Tuesday, July 29, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 11

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Pagkabalik sa Maynila. Nag-usap sina Martin dela Rhea at Kate/Catherine
Kate : Martin
Martin : Di mo na kailangang magsalita. Nakikita ko naman sa mga mata mo e, natauhan ka na. Siguro nga nahihibang lang talaga ako na isipin ko na, puede maging tayo. Sabagay lahat naman kontra sa kasal natin e - ang anak ko, lola mo, pati na ang mga tao dito sa opisina. Sigurado akong pinagpipiyestahan nila 'to. Hindi kita masisisi kung nagbago na ang isip mo.
Kate : Hindi nagbago ang isip ko, pakakasal pa rin ako sa iyo.
Martin : Sigurado ka? (tumango si Kate) Hindi na kita pakakawalan Catherine. Okey lang ba sa iyo kung hindi engrande ang kasal natin?
Kate : Kahit anong gusto mo.
-Nagyakap sina Martin at Kate.

Sa Hong Kong ikinasal sina Martin dela Rhea at Catherine "Kate" Ramirez.

Pinuntahan ni Rafael si Catherine sa Dela Rhea Foods, Inc. (doon na rin yata nagtatrabaho si Louela)
Louela : Catherine may bisita ka.
Rafael : Catherine kumusta ka? (umupo sa tabi ni Catherine)
Catherine : Mabuti naman.
Rafael : Gusto sana kitang kausapin e. Meron akong gustong ibigay sa yo. (inilabas ang singsing) Para sa iyo ito. Catherine kung bibigyan mo ako ng chance magiging masaya ka sa akin.
- Ipinakita ni Catherine ang wedding ring na suot. Nagulat si Rafael
Catherine : (naluluha) Nagpakasal na kami ni Martin sa Hong Kong.

Umuwi sa Pilipinas sina Scarlet, Miguel at Maggie
Martin : Welcome home!
- Niyakap ni Martin ang anak na si Scarlet, hinalikan sa pisngi ang apo, at kinamayan ang manugang na si Miguel
Martin : Mabuti inabutan nyo kami. We were just about to go to a party.
Scarlet : So ... where is this woman?
Martin : She's upstairs pero bababa na rin yan in a while. Scarlet please, give her some respect. Her name is Kate.
Scarlet : Wow! Kate the lucky bride (in a tone na nang-uuyam)
-Pababa na ng hagdanan si Mrs. Kate dela Rhea
Martin : Here she is
-Ang laking gulat ni Miguel nang makita ang pababang si Kate
Martin : Kate, I'd like you to meet my daughter Scarlet
Kate : Hello Scarlet
-Hindi kumibo si Scarlet, plastic namang ngumiti si Catherine
Martin : Miguel my son in law
Miguel : We've met. (nakatingin sa asawa si Scarlet)
Martin : Really? When? How?
-Nawala ang ngiti ni Catherine, kinabahan sa isasagot ni Miguel
Miguel : When I called the office, sya yung nakasagot. So ikaw pala ang Kate na pinag-uusapan ng buong opisina.
Kate : Bakit? Imposible bang magpakasal si Martin sa isang katulad ko?
Scarlet : Kasal? Nagpakasal na kayo?
Martin : Ahm why don't I get us some drinks. Excuse ha
- Sinundan ni Scarlet ang ama. Masama ang tingin ni Miguel sa parang nang-aasar na nakangiting si Kate

Galit na kinausap ni Scarlet ang ama
Scarlet : Last week lang, inaayos nyo pa lang ang kasal na yan. Pinaplano nyo palang dalawa yang kasal na yan. And then pagbalik ko dito, kasal na kayong dalawa. Bakit nangyari yon? Bakit ka nya minamadali? Kasi natatakot sya baka biglang magbago ang isip mo ha? Di ba tama ako? Di ba tama ako papa?
Martin : Scarlet ako ang nagmamadali, hindi sya
Scarlet : Ahh! This is crazy Papa! PARANG ANAK MO NA LANG YANG BABAENG YAN!

Miguel : Pera lang ni Papa ang gusto mo. Hindi ka pa rin nagbabago, pera pa rin ang mahalaga sa yo. Mukha ka talagang pera! ___ gold digger!

Martin : Kung magsalita ka parang napakatanga ng tatay mo. Parang wala sa tamang pag-iisip.
Scarlet : Hah bakit hindi nga ba?
Martin : I maybe old, pero hindi kasingtanda ng iniisip mo. I'm stronger than most 20 year old.
Scarlet : Oo. At pati mag-isip ka para kang beynte anyos. Nakakadiri ka.
Martin : Nandidiri ka nakikita mo akong masaya?
Scarlet : Nandidiri ako na makikita kang PEPERAHAN LANG NG BABAENG YAN!

Kate : Natuto lang ako sa iyo. Ang bilis mo naman makalimot. Hindi ba't binili ka rin ng asawa mo? Para maisalba mo ang hacienda Amadesto? Kaya't huwag kang magmalinis, pareho lang tayo.

Martin : Huwag mo akong itulad kay Miguel. Hindi ko sya binili para pakasalan ako.
Scarlet : Don't feel sorry for me Papa. Mag-ama nga tayo, parehas lang tayong patheric losers (?).
Martin : Kung talagang tutol ka, wala akong magagawa. Now if you decide to go back to the States, hindi ko kayo pipigilan
Scarlet : No no Papa hindi. I might stay for good. Gusto kong makita kung gaano ka kasaya. KUNG GAANO kayo kasaya.
- Bumalik si Martin sa kinatatayuan nina Kate at Miguel. Inabutan ng wine si Kate
Kate : Sweetheart
Martin : This is for you
Miguel : Please excuse me

Nagkita sina Rafael at Catherine
Rafael : Catherine bakit mo ginawa sa akin to? Alam mo namang handa kitang pakasalan. Sana ako na lang ang pinili mo. Mahal kita Catherine!
Catherine : Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo.
Rafael : Ibig sabihin wala kang nararamdaman para sa akin? Papaano yung nangyari sa atin?
Catherine : (tumawa) Rafael ano ka ba? Wala yun, kalimutan mo na nga yun.
Rafael : Hindi ako naniniwalang wala kang nararamdaman para sa akin. Noong niyakap mo ako ng mahigpit, naramdaman ko na meron kang pagmamahal sa akin kahit na konti.
Catherine : Nagkakamali ka! Hindi na ako marunong magmahal ngayon. Patay na ang puso ko Rafael. Matagal nang patay. Pinatay yun ni Miguel. Pero si Martin, tinanggap nya ako kahit na alam nyang hindi ko sya mahal
Rafael : Kaya ko rin yon.
Catherine : Masasaktan ka lang. Ayokong gawin yun sa yo. Ano ka ba Rafael? Sa lahat ng tao sa mundong to, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, ikaw lang ang kaibigan ko. At kung gusto mo talagang ituloy ang relasyon na to, masisira ang lahat ng yon. Ayokong kamuhian mo ako balang araw. Naiintindihan mo ba yon? Ayokong mawala ka sa buhay ko dahil kaibigan kita.
-Nasasaktan na umalis si Rafael. Naluluha naman si Catherine.

Sa campus. Nalaman ni Sofia na may gusto ang kaibigang si Jenna kay Toby Torralba. Nang sabihin ni Sofia na gusto na niyang palayasin sa apartment si Toby, sinabi ni Jenna na kung gagawin iyon ni Sofia ay hindi na sila mag-bestfriend. May nakitang guy si Sofia na nag-gi-gitara, ayon kay Jenna iyon daw si Jonas - loner, weirdo. Kinilig si Sofia kasi iyon pala ang tipo niyang lalaki.

Pinuntahan ni Catherine ang kanyang lola Aura at kaibigang si Louela. Maraming dalang pasalubong si Catherine na galing Hong Kong. Hindi kinikibo ni lola Aura si Catherine, lumabas ang matanda.
Catherine : Alam mo Louela, ang sarap sarap ng pagkain doon sa Hong Kong. At saka alam mo, di ba minsan tumitingin tayo sa magazines, natandaan talaga kita. (inilabas ang mga pasalubong na damit para sa kaibigan) Natandaan ko di ba? Dati pinapangarap lang natin itong mga ganitong damit. Uso to, uso to sa Hong Kong. Talaga! bagay sa yo to o. Puede mong suotin
Louela : Catherine ano ba yang ginawa mo? Padalus dalos ka
Catherine : Louela naman huwag na tayong magsisihan. Ginusto ko to eh.

Sa kanilang silid mag-asawa. Napansin ni Catherine ang maraming alahas sa kama.
Martin : Alahas yan ng nasira kong asawa. Kesa naman mabulok lang yan sa cabinet, naisip ko mapakinabangan mo. Sa yo na lahat yan. (ipinakita ang laman ng hawak na jewelry box) Ito pa o.
-Namangha si Catherine sa nakitang napaka-eleganteng kwintas.
Martin : Nagustuhan mo ba?
Catherine : Ang ganda!
-Isinuot ni Martin sa asawa ang kwintas.
Catherine : Huwag na kaya tayong tumuloy sa Europe. Kasi gusto kong makapag-bonding kayo ni Scarlet.
Martin : Mag-aaway lang kami nun e.
Catherine : Okey lang yon. Tutal gusto ko rin silang makilala mabuti. Pamilya na rin naman tayo di ba? Salamat ulit.

Pinuntahan ulit ni Catherine ang lola
Catherine : Lola hindi naman ho ako mapalagay na sa mansion ako nakatira, habang kayo ni Louela ay dito.
Lola Aura : Bakit dahil mabaho dito? Kung mabaho dito, lalung nangangalingasaw ang amoy doon.
Catherine : Siyanga po pala lola, may party ho bukas. May salu-salo ang mga tauhan, gusto ko ho sana kayong maimbitahan. Sana pumunta kayo ni Louela.
Lola Aura : Alam ko naman ang motibo mo eh.
Catherine : Lola, tumatanaw lang po ako ng utang na loob kay Martin.
Lola Aura : Napakadakila mo naman. Kung hindi kita napigilan huwag mo akong gawing parte ng mga kalokohan mo.
Catherine : Lola, lola kailangan kita eh.
Lola Aura : Para may manuod sa mga drama mo. Alalahanin mo ito Catherine, kung anu't anuman ang kahihinatnan ng mga pinaggagawa mo, malugmok ka man at muling bumagsak - yan ay kasalanan mo.

Sa party. Tinanong ni Miguel ang asawa kung gusto nitong kumain. Sinabi ni Scarlet na ayaw niya at nasusuka siya sa itsura ni Catherine - na sabik na sabik daw sa kayamanan ng papa niya at kulang na lang daw ay isabit lahat ang alahas ng mommy niya.
Scarlet : Attention, attention please! I'm sorry ha, alam ko biglaan ito kaya lang hindi ko kasi mapigilan yong sarili ko na magsalita sa perfect moment na ito eh. Gusto ko lang malaman ninyong lahat na ang Daddy ko ang pinaka best na daddy sa buong mundo. For many years byudo ang papa ko at yung kumpanya ang naging buhay nya. Actually, masaya naman sya dati eh. Kaya nga hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang kumuha ng bato na ipupukpok niya sa ulo nya. Hahaha! (pinipigilan ni Miguel ang asawa sa "speech" nito) Kidding aside, I am truly hoping that my dad will spend may happy years with his new wife. Kate, please take care of my father or else, I'll kill you. Congratulations Papa, may you find what you looking for. Congratulations Kate, JACKPOT. You just won the lotto.

Kinabukasan nagkasalubong sa hagdanan sina Kate at Scarlet - pababa si Kate, paakyat si Scarlet
Scarlet : So, how does it feel to be rich and pampered ha?
Kate : Ayokong makipag-away sa iyo Scarlet. Pabayaan mo na kami ni Martin.
- Nilampasan ni Kate si Scarlet, pero sinundan siya ng step daughter
Scarlet : At para ano? Para mahuthutan mo nang pera ang daddy ko? Hindi ako papayag nun, dahil isa ka lang parasite!
Kate : Hindi ba’t pareho lang tayo? Pareho lang tayong nakikinabang sa pera ni Martin.
Scarlet : Anak ako, dugo’t laman.
Kate : Anak ka lang! Asawa nya ako. Lahat ng pag-aari ni Martin, pag-aari ko na ngayon.
-Pagdaan ni Catherine sa harapan ni Scarlet ay hinawakan siya nito sa braso
Kate : Huwag mo akong susubukan! Kagabi pa ako nagtitimpi sa iyo ha!
Scarlet : Masakit? Bakit hindi ba totoo? You’re just a gold digger in red!
- Sasampalin sana ni Scarlet si Kate, pero nahawakan siya ni Kate at itinulak - sa sofa bumagsak si Scarlet
Scarlet : DAMN YOU!
Kate : Same to you, ANAK! Same to you
- Umalis si Kate at naiwan ang nagpupuyos sa galit na si Scarlet

Pumunta muli si Kate sa bahay ng lola Aura niya. May dala siyang groceries. Wala si lola Aura, ayon kay Louela ay nagkakawanggawa ang matanda sa kasamahan nilang iniwan ng asawa. Itinanong ni Catherine kung galit pa ang lola niya sa kanya, sabi naman ni Louela na hindi daw niya masabi basta ayaw lang nito pag-usapan si Catherine. Alam ni Catherine na galit pa sa kanya ang lola niya. Nagkwentuhan sila sa naging "engkwentro" ni Catherine kay Scarlet. Sinabi ni Louela na mabuti na lang daw at nilabanan ni Catherine si Scarlet para habang maaga ay alam niyang hindi siya uubra.
Catherine : Pero alam mo hindi talaga ako sanay eh. Pakiramdam ko ang sama sama ko. Nakokonsensya nga ako eh.
Louela : Alam mo tama lang iyon. Aba! May amnesia ka ba? Isipin mo yung mga nangyari sa yo noon. Ngayon ang pagkakataon mo para rumesbak.
Catherine : Louela hindi ako sanay manakit ng tao.
Louela : Eh dapat magsanay ka na. Dapat nga matuto kang mag boxing. Kasi sa mundong pinasok mo, kailangan marunong kang lumaban kung hindi ikaw ang mana knock-out.

Nagsumbong si Scarlet kay Miguel sa pagtulak sa kanya ni Kate. Sinabi ni Miguel na si Scarlet daw ang nag-umpisa. Nagbanta si Scarlet na marami pa ang susunod at hindi niya titigilan ang madrasta, isusumbong daw niya ito sa daddy niya. Nakakasiguro si Scarlet na hindi kukunsintihin ng daddy niya si Kate. Tinanong nito si Miguel kung saan pupunta.
Miguel : Magkikita kami ni Rafael. Nasasakal na ako sa bahay na to e.

Catherine : Isipin mo na lang na nagpapaka santa ako, pero ayoko naman talaga ng away.
Louela : Eh hindi ko naman sinabing maghuramentado ka doon. Ang sinasabi ko lang, hwag kang papaapi. Iba na ang babae ngayon, pag hindi ka marunong lumaban - wala kang dating, wala kang appeal, hindi ka in. Eh kamusta naman pala yung honeymoon nyo? Hihihi!
Catherine : Louela tumigil ka nga! Ano ka ba?
Louela : Sige na magkwento ka naman, hindi ako mag-i-imagine, promise!
Catherine : Louela sira ulo ka talaga
Louela : Kj mo naman. Basta pag ako nag-honeymoon, tanungin mo ako ha. Ikikukwento ko sa yo lahat. Pero pag nag-honeymoon ako gusto ko yong may buhok!
Catherine : Hoy! Tumigil ka nga!
-Nagkatawanan ang magkaibigan
Louela : Eh sandali, ano ba ang sasabihin mo kay Sir Martin? Sasabihin mo ba na nag-away kayo ni Scarlet?
- hindi nakasagot si Catherinne

Nagsumbong din sa papa niya si Scarlet, pero hindi masyadong naniniwala si Martin sa anak niya. Dumating si Catherine. Hinamon ni Scarlet si Catherine na harapin daw sila at ngayon ilabas ang tapang niya. Pina-akyat ni Martin ang asawa at sinabing mag-uusap sila. Ngitngit na ngitngit si Scarlet nang maiwan siyang mag-isa.

Si Miguel ay naglalabas ng mga saloobin sa kaibigang si Rafael. Natotorete na raw si Miguel sa bahay nila dahil sa palaging pag-aaway nina Catherine at Scarlet. Sinabi ni Rafael na pauwiin na lang ni Miguel si Scarlet sa Amerika kasi mahirap ang ganung sitwasyon. Ayun kay Miguel na matagal na raw gustong palayasin ni Scarlet si Catherine, pero ibang iba na ngayon si Catherine kasi palaban na ito - malayong malayo daw sa dati na parang maamong tupa. Sinabi ni Rafael na pag dumaraan daw ang panahon, ang tao ay nagbabago.
Miguel : Sabagay malaki nga ang ipinagbago ng itsura ni Catherine.
Rafael : Don't tell me attracted ka pa sa kanya?
Miguel : Hindi no. Wala yun. If I were, wala rin namang mangyayari. Isipin ko lang na madrasta ko sya, nangingilabot na ako.
Rafael : Asawa mo na si Scarlet. Si Catherine matagal na yun. Just move on.
Miguel : It's easy for you to say. Hindi kasi ikaw ang humaharap kay Scarlet e and you were never involved with Catherine.
- Walang nasabi si Rafael

Sa silid nina Catherine at Martin. Sinabi ni Catherine na hindi na niya masikmura ang pang-i-insulto sa kanya ni Scarlet. Alam daw niyang hindi na niya dapat pinatulan si Scarlet kaya lang siguro daw nai-insecure lang siya. Sinabi ni Martin na bakit naman siya mai-insecure , legal wife naman siya. Sinabi ni Catherine na dahil daw tinawag siyang gold digger ni Scarlet, at iyon ang tingin ng lahat ng tao sa kanya. Ayaw daw niyang magpa-apekto pero naaapektuhan rin sya, ayon kay Catherine - ang gusto lang naman daw niya ay makita ng mga tao ang karapatan niya bilang asawa ni Martin dela Rhea. Humingi ng sorry si Martin dahil hindi daw niya alam na iyon ang nararamdaman ng asawa nya, at pagpasensyahan na lang daw ang anak niyang spoiled brat.

Nang bumaba si Catherine sa hagdanan, ay nandun si Miguel
Miguel: Sinaktan mo daw si Scarlet?
Catherine: Nagsumbong na pala sya sa iyo. Sa kay Martin. Ibang klase talaga ang asawa mo ano? Ano iyon duwag? Hindi niya ako maharap?
Miguel: Huwag ka nang manggulo.
Catherine: Ako nanggugulo? Itong asawa mo ang nagmamaldita, sunod nang sunod, gusto akong awayin. Nananahimik ako, wala akong ginagawang masama.
Miguel: MERON! Dahil dumating ka sa buhay ko, lahat gumulo! Nananahimik na kaming dalawang mag-asawa. Pwede ba Catherine, matagal na tayong tapos.
Catherine: Ang kapal din talaga nang mukha mo no? Akala mo ang mundo umiikot lang sa iyo? Kung magsalita ka parang nagkakandarapa ako sa iyo. Kinamumuhian kita!
Miguel: Patas na tayo, dahil sinira mo ang buhay ko! Alam mo kung anong klaseng tao ka? Isa kang manloloko, sinungaling, gahaman na tao, ganun ka! Sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari sa ating dalawa, nandidiri ako sa sarili ko. Sana hindi nalang kita nakilala. Sana hindi ka nalang nabuhay!
-Umakyat na si Miguel.

Catherine: Ikaw ang sumira sa buhay ko Miguel. Ikaw at si Isadora ang sumira nang pagkatao ko. Akala ko kaya kong kalimutan ang lahat. Akala ko kaya kong magpatawad, hindi pala. Hindi na ako yung batang kaya nyong apak-apakan. Marunong na akong lumaban, hindi ko lang kayo aatrasan! Sisiguraduhin kong mararamdaman nyo ang lahat nang hirap at pasakit na pinagdaanan ko. Pangako yan.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP