Sunday, July 20, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 3

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Itinulak papasok ni Lola Aura si Catherine papasok ng kanilang bahay
Lola Aura : Nakikipaghalikan ka kung saan saan
Catherine : Lola magpapaliwanag po ako
Lola Aura : Sige, sige ipaliwanag mo sa akin kung saan mo natutunan iyang kalandian mo
Catherine : Lola hindi po ako ganun, mahal po talaga ako ni Miguel
Lola Aura : Anong mahal? Huwag kang tanga, mayaman sila, mahirap lang tayo. Lolokohin ka lang nila, at gagamitin ka lang
Catherine : Hindi po totoo iyon
Lola Aura : Totoo iyan! PAMILYA SILA NG MANGGAGAMIT! Kaya ngayon pa lang, habang maaga pa - tigilan mo na yang kalokohan mo sa Miguel na yan. Wala syang maidudulot na mabuti sa buhay mo.
Catherine : Lola
Lola Aura : Tapos na ang usapang ito.

Pinuntahan ni Lola Aura si Isadora
Lola Aura : Isadora
Isadora : Hmmm anong atin Aura?
Lola Aura : (nakapameywang) Hwag kang magkunwari na hindi mo alam ang atraso mo sa akin.
Isadora : Atraso?
Lola Aura : Gusto mong idetalye ko lahat ng mga kalokohang ginawa mo, kaya nagkasira-sira ang pamilya ko. Baho mo yon Isadora, ikasisira ng reputasyon mo, kung may natitira pa sa reputasyon mo na puedeng sirain
Isadora : Ano bang problema Aura?
Lola Aura : Pagsabihan mo ang anak mo, na layuan nya ang apo ko.
Isadora : Pagsabihan mo ang apo mo, na layuan ang anak ko. Kung gusto nyo pang isalba ang lupain nyo.
Lola Aura : Ang ibig mong sabihin pati lupain ko, isinanla mo?
Isadora : Napasama eh
Lola Aura : Napakawalang-hiya mo talaga Isadora! Mahilig kang makialam ng hindi iyo.
Isadora : Basta sabihan mo ang apo mo na layuan si Miguel, maisasalba ko ang lahat

Hinabol ni Miguel ang papaalis na na si Lola Aura
Miguel : Lola Aura hayaan nyo po akong magpaliwanag
Lola Aura : Hindi na kailangan. Hindi naman kita paniniwalaan.
Miguel : Kung pakiramdam nyo po nabastos ko si Catherine, humihingi po ako ng pasensya. Maniwala po kayo Lola, malinis po ang intensyon ko sa apo ninyo - hindi ko po sya lolokohin. Kahit ngayon po, kahit saan kaya ko ho syang pakasalan
Lola Aura : Hwag kang mapangahas at hwag mong masali-sali ang apo ko sa malaking pagkakamali
Miguel : Ano ho bang mali? Mahal ko ho si Catherine, at mahal din nya po ako
Lola Aura : Wala akong pakialam kung anuman ang nararamdaman nyo sa isa't isa. Basta layuan mo ang apo ko!
Miguel : Pero bakit nga ho
Lola Aura : DAHIL AYOKO SA 'YO!

Nagconfide si Miguel kay Rafael
Miguel : Hindi ko maintindihan e, hindi naman ako nagsinungaling kay Lola Aura e.
Rafael : Baka nabigla lang iyon sa mga nangyari
Miguel : Siguro nga nabigla, pero wala namang masamang nangyari. Sa kabila ng lahat ng sinabi ko sa kanya, ayaw pa rin nya sa akin para kay Catherine. (Eh sira ka pala eh, dapat nanligaw ka properly hindi iyong tinuklaw mo kaagad) Hindi ko maintindihan kung bakit e, o dahil anak ako ni Isadora (May tama ka 'dong kasi dahil sa "business proposal" mo sa mommy mo ay nasira ang pamilya ni Lola Aura) Mabuting tao naman ako di ba kuya? Binubuti ko ang sarili ko. Nagtapos ako ng pag-aaral para lang wala nang masabi ang mga tao dyan sa paligid. Sawang-sawa na kasi ako sa pagiging biktima ng mga usapan nila e. Sa pagiging biktim ng panghuhusga nila. (Emote lang Diether, basta ako tititigan ko lang si Gabby!) Ganun ang pakiramdam ko, parang kahit saan ako makarating, kahit na ano ang maabot ko - nakakabit pa rin sa pagkatao ko na SAMPID lang ako dito, na hindi ako tunay na Castillejos.
Rafael : Huwag kang magsasalita ng ganyan Miguel
Miguel : (pigil ang iyak) Lintik na apelyido yan!

Sa hacienda, kausap ni Isadora sa telepono si Scarlet
Isadora : Yes Scarlet. Naku! problemado ako ngayon eh. Kasi alam mo ba ang hacienda Amadesto, malapit nang ma-elit ng bangko. Si Miguel? Naku, ayun depress. Hindi pa ba kayo nagkakaayos na dalawa? O tingnan mo, hindi nya tuloy malutas-lutas iyong problema dito sa hacienda. Hindi ko na nga alam kung kanino ako hihingi ng tulong. (nakiramdam sa sasabihin ng kausap sa phone, then natuwa) Really?! O sige ilapit mo sa daddy mo ha, aasahan ko yan. Okey, bye!

Nang gabing iyon ay kinausap ni Isadora ang anak na si Miguel
Miguel : Mahal ko si Catherine
Isadora : Gamitin mo nga yang utak mo. WALA KANG MAPAPALA DOON SA BABAENG YON.
Miguel : Hindi lahat tungkol sa pera Mommy. Hindi ko kayang magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Para makamkam ang pera? Hindi ako katulad nyo.
-Sinampal ni Isadora ang anak PAK!
Isadora : (umiiyak) BASTOS KA! Lahat ng ginawa ko para sa 'yo, para sa kinabukasan mo.
Miguel : Ginawa mo yon para sa sarili mo.
-Iniwan ni Miguel ang inang nag-i-inarte

Kausap naman ni Lola Aura si Catherine
Lola Aura : Bakit ba ang tigas tigas ng ulo? Manang mana ka sa iyong ina.
Catherine : Bakit, dahil minahal niya ang itay?
Lola Aura : Dahil itinuloy nya ang kanyang pagbubuntis kahit na alam nyang ikamamatay nya -ikahihina ng puso nya. Hinukay nya ang sarili nyang libingan, para lang patunayan sa ama mo na ang kanilang pag-ibig ay walang hanggan.
Catherine : (nangingilid ang luha) Kung mali man ang desisyon nila na buhayin ako, pasensya ka na. Hayaan nyo, balang araw naman hindi nyo kailangang pagsabihan pa ako - ipagmamalaki nyo rin po ako.
Lola Aura : Catherine ipinagmamalaki kita dahil mahal kita. (naiiyak na rin) Ikaw Catherine, ang kinabukasan at katuparan ng lahat ng mga pangarap namin ni Ana. Catherine huwag mo sanang sayangin ang buhay mo, dahil lamang sa kahibangang ito. MAUUBOS LAHAT NG LUHA MO sa Miguel na yan. Maniwala ka.

Nakita ni Miguel ang naglalakad na si Catherine na may dalang paninda sa bilao, niyakap ni Miguel mula sa likuran ang nagulat na si Catherine.
Catherine : Aaay! Ano ba? Layuan mo nga ako.
Miguel : Bakit ba?
Catherine : Baka may makakita sa atin
Miguel : Halika sumama ka sa akin (hinawakan sa braso si Catherine)
Catherine : Ano ba?
-nang ayaw sumama ni Catherine, kinuha at ibinaba sa daan ni Miguel ang bilao, saka binuhat si Catherine

Naglakad-lakad ang magkasintahan
Catherine : Isusumbong kita sa lola ko.
Miguel : Huwag naman, nakakatakot kaya yong lola mo. Sobrang tapang.
Catherine : Hindi naman kasin-tapang ng nanay mo.
Miguel : O bakit, kahit na naman ano ang sabihin nila e, hindi naman kita iiwan e. Mahal na mahal kasi kita. Mahal mo ba ako?
Catherine : Ayaw sa iyo ng lola ko eh. Ayaw rin sa akin ng nanay mo.
Miguel : Anong gagawin natin? Bakit kaya hindi na lang tayo gumawa ng sarili nating mundo? Nang tayong dalawa lang, di ba? Puede nating gawin yon, ganun kita kamahal.
-Hinalikan ni Miguel sa labi si Catherine, palinga-linga si Catherine na baka may nakakakita sa kanila.
Catherin : Huwag
Nagyakap ng mahigpit ang dalawa

Sa imbakan muling pinaramdam nina Catherine at Miguel ang pagmamahal nila sa isa't isa. (Suki yata nila ang imbakan)

Dumating sa hacienda si Scarlet (Angelica Panganiban). Nagulat si Miguel
Miguel : Scarlet!
Scarlet : (niyakap ng mahigpit si Miguel) MiGUEEEEL, MISS KITAAAA! namiss kita, sobra kitang namiss! I miss you!
-Hinalikan ng sosyalerang si Scarlet sa labi si Miguel, (Grabee! pinupog ng halik si Miguel) Syanamang pagpasok ni Catherine, at nakita nito na naghahalikan sina Miguel at Scarlet - tila napahiya si Catherine at umalis
Scarlet : I-hug mo naman ako.

Nag-usap sa labas sina Miguel at Scarlet - sa garden
Miguel : Anong ginagawa mo dito?
Scarlet : Sinundan ka Miguel. Masama ba? (hinahawak-hawakan si Miguel)
Miguel : (nakapameywang) Hindi ba sinabi ko na sa iyo - wala na tayo, matagal na, ayoko na!
Scarlet : Iyon ang sabi mo. Hindi naman ako pumapayag, di ba? And besides Miguel nakausap ko ang mommy mo over the phone, ang sabi nya heartbroken ka daw.

Nakita ni Rafael si Catherine sa ilalim ng punong mangga, nilapitan niya ito. Walang salita, niyakap ng umiiyak na si Catherine si Rafael - ibinuhos ng dalaga sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman

Miguel : I caught you kissing another guy, you call that plain thing?
Scarlet : Miguel wala lang yon sa akin, wala iyong ibig sabihin. (nilalapi-lapirot ang mukha ni Miguel) Alam mo namang ginawa ko lang iyon para pagselosin ka, di ba? Ikaw kasi matagal mo na akong di pinapansin eh. Can we just forget about it? Tapos na yon. Tama na ha.
Miguel : Oo ba, kinalimutan ko na iyon (hinawakan sa mukha ang kinikilig na Scarlet) dahil pati ikaw kinalimutan ko na rin. (Araaaay! ang sakit!)
-Tinalikuran ni Miguel si Scarlet
Scarlet : Sinasabi mo lang yan. Hahaha! That's impossible Miguel hahaha!
Miguel : Maniwala ka dahil iyon ang totoo. We're completely over.
Scralet : Not yet (nakangiti). Alam mo gagawin ko ang lahat, bumalik ka lang sa akin.
Miguel : Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon dahil meron na akong mahal na iba.
-Umalis si Miguel

Sa puno ng mangga
Catherine : Pakialam ko sa kanila (umiiyak), tatanga tanga ko kasi. Pakiramdam ko at alam ko ang tanga tanga ko. Bakit pa kasi sa lahat ng lalaking nandyan si Miguel pa iyong pinili ko.
Rafael : Alam mo hindi naman katangahan yan e. Ganun talaga yon, wala ka namang magagawa. Kahit na meron syang ibang minamahal ay ikaw tuluyan mo pa rin syang minamahal, kahit na nasasaktan ka. (Ahhhh ang sarap pakinggan ng boses ni Gabby, kilig!)
Catherine : Ang tanga ko pa rin. Pakiramdam ko para akong naisahan ni Miguel eh
Rafael : Hindi mo naman mapipili kung sino ang mamahalin mo e. Minsan nga hindi tayo handa kung sino ang mamahalin natin. Hay naku! Pero masakit magmahal. Kung hindi ka naman masasaktan, hindi naman tunay na pagmamahal iyon. (niyakap si Catherine) Magtiwala ka kay Miguel at mabuti syang tao.

Si Miguel naman ang kinausap ni Rafael
Rafael : Bakit hindi mo kausapin si Catherine? E kung talagang wala ka nang gusto sa kanya, diretsuhin mo na. Ito pinaiiyak mo pa, hindi ka na naawa.

Tinawag ni Isadora ang dumadaang si Catherine
Isadora : Catherine
Catherine : Po?
Isadora : Kumusta ka na?
Catherine : Mabuti naman po
Isadora : Nagkikita pa ba kayo ni Miguel?
Catherine : Hindi po
Isadora : Sigurado ka?

Miguel : Kuya maniwala ka sa akin, wala na talaga kami ni Scarlet
Rafael : Okey kung wala na kayo, kung umasta sya parang kayong dalawa pa rin. Miguel, be fair! Kung masasaktan mo si Catherine, mananagot ka sa akin.
Miguel : Hindi ko naman sya niloloko e, seryoso talaga ako sa kanya.
Rafael : Sige
Miguel : Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa iyo pero medyo baun kami ngayon sa utang e. Mukhang mae-elit na itong Hacienda Amadesto. Kaya nga pinagpipilitan sa akin ni Mommy si Scarlet dahil baka sila ang tumubos sa hacienda. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko e. Pero hindi ko sya niloloko ha, seryoso talaga ako. Mahal ko si Catherine.

Isadora : Naku, tingnan mo nga naman itong si Miguel 'no, masyadong makakalimutin. Papaano yan hindi ba nya nabanggit sa iyo na balak ka nilang kuning abay, sa kasal nila ni Scarlet?
Catherine : (naiiyak) Mauna na po ako
-Pakaalis ni Catherine ay tinawag ni Isadora ang isnag tauhan
Isadora : Patring, bantayan mong mabuti ang babaeng yan ha. Gusto kong malaman kung nagkikita pa sila ni Miguel.

Pinuntahan ni Miguel si Catherine sa simbahan
Miguel : Catherine, Catherine mag-usap tayo.
Catherine : Bakit? Iimbitahan mo na ako? Kukunin mo na akong abay para sa kasal nyo ni Scarlet?
Miguel : Maniwala ka sa akin, pinagkasundo lang ako ni Mommy ko kay Scarlet, dahil sila ang tutubos sa hacienda
Catherine : Ganun pala eh, di masaya kayo
Miguel : (iniharap sa kanya si Catherine) Puede ba makinig ka sa akin. Ipaglalaban kita, gagawin ko ang lahat. Makinig ka sa akin, hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Maniwala ka sana
Catherine : Humanap ka ng ibang lolokohin mo Miguel, hwag ako.
-Tumayo si Catherine para umalis na pero pinigilan siya ni Miguel. May isinuot na singsing si Miguel sa daliri ni Catherine, umupo ulit ang dalaga
Miguel : Please hwag mong tatanggalin. Hwag mo akong tatanggalin, ayokong mawala ka sa buhay ko
-Hinalikan ni Miguel ang kamay ni Catherine, at kapwa may luha sa mga mata na nagyakap ang dalawa. May nakakita sa kanilang dalawa na isang matandang babae, tauhan ni Isadora

Pinatawag ni Isadora si Catherine sa mansion
Isadora : Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, layauan mo ang anak ko. Magkano? Isandaang libo? Dalawang daan? Ano? (hindi nagsasalita si Catherine) Bakit mamahalin ka ba? Common Catherine, name your price
Catherine : Mauna na ho ako
Isadora : Hindi pa ako tapos, BASTOS KA! Huwag kang tatanga-tanga Catherine,
-May ibinigay na sobre si Isadora kay Catherine. Hindi nila namalayan ang pagpasok ni Sofia. Tiningnan ni Catherine ang laman ng sobre. Umalis ang bata
Catherine : Tama ho kayo. Napakalaki nitong inaalok nyo sa akin
Isadora : Alright, so nagkakaintindihan na tayo
Catherine : Malaki-laki ho 'tong perang inalok nyo sa akin. Bakit hindi nyo na lang ho sya ipambayad sa mga utang ninyo? At huwag si Miguel, huwag ang sarili mong anak!
-Iniwan, ni Catherine ang pera saka umalis
Isadora : Syanga pala, alam mo ba kung bakit ayaw ng lola mo na magkatuluyan ni Miguel? Dahil gusto nyang mapakasal si Miguel at Scarlet para maisalba ang haciendang ito, kasama ng lupain nyo. (Tigagal si Catherine sa narinig) Bakit hindi ka gumaya sa lola mo? Matalino, ginagamit ang utak nya
-Tuluyan ng lumabas si Catherine

Nagkita sina Miguel at Catherine, kasama nila si Rafael
Miguel : Catherine basta tuloy tayo mamaya. Si kuya Rafael na daw ang maghahatid sa iyo
-Hindi nila namalayan na may nakikinig sa usapan nila - si Manang Edith
Rafael : Sa Junction ng susunod na bayan tayo magkikita, para wala masyadong makakapansin sa iyo. Syempre hindi naman ako papayag na pupunta ka doon nag-iisa
Miguel : Magkikita tayo doon ng alas-d'yes, okey?
Catherine : Pero wala tayong kaplano-plano. Baka naman nabibigla ka lang tsaka saan tayo tutuloy doon?
Rafael : Meron akong lugar sa Maynila na puede nyong tuluyan. Hwag na kayong mag-alala. (pigil ang sakit na nararamdaman)
-Nagyakap sina Miguel at Catherine. Tinapik nina Miguel at Rafael ang balikat ng bawat isa

Gabi. Umiiyak na pinagmasdan ni Catherine ang Lola na natutulog, saka maingat na lumabas ng bahay. May sulat na iniwan si Catherine.

Inihatid na ni Rafael si Catherine, sa sasakyan
Rafael : Mahal mo talaga si Miguel ano?
Catherine : Ipagpapalit ko ba lahat ng ito, kung hindi ko sya mahal? Mahal na mahal ko sya.

Sa mansion ng mga Castillejos. Nakita ni Isadora ang bumababa ng hagdanan na si Migue, may maleta at bag na dala ang binata. Nagbunganga si Isadora
Isadora : Bakit mo iniwan si Scarlet ha? Hoy Miguel nakakahiya. Bakit mo iniwan si Scarlet?
-Hindi umiimik si Miguel, saka pa lang napansin ni Isadora ang mga dala ng anak
Isadora : Ano yan, maglalayas ka?

Inalalayan ni Rafael sa pagbaba ng sasakyan si Catherine
Rafael : So, mag-iingat kayo ha. Baka naman kung kailan kayo nasa Maynila, doon pa kayo mag-away.
Catherine : Salamat ha
Rafael : Catherine
-Nagyakap sina Rafael at Catherine. Iniwan na ni Rafael si Catherine - hihintayin na lang ng dalaga ang pagdating ng nobyo. Mag-isa lang si Catherine sa hintayan.

Miguel : Hindi nyo puedeng ipilit sa akin si Scarlet, dahil si Catherine ang mahal ko.
-Umalis na si Miguel
Isadora : Miguel, Miguel bumalik ka rito. Miguel!

Sa tagpuan nina Miguel at Rafael ay may dumating na sasakyan. Bumaba ang tatlong lalaki at sapilitang isinakay si Catherine, at saka mabilis na umalis. Nang dumating si Miguel ay hindi na nya naabutan si Catherine. Samantala ang sasakayang kinalululanan ni Catherine ay tumigil sa malapit sa Castillejos Hospital. Ibinaba ng mga lalaki ang nakapiring na si Catherine, pakaladkad na dinala ng mga lalaki si Catherine sa isang building. Sa pagpupumiglas ni Catherine ay natanggal ang nakapiring sa kanya. Iniwan ng mga lalaki si Catherine. Umiiyak si Catherine.
Catherine : PAKAWALAN NYO AKO DITOOO!

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP