Sunday, July 20, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 2

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Masayang nagyakap ng mahigpit sina Rafael at Catherine.
Rafael : Kumusta ka na?
Miguel : Hindi nyo nakilala ang isa't isa? Ha?!
-Nakaramdam ng pagkailang si Catherine, kaya't nagpaalam na ito sa dalawang lalaki
Catherine : Mauna na ako, hinanahanap na ako ng lola ko, sige
Nagtaka si Rafael
Rafael : Bakit biglang umalis yon? Nag-away na naman kayo ano?
Miguel : Hindi a
-Pinagmasdan nina Rafael at Miguel ang papalayong dalaga
Rafael : Ibang iba na si Catherine
Miguel : Oo nga, iba siya! Akala ko nga wala nang ganyang klaseng babae sa panahon ngayon.

Sa bahay nina Catherine
Catherine : Inabutan po kasi ako ng ulan eh, kaya sumilong muna ako doon sa may imbakan.
Lola Aura : Mag-isa?
Catherine : Po?!
Lola Aura : Mag-isa ka lang bang natulog sa imbakan?
Catherine : Lola naman, ano ba namang klaseng tanong yan?
Lola Aura : Hay naku! Huwag na tayong maglokohan Catherine, hindi ako tanga, dalaga ka na. Alam ko maraming nanliligaw sa iyo. May nobyo ka na ba?
Catherine : Wala, wala pa lola
Lola Aura : Sigurado ka?
Catherine : Opo
Lola Aura : Hindi ka naglilihim sa akin?
- Hindi sumagot si Catherine, bagkus ay ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa

Sa mga Torralba
Miguel : So, hanggang kailan ka dito?
Rafael : Well, ako for good. Sumali ako sa isang law firm dito sa Manila. E-specialize ako sa human rights, baka sakaling matulungan natin ang mga kapwa natin pinoy.
Miguel : Talaga lang ha? Ibang klase ka talaga, ang bait a. Sigurado ako magiging mayor ka rin tulad ng papa mo
Rafael : Naku! Hindi na, wala akong ambisyon. Hindi ko naman inambisyon na maging politician e. Ikaw! Ikaw ang may planong magpakasal sa Amerika, di ba? Ano tuloy na?
Miguel : Hindi na tuloy
Rafael : O bakit? Anong nangyari?
Miguel : Well, okey na rin dahil narealize ko na wala sa Amerika yung babaeng para sa akin e
Rafael : Aaahhh, nandirito ano?
Miguel : Ayoko na munang magsalita, baka maudlot. Basta sigurado akong magiging boto ka para sa kanya.
Rafael : A sigurado yan
-Tumatakbong lumapit sa kanila ang nakababatang kapatid ni Rafael na si Toby
Toby : Kuya Miguel! Kuya Miguel!
Miguel : O
Toby : Galing po ako sa inyo, tinuruan po nila akong mangabayo. Hinahanap nga po pala kayo ng mama nyo.

Sa mansion ng mga Castillejos, sa hapag kainan
Isadora : O pag-aralan mo ang pagpapatakbo dito sa hacienda ha. Nandidito na lahat ang records (ipinakita kay Miguel ang mga papeles). Iyong iba nandun sa accountant natin. Pag-aralan mong mabuti para maibigay mo na ang recommendations mo.
Sofia : Ma, kadadating pa lang ni kuya. Pagtatrabahuhin nyo na kaagad?
Isadora : Aba anak kaya ko nga ginastusan iyang pagpapaaral sa kanya sa States eh, para magtake over na sya dito. Hindi ko na kaya eh, patung patong na yong problema
Miguel : Hindi pa rin ba natutubos ang buong hacienda?
Isadora : Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh, katulad nyan nagpadala ulit ng notice - malapit na raw ma elit itong asyenda.
Miguel : Baka naman puede tayong humingi ng extension o kaya'y amnesty
Nabuhayan ng loob si Isadora sa sinabi ni Miguel
Isadora : Sige nga, gawin mo yan. Ito na ang magiging trabaho mo, ang isalba ang hacienda

Kinausap ni Miguel si Catherine
Miguel : Catherine, iniiwasan mo ba ako?
Catherine : Hindi marami lang akong ginagawa, mauna na muna ako
Miguel : Sandali lang, tungkol ito sa nangyari sa atin kagabi
Catherine : Ayoko nang pag-usapan yan
Miguel : Bakit naman? Pinagsisihan mo ba yong nangyari? Dahil ako hindi
Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Catherine, suot pa rin Catherin ang bracelet na bigay nya
Miguel : Suot mo pa rin talaga ito hanggang ngayon
Catherine : Syempre! Dahil kaibigan kita
Miguel : Sigurado ka bang kaibigan lang? Pasensya na kung nabigla kita. Tagal ko kasing naghintay sa iyo e, sampung taon akong naghintay para makita ka, pero sulit iyong paghihintay ko. Sana mapag-usapan natin itong tungkol sa atin
-Hinalikan ni Miguel ang kamay ni Catherine, at saka umalis. Naiwan si Catherine na itinatago ang kilig

Sa bahay nila ay tila wala sa sarili si Catherine - inlove! (hinahalo halo nito ang bigas na nasa bilao). May kinuha siya sa box, tapos nag-ipit sa harap ng salamin
Catherine : Sabi ni nanay noon, dapat daw palagi akong maganda kasi ibig sabihin nun may pagmamahal ako sa sarili ko (ipinapakita na habang nagpapaganda sa harap ng salamin si Catherine, nangangabayo naman si Miguel - hanep! ang ganda ng katawan ni Diether) Sana nandito ka 'nay, nami-miss na kita, wala kasi akong masabihan ng nararamdaman ko - kung tama ba ito o mali. Kung kasalanan ba ang nararamdaman ko para kay Miguel (nakita ni Lola Aura ang ginagawa ng apo sa harap ng salamin). Nay huwag kang magagalit ha, kaya ako nagpapaganda ngayon kasi gusto kong maging maganda sa paningin ni Miguel. Nay mahal ko na yata si Miguel.

Hindi makatulog si Catherine, napapangiti itong tinitingnan ang bracelet na bigay ni Miguel. Si Miguel naman ay nagbabasa ng santambak na mga papeles, pero wala sa mga papeles ang isip niya kundi kay Catherine. (Ipinakita ang mga eksena kung paano sila nagkakilala, sunog sa imbakan at masasaya nilang paglalaro noong mga bata pa sila, noong ninakawan siya ng halik ni Miguel at iyong gabing umuulan na natulog sila sa imbakan). Kapwa napapangiti sina Catherine at Miguel sa kanilang mga naaalala.

Habang nagtatrabaho sina Lola Aura at Catherine
Lola Aura : Alam mo Catherine, pinag-uusapan ka na ng mga kapitbahay. masyado daw kayong malapit ni Miguel.
Catherine : Lola naman, magkaibigan po kami ni Miguel, magkababata
Lola Aura : Hmmm hanggang magkaibigan lang?
Catherine : Lola kung lalampas kami doon, masama ho ba iyon?
Lola Aura : Gusto mo siyang maging nobyo?
Catherine : Lola naman nabibigyan lang ho nila ng ibang kulay ang pagiging magkaibigan namin ni Miguel. Saka kung magkaboyfriend po ako - di ho ba nasa hustong edad na po ako?
Lola Aura : Sana maski kanino, huwag lang si Miguel

Ipinapakita ni Sofia kay Catherine ang kanyang bagong manyika na bigay ni Toby kay Catherine. Napansin ng bata na tila matamlay si Catherine kaya tinanong nya ito kung malungkot. At sinabi rin ni Sofia na ang kuya Miguel ay tahimik at malungkot, kasi ang dami raw iniuutos ng Mommy nila. Nagtanong si Catherine kay Sofia kung nababanggit siya ni Miguel. Hindi naman daw sabi ng bata, kasi hindi pa sila nakakapagkwentuhan ng kuya nya kasi palagi tong busy kasama ang mommy nila. Tinanong ni Sofia kay Catherine kung may gusto ito sa kuya niya, nagtatanong lang daw siya sabi ni Catherine

Pumunta si Catherine sa mansion at hinanap si Miguel, wala raw ito sabi ng isang tauhan. Nasa Maynila raw si Miguel kasama si ma'am Isadora, at hindi alam kung kailan babalik

Naglalakad sa hacienda si Rafael kasi pupuntahan raw niya ang mga kaibigan niya. Binabati ni Rafael ang mga nakakasalubong niya - bait talaga ni Rafael, gwapo pa! Nakita ni Rafael ang nagtitinda ng puto na si Catherine.
Rafael : Catherine, kumusta na?
Catherine : O nandito ka, anong ginagawa mo dito?
Rafael : Pupunta ako sa bayan. Yayayain ko sana kayo ni Miguel, gusto nyong sumama?
Catherine : Wala naman si Miguel eh, nasa Maynila
Rafael : Eh di papaano ba yan? E di tayong dalawa na lang, puede ka?
-Nakangiting tumango si Catherine
Catherine : Sige!

Masayanang namasyal sina Catherine at Rafael, pagkatapos nagpiknik pa sila sa may burol - huhuhu! inggit ako kay Catherine
Miguel : Pasensya ka na ha, noong nasa Amerika ako wala na akong ginawa kundi pag-aaral, subsob ang ulo ko roon. Noong nagtrabaho naman ako, ganun din subsob rin ang ulo ko sa katatrabaho. Pero eto na, nandirito na ako. Lahat naman ng ginagawa mo e nalalaman ko rin dahil kay Miguel, nakakabalita ako
Catherine : Eh totoo bang may naiwan na girlfriend si Miguel doon?
Rafael : Bakit mo natanong? Aaay ikaw ha, interesado ka kay Miguel
Catherine : HINDI AH!
Rafael : E kita mo iyang reaction mo o, huling huli ko hahaha!
Catherine : Ikaw kasi, para ka kasing nambibintang eh, nagkukwentuhan lang naman tayo eh
Rafael : Hahaha!
-Sarap na sarap naman si Rafael sa nilalantakan na kakanin
Catherine : Kakaasar! Ikaw, kailan ba talaga ang balik mo sa Amerika?
Rafael : Ewan ko, baka hindi na ako bumalik sa Amerika, mas okey na dito e.
Catherine : Sigurado ako ang dami daming mga kana na halos magpakamatay na dahil, dahil gustong gusto ka nila
Rafael : Iyan ang gusto ko sa iyo e
Catherine : Talaga naman eh, totoo naman eh
Rafael : Nagkaroon ako pero hindi naman seryoso, pero talagang wala, niloloko ako parati
Catherine : Uuummm! Baka naman ikaw ang nanloloko? Hindi, hindi ako naniniwala talaga, sigurado ako nagkaroon ka ng maraming girlfriends doon at palagi kang hinahabol ng mga kana. Eh kung ako nga eh, noong bata ako - crush na crush kita
Rafael : Talaga?
Catherine : Oo. Kasi, kasi mabait ka at saka palagi kang may pasalubong para sa akin - kahit anu ano lang. Teka napansin ko, ilang araw ka nang nandito parang wala pa rin akong natanggap na kahit isang pasalubong galing sa iyo.
Rafael : Marami akong pasalubong para sa iyo
- Sinubukang dukutin ni Catheine ang mga bulsa ni Rafael, gaya ng ginagawa niya noong mga bata pa sila

Sa bahay ng mga Torralba, dinner time
Mayor Torralba : Rafael, kailan mo ako bibigyan ng apo?
Estelle : Hahaha! Papaano ka magkakaapo? Hindi naman yata nito sineseryoso ang mga girlfriend nya eh, konting panahon lang
Rafael : Ma sineseryoso ko rin pero syempre hindi ko pa nahahanap e
Estelle : Syanga pala, tumawag kanina iyong secretary ng law firm ninyo, may bagong kaso ka raw na hahawakan
Mayor Torralba : Ano, wala ka na namang bayad dyan?
Rafael : Pa, meron naman tayong mga paying clients pero syempre gusto ko rin namang tumulong. Kaya yong iba tumatanggap rin ako ng pro-buno
Toby : Wow! Para kayong politiko kung magsalita a
Rafael : Wala akong hilig dyan
Mayor Torralba : Politiko ang pamilya natin. Mula sa Lolo Joseph ko mga Torralba na ang nagpapatakbo ng Amadesto
Rafael : Pa wala akong hilig sa pulitika. I love you to death, pero ilang beses kong sinasabi yan. Bakit? Ang dumi-dumi dyan, pagka nagkakagulo, ano ang nagyayari? Nagkakapatayan, ang dumi-dumi na, corrupt pa.
Mayor Torralba : TULAD KO? IYAN BA ANG IBIG MONG SABIHIN? MADUMI AT CORRUPT ANG SARILI MONG AMA
-Hindi tinapos ni Mayor Torralba ang pagkain
Estelle : I'm so tired of these! Tuwing na lang nagkakaharap kayo ng ama mo, puro pagtatalo. Bakit mo ba siya kinakalaban?
-Hindi rin tinapos ni Estelle ang pagkain, at iniwan ang mga anak sa harap ng hapag kainan
Toby : At least alam mo na bilib sa iyo si Papa. Wala naman syang ibang pinagmalaki kundi ikaw a - matalino si Rafael, mahusay si Rafael, mabait ang anak ko. Pero ni minsan wala kang maririnig tungkol sa akin.

Pinuntahan na naman si Catherine ng masugid niyang manliligaw, may dala ulit itong mga bulaklak. Nakikipagkwentuhan ang lalaki, pero walang gana si Catherine makipag-usap sa lalaki. Nakita ni Catherine si kuya Rafael, kaya nagdahilan ito sa lalaki na baka nangangailangan ng tulong nya si kuya Rafael nya. Pinuntahan ni Catherine si Rafael. Tinutulungan ni Rafael si "Mang Peping" sa pag-aayos ng gate. Sinabi ni Catherine na siguro daw sa dami ng ginagawa at tinutulong ni Rafael sa hacienda ay kailangan na siyang swelduhan ni Isadora, nag close-up smile lang si Rafael. Nagkatawanan sila kasi ng masabit si Rafael ay "imported" ang pagsasabi nito ng aray.

Habang kumukuha ng damit si Rafael ay napansin niya ang panyo ni Catherine (Ipinangbalot sa sugat niya noong nasabit siya sa ginagawang gate). Naalala ni Rafael ang masasaya nilang eksena ni Catherine mula ng makabalik siya mula Amerika

Pumunta ulit sa mansion si Catherine para hanapin si Miguel. Ayon kay "Manang Edith" ay hindi pa rin daw nakakabalik mula Maynila sina Miguel at ang ina nitong si Isadora. Sinabi ni Manang Edith kay Catherine, na may tawag ng tawag nga raw kay Miguel - iyong sosyalera sa Amerika, si Scarlet at oras-oras daw kung tumawag. Nalaman ni Catherine mula kay Manang Edith na may relasyon pa sina Miguel at Scarlet. Dumating si Rafael para isauli kay Catherine ang panyo. Umalis saglit si Rafael pero huwag daw aalis si Catherine kasi may ibibigay pa siya sa dalaga. Kinuha ni Rafael sa sasakyan nya ang bulaklak para kay Catherine. Sa kinaroroonan ni Catherine ay dumating si Miguel na may dalang bulaklak. Ayaw tanggapin ni Catherine ang flowers na ibinibigay ni Miguel
Miguel : May problema ba tayo?
-Walang imik na umalis si Catherine, naiwan ang naguguluhang si Miguel
Miguel : Catherine ano ba ang nangyayari sa iyo?
-Hinabol ni Miguel si Catherine. Sya namang pagbalik ni Miguel dala ang mga bulaklak para kay Catherine, nakita niya ang paghabol ni Miguel kay Catherine. Matamlay na tiningnan ni Rafael ang mga bulaklak. - Hayaan mo na siya Rafael, akin na lang iyang flowers - I love you Gabby!

Nahuli sa pag-uwi si Isadora kaysa kay Miguel - nagshopping pa raw ang bruha este si Isadora sa Maynila. Hinanap ni Isadora ang anak na si Miguel, sinabi ni Manang Edith na wala si Miguel doon

Naabutan ni Miguel si Catherine sa may kwadra ng kabayo
Catherine : Huwag mo nga akong masundan sundan
Miguel : Catherine
Catherine : Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo, doon ka sa Scarlet mo
Miguel : Anong Scarlet? Wala na kami ni Scarlet
Catherine : SINUNGALING KA EH!
Miguel : Tinawagan ko si Scarlet noong nagpunta sko sa Maynila, nakipag-break na ako sa kanya, matagal na kaming wala. Totoong lahat ang sinasabi ko sa iyo Catherine
Catherine : Kung ganun, bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka?
Miguel : Biglaan kasi lahat e. Ang daming dapat ayusin sa bangko, malapit na kasing ma-elit ang Hacienda Amadesto e. Akala mo ba namamasyal lang ako sa Maynila? E NAKOKORTA NA ANG UTAK KO E, KUNG PAANO KO ISASALBA ITONG HACIENDA NA ITO.
Teka, anong nangyayari? Hindi naman sila magboyfriend ah, naguluhan ako. Ay naku! tuloy lang ang text update Betcha.
Catherine : Wala ba kayong mahihiraman ng pera o pantubos man lang? (May alam sana ako na mahihiraman kaso masyadong malaki ang kailangan nyo, baka wala si Tony bombay ng halagang kailangan ni Miguel -Betcha)
Miguel : Hiyang hiya na nga ako e. Sinubukan ko kay Tito Enrique, wala rin silang maipahiram, may pera man sila gagamitin rin nila sa kampanya. Catherine, kung sakali mang ma-elit ang hacienda Amadesto, kaya mo bang sumama sa akin sa Maynila o sa ibang bansa? Doon tayo sa malayo, tayong dalawa lang.
Catherine : (naiiyak) Wala naman tayong matagal na pinagsamahan ah. Isang gabi lang yon.
Miguel : Isang gabi lang yon? ISANG GABI LANG YON? Balewala lang sa iyo ang lahat ng pinagsamahan natin kung ganun. Noong una akong dumating dito, ikaw ang una kong nakita, ikaw ang una kong nakilala. Nagkasakit ang nanay mo, nawala ang tatay mo - tayong pa ring dalawa nag magkasama. Pinag-uusapan ako ng lahat ng tao dito, ikaw lang ang tumanggap sa akin ng buong buo. Kaya kong isa-isahin sa iyo lahat, wala akong nakakalimutan (emotional na si Miguel). Kahit nagkalayo tayo, ikaw pa rin palagi ang nasa isip ko. Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang laging dahilan ko para magbago
Catherine : Marami na ang nagbago.
Miguel : Hindi kasama sa nagbago ang nararamdaman ko para sa iyo. Ano pa bang dapat nating puntahan ha? Para tanggapin mo ang totoo, walang bakit, walang papaano - iyon ang nararamdaman ko. Mahal kita! Kaya mo rin ba akong mahalin?
-Nagyakap sila ng mahigpit, kapwa luhaan at naglapat ang kanilang mga labi. Dumating si Lola Aura at nanlaki ang mata sa nasaksihan

Nagambala ang paghahalikan ng bagong magsing-irog ng tinawag ng malakas ni Lola Aura ang apo na si Catherine. Galit na galit ang matanda, sinabunutan nito ang apo. Inawat ni Miguel si Lola Aura, pinagsabihan ng matanda si Miguel na huwag siyang malola-lola at tigilan na niya si Catherine. Kinaladkad ni Lola Aura ang apo pauwi ng bahay. Naiwan ang hindi malaman ang gagawin na si Miguel.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP