon. (napatingin si Lola Aura kay Louela) Kung hindi raw siya magbibigay ng limang milyon, sasabihin ni Isadora kung ano ang nakaraan nila ni Miguel.
Lola Aura : EH DI SABIHIN NYA, PATI ANAK NYA IPAHAMAK NYA!
Louela : 'la kailangan na kailangan ni Catherine ang suporta natin ngayon.
Lola Aura : Hindi ba, ang sabi nya meron na syang sarili nyang buhay? UMPiSA pa lang ay sinabihan ko na sya na ang papasukan nya ay gulo. Pwes ayusin nya yan. Kayanin nya.

Sa higaan.
Lola Aura : Nag-umpisa na ang gulo sa buhay ng apo ko. Masakit sa aking loob na tinitikis ko sya. Hindi ko alam ang mali sa tama, pero ito lang ang paraan para mamulat sya sa katotohanan. Sa katotohanan na mali ang buhay na pinasok nya. Diyos Ko! Kayo na ang bahala kay Catherine. Naniniwala akong hindi nyo hahayaang mapahamak ang apo ko.

Naglalabas naman ng sama ng loob si Miguel kay Rafael.
Miguel : Hindi lang nya ako tinanggalan ng trabaho. Tinanggalan nya pa ako ng pride at respeto sa sarili ko. Kahit saan ako tumingin, nandoon sya. Parang ang liit-liit na nang mundo naming dalawa e.
Rafael : Well, ang tingin ko dyan, pinakamagaling bumukod kayo ni Scarlet.
Miguel : Matagal ko na ngang gusto. Si Scarlet ang ayaw, sabi nya kasi babantayan muna daw nya ang papa nya. Well may punto din sya, dahil kailangan nyang protektahan ang papa nya. Apektado kasi kaming lahat e. Biruin mo iyong isang malaking project ko, hinarang din ni Catherine.
Rafael : Baka naman nag-o-over react ka lang. Hindi ganun si Catherine.
Miguel : Kuya sa maniwala ka at hindi, ganun sya ngayon. Tama yung hinala ko e. Matagal na, alam ko iyon ang motibo nya - ang sirain kaming lahat, dahil gusto nyang gumanti.

Minalas naman sa casino si Isadora. Sinabi ng kaibigan niya na babawi na lang daw sila kinabukasan. Pauutangin sya ulit ng kaibigan.
Isadora : O sige, basta ilista mo lang ng ilista mare ha. Next week meron akong 5 M.
-Pagsakay ni Isadora ng kotse ay may sumakay ding lalaki at tinutukan siya ng baril
Isadora : Ano na naman 'to Chuck? Hindi magandang biro yan ha.
Chuck : Hindi ako nagbibiro. Magbabayad ka ng utang mo.
Isadora : Oo nga. Next week.
Chuck : Puro ka dahilan. Naglolokohan lang ba tayo?
Isadora : Hindi. Next week, promise makakasingil ako. Babayaran kita. Sige na ilayo mo na yan. Ano ka ba?
Chuck : Siguraduhin mo lang.
-Bumaba ang lalaki, at itinutok ang baril kay Isadora. Natakot ang babae, pero sa gulong ipinaputok ni Chuck ang baril. Natakot si Isadora.

Pumasok si Isadora sa kwarto nina Catherine, habang wala si Martin.
Catherine : anong ginagawa mo dito?
Isadora : Ano pa? eh di bubwesitin ka. Grabe ano Catherine, talagang asensado ka na - buhay reyna ka na talaga.
Catherine : (hinawakan sa braso si Isadora) Umalis ka na. Binabalaan kita.
Isadora : Ano ka ba? masyado kang high blood. Nandirito lang naman ako, para iremind sa yo ang limang milyon ko.
Catherine : At ano ang inaakala mo? Na ako pa rin ang dating Catherine? Na minsan mo nang sinubukang bilhin? Hindi mo na mabibilog ang ulo ko, Isadora.
Isadora : Pwes, huwag mo nang hintayin na bilugin ko pa. Dahil masama akong mainip.
-Pumasok si Martin sa kwarto at nagulat ito ng makita si Isadora
Martin : Isadora?! What the hell are you doing here?
Isadora : I'm sorry Martin. Kasi itong si Kate eh, pinipililt akong tingnan ko raw ang mga regalong alahas mo sa kanya. Eh sabi ko nga, nakakahiya sa iyo. (hinawakan sa balikat si Catherine) Kate iha, sa susunod na lang ha. Sige Martin, I'm sorry.
-Bago lumabas si Isadora ay tumingin ulit ito kay Catherine.

Natutulog sa sofa si Sofia at may yakap yakap na pamalo. Nakita siya ni Toby, nagising si Sofia. Tinanong ni Toby kung bakit doon natutulog si Sofia. Sinabi ni Sofia na sabi sa news ay uso ang akyat-bahay gang sa kabilang district. Eh sa kabilang distrito naman daw pala, eh ano ang pinoproblema ni Sofia - hirit ni Toby. Nagka-asaran na naman ang dalawa at kahit hatinggabi ay nagsigawan ang mga ito. Lumabas si Jenna at sinabing kung ayaw nilang matulog ay magpatulog na lang sila.

Magka-usap sina Miguel at Martin.
Miguel : Paano ko naman rerespetuhin ang taong nagtanggal sa akin sa trabaho. Si Kate ang humarang ng project ko. Siya ang nagpasara ng branch ko.
Martin : You're talking non sense Miguel. Akala mo kasi lahat personal e. In the first place, you're project there was too ambitious. Sobrang yabang, wala namang laman. Huwag mong dibdibin ang pagkawala ng US branch. Hindi ka pa naman jobless, you are going to work here in Manila. And you will work hand in hand with me and Kate. Nagkakaintindihan ba tayo? You will be handling production. Miguel. Its 9:00 a.m. now, I expect you at work in 30 minutes.
-Umalis na si Martin, naiwan ang nagngi-ngitngit na si Miguel.

Sa STI campus. Ipinakita ng friend ni Toby ang mga videos na nasa bag niya. Nang makita ni Toby ay sinabi nitong baka makabuntis ng hindi oras ang kabigan. Hindi puedeng manuod sa bahay ng kaibigan nila kasi marami raw "Hitler" na nakabantay. Una ay ayaw ni Toby sa idea na sa apartment nila manuod kasi baka raw ma-offend ang dalawang maarte na kasama niya sa apartment. Kinantyawan ng mga kaibigan si Toby na takot kay Sofia, kaya napapayag rin si Toby na sa apartment na lang sila manunuod.

Napansin ni Sofia na busy ang kaibigang si Jenna. Iginagawa ni Jenna ng test papers si Toby.
Sofia : At kailan ka pa naging home school teacher ni Toby?
Jenna : E kabalaha, ako hipos na lang sa imong kalat. (masyadong mabilis ang pagbibisaya ni Jenna, hindi ko magets)
Sofia : Ewan ko sa iyo, nagpapakatanga ka sa Toby na yan.
Jenna : Pag hindi ka nagpapakatanga, it's not love, L-O-V-E, L O V E. Ay sus Ginoo
Sofia : Kung sino man ang nag-imbento ng quote na yan, sya ang pinakatangga sa mundo.
Jenna : Dili way a, sala namang ka. Waya ka gali kahibanlon sa love. (wala raw alam sa love si Sofia)

Sa Dela Rhea Foods. Pagpasok ni Miguel ay wala pa siyang sariling office. Isinama muna temporarily si Miguel sa ibang staff ng kumpanya, habang nirerenovate daw ang room para sa kanya. Nakita ni Catherine si Miguel at parang nang-aasar na tumingin ito sa dating nobyo. Nakita rin ni Winnie ang pagtingin ni Kate na may pang-aasar kay Miguel. Tahimik lang ang walang magawa na si Miguel.

Gabi. Nasa sala si Kate at umiinom ng tea. Dumating ang lasing na si Miguel at tinatawag ang asawa. Nakita ang naka-upong si Kate
Miguel : Catherine, wow! What a pleasant surprise. (ininom ang tea) Ano ito? TSAA, akala ko pa naman beer. Ay naku! (umupo sa tabi ni Catherine) Teka nga, anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na a, bakit hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba ako? Hinihintay mo ako ano? Kung gusto mong uminom, kaya ko pa, konti pa, kaya kitang sabayan.
Catherine : Ano ka ba? Maglalasing ka, hindi mo naman kaya.
Miguel : Kaya ko pa nga. Inom ulit tayo, parang tulad noong dati. Hindi ba? Kukuha ako ng beer, gusto mo?
-Bumababa si Scarlet at nakita niya na magkadikit sa upuan ang madrasta at asawa.
Scarlet : Miguel, ano ang nangyayari?
Miguel : Hi Honey! (bumulong kay Catherine) re-schedule. (tumayo at lumapit kay Scarlet) Coming!
Catherine : Iyong asawa mo naglalasing, hindi naman nya kaya.
Scarlet : Tara na Miguel.
Miguel : Goodnight! (kay Catherine)

Hindi makatulog si Rafael, biling baliktad ito sa kama.
Rafael : Bumabaliktad na ang mundo ni Catherine at Miguel. Ang dating naaapi, ngayon nang-aapi. Naawa ako kay Miguel, pero naiintindihan ko si Catherine. Kung tutuusin swerte pa rin si Miguel, lagi silang nagkakasama at nagkikita ni Catherine. Pero anytime, willing akong makipagpalit sa kanya, makasama ko lang ang babaeng mahal na mahal ko.

Sa office, nakatulala si Catherine, lumulutang ang isip. Naaalala niya ang mga sandaling magkasama sila ni Miguel sa mansion. Ginulat si Catherine ng sekretarya at kaibigan na si Louela.
Louela : Hay naku! Diyos ko naman! Ano ba naman ma'am? Hanggang ngayon hindi nyo pa napipirmahan itong mga papeles na to. Ang dami-dami o, ang bagal-bagal nyo talaga! Ayoko na ha. Ayoko na talaga. You're fired!
-Nagawang pangitiin ni Louela si Catherine

Nagkita muli sina Rafael at Miguel, maraming inuming nakalalasing sa table nila.
Rafael : Aba Miguel! Napapadalas yata ang inom mo ngayon a
Miguel : Hayaan mo na ako kuya. Ito lang ang kaligayahan ko ngayon e.
Rafael : E baka naman maging alcoholic ka nyan. Ano, kumusta ka na? Tuloy na ba yung transfer mo sa US, na-approve na ba?
Miguel : Wala na. Inassign ako ni papa sa Manila branch e. Bwesit nga e.
Rafael : O yun naman pala e, bakit ka parang naiinis?
Miguel : Sinong hindi maiinis, I'm under the direct supervision of the Senior Vice President, walang iba yon kundi si Catherine. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya? Hindi ko nga alam kung papaano ko sya tatawagin na Ma'am Kate. Parang masyadong asiwa e. Saka isa pa, ibang iba na siya ngayon, parang sobrang mapagmataas, parang masyadong reynang-reyna kung umasta. Hindi na maabot.

Sa apartment. Naghahanda na para matulog sina Sofia at Jenna.
Jenna : Dumating na si Toby?
Sofia : It's almost midnight at wala pa sya. Masyado mo naman siyang inaalala. Eh tayo, hindi nya tayo inaalala, papaano kung may magnanakaw dyan ano?
Jenna : Praning ka talaga Bes, super!
Sofia : Hindi ako praning. Palibhasa you sleep like a baby. Wala kang naririnig kapag tulog ka na. Wala kang pakialam.
Jenna : Kasi baby naman talaga ako. Kesa naman ikaw kahit konting kaluskus, gising ka na. You're so praning talaga! OC lahat lahat na.
Sofia : Sige bahala ka. Pag na-murder tayo, it's your fault, ma guilty ka for life.
Jenna : Fine
Sofia : FINE
- Natulog nang may konting hindi pagkakaunawaan ang mag bestfriend.

Lumabas ng kwarto si Martin at nakita ang asawa na nagbabasa ng libro, nilapitan niya ito.
Martin : Hindi ka pa ba inaantok?
Catherine : Hindi pa. Tatapusin ko lang tong chapter na 'to, tapos susunod na ako
Martin : Okey (hinalikan sa noo ang asawa)
Catherine : Goodnight!
-Papasok ng kwarto ay nilingon pa muli ni Martin ang asawa.

Malalim na ang gabi nang dumating si Toby, kasama ang mga kaibigan - nanuod sila ng sine. Kumuha ng pagkain si Toby kasi nagugutom daw , pinagbilinan ang mga kaibigan na huwag maingay kasi baka magising si Sofia. Habang nasa kusina si Toby, ay nanuod na ng baong video ang mga kaibigan niya. Nagising si Sofia nang may maulinigang tao sa sala. Lumabas ito ng kwarto at bumaba. Nang bumalik si Toby ay may dala na itong pagkain at maiinom para sa kanilang magkakaibigan. Nataranta si Toby nang makita na nanunuod na ang mga kaibigan ng video na "X-rated". Papatayin sana ni Toby ang video pero namalayan niyang bumababa sa hagdanan si "Hitler", dali-daling nagtago sa likod ng sofa si Toby.
Sofia : Anong ginagawa nyo dito?
-Walang maisagot ang mga kaibigan ni Toby. Nakita ni Sofia kung ano ang pinapanuod ng magkaibigan.
Sofia : Patayin nyo yan. Patayin nyo! Nasaan si Toby?
-Wala pa ring maisagot ang mga friends ni Toby.
Sofia : Labas masok kayo sa house namin, pero hindi kayo tagarito. You're makakapal ang mukha. Get out! Get out mga manyak, mga kadiri. Labas!
-Nagtatago pa rin si Toby sa likod ng sofa.
Sofia : Magtutuos tayo Toby. Iintayin ko ang pagdating mo.

Nagna-night swimming si Catherine. Nakita ng bumaba na si Miguel ang paahon sa swimming pool na si Catherine. Natigilan at tila nabighani si Miguel sa taglay na kagandahan ng dating kasintahan. Nabitawan ni Miguel ang hawak na baso ng gatas. Narinig ni Catherine ang nagawang ingay ng bumagsak na baso. Nakapagtago kaagad si Miguel kaya hindi siya nakita ni Catherine.

3:30 a.m. na, naghihintay pa rin si Sofia sa pagdating ni Toby. Nakaramdam na ng antok si Sofia kaya inihilig niya ang ulo sa sofa. Hindi naman malaman ni Toby kung papaano malulusutan si Sofia. Natuwa si Toby nang makita na nakatulog na si Sofia, pero kumilos ng bahagya ang dalaga kaya nagtago ulit si Toby. Nagising si Sofia nang marinig na may malakas na humihilik. Pinakiramdaman ni Sofia kung saan nanggagaling ang naririnig na hilik. Nakita niya sa likod ng sofa si Toby.
Sofia : TOBY!!!
Tumayo ang nagising na si Toby, nakapameywang si Sofia.

May kausap na kapwa abogado si Rafael.
Rafael : Balita ko po, malapit na ang surgery ninyo.
Attorney : Alam mo na, defective kasi itong puso ko. Papasok na ako sa hospital sa makalawa. Kaya nga ako nandito Rafael. May mga pending cases pa ako na hawak, hindi ko sila maasikaso. Puede ka bang magtake-over sa mga kasong 'to?
Rafael : Oho, of course!
Attorney : Salamat! Heto ang file ng mga cases, may time pa bago ang court date, except ang isa dyan. Isang lalaking nakakulong, pending ang parole hearing nya, iyan ang pinaka-urgent sa lahat.
-Habang tinitingnan ni Rafael ang file ng lalaki ay saglit itong natigilan.
Rafael : Hayaan nyo ho, uunahin ko na ho ito.
-Tinitingnan pa ring mabuti ni Rafael ang file.

Habang nag-aalmusal. Tinanong ni Martin si Kate. Nakikinig lang sa usapan nila si Miguel
Martin : Hindi ka ba nakatulog kagabi? Nakita kitang nagsu-swimming a.
Catherine : Ang init kasi. Martin, okey ba yung security dito?
Martin : Oo naman. Over twenty years na ako ditong nakatira, wala naman akong naging problema sa security. Bakit?
Catherine : Wala naman. Parang may ibang tao kagabi.
Scarlet : May naramdaman ka. Baka Mommy ko yon, minumulto ka.
Martin : Tama na! Nagsisimula ka na naman e.
Scarlet : Sorry Papa. Naughty kasi ako eh. Actually si Maggie rin, hindi makatulog kagabi, kaya nga itong si Miguel, inutusan ko na kumuha ng warm milk para kay Maggie.
-Natigilan si Miguel sa narinig
Catherine : Warm milk? (tumingin kay Miguel)
Scarlet : Warm milk. Sa tagalog gatas, yung ganito (pinakita ang gatas kay Catherine). Galing yon sa cow kung hindi mo alam. Makakalimutin na nga yang si Miguel eh. Inutusan ko para kumuha ng gatas, pag-akyat nya, wala naman syang dala.
-Nakangiting tumingin si Catherine kay Miguel

Paalis na ang mag-asawang Martin at Catherine, medyo nagulat pa sila nang batiin sila ng balae nilang si Isadora.
Isadora : Good Morning!
Martin : Balae!
Isadora : (lumapit) Hi mga balae! Ahm naghatid ako ng pasalubong para sa apo ko eh.
Martin : Si Maggie, natutulog pa e. Excuse, we have to go. Late na kami
Isadora : Balae, sandali lang. Puede may sasabihin lang ako kay Kate? (hinawakan sa braso si Kate at pasimpleng hinatak) Kate, kumusta na yung sinasabi ko sa 'yo, yung deal?
-Narinig sila ni Martin
Martin : Deal? Anong klaseng business investment ito?

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP