Friday, July 25, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 9

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Catherine : Rafael? Kuya Rafael!
Rafael : Catherine!
Nag-usap sina Rafael at Catherine
Rafael : Kumusta ka na?
Catherine : Ito. Ilan na ang anak mo? Sinong misis mo? Bilis bilisan mo, huli ka na sa byahe.
-Tinititigan ng nakangiting si Rafael si Catherine
Rafael : Well, totoo nyan e naghahanap talaga ako ng mapakakasalan.
Catherine : Kaya nga bilisan mo na. Maghanap ka na!
Rafael : Ahm kung gusto mo palang mag coffee, magkwentuhan muna tayo, kung may oras ka
Catherine : Basta libre mo
Rafael : Ako ang bahala sa iyo, kahit saan mo gusto. Saan mo gusto?
- Nagring ang cellphone ni Rafael - si Toby.

Sa apartment na inuupahan ni Sofia Castillejos. Ayaw pumayag ni Sofia na maging housemate si Toby Torralba. Sinabi naman ni Toby na tinanggap na siya ni Jenna at buo na ang ibinayad niya - isosoli daw ni Sofia ang ibinayad ni Toby. Nadatnan ni Rafael na nagtatalo sina Sofia at Toby.
Rafael : Parang maingay dito. Ano ang nangyayari?
Toby : E ito kasi e, buo na ang ibinayad ko ayaw pa rin akong tanggapin.
Rafael : Okey ah, well a … give Toba a chance ang everyting will be okay.
- Napansin ni Sofia ang kasama ni Rafael na si Catherine
Sofia : What are you doing here?
- Lumingon si Catherine para tingnan kung sino ang tinutukoy ni Sofia, pero walang ibang tao
Sofia : Ikaw!
Catherine : Ako? Ah kasama ako ni Rafael. Bakit?
Sofia : Ako si Sofia Castillejos
Catherine : Anak ni Isadora. Rafael doon muna ako sa labas.
- lumabas si Catherine
Rafael : Okey Sofia huwag na tayong mag-away alright, give Toby a chance tutal magkakakilala naman tayo rito. Okay?
Sofia : Kuya Rafael, what are you doing with that woman?
Rafael : What’s wrong? She’s my friend.
Sofia : Pinagpalit nya noon si kuya sa pera. Ang laking gulo ang ginawa nya sa hacienda Amadesto. At ang laking problema ang binigay nya sa mommy ko. Manggagamit yan, USER!
Rafael : Hindi ganung klaseng tao si Catherine. Hindi mo sya kilala
Sofia : Mag-ingat ka pa rin baka ikaw ang sumunod na mabiktima nya. Baka ikaw ang sumunod na masaktan kuya Rafael.
- Narinig lahat ni Catherine ang mga Sinai ni Sofia. Hindi na sumagot si Rafael sa mga sinabi ni Sofia. Niyaya na lang ni Rafael na sumama sa kanila si Toby. Habang papalayo sila ay nililingon ni Catherine ang masama ang tingin sa kanya na si Sofia.
Pumunta muna sila bahay nina Catherine. Binigyan ng tubig ni Catherine si Rafael Catherine : Sigurado ako kung anu-anong pinagsasabi ng babaeng yan tungkol sa akin. Sigurado ako sinisiraan nya ako sa iyo ano? Ke bata-bata nya ke sama-sama tumingin. Hah! Oo nga naman pala, anak nga pala siya ni Isadora, nakalimutan ko. - malamang pareho sila ng ugali.
- Sinabi ni Rafael na hayaan na lang at huwag sisirain ang gabi ng dahil lang doon. Nagyaya na si Rafael na umalis sila para kumain, pero ayaw na ni Catherine kasi nawalan na daw siya ng ganang kumain. Nagpilit si Rafael pero nag-ring ang phone nya - si Tracy ang tumatawag. Nawala sa isip ni Rafael na may date sila ni Tracy.

Sinusundan ni Estelle ang papalabas na sa bahay nila na si Tracy. Pinahihintay na lang ni Estelle si Tracy kasi darating na rin naman daw si Rafael. Pero ayaw nang magpapigil ni Tracy kasi kaya lang naman daw siya pumunta doon ay para magpaalam at magpasalamat. Dumating si Rafael, nasa sasakyan pa lang ito ay humihingi na ng sorry. Binati ni Rafael ang ina pero tinalikuran siya nito. Kinausap ni Rafael si Tracy
Rafael : I'm sorry! Nanggaling na ako sa restaurant, hindi kita naabutan. Kung saan saan na ako dumaan para lang makaabot dito
Tracy : Can you think of a better excuse ha?
Rafael : I was with Catherine
- Sinampal ni Tracy si Rafael
Tracy : Sinabi ko na nga ba eh. I knew it.
Rafael : Okay. (inilabas ang singsing) This is for you.
Tracy : (tinabig ang binibigay ni Rafael) What do you think me for ha? Na kaya mo akong sulsulan sa isang singsing ha? I waited for you three hours in the restaurant. Itong relasyon na ito ay waited for three years. Three years for nothing!
Rafael : I'm sorry!
Tracy : I feel sorrier for you. Because when it comes to Catherine, you're such a loser.
- Pagkaalis ni Tracy. Laking panghihinayang ni Estelle kay Tracy para kay Rafael, kasi pinaka-perfect na daw para kay Rafael si Tracy. Sinabi ni Estelle na alam niyang inlove sa ibang babae si Rafael - kay Catherine. Huwag daw magpakatanga si Rafael kay Catherine kasi wala itong kwentang babae.
Rafael : Kung ganyan talaga ang pag-iisip nyo tungkol sa kanya, wala akong magagawa. Pero iyong sinasabi ninyong walang kwentang babae, iyon ang babaenng makakapagbigay ng kaligayahan sa akin.

Maingay na nagkakasayahan si Toby at mga barkada nito sa living room ng apartment nila Sofia. Hindi makatulog si Sofia dahil sa ingay nina Toby, ginising nito si Jenna para pagsabihan sina Toby. Ayaw sana ni Jenna na bumaba kasi natutulog na ito, pero sinabi ni Sofia na kung siya ang bababa ay magkakaroon ng World War 4. Lalong naasar si Sofia kasi pagbaba ni Jenna ay sumali pa ito sa kasayahan nina Toby.

Habang nagtatrabaho sina Catherine
Louela : Hoy Catherine, Catherine, tingnan mo may papalapit sa aking gwapo.
Catherine : Sira ! Si Rafael yan.
- Kinawayan ni Catherine ang papalapit na si Rafael, may itinatago sa likod ang binata
Louela : Kaya naman pala pamilyar.
Rafael : (kay Louela) Oy kumusta?
Louela : Akala ko dati kong dyowa
Rafael : (lumapit kay Catherine) Kumusta ka na?
Catherine : Okay lang, Ikaw?
Rafael : Di ba meron akong isang utang sa iyo, kakain tayo sa labas?
- Sinabi ni Rafael na meron daw siyang alam na espesyal na restaurant kung saan dadalhin niya si Catherine. Ibinigay ni Rafael ang itinatago sa likod na isang white rose
Catherine : Salamat. Ang ganda! Kaya lang bakit puti?
Rafael : Puti syempre because white is forever.
- Pumunta sa isang japanese restaurant sina Catherine at Rafael. Palinga linga si Catherine (hindi na nagbihis kasi naka Metro aid uniform pa siya) at dahil sa hindi pa sanay sa ganung restaurant si Catherine ay tinuruan siya ni Rafael kung papaano ang mga japanese foods na inorder nila. Masaya ang dalawa sa kanilang date.

Inihatid ni Rafael si Catherine.
Rafael : Gagraduate ka na pala next year
Catherine : Oo
Rafael : Anong klaseng trabaho naman ang iniisip mong gawin? Kung gusto mo hahanapan kita ng trabaho.
Catherine : Naku salamat! Pero hindi na, may naghihintay na sa aking trabaho.
Rafael : Talaga? Kagaya ng?
Catherine : Sa Dela Rhea Food. Executive assistant ako ni Mr. Martin dela Rhea
Rafeael : O
Catherine : Ahm Rafael bago ka mag-isip ng kung anu ano. Gusto kong malaman mo na hindi ko plinano o sinasadya lahat ng ito. (nag-iisip si Rafael) Rafael, sariling sikap ko ang lahat ng ito. Totoo iyon. Si Mr. Dela Rhea ang nag-alok sa akin para magtrabaho sa kanya. Hindi ako tumatanggi, nae-excite ako doon sa trabahong yun kasi challenging.
Rafael : Nae-excite ka siguro dahil makikita mo si Miguel. (natigilan ang dalaga) Catherine may asawa na sya. Apat na taon na yung anak nila - Maggie.
Catherine : Wala na akong pakialam sa kanila. Tapos na ang kahibangan ko dyan sa taong yan.
Rafael : Sana ng Catherine. Sana nga!

Pumunta si Catherine sa Dela Rhea Foods, Inc. Sinabi ng secretay na nasa board meeting si Sir Martin at t inanong ni Winnie ang schedule ni Catherine kung full load daw ito. Pinagrereport daw ni Sir Martin si Catherine during vacant hours para ma-train siya ni Winnie bago siya magretire. Natuwa si Catherine sa Sinai ni Winnie. Dumating si Sir Martin at tinanong nito si Catherine kung nasabi na ni Winnie lahat - aasahan daw niya kinabukasan si Catherine sa trabaho.
Sir Martin : May I call you Kate?
-Pumayag si Catherine. Tumingin ang secretary na si Winnie sa boss nya.

Habang masayang nagkukwento si Catherine kina Louella at Lola Aura ay may hawak siyang mga larawan ng mga townhouses at condominiums. Training pa lang daw ay doble na ang sahod at sweldo niya kesa pagwawalis. Lumapit sa kanya si lola Aura para tingnan kung ano ang tinitingnan niya. Tumawa si Louela kasi training pa lang daw si Catherine at hindi pa nito kayang bumili ng condo. Hindi daw sa ngayon sabi ni Catherine, kundi balang araw. Iyon daw ang magiging inspirasyon niya at pinapili ang lola niya sa mga pictures. Kahit saan daw sabi ng matanda basta masaya si Catherine.
Lola Aura : Kaya lang baka naman puro trabaho lang ang atupagin mo. Alam mo dapat naghahanap hanap ka na rin ng makakasama mo sa buhay.
Catherine : Lola, alam mo yang pag-ibig na yan ang makakasira sa akin. Saka wala sa isip ko yang mga ganyan. Kaya ngayon ito na ang inspirasyon natin. Magtatrabaho ako tapos si Louela, ikaw at ako kahit na magkakasama tayo forever.

Nakita ni Sofia pagbaba niya na makalat sa living room.
Sofia : Kalat nyo, ligpitin nyo!
Pero hindi rin natiis ni Sofia na hindi magligpit. Hindi alam ni Sofia na pinapanuod siya ni Toby at tuwang tuwa ang batang Torralba sa nakikita

Simula na ng training ni Catherine sa office ni Sir Martin. Lumabas sa Winnie kaya naiwan mag-isa sa kwarto si Catherine. Nagring ang phone at sinagot ito ni Catherine - si Miguel ang nasa kabilang linya. Nagulat si Catherine at inulit niya ang pangalan ng tumawag “Miguel”. Nagpakilala si Miguel - Miguel Castillejos from the US branch. Nang tanungin ni Miguel kung sino ang kausap niya ay sinabi ni Catherine na “Kate“, ang name na gusting itawag sa kanya ni Sir Martin. Sinabi rin ni Kate na siya ang bagong trainee. Habang nakikipag-usap ni Miguel sa telephone ay lumapit sa kanya si Scralet. Naririnig ni Kate ang pag-uusap ng mag-asawa. Nagbilin si Miguel para kay “Papa” regarding contract with Mr. Hamilton. Pagkatapos nilang mag-usap ay halong emosyon ang naramdaman ni Catherine alyas Kate, para sa dating kasintahan.

Nagpakitang gilas si Kate sa kanyang training bilang executive assistant ni Sir Martin. Natutuwa naman si Martin sa ipinapakitang trabaho ng trainee. Kapansin pansing especial ang tingin ng boss kay Kate. Minsan nalaglag ang mga files na hawak ni Kate at nakita ito ni Sir Martin ay ito mismo ang tomulong kay Kate para pulutin ang mga iyon. May tumulong na staff kay Sir Martin sa pagtulong kay Kate. Medyo nailang si Kate.

Habang nag-e-exam ang klase nina Sofia at Toby. Magkatabi ang pwesto ng upuan nina Tobby at Sofia. Tinulungan si Toby ng barkada niya para makakopya siya kay Sofia. Kesyo may gumagapang daw sa legs ni Sofia, at dahil maarte ay nataranta ito. Sinamantala ni Toby na natataranta si Sofia kaya nakakopya siya ng mga sagot ni Sofia sa exam

Nagpustahan sina Sofia at Toby sa paglalaro ng pingpong. Kung sino raw ang matatalo ay magiging utusan ng mananalo for one week. Nanalo si Toby kaya si Sofia ang naging tagapagligpit ng mga kalat ni Toby at mga kaibigan nito sa apartment.

Nasa rooftop nang building sina Martin dela Rhea at Kate. (naaasar ako sa mga eksenang ganito, basta napapangitan ako). Ayon kay Martin ay matagal na niyang hindi nagagawa iyon at ganun daw ang magiging buhay niya pag nag retire na siya - nakakapangilabot daw isipin ang retirement. Sinabi ni Kate meron naman daw itong anak. May sarili na raw buhay ang anak niya.
Miguel : She’s married to no good user. Kawawa naman yung anak ko. Sana sa ibang babae na lang Napunta si Miguel.
- Nagtanong si Martin tungkol sa buhay ni Kate. Sinabi ni Kate na bata palang sya nang mamatay ang kanyang ina, at iniwan naman sya nang ama at hanggang ngayon ay hindi pa sya binabalikan. Kaya daw pala malapit ang loob nila sa isa’t isa sabi ni Martin dahil wala na syang anak, at parang wala nang ama si Kate. Nabanggit ni Martin na nakita nya ang brochures sa table ng dalaga at tinanong kung nag-iisip na magpundar ng Condo. Sinabi ni Kate na hindi pa niya kaya - pangarap lang daw at inspirasyon.
Martin : If you don’t mind me asking, bakit wala ka pang asawa?
Kate : Wala lang ho siguro talagang mapagpilian.
- Sinabi ni Martin na tanga lang daw ang mga lalaking nasa paligid ni Kate
Martin : You're a very beautiful woman Kate.

Nainis na si Sofia sa pagiging burara ni Toby. Pinabayaan na lang Sofia ang kalat ng "pig" na si Toby at umakyat na ito sa kwarto.

Isinasama ni Martin naman si Kate sa business meeting nya sa Hongkong kasi kailangan daw niya ng assistant to be with him for 3 days. Diniscuss ni Kate ang pagbibigay ni Martin nang salary increase, at ang gusto daw sana nang HR ay sa kanya-kanyang memo nalang daw para malinaw kung sino ang recipients ng increase. Napansin ni Martin na wala ang pangalan ni Catherine sa listahan ng mga may salary increase, and she’s been working very hard daw. At kahit wala itong raise,si meron naman daw siyang bonus na ibibigay kay Kate - inabot ang brown envelope sa dalaga. Hindi nila namamalayan na naririnig sila ni Winnie at parang nagseselos o naiinggit ang sekretarya. Nagulat si Kate nang makita ang laman ng envelope - binibigyan siya ni Martin ng condo unit. Tinanggihan ni Kate ang bonus.

Ikinuwento ni Catherine kay Louela ang pagbigay nang condo unit ni Martin na tinanggihan nya. Nagulat at medyo napasigaw si Louela dahil sinoli ito ng kaibigan. Pinagsabihan sni Kate na huwag maingay at baka marininig sila ni lola Aura. Eh narinig na pala sila ni lola Aura at tinanong nito ang tungkol sa oinag-uusapan ng dalawa. Sinangayunan ni lola Aura ang pagtanggi ng apo sa "bonus" at pinag-iingat ang apo sa pakikitungo kay Sir Martin.

Dinala ni Sir Martin si Kate sa mansion. Ipinakita ni Martin kay Kate ang kanilang family picture, at ipinakita din ang picture nang kanyang namatay na asawang si Eloisa, 10 years ago. Pinakita din nya ang larawan nina Scarlet, Miguel at ang kanyang only apo na si Maggie. Medyo naiilang naman si Catherine dahil tinititigan sya ni Martin.
Martin : God, you’re so beautiful! Alam mo, akala ko tuluyan ka nang nagalit sa akin dahil sa condo issue. Baka kako tuluyan ka nang nadismaya sa akin. But I can't help it, you're the only reason why I go to work everyday. Ikaw na lang ang nagpapasaya sa buhay ko Kate. Alam ko, I might lose you dahil sa sasabihin ko, but I just want to be honest. And I'm too old to play games. (may dinukot sa bulsa) MAHAL KITA KATE! (Inilabas ang singsing) WILL YOU MARRY ME KATE?

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP