Sunday, July 20, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 4

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Iyak ng iyak si Catherine sa pinagkulungan sa kanya, tinatawag nya ang pangalan ni Miguel. May mga nurse (nakaputi) na nagbukas ng pinto at sapilitang dinala sa isang silid si Catherine, inihiga at tinurukan ng gamot. Pagkatapos ay iniwan si Catherine na nanghihina epekto ng gamot.

Ang mga lalaking dumukot kay Catherine ay nakipagkita kay Isadora, may nurse sa tabi ni Isadora. Inabutan ni Isadora ng malaking halaga ang isang lalaki.
Isadora : O siguro naman makakalimutan nyo yan.
Lalaki 1 : Daig pa ang may amnesia ma'am (inabutan ang nurse ng parte nito)
Isadora : Sige na! Bantayan nyong mabuti
Lalaki 1 : Salamat po ma'am

Magka-usap sina Miguel si Rafael
Miguel : Kuya hindi nga ako sinipot ni Catherine
Rafael : Imposible, ako mismo ang naghatid sa kanya
Miguel : Wala sya doon ng dumating ako e. Wala talaga! Hindi kaya nagbago sya ng isip?

Pumunta sa police station si Lola Aura, sinamahan siya nina Miguel at Rafael
Police : Maliwanag na nagtanan ang apo ninyo Ninang
Lola Aura : Pero kanino? (si Miguel ay hindi mapakali) Wala naman akong alam na may iba siyang karelasyon bukod kay Miguel
Police : Hindi kaya may
Miguel : ANONG GUSTO MONG SABIHIN? (hinampas ang mesa ng pulis) Anong gusto mong palabasin?
-Inawat ni Rafael ang galit na si Miguel
Rafael : Okey, okey lang
Police : Huwag ho kayong mag-alala Ninang, hahanapin ko po si Catherine, hindi naman po kayo iba sa amin.

Sa pinagkakakulungan kay Catherine, may tray ng pagkain na nakapatung sa kanyang kandungan - nakasuot ng hospital gown, tahimik na lumuluha, nakaupo sa sahig, nakakaawa ang kalagayan nya.

Pumunta sa imbakan si Miguel, alalang alala sa kasintahan. Mugtong mugto na ang mata ni Catherine sa kaiiyak. Hinahanap ni Lola Aura si Catherine - may dala siyang larawan ng apo. Maging sa Morgue ay naghahanap rin si Rafael. May dugo ang hospital gown ni Catherine. Kausap ng kasapakat na nurse si Isadora
Nurse : Ma'am lumbas na ang resulta - buntis, dalawang buwan. Nahihilo, nagsusuka, tapos nag-bleeding, Anong gagawin ko ma'am?
Isadora : Wala! Basta ituloy mo lang lahat ng ginagawa mo
Nurse : (nag-alala) Eh, maaapektuhan ang baby dahil sa dami ng gamot na pinaiinom ko sa kanya.
Isadora : Wala akong pakialam, sagot kita! Kaninong ospital ba 'yan?

Sini-seduce ni Scarlet si Miguel, galit na umiiwas ang binata
Scarlet : Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako palaging nire-reject?
Miguel : Hindi pa ba malinaw sa iyo? WALA NA TAYO! WALA NA!
Scarlet : At sinong babae mo? Yung dapat nakatanan mo na hindi ka sinipot? Miguel, pinagtsitsismisan na kayo. Meron naman palang ibang lalaki 'yang kinalolokohan mo eh.
Miguel : Hindi totoo yan
- Nagsimulang maglakad palayo kay Scarlet
Scarlet : Don't be foolish Miguel! Masyado kang nagiging emotional kaya hindi mo nakikita ang mga nangyayari. (tumigil sa paglalakad ang lalaki) Miguel hindi ka sinipot. Yung Emiliong na 'yon nawala rin daw, umalis on the same night na nawala si Catherine, hindi yon coincidence Miguel
Miguel : (nagpuyos sa galit) AAAAH SHUT UP! (binalikan ang babae) WALA KANG ALAM! Hindi mo kilala si Catherine.
Scarlet : Iyon din naman ang akala mo di ba, na kilala mo sya? Na mahal ka nya! Nasaan sya ngayon? Anong nangyayari sa 'yo? Hindi ba halos masiraan ka na ng bait? Sila, nagpapakasaya! Siguro nga mas lalaki sa iyo ang Emilio na yon kaya doon sumama si Catherine. And now, I'm the one stuck with the pathetic LOSER!
- Galit na hinawakan ni Miguel ang balikat ni Scarlet, nagpipigil sa galit na umalis ang binata

Pumunta sa hospital si Isadora, kausap ang nurse habang naglalakad sa hallway
Isadora : Ilang years na ba ang service mo dito, di ba malapit ka nang magretire?
Nurse : 35 years na ma'am
Isadora : O malaki-laki rin ang retirement fee mo (nakasunod sa kanila ang isang janitress - si Kitkat, nakikinig sa usapan). Gusto mo ba harangin ko iyon?
Nurse : Ma'am huwag naman ma'am
Isadora : Kaya sumunod ka na lang. Sigurado ka walang nakakaalam?
Nurse : Wala po

Pinuntahan ni Isadora si Catherine. Sa nanlalabong paningin ay nabanaag ni Catherine si Isadora
Isadora : Wala na si Miguel!

Patuloy pa rin sa paghahanap si Lola Aura, may tinawag siyang babae na "Catherine", pero hindi ang kanyang apo ang babae.

Pumunta sa hospital si Miguel :
Miguel : Catherine Ramirez ang pangalan nya (ipinapakita ang picture ni Catherine)
Doktora : I'm sorry Sir, pero wala po talagang Catherine Ramirez na na-admit dito. Excuse me lang po, I have an emergency call
- Tinawag ni Isadora ang anak
Isadora : Miguel! Anong ginagawa mo rito? (kinuha ang larawan na hawak ng anak)
Miguel : Hinahanap mo na naman si Catherine
- Kinuha ni Miguel ang larawan ng nobya
Isadora : Sayang lang ang panahon mo anak
Miguel : Anong ginagawa nyo dito?
Isadora : I met with the board. Syempre pag-aari natin ang hospital na to, I have to check if everything is running smoothly. Mahirap na, baka may gumagawa ng milagro sa likod ko.

Hawak ng umiiyak na si Catherine ang friendship bracelet na bigay ni Miguel - paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Miguel

Sa mansion ng mga Castillejos, kausap ni Isadora ang mga taga bangko. Three months lang ang binibigay na palugit ng bangko.

Bumaba ng hagdanan ang "janitress". Naramdaman ni Catherine na may tao
Catherine : Tulong! Tulooong! Tulungan nyo ako!
Janitress : Ako lang ang tao dito ah
Catherine : Tulong! Tulungan nyo akooo!
- Napasigaw sa takot ang janitress ng makita si Catherine
Janitress : AAAAAHHHH! MOMOOO!
- Kumaripas ng takbo paakyat sa hagdanan ang nahintakutang janitress

Nakita ni Isadora ang maraming maleta ni Scarlet na hila-hila ng mga katulong
Isadora : Scarlet, saan ka pupunta?
Scarlet : I just govisit my Dad in Manila, tita. Depress na depress na ako dito.
Isadora : Wait! Alam ba ito ni Miguel
Scarlet : Why? Will it make any difference? Tita, he doesn't care at all. Ayoko naman yung naghahabol ako sa isang tao na ayaw na talaga sa akin, di ba?
Isadora : (nilapitan ang dalaga) Scarlet iha, I'm sorry! Alam mo naman si Miguel, just give him more time. Okey?
Scarlet : Don't afraid tita, with or without Miguel - tutulungan naman kayo ng Daddy ko para tubusin ang hacienda ninyo. Ayoko lang na parang pinipilit ninyo ang anak nyo!
Isadora : I didn't mean that.
Scarlet : Iniisip ko lang na dapat matagal na akong umalis dito. Dati pa, wala naman akong ibang nakuhang iba kundi rejections galing kay Miguel tita. At first, I thought I like the challenge pero habang tumatagal parang ... parang nahihirapan din ako ... parang ayoko na! Ngayon ang gusto ko lang mangyari ay makita yung Daddy ko at puntahan sya. Thank you po for taking care of me.
Isadora : Anytime Scarlet
-Nagbeso beso ang dalawang babae, umalis na si Scarlet
Isadora : Mag-ingat ka ha!
- Habang pinagmamasdan ang papaalis na sosyalerang dalaga
Isadora : Sayang ka rin talaga Scarlet! Kahit tubusin mo ang hacienda, kulang pa 'yon. Marami pang mahihita si Miguel sa iyo. Nag-iisang tagapagmana! Magkano kaya ang net worth ng batang ito?

Sa Castillejos Hospital. Hinatiran ng nurse nang pagkain si Catherine
Nurse : Kumain ka na!
Catherine : Ayoko ho! Parang awa nyo na, wala naman akong kasalanan sa inyo eh. Pakawalan nyo na ako.
Nurse : Pilitin mong kumain dahil kung hindi kawawa 'yang baby sa tyan mo.
Catherine : Buntis ako?
Nurse : Oo kaya kailangang kumain ka (inilapag ang tray ng pagkain sa sahig)
-Hinawakan ni Catherine ang nurse
Catherine : Tulungan mo ako! Parang awa nyo na, pakawalan nyo ako
-Nagawang makapiglas ng nurse sa hawak ni Catherine - sa tulong ng male nurse
Catherine : MAAWA KAYO! (umiiyak na kinapa ang sinapupunan)

Taimtim na nagdarasal si lola Aura, lumuluha ang matanda.

Nang dumating si Miguel ay ibinalita ni Isadora ang pag-alis ni Scarlet
Isadora : Umalis na si Scarlet, nabuwesit sa 'yo! Miguel, kailan mo ba ititigil yang kalokohan mo ha? Ilang buwan ka nang naghahanap ah. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na wala na yang babaeng yan. Hindi mo na sya nahahanap dahil ayaw nya magpahanap.
-Tinalikuran ni Miguel ang ina. Nakasalubong ni Miguel sa may hagdanan si Sofia, hinalikan ni Miguel sa noo ang kapatid
Sofia : Kuya
-Nakita ni Isadora ang magkapatid
Sofia : Kuya! Nakita ko noon si ate Catherine, may tinatanggap syang malaking pera - bigay ni Mommy!
- Nag-isip si Miguel sa sinabi ng kapatid

Pinuntahan ng janitress ang nakahigang si Catherine
Janitress : Pssst! Pssst!
-Nagpalinga linga si Catherine, nakita niya ang janitress
Janitress : Miss, bakit ka nandyan? Bakit ka kinulong?
Catherine : Basta ikinulong nila ako dito. Tulungan mo naman ako o! Buntis ako eh. Kung anu anong gamot ang tinuturok nila sa akin. Maawa ka naman sa baby ko! Miss parang awa mo o, tulungan mo ako. O di kaya magsumbong ka, humingi ka ng tulong.
Janitress : Pasensya ka na ha, hindi ko kasi alam kung bakit ka dinala dyan eh. Tsaka ayokong makialam, mahirap na baka madamay pa ako.
Catherine : Miss sandali! Hindi ako baliw Miss. Miss, parang awa mo na!
-Umalis ang janitress
Catherine : Miss, kailangang kailangan ko ang tulong nyo. Maawa ka naman sa baby ko. MAAWA KA NAMAN Hu hu hu!

Sa mga Castillejos, umiinom ng alak si Isadora
Isadora : Hindi iyon suhol. Binigyan ko sya ng pera, because she asked for it. Papaano? Kailangan nya raw dahil magtatanan sila ni ... sino ba yon? ... Emilio! O, hindi naman magsisinungaling ang kapatid mo di ba?
Miguel : Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?
Isadora : Naku! Para namang papaniwalaan mo ako. Eh bulag na bulag ka sa babaeng iyon (nagsalin ng alak) Tsaka puede ba Miguel, hindi kita pinalaking tanga ha. Ni hindi mo nga kilala ang pamilyang ya eh, yang babaeng yun, yung lola nya, yung ama nya - lahat yun puro manloloko, lahat sila pera lang ang gusto!
Miguel : HINDI SI CATHERINE! Hindi sya ganun! At kahit ano pang sabihin mo, kahit anong gawin mo - hinding hindi ako magpapakasal kay Scarlet

Sa hospital. "Inayos" ng mga nurse ang natutulog na si Catherine, hinubad ang damit, naka-kamison lang.
Isadora : Ano, handa nya sya?
Nurse : Yes Ma'am!
Isadora : O ipasok nyo na!
Ipinapasok ng mga tauhan ni Isadora si Emilio (masugid na manliligaw ni Catherine). Inabutan ni Isadora ng pera si Emilio
Isadora : O bayad mo
Emilio : Ma'am, binayaran nyo po ako para hindi na magpakita sa Amadesto. Hindi naman po 'to kasama sa usapan natin e.
Isadora : Gusto mo bang makitang nakakulong ang tatay mo? Akala mo ba hindi ko alam na marami na syang ninakaw sa delivery van? Ano pa ang hinihintay mo? Hubad na!
- Naghubad ng t-shirt si Emilio at tinabihan si Catherine
Isadora : Dikit!
- May isang babaeng nurse na kumukuha ng picture ng kunyari natutulog na sina Emilio at Catherine

Tinitingnan ni Miguel ang mga larawang ipinadala sa kanya - larawan ng natutulog na sina Emilio at Catherine. Nabitawan ni Miguel ang mga hawak na larawan

Ipinakita ni Miguel kay Rafael ang pictures
Rafael : Hindi ako makapaniwala Miguel
Miguel : Nandyan ang ebidensya sa harapan mo, pinagtatanggol mo pa
Rafael : Kilala ko si Catherine, hindi nya magagawa ito
Miguel : GINAWA NYA NA! (tiningnan ni Rafael ang mga pics) Ginawa nya akong tanga. Ang galing nyang magpaikot. Ang tanga tanga ko!

Sa kanyang kwarto, may hawak na sleeping pills si Isadora
Isadora : Tingnan natin ngayon kung sino sa ating dalawa ngayon ang pipiliin ni Miguel, Catherine.
- Ipinakitang nakahiga si Isadora, bumubula ang bibig. Pagdaan ni Miguel sa kwarto ng ina ay nakita niya ang ayos nito, patakbong nilapitan ni Miguel ang ina
Miguel : Mommy! Mommy! Ma!

May kausap sa cellphone ang kasapakat na nurse ni Isadora
Nurse : Hindi na kaya ng konsensya ko ang nangyayaring ito. Hanggang kailan ko susundin iyong amo ko? Anu't anuman madadawit ako dito. Naisip ko na ito eh, ang laking problema nito. Ano? Ha? Para walang ebidensya, patayin ko yung pasyente? Diyos ko!
- Narinig ng naglalagay ng basura na janitress ang sinasabi ng nurse sa telepono

"Nagising" na si Isadora, nasa silid nya ang mga anak
Sofia : How are you feeling?
Isadora : I'm okay anak
Miguel : Nag-over dose ka, bakit mo ginawa yun? Nagtangka kang magpakamatay? Bakit?
Isadora : (nag-iinarte) Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang kahihiyan kapag nawala ang hacienda. Saan tayo pupulutin? Miguel, dugo at pawis ang pinuhunan ko sa hacienda, pero wala pa rin, its such a failure. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makitang hindi naisalba ang hacienda (iniangat ng konti ang ulo para makita ang reaction ni Miguel sa pag-iinarte niya)

Binuksan ng janitress ang kandado ng pinagkukulungan kay Catherine, lumapit sa kama
Janitress : Hoy! hoy! O hindi ka ba nae-excite? Halika na itatakas kita!
Catherine : Ayoko nang umalis dito
Janitress : Bumangon ka na dyan, dali! Buang ka ba? Mamamatay ka na dito. Naiintindihan mo? Pati ang baby sa tyan mo mamamatay din! Halika na!
-Bumangon si Catherine, tinulungan siya ng Janitress na makababa ng kama. Hirap na hirap si Catherine sa pag-akyat sa hagdanan
Janitress : Sige! Kaya mo yan, halika na!
-Papunta sa kulungan ni Catherine ang mga nurse, natuklasan nila ang pagtakas ni Catherine. Hinabol nila ang tumakas. Kahit hirap na hirap ay nagawang maitakas ng janitress si Catherine.

Nagpapahinga na si Catherine sa bahay ng "tagapagligtas" nya.
Janitress : Ipinaghanda kita ng makakain. Wala na ang anak mo. Huwag kang mag-alala, ligtas ka dito.
-Awang awa ang janitress kay Catherine

Pumunta ang janitress sa bahay nina Catherine. Pero walang tao, sabi ng kapitbahay ay ilang araw nang wala si lola Aura, lumuwas daw yata ng Maynila para hanapin ang apong si Catherine. Sumunod na pinuntahan nito ay ang hacienda ng mga Castillejos, hinanap nya si Miguel. Pero wala rin si Miguel, nasa hacienda raw ng mga Torralba - KASAL NI MIGUEL! Pag-uwi ng janitress ay nagtanong agad si Catherine
Catherine : LOUELA (hay salamat! nalaman ko rin ang pangalan ni Kitkat, sana tama ang spelling hehehe!) Nakita mo ba ang lola ko?
Louela : Wala ang lola mo eh, lumuwas ng Maynila hinanahap ka daw. Baka mamaya o bukas pa ang balik
Catherine : Si Miguel? Nakita mo ba si Miguel?
Louela : Hindi ko sya nakita eh
Catherine : Bakit?
Louela : Eh kasi ... (uminom ng tubig)
Catherine : Eh kasi ano?
Louela : Alam mo kalimutan mo na sya. Matagal kang nawala. Marami nang nangyari.
Catherine : Bakit anong nangyari kay Miguel? May masamang nangyari sa kanya? (hindi sumasagot si Louela) LOUELA!
- Nang hindi sumasagot si Louela ay naghanda para umalis si Catherine, pinigilan siya ni Louela
Louela : Baka matyempuhan ka ng mga taga ospital. Ibabalik ka nila sa basement, pag nakita ka nila doon.
Catherine : Wala akong pakialam! Si Miguel ang kailangan ko.
Louela : Nandoon daw silang lahat sa hacienda Torralba.
Catherine : Kina kuya Rafael?
-Umalis si Catherine, sinundan siya ni Louela
Louela : Catherine!

Sa hacienda Torralba. Tapos na ang wedding ceremony, lumabas na ng simbahan ang mga bagong kasal na sina Miguel at Scarlet. Dumating si Catherine, nakaalalay sa kanya si Louela. Halos madurog ang puso ni Catherine sa nasaksihan.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP