Tuesday, July 22, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 7

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Hanggang sa magdalaga si Sofia ay siya pa rin ang inuutusan ng mommy niya para manghingi ng pera sa kuya Miguel niya.

Inihatid ni Isadora sa eskwelahan si Sofia. Masayang nakipag-usap kay Isadora ang bestfriend ni Sofia na si Genna (Beauty ng PBB)
Genna : Hi Tita Isa! Bago na naman ang kotse ninyo, ang ganda sobra!
Isadora : Ang ganda ano?
Sofia : Ah 'ma, makikisabay na lang ako kay Genna mamaya. You don't have to pick me up.
Isadora : Kasi ikaw dapat nagda-driving school ka na. O tingnan mo katulad ngayon, sa iyo ko puedeng ipamana to.
Genna : Wow! Swerte mo naman Bes (short for bestfriend) ang ganda ng kotse nyo.
-Pag-alis ni Isadora ay humingi ng pasensya si Sofia sa kaibigan sa kayabangan ng ina
Sofia : My mom is so yabang, it’s embarrassing.
Genna : May ipagyayabang naman kasi eh.
Ang mga magulang ni Rafael ay namomoblema sa bunsong anak na si Toby.
Enrique : Hindi ko na alam ang gagawin kay Toby. He's getting out of control.
Estelle : Hindi ko nga mintindihan kung bakit siya nagrerebelde. Binibigay naman natin sa kanya ang lahat.
Enrique : Iyan nga ang problema e. Masyado mo syang inispoiled. Pagsabihan mo sya, siguraduhin mong tumino ang batang yan.
Estelle : Ang ibig momng sabihin kailangan ko syang bantayan ng 24 hours? Aba marami rin akong ibang commitments sa labas, hindi ko sya puedeng tutukan.
-Itinakas ni Toby ang isa sa mga sasakyan nila. Hinabol siya ng mga tauhan nila, pero walang nagawa ang mga humahabol sa binata, sa eskwelahan na nila ito naabutan.

Sa school, muntik nang mabangga ni Toby ang magkaibigang Sofia at Genna. Nagbangayan si Toby at Sofia. Nanggagalaiti sa galit si Sofia Castillejos kay Toby Torralba, habang sinisigawan ni Sofia ang binata naman ay nagbubusina, kaya lalo silang hindi magkaintindihan. Humihingi ng pasensya kay Sofia ang mga humabol na tauhan ng Torralba family.

Nagsumbong sa dean si Sofia. Hanggang sa opisina ng dean ay nagtatalakan ang dalawa. Ibinuko ni Sofia ang mga kalokohan ni Toby, kaya lalong nainis ang binata. Kasama ni Sofia ang kaibigan na si Genna. Dumating si Rafael para ayusin ang ginawa ng kapatid. Nagsumbong kaagad si Sofia kay Rafael na "bad boy" daw si Toby. Kinausap ng dean si Rafael tungkol sa kapatid
Dean : Kung hindi lang siya team captain nang varsity basketball at star player ng taekwondo team ng eskwelahang ito. I will definitely suspend him for a month.
- Hihihi! Nabubulol si dean sa kagwapuhan ni Gabby Concepcion este Rafael Torralba pala.
Rafael : Dean, ako na ho ang hihingi ng paumanhin. I will make sure na Toby will realized na mali ang kanyang ginawa.

Nang magkita muli sa campus sina Toby at Sofia ay nagkaasaran na naman ang mga ito. Nagplano naman ang dalawang kaibigan ni Toby na "iganti" si Toby kay Miss Arte (Sofia). Nang pumunta sa rest room si Sofia ay hinagisan siya ng "pillbox" ng mga kaibigan ni Toby. Nagtatatakbo si Sofia palabas ng rest room. Nasa school pa si Rafael nang mangyari iyon, nilapitan ni Rafael ang halos maligo na sa alcohol na si Sofia. Kaagad na sinabi ni Sofia na si Toby ang may kagagawawan. Tinanong ni Rafael kung ano ang makakabuti para kay Sofia, pinapauwi na lang ni Sofia kay Rafael si Toby para raw hindi na nagkalat ang mukha nito sa campus.

Gaya ng suggestion ni lola Aura, nagdala ng kakanin si Catherine para kay Sir Martin dela Rhea. Pero wala si Martin sa office, pinapaiwan na lang secretary nito ang dala ni Catherine. Lumabas ang secretary kasi may delivery raw. Nag ilapag ni Catherine ang kakanin sa desk ay nakita niya ang mg pictures nina Miguel, Scarlet at anak ng mga ito. Hindi makapaniwala si Catherine sa natuklasan.

Ikinuwento ni Catherine kay Louela ang natuklasan
Louela : Ano, magbyenan si Sir Martin at si Miguel? Naku naman! Talaga naman palang pinakukrus ang mga buhay nyo
Catherine : Ganun na nga. Ano ba ang dapat kong gawin?
Louela : Isekreto mo kunyari wala kang alam.
Catherine : Magagalit naman ang lola. At saka parang niloloko ko nyan si Sir Martin, napakabait nun sa akin.
Louela : Alam mo sa panahon ngayon kailangan praktikal ka. Eh ano naman kung magbyenan sila?
Catherine : Hay naku! Baka mamaya yan pa ang pagsimulan ng gulo
Louela : Hindi yan. Huwag kang nega 'te. Isipin mo na lang pambawi yan sa yo. Sa lahat ng dagok, pagsubok at pagsaklob ng mundo sa iyo noon.
Catherine : Sobra ka naman
Louela : Totoo naman eh. Kung naagaw nung babaeng yun sa iyo si Miguel, isipin mo na lang - pambawi ng tatay nya ang pagpapaaral sa iyo. Mayaman naman sila eh, barya lang ang ginagastos sa yo, sa pagpapaaral ni Sir Martin. Scholar ka ng foundation, iyon ang isipin mo - walang personalan.
-Napaisip si Catherine sa sinabi ng kaibigan.

Nang makauwi sa bahay, ay pinapaamin ni Rafael ang kapatid kung saan galing ang pillbox. Sinabi ni Toby na hindi talaga kanya iyon. Nag-aalala lang naman daw si Rafael sa maaaring mangyari kay Sofia. Sinabi ni Toby na hindi raw mangyayari na madadamay si Sofia dahil sa kaartehan daw ng babaeng iyon, ultimo pillbox ay iiwas. Hindi na natutuwa si Rafael sa mga ginagawang kalokohan ng kapatid, baka daw dumating ang araw na sa "Bilibid" na ang aregluhan. Medyo natakot naman si Toby sa sinabi ng kuya nya. Dumating ang ama nilang si Congressman Enrique - galit ito sa ginawa na naman ng bunsong anak.
Enrique : Nagpasabog ka ng pillbox sa eskwela? Muntik mo nang masaktan si Sofia, si SOFIA! Hindi ko na alam ang gagawin sa iyo Toby. Sumusobra ka na, lahat ng subjects mo ibinagsak mo. Ngayon kailangan mo umulit ng first year. Sa lahat ng mga Torralba, ikaw ang mahina ang ulo. Wala kang kwentang anak!
- Nang hindi kumikibo si Toby ay susugurin sana ito ng ama, pero inawat ito ni Rafael. Pati si Rafael ay napagsabihan ng ama
Rafael : Pa tama na
Enrique : Isa ka pa e, kunsintidor! Kaya nagkakaganyan ang kapatid mo - rebeldeng walang ipinaglalaban.
- Pinaalis ni Enrique sa harap niya si Toby - padabog itong umalis

Sa bahay ni Isadora. May babaeng naniningil - tatlong buwan na raw itong pabalik-balik at sabihin na lang daw ni Isadora kung wala siyang ibabayad. Sinabi ni Isadora na ipadadala na lang daw niya ang pera kasi nadedelay lang ang pagsingil niya sa koprahan.
Isadora : Ini-insulto mo ba ako? Hindi mo ba kilala kung sinong kaharap mo? AKO YATA SI ISADORA CASTILLEJOS!
Maniningil : Oo kilalang kilala kita. Castillejos na madalas maelitan ng property.
Isadora : How dare you? Umalis ka nga sa harapan ko! ALIS!
Maniningil : Kung magpalayas ka, akala mo mayaman ka talaga. Oy Isadora kung hindi ko pa alam lubog ka na sa utang.
-Malungkot na nakikinig lamang sa usapan si Sofia.

Kinagabihan, nasa kuwarto si Sofia ng may tumawag sa telepono - sinususpend ang credit card ni Isadora. Ibinaba ni Sofia ang phone. Nagring ulit ang telepono, pasigaw na sinagot ni Sofia ang phone at sinabing wala doon ang kanyang ina - pero galing palang Los Angeles ang tawag, Si Miguel
Miguel : Sofia si kuya Miguel ito. Kumusta dyan?
Sofia : Kuya, buti tumawag ka. Things are crazy around here. Kabi-kabila ang naniningil kay Mommy, naririndi na ako.
Miguel : Papaano sya magkakautang, e panay ang padala ko ng pera
Sofia : And last I heard, pati itong house. Hindi nakakapagbayad si Mommy ng mortgage
Miguel : What?
Sofia : Talk to Mom kuya. Hindi naman siya nakikinig sa akin eh. And one more thing, puede kaya akong magdorm o kaya apartment? Medyo malayo kasi iyong school dito sa house. I have my own personal savings, I can use it.
Miguel : Papaano si Mommy? Maiiwan siyang mag-isa dyan.
Sofia : Oh she'll manage. She's never home kuya.

Sa garden pumunta si Toby. Pinuntahan siya doon ng kuya Rafael niya at kinausap
Rafael : Ano mag-usap tayo?
Toby : Ano pa kuya? Kulang pa ba yung nasabi ni papa?
Rafael : Alam mo magulang natin sila. They mean well.
Toby : Oo parents natin sila. Kapakanan natin ang iniisip nila. Kilala nila tayo. May pangarap sila para sa atin. May kulang pa ba doon kuya?
Rafael : Ano ba talaga ang nangyayari sa yo?
Toby : Ganito naman talaga ako kuya e. Hindi naman ako kagaya mo e - perpekto! Sila ang may problema. Hindi lang nila maintindihan yun.

Hangang hanga si Lola Aura sa building ni Sir Martin. Tinanong nito ang apo kung doon ito magtatrabaho. Sana raw kung matatanggap sabi ni Catherine. Ayon kay Lola Aura ay bakit naman daw hindi matatanggap ang apo, eh ang galing-galing nito. Sinabi ni Louela na kung puedeng ipasok rin siya ni Catherine bilang messenger, kasi kabisado niya ang Maynila. Itatanong daw ni Catherine kung may opening para kay Louela. Tuwang tuwa si Louela sa possibility na maging magkatrabaho sila ni Catherine sa malaking building na iyon ng mga Dela Rhea. Pumasok na si Catherine sa building para mag-apply.

Sa loob ng building. Nasa office ni Martin si Isadora. Tinitingnan ni Martin ang annual figures ng Amadesto. Disappointed si Martin kasi paurong daw ang negosyo nila. Idinadahilan naman ni Isadora na "crisis is everywhere". Nagalit si Isadora kasi mukhang nagdududa sa kanya si Martin, sinabi ni Isadora sa balae na magpa-imbestiga. Iyon naman daw talaga ang gagawin niya sabi ni Martin, pasensyahan na lang kung ano ang kalabasan ng imbestigasyon - labas na daw ang kanilang pagiging magbalae, "Business is business". Ikinukubli ni Isadora ang kaba sa gagawing imbestigasyon.

Nasa loob na ng Dela Rhea Foods si Catherine, nakita niya si Isadora palabas ng office ni Martin. Tumalikod si Catherine para hindi siya makita ni Isadora. Sinundan ni Catherine ng tingin ang papalayong si Isadora.

Papunta sa sasakyan niya si Isadora (pinapayungan ng driver) ay naulinigan niya ang pamilyar na boses nina Louela at Lola Aura. Tinigilan ni Isadora ang naka Metro aid uniform na sina Lola Aura. Nakita ni Lola Aura si Isadora. Lumapit sa kanila si Isadora at painsultong kinumusta si Lola Aura. Dumating si Catherine, lalong nang-asar si Isadora at kumusta na raw ang mga hampaslupa. Nang hindi sumasagot sina Catherine ay tinanong sila ni Isadora kung napipi na sila. Nagpipigil si lola Aura at ayaw niyang patulan ang pang-aasar ni Isadora. Nang hindi na makapagpigil ang matanda ay sinugod nito si Isadora. Tumakbo si Isadora sa kanyang sasakyan, pinagpapalo nina Catherine, Lola Aura at Louela ang sasakyan ni Isadora.

Sa bahay ay nag-usap sina Catherine at Louela
Catherine : Alam mo ba kanina nang makita ko si Isadora. Magkahalong galit at takot ang naramdaman ko. Hindi takot na masasaktan nya ako, takot dahil baka sirain na naman nya ang magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang dami nang nasira ng dahil sa pagmamahal ko kay Miguel.

Nagtalo sa telepono sina Martin dela Rhea at Miguel Castillejos. Malaki na daw ang nalulugi sa US operation. Galit na tinapos ni Martin ang usapan nila ng manugang. Pinaalalahanan ng sekretarya si Martin na baka tumaas na naman daw ang BP nito. Sinabi ni Martin na kawawa lang daw ang anak niya sa loser na asawa nito. Dumating si Catherine kasi pinatawag siya ni Sir Martin.

Mainit ang ulo ng umuwi si Miguel sa opisina. Nalaman ni Scarlet mula sa sekretarya ng asawa na nagtalo sina Miguel at ama niyang si Martin dela Rhea. Nagalit si Miguel at sinabing hindi siya bata para bantayan ng mag-ama sa opisina. Gusto ni Scarlet na pag-ayusin ang asawa at ama, pero huwag daw syang maki-alam ang sabi ni Miguel. Tirhan daw sya ng konting pride para sa sarili niya.

Kaya pala pinatawag ni Martin dela Rhea si Catherine ay para itanong dito kung ano ang nangyari at pinagpapalo nila ang sasakyan ni Isadora. Tinanong ni Martin kung magkakilala sina Isadora at Catherine. Ikinuwento ni Catherine na tubong Amadesto siya at may malaking atraso sa kanila si Isadora. Sinabi ni Catherine kay Sir Martin ang ginawa sa kanila ni Isadora sa Amadesto.

Pauwi ng Pilipinas si Miguel, kasi may aasikasuhin daw siyang trabaho. Gustong sumama ni Scarlet pero ayaw ni Miguel kasi may pasok ang bata at saka magpapagod lang daw ang mga ito. Kaya pala gustong sumama ni Scarlet ay dahil kinakabahan itong makita ni Miguel si Catherine. Baka daw magbago si Miguel at maisip nito na mahal pa pala nito si Catherine. Paano na daw sila ng anak nilang si Maggie. Nilambing ni Scarlet ang asawa, paglalambingang nauwi sa pagtatalik. Habang nakahiga ang mag-asawa, ay kinausap ni Scarlet si Miguel at sinabing "bumalik" daw ito.

Sa labas ng Hall of Justice, Quezon City ay hinihintay ng mag-asawang Enrique at Estelle ang mga anak nila kasi magdidinner daw sila - birthday ni Estelle. Masayang napag-usapan ng mag-asawa si Rafael at ang kaibigan nitong babae na si Tracy. Dumating si Rafael kasama si Tracy, pero wala si Toby kasi may lakad daw. Biglang may dumating na sasakyan at bumusina sa kanila - si Miguel. Hindi nakalimutan ni Miguel ang birthday ng Tita Estelle niya. Masayang nagkumustahan sina Rafael at Miguel. Papunta na sa restaurant ang grupo, naiwan si Miguel kasi may tinawagan pa ito sa cellphone. Napadaan sina Catherine at Louela, napaluha si Catherine nang makita ang dating kasintahan.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP