Wednesday, July 30, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 12

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Dinalaw muli ni Catherine si lola Aura. May dala na namang maraming pasalubong si Catherine. Kumakain si lola Aura ng dumating si Catherine, nagmano ito.
Catherine : Tamang tama pala ang dating ko. Nagdala ho ako ng maraming masasarap na pagkain para sa inyo.
Lola Aura : Tapos na ako.
Catherine : Lola, kailan nyo ho ba ako patatawarin? Masaya naman ang pagsasama namin ni Martin.
Lola Aura : (in a sarcastic tone) Masaya ka na? Kunsabagay ang ganda ng bihis mo ngayon. Isang bagong Catherine - maganda, mayaman at SINUNGALING. Masasaktan ka lang sa pagpunta-punta mo dito. Bumalik ka na lang kung totoo ka na sa sarili mo.
Catherine : (umiiyak) Patawarin nyo n apo ako o. Tayong dalawa na lang ang magkapamilya, tayong dalawa na lang lola. Patawarin nyo na ako.
Lola Aura : Dadalawa na lang tayo, naglolokohan pa tayo! Umalis ka na at marami pa akong gagawin.

Sa tinutuluyan na apartment nina Sofia at Jenna. Tinanong ni Jenna ang kaibigan kung maganda sila, kasi bakit hindi pa sila nagkakaboyfriend. Pinaalala ni Sofia na may agreement sila na after college na silla magbo-boyfriend. Umangal si Jenna na ang tagal daw niyon, at sa buong campus daw ay sila lang ang hindi pa nakaka-first kiss, nakakahiya raw. Napaisip si Sofia sa sinabi ng kaibigan. Ang gusto ni Jenna na maka-first kiss ay si Toby. Tinukso ni Jenna si Sofia, na si Jonas daw ang gusto nitong maka-first kiss kasi nakita niya minsan ang kaibigan na kinikilig. Sinabi ni Jenna na tutulungan niya si Sofia na mapansin ni Jonas, at tutulungan naman ni Sofia si Jenna na mapansin ni Toby. Kailangan na raw nila kumilos kasi may shortage na ang lalaki at baka sila maubusan.

Pumunta si Estelle sa bahay ng panganay na anak. Nakita nito na nakatulog sa sofa si Rafael, ginising niya ito.
Estelle : Rafael! Oh My God! Anak look at yourself, you look wasted.
Rafael : (naghihikab pa) Hi ma! ___ nagpuyat ho ako dahil sa trabaho.
Estelle : Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo Rafael? Lagi kang subsob sa trabaho, hindi ka kumakain ng tama and I guess you been drinking as well. At hindi ka natutulog. Paano, ano ang gusto mong gawin sa sarili mo? Gusto mong magpakamatay?
Rafael : Ma, don't worry about me, I'm okay.
Estelle : I'm you mother. I will always worry about you. (nakita ang larawan ng kasal nina Catherine at Martin sa newspaper) Sya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito? My God! Rafael, for someone as smart and intelligent as you, talagang hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpapakatanga para sa babaeng yan. She's not worth it.
Rafael : Okay ma (tumayo) maliligo na ako. Iwanan ko muna kayo ha.
- Umiwas sa mga sasabihin pa ng ina si Rafael.

Sa dela Rhea mansion, nagsu-swimming si Miguel. Pumunta rin sa pool ang naka-robe na si Catherine at nagpapaturo mag-swimming kay Miguel. Hinubad ni Catherine ang robe (nakatingin lang si Miguel sa naka two piece swimsuit na si Catherine). Lumusong ang babae sa pool at tila inaakit si Miguel, turuan daw siya ng breast stroke. Malanding sinabuyan ni Catherine ng tubig si Miguel at huwag na raw mahiya. Dumating si Scarlet
Scarlet : (nameywang) Ano ang nagyayari dito? Magsu-swimming ka lang (Catherine), naka-diamonds ka pa?
Catherine : Syempre, diamonds are forever, like me. Dive in, anak!
- Inis na inis ang mag-asawa, umahon si Rafael at iniwan nila si Catherine.

Sa campus. Hindi pinansin nina Sofia at Jenna ang mga bumati sa kanila na kaibigan ni Toby. Nakita ni Sofia ang naggi-gitarang si Jonas at kinilig ito. Nilapitan ni Jenna si Jonas para ilakad si Sofia. Lumapit si Toby kay Sofia at tinanong kung ano ang ginagawa doon. Hindi pinansin ni Sofia si Toby. Nakita ni Toby kung sino ang tinitingnan ni Sofia. Classmate pala sa Statistics ni Toby si Jonas. Pasigaw na tinawag ni Toby si Jonas at sinabing huwag magpabola kay Jenna, kasi si Sofia ang talagang may gusto sa kanya (Jonas). Asar na asar si Sofia sa kababatang si Toby Torralba.

Pinuna ni Catherine ang kahit sa bahay na asawa ay nagtatrabaho pa rin. Sinabi ni Martin na kailangan niyang maayos ang important papers - bank notes, land titles. Nakita ni Catherine ang magazine na may article about them. Binasa ni Catherine ang article at hindi siya makapaniwala sa nakalagay doon - Martin dela Rhea's worth is 1 billion pesos, OA raw sabi ni Catherine.
Martin : Actually mali yan. Matagal ng data yan e. Now siguro I worth more or less 3 billion.
Catherine : 3 BILLION PESOS!? Para ka namang may-ari ng bangko nyan
Martin : Ikaw naman.
Catherine : Alam mo hindi ko kayo naiintindihan, kayong mayayaman. Ang dami nyo nang pera pero trabaho pa rin kayo ng trabaho. Kailangan mo pa ba ng pera?
Martin : Ibang klaseng kapangyarihan ang nabibigay ng pera. Tandaan mo yan Kate. Kaya kung ano man ang pag-aari ko, e pag-aari mo na rin - all 3 billion.
- Napa isip si Catherine sa sinabi ng asawa.

Sa classroom. Nag-uusap sina Sofia at Jenna, samantalang masayang nakikihalubilo sa mga classmates nila si Toby.
Sofia : Sorry Jenna ha, pero papalayasin ko na talaga yang Toby na yan.
Jenna : Huwag naman! Ito naman, nagpromise ka sa akin. Hayaan mo na lang, makulit lang talaga yang si Toby.
Sofia : Makulit nga pero at my expense. Nakakahiya kay Jonas.
Jenna : Sus! Okey lang yun, crush naman eh.
Sofia : Ganun? Kahit sabihin ko kay Toby na crush mo sya?
- malungkot na tumingin si Jenna sa kaibigan
Sofia : Bes ewan ko sa type mo. Puro pa-cute lang naman yang si Toby eh, wala naman talagang dating. At kahit sya ang huling lalaki, hindi ko pa rin sya magugustuhan.
Jenna : Gusto ko lang sya eh
Sofia : Lolokohin ka lang ng lalaking yan - papaiyakin ka. Siguro pag naging boyfriend mo yan, maiinis ako sa 'yo, and that will be the end of our friendship.

Pumunta na naman si Catherine sa barung barong na tinitirhan ni Lola Aura. Binigyan nito ng pera si Louela
Catherine : Ano ba? Louela tanggapin mo na yan!
Louela : Gusto mo bang bugbugin ako ni lola ng bonggang bongga? Eh sabi nya, huwag daw akong tatanggap ng kahit ano mula sa 'yo.
Catherine : Ano ka? Sige na, alam mo ba kami ni Martin ang pera namin bilyon bilyon. Habang kayo ni lola, walang wala.
Louela : (nagulat sa sinabi ni Catherine) BILYON BILYON?! Ilang zero yun? Madami yun ah. Ay grabe! Kaya ka naman pala nahuhusgahan ng tao na gold digger kasi parang bangko sentral ang napakasalan mo.
Catherine : Ang sabi ni Martin, ibang klaseng kapangyarihan daw ang nagagawa ng pera. Ano kayang magagawa ko doon sa lahat ng taong may atraso sa akin?

Nagsuswimming ang mag-amang Miguel at Maggie. Lumapit sa kanila si Catherine at tinanong kung malamig ang tubig. Hindi sumagot si Miguel. Dumating si Scarlet na sasamahan ang mag-ama niya sa pool. Naghubad ng robe si Scarlet at tinanong kung nagustuhan ng asawa ang bago niyang swim suit - green 2 piece swimsuit at sexy talaga! Lumusong sa pool si Scarlet at nakipaglaro sa anak. Nakatingin pa rin si Miguel kay Catherine na naghuhubad ng robe - red 1 piece swimsuit naman ang suot. Umupo sa tabi ng swimming pool si Catherine at malanding sinabuyan ng tubig si Miguel. Galit na nakatingin kay Catherine ang mag-asawang Miguel at Scarlet.

After nilang magswimming.
Scarlet : Gigil na gigil talaga ako sa babaeng yan.
Miguel :Puede ba hwag mo syang pansinin?
Scarlet : And everytime na lang na tinitingnan ka nya, para syang nakikipaglandian sa yo.
Miguel : Kalokohan yan.
Scarlet : Anything is possible with her Miguel. At ngayon lang ako nakakita ng madrasta na nakuha pang makipag-landian.
Miguel : Iyon naman pala e. Ganyan ka pala ka-apektado e, bakit hindi na lang tayo bumalik sa America? Tutal marami rin akong trabahong aasikasuhin doon. Mamaya dyan tiktikan na naman ako ng papa mo.
-May narinig silang ingay sa labas ng bahay
Scarlet : Ano yun?

Ipinapakita ni Catherine ang sorpresa niya sa asawa - bagong kotse. Sinabi ni Catherine na siya daw mismo ang pumili niyon. Nagustuhan naman ni Martin ang regalo sa kanya ng asawa, test drive daw sila. Habang pasakay sa kotse ay mayabang namang tumingin si Catherine kina Miguel at Scarlet. Nadagdagan ang inis ni Scarlet sa madrasta.

Nag-i-impake si Miguel.
Scarlet : Saan ka pupunta?
Miguel : Nagpa-book na ako ng flight, babalik na ako sa Amerika.
Scarlet : ANO? Iiwan mo lang kami ni Maggie dito?
Miguel : Anong magagawa ko kung ayaw nyo pang bumalik?
Scarlet : No no no Miguel, hindi hindi! Miguel marami akong problema dito, please naman. I need you here.
Miguel : I NEED MY LIFE BACK! Ikaw lang ang may agenda kay Kate. Hindi ibig sabihin nun iikot rin ang mundo ko sa kanya. ANG DAMI KONG PROBLEMA SA BRANCH KO!
Scarlet : Eh iyon lang ba ang iniisip mo? Puede ko naman iyon ayusin kay Daddy, kakausapin ko na lang sya. Hwag ka nang umalis
Miguel : PUEDE BANG TUMIGIL KA NA! Ikaw lagi ang nagreremedyo, ikaw lagi nag-aayos, ikaw lagi nagtatakip. Nawawalan na ako ng pagkalalaki sa pamilyang ito. Will you let me please? LET ME HANDLE ___(? hirap intindihin mag-ingles ni Diether) AND LET ME RUN MY OWN LIFE!!!!

Dinalaw ni Toby ang kapatid sa tinitirhan nito. Naglambing si Toby ng bagong TV sa kuya nya. Nangako naman si Rafael na ibibili niya si Toby ng TV, sa kondisyon na maganda ang grades at walang ilalagpak na subject si Toby. Pumayag si Toby sa kasunduan nila ng kuya nya. May tumawag kay Rafael sa cellphone - ang papa nila. Pinapupunta si Rafael sa opisina ng ama, kasi meron daw silang importanteng pag-uusapan.
Toby : Hindi ba ako hinanap kuya? Anong sabi nung nalaman na lumipat ako ng apartment? (walang naisagot si Rafael) Sabi ko nga e, wala naman talagang pakialam sa akin si papa.

Mabilis na lumipas ang panahon. Masayang nagsasama sina Catheine at Martin dela Rhea. Si Rafael naman ay nag-iisa at malungkot na tinitingnan ang larawan ni Catherine. Alak ang kasama ni Rafael sa kanyang kabiguan. Naka-graduate na si Catherine, pero malamig pa rin ang pakikitungo sa kanya ni Lola Aura.

Bumalik mula America si Rafael at masaya siyang sinalubong ng kanyang mag-ina. Nakatingin si Catherine sa masayang pamilya nina Miguel at Scarlet. Niyaya ni Martin ang asawa na maki-join sa pagsalubong kay Miguel. Tila nakakaramdam ng pagka-inggit si Catherine sa nakikita - mahal na mahal ni Miguel ang anak kay Scarlet.

Sa board meeting ng kompanya, kasama si Miguel. Pagpasok ni Catherine ay agad na may ini-announce si Martin dela Rhea.
Martin : I have announced to this distinguished board members, that you Catherine Ramirez dela Rhea is the new senior vice president, effective today.
-Nabakasan ng pagkagulat si Miguel. Pumalakpak si Martin pero wala ni isa man sa board members ang natuwa. Maging ang secretary ni Martin na si Winnie ay hindi masaya sa sinabi ng boss. Nagpasok ang mga tauhan ng champagne. Tiim-bagang lang ang walang magawa na si Miguel.

Gabi, pinagmamasdan ni Catherine ang natutulog na asawa. Hindi makatulog si Catherine, naiisip ang mga pagbabagong nangyari sa buhay nya.
Catherine : Hindi ko inakalang magbabago nang ganito ang buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam nang nasa taas, nang may pera at kapangyarihan. Mas marami ka pang nagawa at naitulong sa akin kesa sa tatay ko. Mas pinaglalaban at minahamal mo ako kesa kay Miguel. Ibinangon mo ang pagkatao ko Martin. Sana tuloy-tuloy ang magagandang nangyayari sa buhay ko. Hindi man kita kayang mahalin, ipinapangako kong hindi kita sasaktan. Maraming salamat sa lahat Martin.

Dinalaw ng magkapatid na Miguel at Sofia ang ina nilang si Isadora.
Isadora : Ay naku Miguel! Ang dami dami kong kwento. Alam mo sa hacienda, ang dami daming problema ngayon. Hindi ko na nga matagalan eh. Biruin mo isang taon pala akong nabulok doon. Buti nga itong si Sofia nag boarding school, at least hindi siya nag-iisa dito. Kumusta na nga pala ang apo ko at si Scarlet?
Miguel : They're okay
Isadora : O minsan ha, dadalawin ko yung apo ko ha. Saka ikaw talaga, hindi mo sa akin sinasabi yung balae ko pala nagpakasal. (naapatingin si Miguel sa ina) Hindi man lang ako inimbita ha.
-Nagkatinginan ang magkapatid
Miguel : Nagpakasal sila sa Hong Kong e. Hindi nga yun alam ni Scarlet e.
Isadora : Ahh hindi nagpahuli sa byahe 'no? Sino daw yung babae?
-Hindi nakasagot si Miguel
Isadora : Ah syangapala may ipapakita ako sa inyo, yung bago kong laruan, taraaan! Ang ganda ano? - BARIL
-Tahimik lang si Sofia na nakikinig.
Miguel : (nagulat) Ma ano ba yan? What's that for?
Isadora : Baril. Protection ko. Eh kasi kadami daming nanghaharass sa akin eh, naniningil ng mga pautang. O at least protected ako di ba? Ganda ano?
- Naalala ni Isadora ang kaarawan ng bunsong anak
Isadora : O ito (Sofia), malapit na ang 18th birthday ha. Kailangan ngayon pa lang ino-organize na ang party.
Sofia : I don't wanna party Mom, gastos lang yun!
Isadora : Hoy tumigil ka nga no. Isa kang Castillejos, dapat nagpapaparty ka, di ba? Ahm kaya lang (lumapit kay Miguel) eh medyo atrasado yung singil sa asyenda eh. Ahm anak, ano kaya kung umutang ako sa balae ko.
- Inis na tiningnan ni Miguel ang ina.
Isadora : Ayusin mo ha!

Habang wala si Isadora ay nag-usap ang magkapatid
Sofia : Kuya bakit ayaw mong ipaalam na si Catherine ang napangasawa ni Sir Martin?
Miguel : Gulo lang yan
Sofia : How long can you keep a secret? Maliit lang naman ang mundo natin.
Miguel : HINDI KO ALAM! Ang dami ko nang iniisip na problema e. Kung manggugulo pa si Mommy at makikialam kay Catherine, hindi ko na alam baka sumabog na ako e. Hindi ko na alam ang gagawin ko e.
Sofia : Kuya, si Scarlet ba? (umiling si Miguel) Sa work? Don't be too hard on yourself. Crisis ngayon, everybody's business is in trouble.
Miguel : Yung hinahawakan kong business sa America. Boom business yun kesa dito. I don't see any reason kung bakit magfa-fail yun e. Pero parang nahihirapan ako e. Parang hindi ako makausad.
-Nilapitan at hinawakan ni Sofia ang kanyang kuya
Sofia : Pana panahon lang yan kuya. You can do it. I believe in you.
- Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala sa pag-uusap nila si Isadora.

Isang gabi. Nang dumating si Catherine ay sinabi ng katulong na may naghihintay na bisita sa kanya - nanay daw ni Miguel at nasa may pool ito naghihintay. Kinabahan si Catherine. Hindi kaagad nakita ni Catherine si Isadora. Mula sa likura ni Catherine ay lumabas si Isadora na nakatutok ang baril kay Catherine.
Isadora : Hello Catherine!
-Natakot si Catherine nang makita si Isadora
Isadora : Tingnan mo nga naman ang pagkakataon 'no. Para kang linta, ang hirap mong ipagpag. Mrs. Catherine dela Rhea ... Wow! Ang yaman ng pangalan at ang mga brilyante - ang lalaki! Mapera ka na ngayon ano? (nakatutok pa rin ang baril kay Catherine) Tingnan mo nga naman ... talagang sinuswerte ka. So, maano man lang bang balatuhan mo ako ng (nag-isip) ... puede ng 500,000.
Catherine : Manigas ka!
Isadora : Ikaw ang manigas Catherine. Alam ba ni Martin ang tungkol sa inyo ni Miguel?
- Natigilan si Catherine

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP