Monday, July 21, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 6

Sa Maynila, nakatira sa isang barung-barong sina Catherine, lola Aura at Louela
Catherine : 'la kain na po kayo. Ilang araw na po kayong hindi kumakain eh, baka naman magkasakit pa ho kayo nyan. At saka nakausap ko si aling Mila, nakahanap na ho sya ng trabaho para sa atin. Kahit bukas puede na tayong pumasok.
Lola Aura : Dati, nakatira kami sa bayan ni nanay. (naiiyak ang boses) Araw-araw naglalakad kami, mula sa bayan papunta sa hacienda ni Don Amadesto. Araw-araw pinagtatabuyan nya kami. Dahil sa ginawa ng nanay ko, natuto akong lumaban para hindi ako matapak-tapakan. Siguro na-eskandalo si Don Amadesto kaya binigyan nya ako ng kapirasong lupa sa hacienda pero hindi ko pa rin naramdaman kahit kailan na binigyan niya ako ng karapatan na maging isang Castillejos. Ngayon nawala pa ang lahat ng yan. Ayoko na suko na ako. Ayoko nang lumaban, kanila na lang iyon.
Catherine : Akala ko ho ba importante sa inyo ang lupang iyon.
Lola Aura : Gustuhin ko man ipaglaban ang lupang iyon, para may maiwan sa iyo. Hindi ka rin magiging masaya doon. Sisirain lang ni Isadora ang buhay mo. Sana maintindihan mo ako Catherine.

Nasa Maynila rin si Rafael, hinahanap niya si Catherine.
Rafael : Hahanapin kita Catherine. Kahit gaano katagal, hahanapin kita. At hindi na kita pakakawalan.

Lumipat na rin sa Maynila ang mag-inang Isadora at Sofia. Naglalakad-lakad sa subdivision sina Isadora at Sofia (Aba! kung kailan nasa Maynila saka walang bodyguards si Isadora)
Sofia : Teka lang hinihingal na ako.
Isadora : (may nakasalubong na kapitbahay) Good morning Sweetie! (nag-greet din ang nakasalubong) Anak in English, I said in English.
Sofia : Mommy ayoko mag-English. Bakit ba kailangan nating mag-english parati. Ang arte-arte naman natin. Buti pa dati sa Amadesto, simple lang.
Isadora : Nandidito na na tayo sa Maynila eh, so kailangan nag-e-english ka. Kalimutan mo na yung buhay promdi nation sa Amadesto. Dapat matuto kang mag-english speaking, kahit walang pera nagmumukhang mayaman. At saka hindi ka ini-smol smol ng mga tao. Matataranta pa sila sa kasosyalan mo. Isa kang Castillejos - haciendera, mayaman, sosyalera. Now, repeat after me!

Pagpasok ni Rafael sa office ay nadatnan niya roon ang kanyang ama
Enrique : Nabasa mo na ba ang balita?
Rafael : (ipinakita ang dyaryo na hawak) Pa, hindi ko alam pati smuggling pala pinasok nyo na.
Enrique : That's a big lie! Kakasuhan ko ng libel ang mga taong yan. I want you to represent me.
Rafael : Pa hindi ako kasi naniniwala na inosente kayo.
Enrique : Ha? Anong klaseng abogado ka? Hinuhusgahan mo na ako, ni wla aka pang nakikitang ebidensya.
Rafael : Pa sa distrito ninyo nangyari. Imposibleng lumabas iyong smuggled goods ng pier ng Amadesto ng hindi nyo nalalaman. Na wala ninyong authorization at co-authorization ng mg kaibigan ninyo, mga bata ninyo, mga tao ninyo
Enrique : (Inilagay sa table ang ilang documents) Kung pag-uukulan mo ng panahon yang mga dokumentong yan, malalaman mo na wala akong kinalaman doon.
Rafael : Pa hindi kaya ako, para akong, para ko lang niloloko ang sarili ko pag pinag-aralan ko ito?
Enrique : Hoy! Huwag mo akong pagmamalakihan Rafael ha. Linisin mo ang pangalang Torralba, that's an order!
Rafael : Pa, mahirap yon.
Enrique : Wala kang choice Rafael. Ako ang ama, anak lang kita.

Pagiging metro aid ang naging trabaho nina Catherine, Lola Aura at Louela
Louela : Ano ba yan? Alam mo kaya dumdami ang taghiyawat ko eh, kasi dahil sa usok. Naku! may date pa naman ako mamaya, hindi na ako fresh
Catherine : Date date?
Louela : Oy sama ka sa amin ni Tonyo, may date kami. Ano? Ayaw mo? Sabi ko na nga ba eh, kasi si Miguel pa rin ang itinitibok ng shushunga shonga mong puso. Hay naku! Isipin mo na lang ang ginawa ng pamilya nun sa yo.
Catherine : Si Isadora lang naman ang may kasalanan at ginawang masama sa akin, hindi si Miguel. Alam mo, kung makakapag-usap lang kami, maaayos rin namin ito eh.
Louela : Uy pamilyado na iyon, baka nga sampu na ang anak niyon eh. Kesa kung anu ano ang inaatupag mo, iniisip mo, asikasuhin mo na lang ang pag-e-enroll mo.
Catherine : Inaasikaso ko naman eh. Sabi ng dean, sa susunod na taon pa ako makakapag-enroll, punong puno eh. Alam mo nanghihinayang lang ako, kung nakapagtapos lamang ako, e di hindi sana tayo naghihirap ngayon.
-Lumapit sa kanila si Lola Aura, at kumain na sila. Nahulog ang plastic na pinaglalagyan nila ng mga kutsara, pagpulot ni Catherine ay may napansin siyang bag sa ilalim ng mesa. Ayaw pabuksan ni Louela kasi baka raw may lamang bomba, o malaking ahas. Nagulat si Catherine ng buksan nya ang bag - puno ng maraming maraming pera!

Pag-uwi sa bahay, ay binilang nina Catherine at Louela ang pera, tuwang tuwa ang magkaibigan
Louela : 800 thousand pesos! Milyonarya na tayo!
Catherine : Teka sira, kulang pa! Pero tama ka, marami na tayong pera. Eh teka sandali, kahit ano pa ang sabihin mo, hindi naman sa atin ang pera na ito eh.
Louela : (kinuha kay Catherine ang ibang pera) Bakit anong gagawin mo?
Catherine : Kasi dapat hanapin natin kung sino ang may-ari.
-Pagpasok ni Lola Aura ay nakita nito na hawak ni Louela ang pera
Lola Aura : Uy, uy! Hindi ba sabi ko ay huwag ninyong pakialamanan ang perang yan. Naku! Baka ipahamak pa tayo ng perang yan.
Louela : Lola, biyaya ito! Sa atin talaga ito!
Lola Aura : Ay naku Louela, tumigil ka nga! Ikaw Catherine, alam mo kung ano ang tama
Louela : (nanggigigil) Nananahimik na, binusisi pa
-May iniabot si Catherine na ID sa lola niya
Lola Aura : Ano ito?
Catherine : Iyan iyong may-ari

Pumunta sina Catherine sa opisina na nakalagay sa ID
Lady Employee : Saan nyo nakuha? Dapat pa-imbestigahan natin ito?
Louela : Oy okray kayo ha! Kami na nga itong nagmamagandang loob eh. Kung ayaw ninyo, aalis na lang kami. Halika na!
-Dumating ang boss, si Martin dela Rhea kasama ang sekretarya nito
Martin : Anong nangyayari dito?
-hawak ni Catherine ang bag na may pera
Lady Employee : Eh Sir, may nakapulot po kasi ng bag ng isang payroll staff natin - 800 thousand pesos po ang laman, sinasauli po ng dalawang ito.
Catherine : (nakangiti si Louela) Ah Sir, ito po o, ito po yung pera, tapos kaya po namin nalaman na dito isasauli kasi may ID pong naiwan diyan sa loob ng bag.
-Iniabot kay Martin ang ID, nagugulat ang mga empleyado
Martin : Ipatawag mo si Gonzales. I want him in my office right away.
-Iniwan na sila ni Sir Martin

Pag-uwi ng bahay ay dismayado si Louela
Louela : Para kaming nalugi Lola, hindi man lang nagpasalamat yung boss doon. Naghihintay nga ako ng pabuya eh, ni kape, ni candy, ni mani - wala!
Lola Aura : Hhmm sabi ko naman sa inyo, huwag kayong umasa. Kasi alam mo, ang tao pag sobrang umaasa, masakit kapag nabigo.
Catherine : Nanghihinyayang lang ako lola. Ang layo sana ng mararating ng perang iyon eh. Makakapag-aral na ako, makakapagtapos. Sana nabawi ko na rin iyong lupang kinuha sa atin. Napakatanga ko eh! Kaya nga lagi akong natatalo ng Isadora na yon eh.
Lola Aura : Catherine hindi ka tanga, hindi ka bobo at lalung hindi ka natatalo ng Isadorang yan. Catherine ikaw pa rin ang dating Catherine (hinawakan sa mukha ang apo) - mabait, matulungin at hindi marunong manlamang sa kapwa, at dahil dyan pagpapalain ka.
-May dumating na mga bisita, si Martin dela Rhea at secretary nito
Martin : Magandang araw po sa inyo!
- binigyan nila ng maiinom ang mga bisita
Louela : (habang inaabot ang baso) May pa-softdrink kami
Martin : Salamat! Salamat!
Secretary : (parang nadidiri sa baso) Salamat!
Martin : Magkano naman ang kinikita ninyo sa pagwawalis?
Catherine : Maliit lang po, pero nakaka-kain naman po kami at nakakabayad ng renta
Martin : Alam mo sa opinyon ko, hindi praktikal ang pagsoli mo ng pera kanina e. Ayaw mo bang makaahon dito at makaalis sa luagr na ito?
Catherine : Syempre ho gusto ko. Gusto kong makaahon, pero gusto ko rin sa sarili kong sikap, hindi ho sa pera ng ibang tao
Martin : (natuwa) May ganun ka-honest at ganun ka-prinsipyong tao pa pala sa panahon ngayon.
Catherine : (nakangiti) Syempre naman ho. Nandyan kasi ang lola ko, palagi nya akong pinaalalahanan
Martin : Kung hindi mo isinauli ang pera, saan mo kaya gagamitin?
Catherine : Bukod ho sa pang-araw-araw na gastusin namin? Syempre ho gusto ko, makapag-aral ako, makapagtapos ako. Kasi hanggang high school lang po kasi natapos ko eh.
Martin : Alam mo merong scholarship foundation ang Dela Rhea Foods Incorporated. Gusto mo bang maging scholar?
-Natuwa sina Catherine, Lola Aura at Louela

Catherine : Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Sabi nga ni nanay noon, sa buhay - may nawawala, may dumarating. Napakalaking biyaya itong dumating sa akin. Hindi ako makapaniwalang tuloy tuloy na ang pag-aaral ko. Kung nananaginip ako, hindi na talaga ako gigising.
- Nag-enroll na si Catherine, kasama ang secretary ni Martin dela Rhea.

Abala si Rafael sa kaso ng ama
Eric : Sir, ito na po iyong pinare-research ninyo
Rafel : Thank you Eric! (tiningnan ang report)
Eric : Vernon Fuentes (Jestoni Alarcon), siya ang front man ng mga smuggling lords at naka-detain sa city jail. At pinipilit nya na alam ni Congressman Torralba ang lahat.
Rafael : Okey Eric, thank you!
-Nagring ang phone
Rafael : Hello!
Caller : Rafael Torralba, ilaglag mo ang kaso ng ama mo.
Rafael : Sino ito? Hello?
-Sabay na lumabas ng opisina sina Rafael ang ang staff nyang si Eric.
Rafel : Mukhang may laban si papa. Nakita ko ang mga papeles, pinag-aralan ko, mukhang totoo.
Eric : Oo nga e. Mukhang may labang ang papa nyo. O papaano nandyan na si misis, mauuna na ako
-Nagkamay ang dalawang lalaki. Papalapit si Eric sa naghihintay na asawa. May naka-motorsiklong lalaki nba dzumating at binaril si Eric - dalawang beses, patay si Eric! Lumapit si Rafael sa nabaril na si Eric.

Nilitis ang kaso. Nasa witness stand si Vernon Fuentes.
Rafael : Mr. Vernon Fuentes, ano ho ang nangyari noong July 12, 3003 ganap na alas tres ng madaling araw.
Vernon : Wala akong maalala, apat na taon na ang nakakaraan
Rafael : Kung ganun, tutulungan ko kayong matandaan. Base sa police report, may tatlong container trucks na nahuli. Iyan ang smuggled goods, computer parts, ngayon naaalala na ninyo?
Vernon : Wala akong alam dyan
Rafael : Mr. Fuentes, remember you are under oath.
Vernon : Wala akong alam sa sinasabi mo
Rafael : Kung ganun, I have no further questions your honor, thank you.
-Pinababa na sa witness stand si Vernon. Mayabang ang dating ni Vernon Fuentes
Cong. Torralba : (sa asawa) Bakit ganun lang? Bakit hindi nya pinagdidikdikan ang kriminal na yun? Mukhang nilalalaglag ng anak mo ang kaso
Estelle : Hindi magagawa sa iyo ng anak mo iyon.
-Tumayo si Rafael
Rafel : Your honor, I would like to call on the witness stand SP02 Villaroel
- Tinatanong ni Atty. Rafael Torralba si SP02 Villaroel
Rafael : SP02 Villaroel, ano ang nangyari noong July 12, 2003 ganap na alas-tres ng madaling araw?
SP02 Villaroel : Nasa South Luzon Express Way kami at naka duty kami ng gabing iyon
Rafael : At ano naman ho ang nangyari ng mga oras na iyon?
SP02 Villaroel : May nahuli kaming tatlong truck, punong puno ng computer parts at galing daw ito sa pier ng Amadesto.
Rafael : Very good! Hindi ho ba ito'y mga kaganapang pangyayari lamang sa Amadesto?
SP02 Villaroel : Bukod sa alanganing oras ng byahe. Wal din maipakitang permit ang mga truck drivers.
Rafael : At ano naman ang sumunod?
SP02 Villaroel : Lumapit sa akin ang isang in-charge ng cargo. Pinipilit akong bayaran ng isandaang libong piso kapalit ng kargo.
Rafael : Isandaang libo. Kung yan ang taong yan naririto sa loob ng kwarto, matuturo nyo ba kung sino ang nagbigay ng isandaang libong piso?
SP02 Villaroel : Opo Sir! Si Vernon, Vernon Fuentes.
- Naipanalo ni Rafael ang kaso ng ama. Nahatulan si Vernon ng ten to twenty years na pagkabilanggo. Galit na galit si Vernon kay Rafael, nagbanta ito sa abugado
Vernon : Rafael, tandaan mo ang mukhang ito. Makakalabas kaagad ako. Hindi pa tayo tapos!
- Habang inilalabas si Vernon ng mga pulis sa korte. May babaeng ikinukubli ang mukha ang dumaan sa kanya si Vernon - si Isadora Castillejos!

Kasama ni Catherine sa Dela Rhea Foods ang kaibigang si Louela habang nag-rereview. Nang matapos sa binabasa si Catherine ay sinabi ni Louela na para na itong Amerikano sa pag-i-ingles.
Catherine : Eh kasi nakakahiya naman kasi kay Sir Martin eh. Syempre gusto kong ipakita sa kanya magagandang grades, matataas na grades, ang mahal na kaya ng tuition fee ngayon ano.
- Sinabi ni Catherine na kaya doon siya nagrereview kasi nararamdaman at naiisip niya na kung hindi sa Dela Rhea Foods ay hindi sya makakapag-aral at hindi na sila makakabangon sa buhay. Sinabi ni Louela na malamang daw ay first honor si Catherine pag graduate, nagustuhan naman ni Catherine ang sinabi ng kaibigan
Catherine : Sana nga! Para naman maibalik ko naman ang kumpiyansa ko sa sarili ko
Louela : Sipag mo! Pero sabi nga nila - Ang batang masipag, laging mapagod!

Inimbitahan ni Cong. Torralba ang anak na si Rafael sa dinner
Enrique : Naghanda ng engrandeng dinner ang mama mo. Darating ang mga malapit nating kaibigan. Inaasahan ka nya at ng kapatid mo
Rafael : Hindi ako puede 'pa, busy ako today
Enrique : (hinila ang anak sa isang tabi) Halika nga! Tinatanggihan mo na naman ako? Anong problema mo? Pinagsisisihan mo na naipanalo mo ang kaso?
Rafael : Pa, ang pinagsisisihan ko ay madamay ang isnag inosenteng tao sa kaso ninyo. Hindi ba kayo kinukonsensya?
Enrique : Hindi ako apektado! To hell with your conscience ... to hell with your values! Mas gugustuhin mo ba na ako ang namatay para patunayan sa iyo na talagang guilty ang Vernon na yan?
Rafael : Pa that's not the point.
Enrique : No, that is the point. Alam mo ang problema mo, masyado kang nakakapit sa nakaraan. Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan si Catherine. Akala mo ba hindi ko alam na pinahahanap mo si Catherine hanggang ngayon? Move on! Tumulad ka sa akin, kung hindi maiiwan kang kawawa pagdating ng panahon.
Rafael : Pa mas gusto ko nang magmukhang kawawa kaysa magsangkot ng inosenteng tao para lang maisalba ang sarili. Okay sabihin na nating guilty si Vernon, pero that does not mean na wala kayong kinalaman sa pangyayari.
Enrique : That is so unfair Rafael. Sarili kong anak hinuhusgahan ako. Pati pamilya mo , tinitiis mo dahil dyan sa lintik na prinsipyo mong yan. Alam mo bang nagkakasakit na ang mama mo sa kakaisip sa yo. At si Toby palaging nag-iisa sa bahay. Naturingan ka ngang kuya, wala namang kapatid na maaasahan. Sige! Ipaglaban mo yang tao mong namatay. Turn your back on your family. Magpakabulok ka dyan sa sama ng loob na dinadala mo!
- Galit na iniwan ni Enrique ang anak.

Sa Amerika. Naghain si Scarlet ng pagkain para sa asawa. Tinabig ni Miguel ang pagkain.
Scarlet : Para ka namang hindi laking Amerika. Hindi ka ba sanay kumain ng microwavable na pagkain?
Miguel : Araw-araw iyan ang pinapakain mo sa akin. Sawang sawa na ako
Scarlet : Oo alam ko, sukang suka ka na hindi lang kinakain mo, kundi pati sa buhay mo dito.
Miguel : Kakainin na, para wala nang pagtatalo
Scarlet : (Kinuha ang pagkain at itinapon) MIGUEL HINDI KO NA ALAM YUNG GAGAWIN KO SA IYO AH. KAHIT MAGPASIRKO SIRKO AKO SA HARAPAN MO, HINDI KITA MAPASAYA! GANUN NA LANG BA?
Miguel : Sana naman kasi mag-effort ka. Mahirap bang gawin yon?
Scarlet : Mag-effort ka din naman! Ako lang ba ang magdadala ng relationship na ito? Araw araw na lang tayong ganito Miguel, nandito ka pero parang wala ka dito. Nakikita mo ako pero parangg hindi. Ano ba yang tumatakbo dyan sa isip mo? Hindi kita mabasa. Bakit, hanggang nngayon ba si Catherin pa rin yan lamang ng isip mo ha?
-Bumaba ang anak nila, babae. Tinanong ng bata ang mga magulang kong nag-aaway na naman. Nilapitan ni Miguel ang anak at itinanggi na nag-aaway sila, niyaya ang anak na maglaro sa labas.

Habang nagtatrabaho si Lola Aura at Louela, ay patakbong dumating si Catherine, masayang masaya ito kasi nakuha na niya ang classcards niya. Tuwang tuwa na nagyakap ang maglola, si Louela naman ay humikab kasi nakakasawa na raw - taun taon ay UNO ang dinadala ni Catherine na grado, nakakasawa na.
Lola Aura : Naku Catherine, minsan dalhan mo ng pagkain si Sir Martin at magpasalamat ka. Utang mo sa kanya ang lahat ng ito.
Catherine : Opo Lola. Ay naku lola! Isang taon na lang, isang na lang ang kurso ko at GOODBYE WALIS na tayo!
-Masayang masaya ang tatlo.

Inuutusan ni Isadora ang anak na si Sofia na humingi ng pera sa kapatid na si Miguel. Tumatanggi ang bata kasi palagi na lang daw siyang pinapahinga ng pera, eh may sarili namang pera ang ina.
Isadora : Eh kulang nga eh.
Sofia : Kasi po palagi kayong nasa Casino.
Isadora : Hmm Wala kang pakialam. Ikaw ha, huwag kang tatanga tanga sa buhay. Papaano ka magiging magaling na negosyante yan? Kailangan matuto kang gumamit ng pera ng iba, para maging magaling kang negosyante.
Sofia : Ayoko pong maging magaling na negosyante. Gusto ko po teacher.
Isadora : Teacher? Anong mapapala mo sa pagiging teacher? Eh baka mamaya ni hindi ka makapagpundar ng bahay kubo. Maging business engineer ka paglaki mo, yan ang gusto ko.
-Nag dial na si Isadora, para makausap ni Sofia ang kuya Miguel niya, bilisan daw kasi mahal ang tawag sa Amerika. Dahil ayaw sundin ni Sofia ang ina ay tumalon ito sa swimming pool... makalipas ang ilang taon ay ganun pa rin ang sitwasyon ng mag-ina. Si Sofia (Melissa Ricks) pa rin ang inuutusan ng ina na manghingi ng pera kay Miguel.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP