Wednesday, July 23, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 8

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Naiiyak sa tuwa na nilapitan ni Catherine si Miguel.
Catherine : Miguel
Nang makita ni Miguel si Catherine ay nagbalik sa alaala niya ang mapapait na nangyari - nakita niya ang mga larawan na may kasamang lalaki na natutulog si Catherine, ang sinabi noon ni Sofia na nakita niya si Catherine na tumatanggap ng pera mula sa kanilang ina, pati na ang sinabi ni Isadora na Catherine asked for the money.
Catherine : Miguel ang tagal kitang hinanap
-Yayakap sana ang lumuluhang si Catherine ka Miguel pero galit na umiwas ang lalaki.
Catherine : Ang tagal kitang hinintay. Bakit? Miguel kailangan nating mag-usap.
Miguel : Mag-usap? Para ano? Para Bilugin ulit ang ulo ko?
Catherine : Hindi kita maintindihan.
Miguel : Akala ko kilala kita, hindi pala. Galing mong umarte Catherine, ang galing mong magpaikot ng lalaki.
Catherine : Miguel ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa kamay ng nanay mo. Kinulong nya ako sa ospital, tinurukan nila ako ng kung anu ano. Pinatay nila ..
- Hinawakan ni Miguel si Catherine at pinatitigil ito sa pagsasalita. Muhing muhi si Miguel sa dating kasintahan. Catherine : Miguel makinig ka
Miguel : STOP! Sinungaling ka. Huwag mong idadamay ang mommy ko dito.
Catherine : Miguel
Miguel : Baki kulang pa ba ang perang nahuthot mo? Siguro naghihirap na kayo ngayon ng lalaki mo.
Catherine : Miguel ano bang pinagsasabi mo? Sinong lalaki?
Miguel : Maghanap ka ng lalaking maloloko mo. Buti na lang pala hindi ako dumating sa usapan natin, kundi magsisisi lang pala ako.
Catherine : Hindi ka dumating? Hindi ka dumating?
Miguel : HINDI AKO DUMATING! Oo hindi! Hindi ako nagsisisi kung bakit dahil sobrang nakakasuka ang pagkatao mo. Leave me alone, you go to hell
Catherine : Miguel sandali. Miguel makinig ka
Miguel : LEAVE ME ALONE!
Catherine : Miguel kailangan nating mag-usap. Hindi mo naiintindihan.
- Galit na umalis si Miguel at sumakay sa kanyang kotse. Hinabol ni Catherine ang sasakyan ni Miguel. Pinigilan ni Louela ang kaibigan sa ginagawa.

Pinuntahan ni Miguel si Rafael at sinabi ang pagkikita nila ni Catherine.
Miguel : Kuya, nakita ko si Catherine. Kung anu ano ang sinasabi nya. Kinulong daw sya ni mommy, totoo ba yon?
Rafael : Nabalitaan ko na yan. Si Catherine sumipot din sa araw ng kasal mo.
Miguel : Bakit walang nagsasabi sa akin? Akala ko ba kaibigan kita. Bakit hindi mo sinabi sa akin?
Rafael : Gusto ko na rin sanang sabihin sa iyo. Pero buntis si Scarlet noon. Ayokong masira ang buhay nyo ni Scarlet, kung nalaman mo.
Miguel : So totoo lahat ang sinasabi nya na mommy ko ang lahat na may pakana nito?
Rafael : Hindi ko rin alam. Nagkademandahan pa nga noon e. Kaya lang walang nangyari sa demanda, wala siyang sapat na ebidensya. Saan mo nakita si Catherine?
Miguel : HINDI NA IMPORTANTE IYON. NOONG NAKITA KO ANG BABAENG YON, GUMULO LALO ANG BUHAY KO. SINUNGALING YAN E!

Kinagabihan. Habang si Lola Aura ay natutulog si Catherine naman ay nasa may bintana (naalala ko tuloy ang movie ni Sharon na "Bukas luluhod ang mga tala"). Lumuluha si Catherine habang naaalala ang muli nilang pagkikita ni Miguel. Tinanggal ni Catherine ang bracelet na bigay ni Miguel at itinapon sa labas ng bintana.
Catherine : Tapos na ang kahibangan ko Lola. Walang kwentang tao si Miguel. Maghanda sya, kasama sya sa mga sisingilin ko balang araw. Humanda silang lahat! Huhuhu!
- Nagising si lola Aura, nilapitan at niyakap ang minamahal na apo.

Sa bahay ni Isadora. May hawak na alak si Isadora habang kinakausap si Miguel.
Isadora : Kararating mo pa lang ng Pilipinas, problemado ka na kaagad.
Miguel : Tumingin nga kayo sa akin ng deretso. Sino ba sa inyong dalawa ang nagsasabi ng totoo?
Isadora : Maniniwala ka na naman ba sa sinasabi ng sira ulong Catherine na yon? Miguel nakita mo na ang litrato nila ni Emil noon, tapos alam mo rin naman na hinuhuthutan nya ako ng pera, tapos nagdududa ka pa? Pinagmukha ka na nyang tanga noon. Sinira na nya ang buhay mo. Tapos ngayon magpapaloko ka pa sa Catherine na yon?
Miguel : Kung makikita mo lang si Catherine ngayon, sobrang nakakaawa. E parang naghihirap talaga ang itsura niya e.
Isadora : DAPAT LANG! Dahil iyon ang karma nya. Teka muna Miguel ha. Bakit naniniwala ka pa rin ba sa mga sinasabi nya?
Miguel : Bakit siya gagawa ng ganun kalaking gulo kung hindi totoo iyong nangyari?
Isadora : Dahil desperada nga! Ikaw na rin ang nagsabi di ba, nakita mo ngayon na naghihirap ang buhay nya. Eh di natural nagpapaawa awa yon para tulungan mo. Malamang nangangailangan uli kaya umaasa sya na paniwalaan mo sya. Miguel, magpapaloko ka na naman ba sa sira ulong Catherine na yon? Nagpalaki ba ako ng TANGA Miguel? Dahil tanga lang ang magpapaloko ulit sa tulad ni Catherine.

Nang mapag-isa ay naiisip ni Miguel si Catherine
Miguel : Maayos na ang buhay ko. May pamilya na ako. Dapat tahimik na ang loob ko. Pero tanga at gago talaga ako sa iyo Catherine, dahil hanggang ngayon MAHAL PA RIN KITA!

Umiiyak na naman si Catherine, nag-iisip
Catherine : Ilang taon kong nilaan ang puso't isip ko sa yo Miguel. Pero ganito lang pala ang gagawin mo sa akin. Nagsisisi akong naging tanga ako sa iyo Miguel. Nagsisisi akong minahal pa kita.

Nagmumuni-muni rin si Rafael.
Rafael : Sila kaya ni Miguel at hindi kami ni Catherine ang para sa isa't isa? Lagi silang pinaglalapit ng pagkakataon, pero kami pinaglalayo. Kailan ba dapat isuko ang nararamdaman? Kung kaya lang turuan ang puso Catherine.

Nakahanap na ng apartment sina Sofia at Jenna.
Lady : May apat na kwarto tayo dito. P 12,000 a month, 3 months deposit, one month advance.
Sofia : So P 48,000 po, initial pay lahat lahat?
- Pumayag si Sofia at lilipat daw sila kaagad. Excited si Sofia pero ang kaibigan ay nag-aalangan
Jenna : Hindi ba mabigat tig P 6,000 tayo? Plus tubig, plus kuryente.
Sofia : Magpapakabit pa tayo ng cable, internet, telephone pa
Jenna : Baka abutin tayo ng tig - P 10,000. Lagot yong allowance ko, hindi na tayo makakapag-mall.
Sofia : Don't worry!
Jenna : Tingnan mo naman ako, ang taba ko
Sofia : May naisip na akong way - maghanap tayo ng housemate

Kumakain ang pamilya Torralba, nandun din ang kaibigan ni Rafael na si Tracy (Cheska Garcia)
Estelle : You're so beautiful Tracy! Siguro ang ganda ng aking magiging apo sa inyo ni Rafael. (tumawa si Tracy) O may sinabi ba akong mali? E di ba doon na talaga kayo papunta nyan?
Enrique : Sana naman magka-apo na kami sa lalong madaling panahon. Bakit Tracy, masyado ka bang career driven na wala sa isip ang pagpapamilya?
Tracy : Of course not Tito, given the chance mas gugustuhing kong maging palin housewife kaysa maging career woman.
Estelle : So Rafael, what are you waiting for?
Tracy : (tinanong si Rafael) What are we waiting for? I love you!
- Hindi sumagot si Rafael.

Kumakain ang mag-inang Isadora at Miguel
Isadora : Pag-uwi mo mamaya, baka wala na ako ha. May lakad ako mamayang gabi, may meeting kami ni Mrs. Penefrancia, meron kaming sisimulan na bagong negosyo.
Miguel : Bagong negosyo o Casino? I know everything 'ma. You have gambling problems. Balita ko nga ang dami mo na namang utang. Ano na naman tong bago mong kinalolokohan?
Isadora : Huwag mo nga akong ini-interogate na parang pinapakain mo ako.
Miguel : Karamihan sa mga kinikita ko, ipinapadala ko dito para sa inyo ni Sofia. Buti nga si Scarlet hindi nagrereklamo, e kahit papaano meron siyang sariling pera. Ano ba ang nangyayari sa iyo 'ma?
Isadora : Can you just shut up? Ayoko nang pag-usapan. Bakit sino na naman ba ang nagsumbong sa iyo? Si Sofia? Nasaan ba ang sumbungerang yan?
-Tinawag ni Isadora si Sofia, pero walang Sofia na lumabas. Naiiling si Miguel.
Isadora : O anong iniiling-iling mo? Haharapin ko yang sumbungerang yan. SOFIA!
Miguel : She moved out! Nilayasan ka na ng anak mo, hindi mo pa namamalayan. Dahil ang atensyon at utak mo laging nasa sugal. Careful 'ma pag dumating yung panahon na nalubog ka na naman sa utang at ma-elit lahat ng mga ari-arian mo, wala na ako doon para magamit mo - PANGTUBOS SA LAHAT NG YON!

Nagpaskil si Sofia sa bulletin board ng eskwelahan ng advertisement para sa kanilang "housemate", si Jenna ang inilagay niyang contact person. Tumawag si Miguel kay Sofia, natuwa si Sofia.

Si Toby naman ay nag-iisip ring magsolo kasi nasasakal na daw siya sa kanilang bahay. Bubukod daw siya, tutulungan naman daw siya ng kuya Rafael nya. Nakita nila sa Bulletin Board ang ad na ipinaskel ni "Sofiang maarte". Noong una ay ayaw ni Toby pero sinabi ng mga kaibigan niya na palagi silang "may target", pumayag si Toby kasi masarap daw magpa-iyak ng maarte.

Masinsinang nag-uusap sa loob ng sasakyan sina Rafael at Tracy
Tracy : Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko
Rafael : Ano ang ibig mong sabihin?
Tracy : You know me. I always fet what I want. I'm always on top of everyone else. I've always been happy. But lately nafru-frustrate ako.
Rafael : Tungkol saan? Tungko sa ... trabaho?
Tracy : Sa 'yo! Saan ba ito papunta Rafael ha? Do you really love me? Or you just keeping me until the right woman comes along? Pakiramdam ko panakip butas lang ako. Please naman Rafael, huwag ka namang maging unfair sa akin.

Kinausap ni Martin dela Rhea si Catherine tungkol sa imbestigasyon na isinagawa niya sa Amadesto regarding Catherine and Isadora.
Martin : Nagpa-imbestiga ako sa Amadesto. Alam mo bang handa akong tanggalin ang scholarship mo kung sakaling malaman ko na gumagawa ka lang ng istorya. Sa lahat ng ayoko ay ang sinungaling at manloloko. Pero napag-alaman ko na nagsasabi ka ng totoo. Alam ng mga tagaroon kung papaano kayo pinagtabuyan ni Isadora, sa bagay na yan wala akong magagawa. Pero makakaasa ka na susuportahan ko ang pag-aaral mo hanggang makatapos ka. You gain my trust. So aasahan ko ang serbisyo mo dito sa Dela Rhea Foods, Inc. pagkagraduate mo. Reretire na si Winnie next year at ikaw ang gusto kong pumalit. Nagkakaintindihan ba tayo?
Catherine : (naluluha sa kaligayahan) Opo Sir!
Martin : Good!

Pinuntahan ni Miguel si Sofia sa apartment na tinutuluyan nito. Binigyan ng kape ni Sofia ang kapatid, pinuna pa ni Miguel kung bakit may damit ang thermos ni Sofia - para daw pretty. Napag-usapan ng magkapatid ang kanilang ina. Ayon kay Sofia ay hindi na magbabago ang kanilang mommy, at hindi niya ma-get kung bakit sinisira ng nanay nila ang buhay nilang lahat sa ginagawa nito. Sinabi ni Miguel na wala naman silang choice at ang tangi lang nilang magagawa ay alalayan ang mommy nila. Nag promise si Miguel sa kapatid na he will take care of her. Ngumiti si Sofia.

Nagsabi si Toby sa mommy niya na gusto niyang umupa ng bahay. Nakikinig sa kanila si Rafael.
Estelle : Ang laki laki ng bahay mas gustuhin mo pang umupa sa isang apartment? Anong klaseng prinsipyo yan? Paurong?
Toby : Ma gusto ko lang naman pong maging independent.
Estelle : Hindi independence ang gusto mo. You just want freedonm para magawa mo ang mga kalokohan mo.
Rafael : Ma payagan nyo na yang si Toby at matanda na yan.
Estelle : Hindi! Rafel hindi ka na nga nakatira dito sa bahay, ayokong umalis pa yang si Toby. Wala nang matitira rito sa bahay. Hindi na tayong magkikitang magpamilya.
Toby : E 'ma kahit naman ho nandito ako e, hindi rin tayo nagkikita kita dahil palagi kayong WALA. Ano pang bago doon?
Rafael : Ma dapat matuto na yang si Toby. Matanda na yan pero immature pa rin. Bakit? Parati nyong binabantayan, parati nyong sinasalo kapag may ginagawang mga kalokohan. Pag sinira nya ang buhay nya, kasalanan na nya yun.
Estelle : Fine! Rafael sagot mo ang kapatid mo. Ayoko nang problema.
-Nang makaalis ang mommy nila, ngiting ngiti si Toby
Rafael : Huwag kang masyadong masaya. Alam mong hindi madali itong gagawin mo. Ipinagpaalam lang kita. Bahala ka na sa buhay mo ha
Toby : Salamat kuya!

Kinausap ni Martin si Miguel tungkol sa report ni Isadora
Martin : Ipina double check ko na ang mga papeles na padala ng mommy mo tungkol sa Amadesto. Aparrently doesn't tally with our records.
Miguel : Ah baka naman ho na-overlook lang ni Mommy
Martin : Miguel, ilang taon nang nangyayari ito. After I paid your debts, usapan namin ni Isadora - 50/50 sa income. Ang lumalabas, 30% lang ang nakukuha, that's a lot of money. Balewala ang aming pagiging magbalae dito, business is business.
Miguel : Yes Sir, I understand. Huwag po kayong mag-alala, I'll see to it na maaayos ang lahat. So shall we go? Baka ho naghihintay na ang mga investors.
Martin : Hindi na sila dadating. I cancelled the merger.
Miguel : Bakit ho? Iyon ho ang kailangan natin para sa expansion ng US branch. Papa naayos ko na ho ang lahat. Sayang naman ho.
Martin : Miguel, in business time is very important. I don't think this is the right time. After 4 years under your management, we lost quite a lot of money.
Miguel : Limited ho kasi ang resources namin e. Their investment will definitely boost our earnings.
Martin : I'm sorry Miguel. That's it. Hindi ka pa hinog.
Miguel : Excuse me po papa
-Matamlay na umalis si Miguel
Secretary : Kawawa naman Sir. Dapat hindi na sya bumalik mula ng Amerika.
Martin : Hayaan mo syang maghirap. Everything came too easy for him. Ewan ko ba, hanggang ngayon hindi ko matutunan mapagkatiwalaan yang mga Castillejos. Someday, I still hope to get back my daughter from Miguel.

May kausap na Metro Aid si Rafael
Mang Ambo : Hulog po kayo ng langit sa amin. Maraming maraming salamat po! Pasensya na po kayo at kapag nakaluwag luwag kami, makakabayad din po kami sa inyo.
Rafael : Hwag nyo na hong iintindihin yon. Basta ipadala na lang ninyo ang certification sa opisina, ako na ang bahala. Ibabalik ko na lang ho sa inyo.
Mang Ambo : (kinamayan si Rafael) Maraming maraming salamat po ulit!
Rafael : Oho. Mang Ambo ni kusing wala kayong ibabayad sa akin.
Mang Ambo : Opo
Rafael : Ingat po kayo ha
- Nang makaalis si Rafael ay sya namang pagdating nina Catherine at Lola Aura. Napansin ni Catherine na masaya si Mang Ambo.
Catherine : Lola tingnan mo
Lola Aura : Mang Ambo, mukhang ang saya-saya ninyo ah
Mang Ambo : Mukhang malakas ang laban ng kaso ng anak ko.
Catherine : Talaga? Naku! Napakagandang balita naman ho nyan. Eh tama lang yun, tuso naman talaga ang amo ng anak nyo eh. Tama yun, hindi talaga dapat tayo nagpapa-api.

Bumalik na sa Los Angeles, California si Miguel. Malungkot na ibinalita ni Miguel kay Scarlet na baka kailangan pa nilang maghintay para sa expansion kasi marami pang dapat ayusin.

May nakuha nang housemate ang magkaibigang Sofia at Jenna - si Toby Torralba! Nang dumating sa apartment si Toby ay kaagad na naasar si Sofia.

Pinuntahan muli ni Rafael si Mang Ambo para kunin ang mga papeles
Rafael : Tandaan po ninyo sa makalawa na ho ang hearing. Huwag po kayong mawawala.
Mang Ambo : Maraming salamat po muli!
- Nang paalis na si Rafael ay nag-ring ang cellphone niya - si Tracy ang tumatawag. May nagdidilig na babae sa malapit sa sasakyan ni Rafael.
Rafael : Hello! O Tracy, mabuti pa mauna ka na sa restaurant. Mahuhuli ako e. Okey? O sige ba-bye. (pagkatapos nilang mag-usap, kinapa ni Rafael ang bulsa habang papunta sa sasakyan) Ang singsing baka nakalimutan ko. Okey, very good! Eto na, alright!
- Pagbiling ng babaeng nagdidilig ay tamang-tama naman na nasa may pintuan na ng kotse niya si Rafael, aksidenteng nabasa si Rafael
Catherine : Ayyyy!!!
Rafael : O teka muna, lamig! Huh!
Catherine : Sorry, pasensya na, pasensya na!
Rafael : Okey! E sa ... Catherine?
Catherine : Rafael? Kuya Rafael!
Rafael : Catherine!

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP