Friday, July 25, 2008

Iisa Pa Lamang - Episode 10

Super love ko si Gabby Concepcion kaya habang nanunood ay sinusulat ko rin ang napapanuod kong eksena para puede kong balik-balikan at paulit-ulit kiligin (haaay gabbylicious talaga! hahaha)

Martin : God, you’re so beautiful! Alam mo, akala ko tuluyan ka nang nagalit sa akin dahil sa condo issue. Baka kako tuluyan ka nang nadismaya sa akin. But I can't help it, you're the only reason why I go to work everyday. Ikaw na lang ang nagpapasaya sa buhay ko Kate. Alam ko, I might lose you dahil sa sasabihin ko, but I just want to be honest. And I'm too old to play games. (may dinukot sa bulsa) MAHAL KITA KATE! (Inilabas ang singsing) WILL YOU MARRY ME KATE?

Ang pagpapatuloy

Martin : Sa buhay, kahit gaano ka-imposible I never give up without trying. Matanda na ako baka nga nakakaasiwa nang isipin pero hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko. Mahal kita Kate! Kailangan kong subukan, baka sakali.
Kate : Martin
Martin : Huwag mo akong tatanggihan Kate please, pag-isipan mo man lang. Hindi ako masamang tao. Pangako aalagaan kita na mabuti. Mamahalin kita habang buhay. Please don't say no Kate. Kung kailangan kong magmakaawa gagawin ko.
Kate : Wala kang dapat gawin. Hindi mo kailangang magmakaawa.
Martin : Ibig mong sabihin I have a chance?
Kate : Hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang alam ko lang, ikaw ang kauna kaunahang lalaki na nagbigay sa akin ng importansya. Pinag-aral mo ako, binangon mo ako, binigyan mo ako ng bagong pag-asa sa buhay. Hindi ko kayong kayang mahalin sa paraan na gusto ninyo ngayon ... pero puede namang mabago ang lahat eh ... natutunan ang pagmamahal (naiiyak) , kaya kong matutunan. Susubukan ko.
- Nagyakap sila, lumuluha si Kate/Catherine.

Nang sinabi ni Catherine sa Lola Aura niya ang pagtatapat ni Martin
Lola Aura : Anong kahibangan ito Catherine?
Catherine : Lola hindi ho kahibangan ito. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Martin.
Lola Aura : Hindi kita maintindihan. SOBRA KA NAMANG TUMANAW NG UTANG NA LOOB. Aba! Naiahon ka lang sa kahirapan ng boss mo, pero hindi ibig sabihin nun lahat ng gusto nya kailangan mong sundin.
Catherine : Lola patawarin nyo ho ako pero nakapagdesisyon na po ako, magpapakasal kami ni Sir Martin
Lola Aura : Aba! Sarili mo ang sinasakripisyo mo!

Kinausap ni Lola Aura si Rafael
Lola Aura : Pasensya ka na Rafael, kung pati ikaw naaabala. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa apo ko.
Rafael : E baka naman talaga nagkakagusto na siya kay Sir Martin.
Lola Aura : Ay naku! Kung iyan ang totoo mas matatanggap ko pa, pero hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Catherine. Ayoko namang mag-isip na masama tungkol sa kanya, pero hindi ko matatanggap kung dahil lang sa pera ang hinahabol nya. Kung may magagawa lang sana ako, hindi ko hahayaang sirain ni Catherine ang buhay niya sa pangalawang pagkakataon. Rafael, pigilan mo sya! Kung talagang nagmamalasakit ka sa kanya, pigilan mo sya.

Isinasagawa ang preparasyon para sa kasal nina Martin dela Rhea at Catherine Ramirez.

Pumunta sa isang bar sina Catherine at Louela, nag-iinom si Catherine
Louela : Catherine bakit ba tayo nandito? Birthday mo ba? Anong okasyon?
Catherine : Isipin mo na lang na bridal shower ko.
Louela : BRIDAL SHOWER? Dadalawa tayo eh, baka bridal wisik.
Catherine : Alam mo nakakatawa ka talaga Louela
Louela : Catherine sabihin mo nga sa akin, masaya ka ba talaga o nagsasaya-sayahan ka lang?
Catherine : Tingnan mo ako ngayon, successful ako - lahat 'to dahil kay Martin. Kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya eh di wala ako dito. Napakaswerte ko talaga! Malapit na malapit na Louela ... magiging Mrs. dela Rhea na ako.
Louela : Tama na yan! (kinukuha ang baso kay Catherine)
Catherine : Ano ba?
Louela : Tama na yan Catheriiiinnneeee!
Catherine : Kailan ka pa ba natutong maging corny? Alam mo sumayaw tayo, tara!
Louela : Hindi tama na yan! Hindi mo na kaya eh
-Tumayo si Catherine, at nagsimulang magsayaw. May dalawang lalaki na nakipagsayaw sa lasing na si Catherine. Pinapatigil ni Louela si Catherine at sinabi sa mga lalaking hindi ito sasayaw. Pero nagpipilit ang mga lalaking isayaw si Catherine. Pumasok si Rafael sa bar at nakita niya ang kaguluhan. Tinawag ni Rafael si Catherine, pero sabi ng mga lalaki ay huwag daw makialam si Rafael. Nagkaroon ng suntukan, napatakbo ni Rafael ang mga lalaki. Inaalalayan naman ni Louela na makaupo ang lasing na lasing na kaibigan, nakatulog sa table si Catherine. Binuhat ni Rafael si Catherine.

Nagulat si Catherine nang magising sa kama, may katabi siyang white roses. Nakita nya ang mga shopping bags na nakalagay sa kama, may lamang mga damit pambabae. Lumabas si Catherine ng kwarto (kakilala siguro ni Rafael si Eli Roxas hihihi! kasi iyon ang resort ni Eli sa Maging Sino Ka Man). May nakitang lalaki nakatalikod si Catherine sa may dalampasigan
Catherine : Excuse me! (lumapit si Catherine sa lalaki) Excuse me mama (nagulat ito ng humarap ang lalaki - si Rafael)
Rafael : Oy! Good morning Catherine!
Catherine : Rafael?!
Rafael : Kumusta ang tulog mo? Haaah okey dito ano? Sariwa ang hangin
Catherine : Anong ginagawa natin dito? Papaano akong nakapunta dito?
Rafael : Relax, relax!
Catherine : Bakit tayo nandito?
- Tila gustong gusto ni Rafael ang sariwang hangin sa resort. Natataranta naman si Catherine
Catherine : Kailangan ko nang umalis. Ano ba? Bakit tayo nandito?
Rafael : Kailangan mong umalis?
Catherine : Meron akong business trip papuntang Hong Kong ngayon, ano ba?
Rafael : Hong Kong. May business trip ka o magpapakasal kayo? (natahimik si Catherine) Sinabi na sa akin ni Louela, alam na rin ni Lola. Catherine kaya ka nandirito para isipin mo ng isandaang beses ang gagawin mo bago mo gagawin.
Catherine : Naloloko ka na ba? Naloloko na ba kayo? Kidnapping tong ginagawa mo eh.
Rafael : I don't think so. Si Lola Aura ang nagpakana nito, napag-utusan lang ako.

Pumunta si Martin dela Rhea sa bahay nina Catherine. Malamig ang pakikitungo ng lola ni Catherine kay Mr. dela Rhea
Martin : Kanina pa ho ako tumatawag sa cellphone nya, out of reach. Nasaan ho ba si Catherine?
Lola Aura : Nasa probinsya may inaasikaso.
Martin : Tungkol ho saan?
Lola Aura : Personal Mr. dela Rhea
Martin : Hindi ho sya nagpa-alam sa akin tungko dyan
Lola Aura : Magpaalam? Hindi mo pa asawa si Catherine, gusto mo nang angkinin lahat ang buong buhay nya. Mr. dela Rhea, alam ko malaki ang utang na loob namin sa inyo - libreng paaral, magandang trabaho. Pero sana naman huwag nyong bilhin si Catherine.

Galit na si Catherine kay Rafael
Catherine : Ano bang kalokohan 'to Rafael? Kailangan ko nang makauwi ngayon din! Papaano tayong uuwi?
Rafael : Papaano? Ganito yan - sasakay tayo ng bangka, tutuloy sa pier, tapos sasakay tayo ng boat dalawang oras.
Catherine : Ilabas mo na yang bangka na yan, bilis na!
Rafael : E naka-schedule ang pagdating ng bangka (e di ba maraming bangka diyan si Eli? LOL)
Catherine : Eh kailan nga?
Rafael : Mga isang linggo pa
Catherine : ANO? ISANG LINGGO! Rafael hindi ako puedeng mawala ng isang linggo, hahanapin ako ni Martin
Rafael : Hayaan mo na sya.

Martin : Malinis po ang intensyon ko kay Catherine
Lola Aura : Parang anak mo na lang sya
Martin : Mahal ko po sya
Lola Aura : Huwag mong ipilit, kung ayaw mong gumulo ang buhay nating lahat.

Rafael : Catherine this is for your own good.
Catherine : Puede ba tigilan nyo na nga ako dyan sa "for my own good", nasa wastong edad na ako. Alam ko kung ano ang dapat para sa akin, at nakapagdesisyon na ako.
- Galit na pumasok sa bahay si Catherine

Sa campus, nag-aasaran na naman sina Sofia at Toby. (Ay naku! Nakakasawa na ang eksena nila, pampadagdag lang, wala namang sense)

Nilapitan ni Rafael si Catherine na nasa dalampasigan, may katabing bag at tila naghihintay ng masasakyan
Rafael : Catherine, are you okay?
-Humarap si Catherine kay Rafael. Hindi napigilan ni Rafael ang sarili, akmang hahalikan niya si Catherine, umiwas ang dalaga (Kung ako, hindi ako iiwas hahaha!)
Catherine : (mahinahon) Kasalanan mo lahat ito. Iuwi mo na ako

Sa Los Angeles, California - tinawagan ni Scarlet ang ama sa telepono
Scarlet : Oh common Papa, kung hindi pa tumawag sa akin si Tita Winnie hindi ko malalaman ang nangyayari dyan. Sino itong binilhan mo ng condo?
Martin : Please Scarlet, huwag kang sumabay ang dami kong problema
Scarlet : Ang sabihin mo sa akin you're just too busy dahil ikakasal ka na. Mabuti na lang at merong malasakit sa akin si Tita Winnie. My God papa buong opisina ni Miguel kalat na kalat ang balita, kami pa ang huling makakaalam?
Martin : I'm sorry ayokong makipagtalo. I'll call you later.
- Pumasok si Scarlet sa loob ng bahay matapos nilang mag-usap mag-ama.
Scarlet : Miguel hindi ako makapaniwala sa gagawin ni papa. After all these years ngayon pa niya naisipang magpakasal. Sigurado ako kung sino man ang babaeng iyon, pera lang ang habol niya sa papa ko.
Miguel : Hindi naman siguro. Malay natin baka sincere naman talaga ang babae. Tsaka guapo pa din naman ang tatay mo a, he doesn't look his age besides he deserves to be happy too, you know?
Scarlet : I know that Miguel, pero sinong babae na 26 years old na magpapakasal sa 57 year old man? For love? Oh common Miguel, I'm sure gold digger yang babaeng yan.
Miguel : Matalinong tao ang papa mo. Hindi naman sya kukuha ng gold digger.
Scarlet : Ang matatalinong tao, bobo pagdating sa pag-ibig!

Masama ang panahon, parang may bagyo. Hinatiran ni Rafael ng pagkain sa kwarto si Catherine. Pero hindi pinagbuksan ni Catherine ng pintuan si Rafael. Namatay ang ilaw.
Rafael : Catherine teka muna ha. Naubusan yata ng gasolina ang generator.
- Lumabas si Catherine kasi nag-alala ito para kay Rafael, dahil kahit masama ang panahon ay umalis ito para ayusin ang generator.
Catherine : Rafael!
Rafael : Babalik ako kaagad, aayusin ko ang generator.
Catherine : Ano ba ang ginagawa mo? Ang lakas ng ulan. Bumabagyo
Rafael : Sandali lang ito
Catherine : Sira ulo ka talaga!
-Sinundan ni Catherine si Rafael, at pareho silang nabasa ng ulan. Nang nasa loob na sila ng bahay
Rafael : Huwag mo syang pakasalan Catherine. Mahal kita! Alam kong kahit mabait si Sir Martin, kaya kong maging mas mabait. Kung responsable sya, kaya kong maging mas responsable. Mas kaya kitang mahalin Catherine, ibibigay ko sa iyo ang lahat. Kahit noong araw pa, mahal na kita. Ikaw lang ang minahal ko, wala nang iba. Kaya ko pang maghintay, magtitiis ako. Kahit na masakit, ibigin mo lang ako.
Catherine : (luhaan) Nangako na ako kay Martin.
Rafael : May panahon ka pa para magbago ng isip. You deserve to be happy. Ako ang magpapaligaya sa iyo.
- Hawak ni Rafael sa mukha si Catherine at pinahid ang luha ng dalaga. Umalis ang umiiyak na si Catherine - pumasok sa kwarto.

Lumabas si Catherine ng kwarto para kumuha ng tubig. Napansin niya ang natutulog sa sofa na si Rafael, tila giniginaw ang binatang abogado. Nilapitan ito ni Catherine at nalaman niyang nilalagnat si Rafael.

Pinunasan ni Catherine ang nasa kamang si Rafael - pinainom ng gamot, binibigyan ng pagkain at niyayakap para maibsan ang ginaw na nararamdaman nito. Alalang alala si Catherine kay Rafael. Natutulog sila na magkayakap. Nagising si Rafael, hinaplos haplos nito ang babaeng kayakap na natutulog. Nagising si Catherine nang maramdaman ang banayad na mga haplos sa kanya ni Rafael. Hinalikan ni Rafael sa labi si Catherine, at gumanti rin ng halik ang dalaga. Nagtalik sina Rafael at Catherine (tanggal ang lagnat ni Rafael hahaha!)

Kinabukasan, naguguluhan na naglakad-lakad sa beach si Catherine.
Catherine : Ang sabi mo kaya mong maghintay at magtiis Rafael. Hindi ko masasabi kung kailan, pero alam ko hindi ngayon. Kung may naramdaman man ako sa nangyari sa atin, pilit kong kakalimutan yun. Hindi na ako naniniwala sa pag-ibig Rafael. Hindi totoong pagmamahal lang ang nakakapag-paligaya sa isang tao. Pareho tayo Rafael, kaya nating maghintay at magtiis para sa mga taong mahalaga sa atin. Mahalaga ka sa akin Rafael. Kaya kong saktan ang sarili ko, pero hindi kita kayang saktan.
-Nilapitan ni Rafael si Catherine
Rafael : Catherine
Catherine : Nakiki-usap ako sa iyo. Kung talagang nagmamalasakit ka sa akin at totoong mahal mo ako, papakawalan mo ako.

0 comments:

All images and videos that appear on this site are copyright of their respective owners and Missing Pinas claims no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact us and they will be promptly removed.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP