Sunday, July 20, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 5

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Halos madurog ang puso ni Catherine sa nasaksihan. Hindi dumalo si Rafael sa kasal ni Miguel. Masayang masaya si Isadora sa kasalang naganap.
Isadora : Sayang 'no mare, wala si Rafael
Estelle : Ay naku, Rafael is such a workaholic. I'm sure kahit ako mangangailan hindi pa rin nya iiwan ang trabaho nya.
Isadora : (nagkatawanan sa paligid, pero halakhak ni Isadora ang pinakamalakas) Hahaha! Anyway, please send my regards to him.
Estelle : Of course!
Isadora : O paano mare, I see at the reception
-Nauna nang umalis ang pamilya Torralba. Nag-usap saglit ang magbalae - Isadora Castillejos at Martin dela Rhea (Bembol Roco)
Martin : Well Isadora, goodluck! (kinamayan ang balae) Sana nga tuluyan ng makaahon ang hacienda Amadesto.
Isadora : Hahaha! Salamat Martin! O di papaano, maguusap tayo sa opisina mo?
Martin : Yes! Okey
Isadora : I see you at the reception
- Umalis na rin si Martin.

Bago sumakay sa bridal car, ay kumaway pa muna si Miguel sa mga bisita. Halos mamatay si Catherine sa sakit na dulot ng nakitang niyang kasal na ang kanyang kasintahan. Nakaalalay si Louela kay Catherine.

Habang papunta sa kanyang sasakyan si Isadora ay panay ang bilin nito sa yaya ni Sofia (bakit kaya hindi na lang isinabay ang anak sa sasakyan?). Nakita niya si Catherine.
Isadora : Catherine
-Kaagad na sinabunutan ni Catherine si Isadora, galit na galit si Catherine. Inawat ni Louella ang kaibigan, pati ang bodyguards ni Isadora ay umawat din.
Isadora : WALANGHIYA KA! BITAWAN MO AKO! AAAAH! AAHHH!
Catherine : Sinira mo ang buhay ko! Pinatay mo ang anak ko!
-Tanggal ang burloloy sa damit ni Isadora (nanghihina pa sa lagay na yon si Catherine). Nagawang makahulagpos ni Isadora kay Catherine. Patakbong pumunta sa sasakyan niya si Isadora kasunod ang bodyguards
Isadora : WALANGHIYA KANG BABAE KA! HINDI PA AKO TAPOS SA IYO!
Catherine : (nakaluhod sa daanan, inaalalayan pa rin ni Louela) Hayop kaaa! Hayooop! Pinatay mo ang anak ko

Sa bahay ng mga Ramirez. Alalang alala si Lola Aura sa apo
Lola Aura : Kailangang madala natin sya sa doktor. Sa ibang ospital. Hindi natin alam kung anu-anong mga gamot ang itinurok sa kanya. Papaano nya sasabihin sa atin sa kanyang sitwasyon ngayon? Kung ano talaga ang mga pangyayari. Mga hayop sila!
Louela : Lola kung hindi tayo kumilos agad mabubura nila lalo ang mga ebidensya. Hindi tayo papaniwalaan sa presinto kung wala tayong pinanghahawakan.
Lola Aura : Papatayin ko ang Isadorang yan. Papatayin ko sya!
Catherine : Ayoko na
Louela : Catherine?
Lola Aura : Catherine, Catherine! Catherine
-Umupo si lola Aura at isinandal sa kanya ang apo
Catherine : (pabulong) Lola ayoko na, pagod na ako ... pagod na ako. Wala na ang anak ko ... wala na yong anak ko ... wala na si Miguel. Wala na sila, pagod na ako, gusto ko nang mamamatay
Lola Aura : HUWAG! Hindi ako papayag Catherine. Catherine hindi ako natatakot sa kanila. Lalaban tayo! Mga hayop sila!

Kinabukasan, pumunta sa presinto sina Lola Aura, Catherine at Louela
Lola Aura : ANO, Wala kaming kaso laban kay Isadora? Ito ang apo ko, siya ang biktima.
Police : Paano mo naman mapatutunayan na si Isadora nga ang nagkidnap sa iyo? Wala naman sya doon sa insedente.
Catherine : Wala nga sya doon, pero sya lang ang maaaring gumawa nun sa akin
Police : Catherine gusto kitang tulungan, pero sasabihin ko sa iyo ang totoo - mahirap isampa ang kaso mo, ni walang witness, walang ebidensya
Louela : Mamang pulis ako, AKO ANG TESTIGO! Nakita ko lahat ang pangyayari
Police : Bakit nakita mo ba doon si Isadora? Hindi di ba? Sige puede nyo namang subukan e, pero wala kang kredibilidad bilang witness. Kaibigan mo ang nagdedemanda.

Inabangan ni Lola Aura si Isadora. Nang makita ng matanda si Isadora ay kaagad niya itong sinabunuta. Kahit may bodyguards si Isadora ay nagawa itong kaladkarin ni Lola Aura.
Lola Aura : Walanghiya ka! Napakawalanghiya mo Isadora! Walanghiya ka talaga! Napakasama mo! Napakasama mo!
-Napaluhod si Isadora nang itulak siya sa damuhan ni Lola Aura. Panay ang sigaw ng nasakatang si Isadora. Naawat rin ng bodyguards si Lola Aura
Isadora : Ilayo nyo, ilayo nyo ang babaeng yan! Idedemanda kita ng assault!
Lola Aura : Idenemanda ka na namin - MURDER and KIDNAPPING! Magkikita tayo sa korte! HINDI MO NA MATATAKASAN ITO ISADORA! Walanghiya ka!
Isadora : (Hawak ang ulo, magulo ang buhok dahil sa sabunot ni lola Aura) Ilayo nyo ang babaeng yan! Ilayo nyooo!
Lola Aura : (pinagpapalo ng kamay ang mga may hawak sa kanya) Hindi na, hindi na kailangan.
Isadora : LABAAAS!
Lola Aura : Walanghiya ka! Magkikita tayo sa korte!

Lumipad patungong Los Angeles California ang mga bagong kasal na sina Miguel at Scarlet. Nakaupo sa kama si Miguel, hawak ang wedding ring. Nakatayo sa gilid ng kama ang asawa
Scarlet : Minahal mo na ako dati, di ba? Siguro naman kaya mo ulit akong mahalin ngayon.
Miguel : Pinakasalan na kita. There's no turning back. Ibinigay ko na sa iyo ang pangalan ko.
Scarlet : Pati ba puso mo sa akin na?
Miguel : Iyon naman ang dapat di ba?
Scarlet : (pinahid ang luha) Iyon lang naman ang kailangan ko eh.
- Sumampa sa kama, tapos hinalikan ang asawa sa labi. Umiyak si Miguel, hinawakan ang kamay ng asawa para patigilin ito sa ginagawa
Scarlet : Bakit?
Miguel : (parang namatayan, umiling) Just promise me - hinding hindi mo ako lolokohin.
-Umiiyak na tumango si Scarlet at niyakap ang asawa.

Dumating na si Rafael (saan kaya sya pumunta?). Masayang masaya na niyakap ni Rafael ang naghihintay na ama, ina at kapatid.
Rafael : Naku alam mo ba, its so tiring, mainit, mahirap ang byahe, tinanggal ko na ang jacket ko - but its so nice to be back Dad
Toby : Kuya, may balita tungkol kay ate Catherine

Kaagad na pinuntni ahan ni Rafael si Catherine. Nang makita si Catherine ay mahigpit itong niyakap ni Rafael, pero sampal ang iginanti ni Catherine sa kanya.
Rafael : Bakit?
- Pinagtatabuyan ni Catherine si Rafael
Catherine : Walanghiya ka! Umalis ka dito!
Rafael : Catherine teka muna, BAKIT?
Catherine : Tayong tatlo lang ang nakakaalam tungkol sa tanan namin Miguel. Akala ko kaibigan kita
Rafael : Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko magagawa ang traydurin kayong dalawa. Hinanap ka namin ni Miguel. Ikaw iyong biglang nawala.
- Tinalikuran ni Catherine si Rafael
Rafael : Catherine sandali!
Catherine : Huwag na huwag mo akong hahawakan! Pare pareho KAYONG LAHAT - ikaw, si Isadora, si Miguel, ang pamilya nyo, kampi kampi kayong lahat! Napaklaki kong tanga para isipin na iba kayo ni Miguel. PERO PARE PAREHO KAYO! LAHAT KAYONG MGA LALAKI, MANLOLOKO!
-Iniwan ni Catherine ang naguguluhang si Rafael

Kinausap ni Rafael ang amang si Mayor Enrique hinggiil kay Catherine
Rafael : Gusto kong tulungan si Catherine
Mayor Enrique : Hindi natin alam ang totoong nangyari. Walang kabutihang mapapala kapag nakialam ka sa away na yan. Maraming masisira - ang pagkakaibigan ninyo ni Miguel, ang relasyon natin kay Isadora, ang suporta sa atin ng Amadesto. Maraming madadamay, pati pamilya natin puedeng malagay sa peligro. Baka nakakalimutan mo, isa sa mga supporters ng campaign ko si Isadora.
Rafael : Hindi nyo sila kailangan 'pa. Mananalo pa rin kayo maski wala sila, marami na kayong napatunayan.
Mayor Enrique : Hindi mo makukuha ang suporta ko. Si Isadora ang tutulungan ko sa kasong ito.

Pinuntahan ni Rafael si Isadora at kinausap
Isadora : Hindi ko nga alam kung bakit ako ang tinuturo nung Catherine na yan. Ni hindi ko nga alam ang nangyari sa kanya eh
Rafael : E hospital ho ninyo iyon
Isadora : Oo nga, pero hindi naman lahat ng bagay na nangyayari doon alam ko. I did my own investigation, ni walang nakakakilala sa kanya doon. In the first place, dapat ako nga ang magdemanda sa kanya - paninirang puri ang ginagawa nya.
- Parang nasa korte kung magtanong si Rafael kay Isadora
Rafael : Alam nyo nagtanung tanong din ho ako e. Uhum! Iyong head nurse na sinasabi nila si Lydia Pelaez - bigla na lang hong nawala sa atin a, bigla na lang hong nag-resign. Bakit ho kaya?
Isadora : So what kung nagresign? Matanda na iyon, what do you expect?
Rafael : Okey, anim na buwan hong nawala si Catherine, ni isang tao wala hong nakakaalam na doon sya nakakulong?
Isadora : It's an abandoned wing, titibagin na yun, paguho na ang building. Eh kahit nga sa mga hacienda natin eh, nagnanakawan pero inililihim sa atin. Look Rafael, I'm so sick ang tired of these accusations. Kung may hawak silang ebidensya, idemanda nila ako, sa husgado kami magkita.

Sumunod na pinuntahan ni Rafael ay si Catherine ulit.
Catherine : Di ba sinabi ko na sa iyo ayaw kitang makita. Ni anino nyo ayokong makita
Rafael : Catherine gusto ko lang makatulong. Bakit ayaw mo ba yung tulong ko? Ako ang kuya mo.
Catherine : Hindi kita kuya! Hindi kita kadugo at higit sa lahat hindo ko kailangan
Rafael : (hinawakan si Catherine, galit sa pag-iwas sa kanya ng kaibigan) TEKA HA! MAY SASABIHIN LANG AKO SA IYO - alam ko yung kaso mo. Wala kang ebidensya laban kay Tita Isadora. Wala kang witness, yung taong tumulong sa yong makatakas - sya lang ang makakapagsabi na ikinulong ka sa basement ng ilang buwan. Kaya ang payo ko sa iyo, kasuhan mo ng medical malpractice ang ospital ni Isadora.

Sa mansion ng mga Castillejos ay binibihisan ang isang image ni Santa Maria, may ilang taong nandun para sa pagdarasal
Isadora : Alam nyo naman basta sa pagdadasal at para sa Diyos, hindi ako nanghihinayang gumastos.
-Biglang pumasok sina Lola Aura at Catherine
Lola Aura : HINDI KA NA KINILABUTAN SA GINAGAWA MONG YAN ISADORA? PATI POON, KINAKASANGKAPAN MO PARA SA MGA KAWALANGHIYAAN MO. HINDI MAPAGTATAKPAN NYAN ANG KAWALANGHIYAANG GINAWA MO KAY CATHERINE.
Isadora : Hindi ko kayo papatulan. Diyos na ang bahala sa inyo.
Lola Aura : AT LALO NA SA IYO. Dahil idenemanda ka na namin!
Isadora : Ako? Ngayon pa alng talo na kayo
Catherine : Talaga? Sinong maysabing ikaw ang idenemanda namin? ANG OSPITAL MO! Sisiguraduhin ko na mauubos bawat sentimo ng pera mo, para lang mapagbayaran mo lahat ang kasalanan mo sa akin.
Isadora : Go ahead! Tingnan natin kung hanggan saan ka tatagal. Magdasal kang mabuti Catherine dahil kahit magpasirko sirko ka sa husgado, hindi ka mananalo - hawak ko ang bayan na'to.

May isinasagawang medical mission ang Torralba Foundation. Lumapit si Catherine sa isang doktor para magtanong pero ayaw siyang kausapin ng doktor, kesyo hindi raw nito alam ang nangyari kay Catherine. Nasa medical mission din na yun si Estelle Torralba.
Taumbayan 1 : Naku! Naghahanap ka lang ng padrino Catherine.
Taumbayan 2 : Ginugulo lang nya ang lahat dahil kay Miguel
Taumbayan 3 : Pati ospital, nademanda dahil sa kanya
Catherine : Anong sinasabi ninyo? Humahanap lang ako ng hustisya dahil sa ginawa nila sa akin.
Taumbayan 4 : Wala nang maniniwala sa iyo. Paano kung mapasara mo ang ospital? Ano ang mangyayari sa amin? Saan mo kami papupuntahin ha? Sige nga! Hindi ko malaman kung ano ang gusto mo? Kung may problema ka, hwag kang mandamay ng kapwa.
Catherine : Hindi ko kayo dinadamay, humahanap lang ako ng hustisya.
-Nilapitan ni Estelle si Catherine at inilayo sa mga tao.

Kinausap ni Estelle si Catherine sa balkonahe ng munisipyo
Estelle : Hindi mo masisisi ang mga tao. Wala silang mapupuntahang pagamutan. Kung sakaling manalo ka sa kaso at mapasara mo ang ospital
Catherine : Talagang magkakakampi kayong mayayaman
Estelle : I'm saying this for your own good. Oo kaibigan ko si Isadora. Pero kilala ko rin sya, mahirap syang kalaban. Kalimutan mo na ang lahat, move on!
Catherine : Move on? (Tumango si Estelle) Ano ho yun, magbubulag-bulagan ako, magbibingihan, na parang walang nangyari? Ganun na lang ba yun Mrs. Torralba? Babae rin kayo!
Estelle : Babae rin ang umapi sa 'yo, kung totoo ang sinasabi mo. Balang araw, malalaman mo rin kung gaano kahirap mabuhay bilang Eva sa mundo ng mga Adan. Lumaban ka pag kaya mo na. Pag alam mo na kung sino ka. Malay mo ang inaakala mong kahinaan ay puede rin palang maging kapangyarihan.
-Pinahid ni Catherine ang luha at napaisip sa "word of wisdom" ng kausap

Hindi maalis sa isipan ni Rafael si Catherine, malungkot nitong binalikan sa alaala ang mga moments nila ni Catherine, noong namasyal sila hanggang doon sa pinag-uusapan nila ang pagtatanan nina Catherine at Miguel. Tahimik na lumuluha si Rafael.
Rafael : Catherine hanggang kailan mo parurusahan ang sarili mo? Hindi katarungan ang kailangan mo Catherine ... hindi kapangyarihan ... at hindi kung kaninong pag-ibig. Sa buong buhay mo, iisa lang, iisa lang ang nagmamahal sa iyo ng totoo. Iisa pa lamang Catherine. IISA PA LAMANG!

Nanlumo ang maglola nang malamang ibinasura ng korte ang kanilang isinampang kaso
Catherine : Ibinasura ang kaso na sinampa natin sa korte?
Lola Aura : hawak ni Isadora sa palad nya ang hustisya sa bayang ito.
-Patakbong lumapit si Louela sa maglola ng makita nito ang padating na si Isadora - with bodyguards
Isadora : O bakit para kayong namatayan? Saan ang lamay? Ngayon, naniniwala na kayo na hindi nyo ako kayang talunin. Di ba binalaan na kita, pagsisisihan mo ang ginawa mong pagbangga sa akin. Umpisa pa lang 'to Catherine
Lola Aura : (nilapitan si Isadora) Napakawalanghiya mo!
Isadora : Napakabait ko nga eh. Biruin nyo ang tagal tagal ko kayong pinatira dito ng libre. Pero ngayon tapos na ang masasayang araw ninyo dahil pinapalayas ko na kayo. LAYAS!
Lola Aura : Wala kang karapatang palayasin kami. BAHAY NAMIN ITO!
Catherine : Lupa namin ito, binigay ito sa amin ni Don Amadesto. NASA AMIN ANG TITULO.
Isadora : Lupa nyo dati. Pero salaki ng utang nyo sa akin, kasama ang interes - puede nang pambayad itong lupang ito at saka itong bulok na bahay na ito. O CUENTAS CARAS tayo ha.
Lola Aura : At paano kami nagkautang sa iyo?
Isadora : Nakalimutan mo na ba? Umutang sa akin si Rolando para ipagamot ang anak mo! Ngayon, ginawa nyang collateral ang bahay at lupa na ito. Kaya ngayon pinapaalis ko na kayo dahil ako na ang nagmamay-ari ng lupang ito.

Pinagtatapon ni Isadora ang mga gamit ng maglola na tinawag nyang "basura". Sa galit ni Lola Aura ay dinuraan nito sa mukha si Isadora. Sinampal ni Isadora ang matanda, nag-away sina Isadora at Lola Aura. Inawat nina Catherine at Louela si Lola Aura. Kinuha ni Isadora ang baril ng isa niyang tauhan. Itinutok ang baril sa mga pinalalayas. Umiiyak na pinipigilan ni Catherine ang kanynag lola, pero ayaw papigil ni Lola Aura
Lola Aura : BAHAY KO ITO. BIGAY SA AKIN ITO NG NANAY KO. HINDI MO PUEDENG NAKAWIN. WALANGHIYA KA!
Isadora : Gusto mo talagang magkasubukan tayo? Palayasin mo ang lola mo dito, ang kapal ng mukha nyo!
-Dahil sa nangyayaring kaguluhan ay maraming tao ang naki-usyuso. Humingi si Lola Aura ng tulong sa mga tao
Isadora : ANO? SINO SA INYO ANG GUSTONG TUMULONG? HA? SINO?
-Walang tumulong sa maglola sa takot kay Isadora.

Nakayuko ang mga tao habang pinagmamasdan nila ang paglalakad nina Catherine, Lola Aura at Louela - tanging damit lamang ang nadala ng mga ito. Pinagtutulungang akayin nina Catherine at Louela ang nanghihinang si Lola Aura. Mula sa kanyang mansion ay pinapanuod sila ni Isadora, katabi nito ang anak na si Sofia (malungkot ang bata). Tumigil sandali sa paglalakad ang tatlo, bumalik ng ilang hakbang si Catherine - tumingin kay Isadora. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, tila nakitangis ang langit sa nangyari kay Catherine. Inaalalayan ni Louela ang tulalang si Lola Aura. Sumumpa si Catherine.
Catherine : Babalik ako! Maniningil ako! Pinapangako ko, kukunin ko ang lahat ng kinuha at inagaw nyo sa amin!
- Nilisan na nina Catherine ang hacienda Amadesto.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP