Friday, August 1, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 13

Dumating galing sa pamimili ang mag-asawang Miguel at Scarlet kasama ang anak nilang si Maggie. Kinuha ni Scarlet ang anak na kalong ni Miguel at iniakyat na ito, kasi inaantok na ang bata. Susunod na lang si Miguel kasi ipapababa pa niya ang mga pinamili kina "Manang". Lumabas si Miguel.

Nakatutok pa rin ang baril ni Isadora sa nahihintakutang si Kate/Catherine.
Isadora : Saka ang ganda ganda mo na ngayon Catherine ... sarap mong patayin!
-Patakbong lumapit si Miguel, at inagaw ang baril sa ina. Umiiyak si Catherine.
Miguel : Ma, what are you doing?
Isadora : Relax! Easy! Masyadong kang tense. Winiwelcome ko lang naman tong Catherine na to eh. Welcome to the family Catherine!
-Bago umalis si Isadora ay tinapik pa sa balikat ang anak sabay sabing "Easy!". Lalapitan sana ni Miguel si Catherine pero pumasok ito sa loob ng bahay.

Sa kwarto ay naalala ni Catherine ang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya na dulot ni Isadora - kinulong sa basement ng Castillejos Hospital at tinurukan ng mga gamot, pagkamkam at pagpapalayas ni Isadora sa lupain nila, at muli nilang pagkikita - binablackmail siya ng ina ni Miguel. Ang galit na nararamdaman para kay Isadora ay ibinuhos ni Catherine sa unan at pinaghahampas ito. Nagpahid ng luha si Catherine.

Kausap ni Isadora sa cellphone ang isang kaibigan
Isadora : Hello mare! Busy ka ba ngayon? Medyo nangangati ang kamay ko eh, mag-casino tayo. Eh di pautangin mo ako. Ay naku meron akong ibabayad sa iyo. Ahmm sabihin na natin na meron akong bagong negosyo. Hahaha! Oo, alam mo naman ako madiskarte.

Sa apartment. Nag-aaral si Toby habang si Sofia ay nagwawalis at nagtataka sa pag-aaral ni Toby.
Sofia : Ano namang gimik yan Toby? Ikaw nag-aaral? Seryoso ba yan o practical joke lang yan?
Toby : Alam mo Sofia bahala ka kung ano ang iniisip mo.
-Dumating si Jenna na may dalang dalawang basong "Coke" para sa kanila ni Toby.
Jenna : O game! Hi Toby!
Sofia : Anong game?
Jenna : Ano, kasi niyaya ako ni Toby na maging study partner niya. Kasi may usapan sila ng kuya Rafael niya na kapag mataas ang grades nya sa first semester, ibibili siya ng TV, DVD, PS3 in short entertainment showcase para sa kwarto nya. Sus sino ang dili malipay .... Sige na ibutang mo na ina dira nimo ... Malipay jud ka ana ... mahal ka ana kalibo, Sus Ginoo!
-Tawa ng tawa si Sofia sa sinabi ni Jenna
Toby : Teka, anong nakakatawa?
Sofia : Ikaw. Para kang bata.
Toby : Sinong bata? Ako? Sinong maysabi?
Sofia : Kailangan mo pa ng suhol para mag-aral ng mabuti. Dapat responsibilidad mo yan, with or without the entertainment showcase.
- Hindi nakasagot si Toby.

Ikinuwento ni Miguel kay Rafael ang pagtutok ng baril ni Isadora kay Catherine.
Miguel : Nadatnan ko na lang nakatutok ang baril ni Mommy kay Catherine.
Rafael : Ano? Bakit nya ginawa yun? Hindi ba nya alam na makakasuhan sya?
Miguel : Para namang hindi mo kilala si Mommy, hindi naman nya kaya iputok yun e, all bark no bite.
Rafael : Alam mo hindi mo kilala ang ina mo e. Marami nang nababalita sa nangyari noon. Matindi yung ginawa nya kay Catherine.
Miguel : Oo nga, pero napatunayan ba? Teka sandali lang, bakit ba ganyan katindi ang reaction mo? Kung hindi kita kaibigan iisipin ko na may gusto ka kay Catherine.
Rafael : Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Ang importante binibigyan mo ng proteksyon si Catherine. Maawa ka sa tao.
Miguel : Sya naman itong naghahanap ng gulo e. For all we know, baka ito talaga ang motibo niya, ang gumanti.
Rafael : Miguel, tandaan mo itong sasabihin ko sa iyo - huwag kang papayag na gagawin ng ina mo iyon sa kanya. Dahil kapag may nangyari kay Catherine, kakalimutan ko na magkaibigan tayo.
- Umalis si Rafael at naiwan ang napapa-isip na si Miguel.

May kinakausap na lalaki si Rafael.
Rafael : Bantayan mo nang mabuti si Catherine Ramirez. Sisiguraduhin mo na ligtas siya sa lahat ng panganib. Walang makakaalam nito.
Lalaki : Yes Sir!
- Inabutan ni Rafael ng sobre ang lalaki.

May tumawag sa mansion ng mga Dela Rhea. Ibinigay ng maid kay Martin ang phone.
Martin : Hello!
Man : Hello! Catherine dela Rhea, please.
Martin : Kalalabas lang. Sino 'to?
Man : Si Martin dela Rhea ba to?
Martin : Yes. May I know who's calling, please?
Man : Martin dela Rhea, gaano mo kakilala ang asawa mo?
Martin : SINO 'TO? Anong kailangan mo?

Pumunta si Catherine sa bahay ng lola niya at kinausap ang kaibigang si Louela
Louela : Talaga? Gagawin mo akong sekretarya mo? Yes! Go go go!
Catherien : Oo. Pero talagang trabaho yun ha. Hindi bakasyon yon.
Louela : Okey lang 'no. Kahit walang uwian okey lang. Mas masarap kayang magtrabaho doon kesa sa kalsada. Sa dela Rhea Foods, aircon, yes yes yes yohooo!
- Napansin ni Louela ang pananahimik ng kaibigan
Louela : O anong problema mo?

Nakita ni Scarlet ang ama na hawak ang telepono at tila nag-iisip ng malalim.
Scarlet : Who is that papa? Mukha kang bothered.
Martin : Nothing, nothing.

Sinabi ni Catherine kay Louela ang pagtutok sa kanya ni Isadora ng baril.
Louela : Napakawalanghiya talaga ng Isadorang yan. Ayaw kang tigilan. O anong gagawin mo?
Catherine : Kung tutuusin dapat nga hindi ako matakot sa kanya eh, dahil matagal na yun eh. Wala na kami ni Miguel.
Louela : Eh kasi nga, kahit sinong tumingin ang iisipin, may iba kang motibo.
Catherine : (napabuntunghininga) Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh. Kung sasabihin ko kay Martin yung totoo na naging kami ni Miguel, o pagbibigyan ko iyong pagba-blackmail sa akin ni Isadora.
Louela : Eh pag sinabi mo kay Sir Martin baka magalit yon.
Catherine : Eh lalo naman siyang magagalit kapag nalaman nya kay Isadora. Pero pag pinagbigyan ko naman ang pamba-blackmail ng Isadora na yan eh, hindi nya ako tatantanan at titigilan. Magiging sunod-sunuran lang ako sa kanya.
Louela : Naku Catherine! Hindi ko na kaya ang mga stress sa buhay mo. Pero sabi nga nila, honesty is the best policy.

Kinagabihan sa silid nina Martin at Catherine. Binigyan ng gamot ni Catherine ang asawa.
Martin : May tumawag dito kanina, hinahanap ka.
Catherine : Sino daw?
Martin : Tinatanong lang kung kilala ko daw bang maigi ang asawa ko. (natigilan si Catherine) May tinatago ka ba?
Catherine : Wala. Lahat naman alam mo eh. Ano pa ba ang gusto mong malaman?
Martin : Meron pa ba akong dapat malaman?
Catherine : Alam mo siguro, wala lang magawa sa buhay yung taong yon. O kaya na wrong number lang. Huwag mo nang masyadong isipin. Sige na inumin mo na yang gamot mo. Sumunod ka na rin. Matutulog na ako, marami pa akong trabaho bukas eh.
- Nag-iisip si Martin.

Kinaumagahan sa Dela Rhea mansion. Masayang nag-uusap sina Isadora at Scarlet.
Isadora : (nagbeso kay Scarlet) O sige anak ha, susunod na lang ako sa iyo.
Scarlet : Okey.
-Pababa ng hagdanan si Catherine at tila inaabangan siya ni Isadora. Nang nasa harap na ni Isadora si Catherine.
Catherine : Ayus ayusin mo ang kilos mo, pamamahay ko 'to.
Isadora : Ahhh mataray ka na ngayon ha? Hmp hindi naman bagay. Anyway. o kumusta na? Kamusta na yung nirerequest ko?
Catherine : Tumigil ka nga sa kahibangan mo. Ni singko wala kang makukuha sa akin.
Isadora : So hindi mo ako sineseryoso? O sige, bibigyan kita ng extension. One week Catherine, one week kung hindi tapos ang maliligayang araw mo.
Catherine : Sasabihin mo sa kanila? Sige, para mapalayas na rin si Miguel
Isadora : Hmmm wrong baby, wrong. Kasi kahit malaman ni Scarlet ang totoo, tatanggapin pa rin nya si Miguel. Dahil mahal na mahal nya si Miguel. Eh ikaw? Kapag nalaman ni Martin ang totoo, sa palagay mo kaya nyang sikmurain ang nakaraan mo?
Catherine : (matapang ang boses) Sabihin mo na sa kanila ang totoo, hindi ako natatakot sa iyo.
- Aalis na sana si Catherine pero galit na hinawakan sya sa braso ni Isadora.
Catherine : Bitawan mo ako!
Isadora : Umaalma ka na ngayon, ha? Umaalma ka na ngayon? (nanlalaki ang mata) Kahit maganda yang bihis mo, ang utak mo - utak imbakan pa rin. Hindi mo ako kaya. Hindi mo ako kaya Catherine, kaya huwag kang magmatigas. (binitawan si Catherine) Kung tutuusin, pera naman ni Martin yan eh, kakapiranggot. Pero isipin mo kapag nagsalita ako, lahat to, lahat to mawawala sa yo.
- Bakas sa mukha ni Catherine na nasindak siya ni Isadora. Iniwan ni Isadora si Catherine na parang walang nangyari.

Maraming tao sa office nya ng dumating si Rafael. Kinumusta ng gwapong abugado ang mga bisita niya at tinanong kung ano ang maipaglilingkod niya sa mga ito. Mga squatters ang mga panauhin ni Rafael, at karamihan sa kanila ay may pasa sa mukha.
Rafael : Papaano ko ho kayo matutulungan?
Squatter 1 : Sir, kami po yung mga residente ng Brgy. Silangan. Hihingi lang po sana kami ng tulong.
Squatter 2 : Bigla hong denimolish ang mga tirahan namin. Wala naman hong pasabi na i-evacuate namin ang lugar. Nagkarambulan po kanina, nagkagulo po.
Rafael : Ibig hong sabihin e, your sitting on a private land?
Squatter 2 : Sir tulungan nyo naman ho kami.
- Ipinakita na tinulungan ni Rafael ang mga tao. Dinidinig sa korte ang kanilang kaso.

Pumunta sa office ni Rafael ang mga tinutulungan niya, binigyan siya ng regalo - gulay, prutas at kakanin.
Squatter 1 : Attorney, pasensya na po kayo sa nakayanan namin
Rafael : Nagulat nga ho ako sa inyo. Ang dami nito, ano bang laman nito? (tiningnan ang nasa bilao)
Squatter 1 : Sigurado na po ang panalo natin, Attorney. Naiinis na yung mga kalaban natin e.
Squatter 2 : Oo nga
Squatter 3 : Sigurado na yun.
Rafael : Alam nyo ho, hangga't hindi pa bumababa ang desisyon, wala hong kasiguraduhan. Ang ipagdasal na lang ho natin, na kayo at ang nangyari sa inyo ay paburan ng judge.
Squatter 2 : Eh Attorney, ano naman ho kaya sa tingin ninyo ang kahihinatnan namin?
Rafael : Kapag tayo ho ang nanalo. Siguradong magbabayad ng danyos ang kalaban. Sigurado hong magkakaroon tayo ng panibagong buhay.
- Natuwa ang mga tinutulungan ni Rafael, sa kanilang narinig. Pagkatapos ng ilan pang pagdinig ay naipanalo ni Rafael ang kaso ng mga squatters na tinutulungan nya.

Rafael : Masaya ako sa mga tinutulungan ko. Pero kung iisipin, natutulungan rin nila ako. Sa kanila ako humuhugot ng bagong lakas ng loob. Panandalian akong sumasaya. Panandalian kong nakakalimutan ang pinakamalaking kabiguan ng buhay ko. Pagdating kay Catherine, sa babaeng mahal ko, wala yata akong ipapanalo.

Nababagabag pa rin si Catherine ng problema niya kay Isadora.
Louela : Ano ba yan? Pati ako namomoblema sa yo eh. May anda ka nga, mayaman ka nga, pero wala namang katahimikan ang buhay mo. Para tuloy ayoko nang umalis doon sa pusaling kinatitirahan namin ni lola eh. Doon mabaho, masikip, maputik pero may katahimikan ang buhay ko.
Catherine : Minsan na akong nangako na hinding hindi ako magpapa-api, hindi na! Ngayon, matitikman na ni Isadora ang bangis ng paghihiganti ko. (may luha sa mga mata)

Dinalaw ni Isadora ang anak na si Sofia sa apartment nito. Maraming pinamili si Isadora para sa anak na dalaga. Tinanong ni Sofia ang ina kung saan ito kumuha ng perang ipinamili. Hindi pinansin ni Isadora ang tanong ng anak. Sinabi ni Isadora na naka-usap na niya ang mga party organizers para sa debut ni Sofia, at tinanong ang anak kung anong theme ang gusto nito. Pababa ng hagdanan ang papasok sa school na si Toby at sumabat sa usapan ng mag-ina.
Toby : Jurassic theme na lang Tita. Eh parang dinosaur yang si Sofia e. (humalik sa pisngi ni Isadora)
Sofia : I told you 'ma, I don't want a party.
Isadora : Hay itong si Toby o ang laki-laki na. How is Enrique? Balita ko malakas yung smuggling business nya ha. (ngumiti lang si Toby sa sinabi ni Isadora) Hahahaha! O papaano, tutuloy na ako ha, yan ang groceries mo, dinalhan na kita.
-Isinabay ni Isadora si Toby sa pag-alis.

Sa Dela Rhea Foods.
Louela : Sir, kape nyo ho.
Miguel : Pangatlong kape ko na 'to a. Dadating pa ba yon?
Louela : Parating na ho yon.
- Sabay na napatingin sa mga relos nila sina Miguel at Louela
Miguel : Kalokohan 'to e.
Louela : Sir
- Dumating si Catherine
Catherine : Mabuti naman maaga ka, on time.
Miguel : On time? Alam mo bang tatlong oras mo akong pinag-antay? Kung hindi mo kayang dumating ng alas dos sa usapan natin. Sana nagpasabi ka man lang.
Catherine : Miguel ganyan ka bang magsalita sa boss mo? (may ibinigay si Louela para pirmahan ni Catherine) Ito na ba yon? Balita ko, meron ka daw business proposal sa ano, US branch. Sige iiwan mo na lang dyan para mapag-aralan ko.
Miguel : Bakit ikaw ba ang magpapa-approve nun?
Catherine : Senior Vice President ako ng kumpanyang 'to. Ako ang magpapa-approve sa presidente ng kumpanyang 'to.
Miguel : Well, kailangan ko kasing i-present ito sa mga auditors ko.
Catherine : Sino bang mas mataas, ang mg auditors mo o ako? Kung yan ang business proposal mo, ilapag mo na yan sa table ko. Pag may oras ako, pag-aaralan ko. KUNG may oras ako.
-Galit na inilapag ni Miguel ang proposal nya sa table at umalis.

Nasa Dela Rhea mansion na naman si Isadora, nakikain ng hapunan.
Isadora : Ay naku! Ang hirap hirap talagang mag-organize ng isang party. Scarlet, samahan mo ako tomorrow ha? Tulungan mo ako.
Scarlet : Ay sure Mommy! Basta dito ka na matulog para sabay tayong umalis bukas.
Isadora : Hehehe! Alright! Oo nga pala Kate, Congratulations! Balita ko ikaw na ngayon ang bagong Senior Vice President ng Dela Rhea Foods. Naunahan mo pa talaga si Miguel 'no?
Martin : Kate graduated magna cum laude. She's very good in business.
Isadora : Hehehe! Balae, I don't know if you remember, si Miguel din. He took up business course in the States, di ba? Naku! Saka bata pa lang yan, sya na ang nagmamanage ng hacienda Amadesto. Alam mo nagtataka nga ako noon eh, kasi kasabay nung pagmamanage nya, naku! sangkatutak na mga babae ang iniintindi rin. (tumingin kay Scarlet) Hahaha! Bata pa lang magaling ng mag multi-tasking.
-Galit si Catherine pero hindi nagpapahalata
Scarlet : Talaga Mommy? Marami syang naging girlfriend sa Amadesto?
- Kinakabahan sina Miguel at Catherine sa sasabihin ni Isadora.
Isadora : Oo naman. Alam mo meron yang sineryoso talaga, muntik nga silang nagtanan eh. Ahmm ano na nga ba ang pangalan ng babae? Ahmm naku! Hindi ko na maalala kasi isang mumurahing babae lang. Ahmm ano na nga ba yun? Ahmm, naku! Kalimutan na natin. Basta! Okey na rin naman ngayon eh hehehe! Let's go on with the dinner hehehehe!
-Nakikiramdam si Martin sa mga kaharap sa lamesa.

After dinner ay nagpapahangin sa may pool sina Scarlet at Miguel. Nakayakap si Scarlet sa asawa. Sweet sila tingnan.
Scarlet : Ikaw ha! Anng dami kong nalaman sa Mommy mo kanina.
Miguel : Kasal na tayo, magpapa-apekto ka pa doon.
Scarlet : Basta gusto ko sa akin ka lang. Sa akin ka lang ha?
Miguel : Scarlet, puede bang bumalik na tayo sa Amerika?
Scarlet : Miguel dito muna tayo. Hindi ko puedeng iwan si daddy. Baka kung anong gawin sa kanya nung babaeng yon eh. Dito muna tayo ha? Wala munang iwanan.
- Nilambing lambing ni Scarlet ang asawa. Hinalikan ni Miguel ang asawa sa labi.

Lumabas din si Catherine at hindi sinasadyang nakita niya ang nakaka-inggit na paghahalikan nina Miguel at Scarlet. Nakita ni Miguel na nakatingin sa kanila si Catherine. Lumabas rin si Isadora at ngumiti nang may pang-uuyam kay Catherine. Patuloy naman sa kanilang paghahalikan sina Scarlet at Miguel.

Pumasok si Catherine, sinundan siya ni Isadora.
Isadora : Well, well, well!
Catherine : Alam mo, ang dami mong sinasabi? Magsumbong ka na nga! Nang malaman na nila ang totoo. Tingnan natin kung sino sa atin ang papaniwalaan ni Martin.
Isadora : Ayoko pa. Nag-e-enjoy pa ako. O Kate, bakit parang stressed ka? Kung hindi ako nagkakamali, mahal mo pa ang anak ko ano? Sa gabi ba, sinusumpong ka ng pangungulila mo? Ng pagnanasa mo sa anak ko?
- Umakyat ng hagdanan si Catherine
Isadora : Ahhh nagdadamot ka. (tumigil sa pag-akyat si Catherine) O sige, ngayon may interes na, limang milyon.
Catherine : Nababaliw ka na.
Isadora : Bibigyan kita ulit ng isang linggo. Limang milyon kung hindi, ibabalik kita sa lansangan Mrs. dela Rhea. Kung gaano ka katayog lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak! Ouch!

Habang kumakain sina Martin at Catherine
Catherine : Napag-aralan ko yung proposal ng US branch. Maganda sya, very ambitious pero high risk eh.
Martin : Is that so? How come?
Catherine : Kasi sa ngayon pa lang, they will be covering 15 states already. Sila na ang may pinakamalaking cost and expenses sa lahat ng mga branches natin. Eh with the peso devaluation against the US dollar, in a few years mas malaki pa ang mawawala sa atin kesa sa kikitain natin.
Martin : You have a point
Catherine : Alam mo Martin, we really have to go with the times. With the internet now in shipping, eh kaya na natin ma handle yung mga US clients natin from here dito sa Manila mismo.
Martin : Are you suggesting that we
Catherine : Yes. You should close down the US branch.

Sa Dela Rhea Foods. Pinuntahan ni Miguel si Catherine sa office nito.
Miguel : Bakit mo pinasara ang US branch?
Catherine : Dahil hindi sya kumikita. Negosyo lang, hwag kang masyadong maging emotional.
Miguel : HINDI LANG TO TUNGKOL SA NEGOSYO. Tungkol ba ito sa ating dalawa? (natigilan si Catherine) ANO BA TALAGA ANG GUSTO MONG MANGYARI? PINARURUSAHAN MO BA AKO? O BAKA GUSTO MO LANG AKONG MAKASAMA, kaya mo pinasara ang opisina ko. (inilapit ang mukha sa mukha ni Catherine at nagkatitigan sila) Sabihin mo lang Catherine, DO YOU WANT ME BACK?

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP